The Second Mrs. Guillermo (Chapter 18)

LIHIM na lamang na naipanalangin ni Elysse na sana ay may kakayahan siyang mag-teleport nang mga oras ding iyon.

Hindi niya sukat akalain nang dahil sa kanyang pagkakamali ay matutuklasan ni Carson ang pinakatatago niyang lihim. At higit sa lahat ng tao ay si Carson pa talaga ang unang nakatuklas.

“A-anak ko si Andres. A-ano’ng sinasabi mo?” pagmamaang-maangan pa niya na para bang mahuhulog pa roon ang lalaki.

Pakiramdam ni Elysse ay pinagpawisan siya nang malamig. Tuluyan na rin siyang nawalan ng ganang kumain.

Halos mag-isang linya naman ang mga kilay ng lalaki sa kanyang itinuran.

“Inakala ko rin na anak mo si Andres. Ang sabi mo pa, nabutis ka ng boyfriend mo noon sa college at nang malaman niya ang sitwasyon mo, tinaguan ka na niya,” pagpapaalala nito.

Naalala nga niya na iyon ang kanyang kuwento nang unang beses pa lamang makita ni Carson si Andres at sanggol pa lamang.

Pakiramdam ni Elysse ay susumpungin siya ng kanyang migraine dahil sa pamimilit nito ng totoo at kailangan niyang makaisip ng ibang idadahilan.

“Gusto ko nang umuwi, Carson.” Pagkasabi niyon ay nagtuluy-tuloy na siya sa paglabas ng restaurant.

But when they got to the parking lot, Carson firmly grabbed her arm, which she immediately took back because Elysse felt a little electric voltage from the contact of their skins.

“Bakit hindi mo masabi kung sino ang totoong magulang ni Andres? All this time hinayaan mong magkaroon ka ng maagang responsibilidad na hindi talaga dapat para sa ’yo.” May nabasa siyang awa at panghihinayang sa mga mata ni Carson.

Hinarap niya ito. “Hindi ko itinuturing na resposibilidad si Andres. Mahal ko siya bilang anak dahil anak ko siya,” mariin niyang tugon.

Tila naman natauhan ito sa sinabi. “S-sorry. I didn’t mean to offend you.”

Naibaling ni Elysse ang paningin sa mga dumadaang by passers. Bahagya na ring nagdidilim at nagsisimula nang dumami ang mga taong pauwi na sa kani-kanilang mga bahay. Hindi sinasadyang napadapo ang kanyang mga mata sa mga high school students na pulos mga babae and from that, an idea popped into her mind.

Muli niyang hinarap si Carson. “Nangako ako sa kanya na dadalhin ko hanggang kamatayan ang totoong pagkatao ni Andres,” tukoy niya sa ina ng anak. “Pero dahil alam kong hindi mo ako titigilan, sasabihin ko na sa ’yo. Anak si Andres ng isa kong college classmate. Ako lang ang nakakaalam ng ipinagbubuntis niya at ako lang din ang mapagkakatiwalaan niya. Kaya noong humingi siya sa akin ng tulong ay hindi ako nag-alinlangang tulungan siya.”

“Pero bakit kailangan niyang ipamigay ang bata?”

“Dahil…” Bumuntong hininga siya. “Dahil may nobyo na siya at nakatakda na silang ikasal. Sobra niyang mahal ang boyfriend niya at natatakot siyang maaring mawala ang lahat sa kanya oras na malaman ng boyfriend niyang nagkaanak na siya sa ibang lalaki.”

Nakita niya ang biglang pagtatagis ng mga bagang ni Carson. “She doesn’t deserve Andres kung mas mahalaga pa sa kanya ang boyfriend niya.”

Hindi na siya nagbigay pa ng komento upang hindi na nila pag-usapan pa iyon. “Puwede bang umuwi na tayo? Sumakit bigla ang ulo ko.”

Tumango naman ito saka tumalikod sa kanya. Nagsisakay na rin sila sa kani-kanilang mga sasakyan. Nakahinga naman siya nang maluwag nang dahil doon.

Pakiramdam ni Elysse ay tumakbo siya nang ilang kilometro dahil sa naging pag-uusap nila ng binata. Inakala rin niyang hindi na siya makakaisip ng ibang maidadahilan sa totoong pagkatao ni Andres.

Tiningnan niya ang kotse ni Carson sa side mirror ng kanyang kotse. Gaya niya ay paalis na rin ito mula sa parking area ng restaurant.

 

MULA sa bukas na laptop ay lumipad ang mga mata ni Elysse sa nakabukas na pinto ng kanyang silid opisina. Ang una niyang nakita ay ang isang bungkos ng red American Roses. Ilang segundo niyang hinintay kung sino ang may hawak niyon.

Mayamaya pa ay sumulpot ang bulto ni Marian. Ang best friend niya for five years. Impit silang napatili kasabay ng pag-ahon niya mula sa kinauupuan. Kapwa nila sinalubong ang isa’t isa ng mahigpit na yakap.

Makalipas ng ilang segundong pagyayakapan ay excited niyang hinarap ang kaibigan. “So, how’s the newlywed?”

Maarteng tumirik ang mga mata nito saka impit na napatili. “Heto, may jet lag pa. Kaloka! Cultured Shock ako sa Canada. Ang inday mo—” Itinuro nito ang sarili. “Pagbaba pa lang ng airplane, nangatog agad-agad ang tuhod sa lamig. Hindi ko alam na winter season nila ang sasalubong sa amin.”

Halos isang buwan kasi itong nawala at gaya niya ay naka-file din ito ng leave para sa honeymoon ng asawa.

“G*ga! Hindi ka ba muna nag-research bago nagpunta roon para at least, may idea ka sa dadatnan niyo roon?” aniya na sinundan ng tawa ang sinabi.

“Alam ko namang malamig sa Canada lalo na ngayon na winter season. Pero jusme, day! Hindi ko naman alam na paglabas namin ng eroplano eh, papasok naman kami sa mundo ng freezer!”

Tawang-tawa siya sa klase ng pagkukuwento ng kaibigan sa naranasan nito. Isa pa ay na-miss niya ito nang sobra.

“Siya nga pala. Oh,” saad nito kasabay ng pag-aabot ng mga bulaklak sa kanya.

Malapad siyang napangiti kasabay ng pagkuha sa mga bulaklak. “Hala! May pa-flowers ka pa talaga. Ito lang ba ang pasalubong mo sa ’kin?” umakto siyang naghahanap pa ng ibang maaring dala nito.

“Lahat ng pasalubong ko, nasa bag ko pa. Hindi naman galing sa ’kin ’yang bulaklak na iyan.” Mapanuring tumitig sa kanya si Marian. “May nagbibigay na ng bulaklak sa ’yo. And take note, not just only a simple and cheap flower, mamahalin pang bulaklak. So, who’s the guy?”

Nagulat siya sa sinabi nitong hindi rito nanggaling ang mga bulaklak. “Sigurado ka? Hindi sa ’yo?”

Pinandilatan siya nito ng mga mata na para bang isa siyang engot na ikinatawa naman niya agad. “Bakit naman kita bibilhan ng ganyan kamahal na bulaklak? Hello? Eh, sa presyo ng bulaklak na iyan, dalawang serve na ng caviar sa Canada ang mao-order ko niyan. Mukhang may malaking isdang gustong bumingwit sa kaibigan ko, ah. Sino ba ’yan?”

Muli na naman siyang natawa sa reaksyon at sa sinabi ni Marian. “Isda na pala ang bumibingwit sa mangisngisda,” biro niya. “Sana sinilip mo na sa card kung sino ang nagpadala.”

Naglakad ito patungo sa upuang kaharap ng kanyang mesa. Siya naman ay inilapag ang mga bulaklak sa ibabaw ng kanyang mesa saka umupo sa sariling swivel chair. Sa tantiya niya ay bumibilang ang piraso ng bulaklak sa isang daan at nakapagtatakang may magbibigay sa kanya niyon.

“Mas gusto kong marinig mula sa ’yo kung sino ang manliligaw mo.”

Mahina siyang natawa subalit kunot ang noo habang hinahanap ang card ng bulaklak. “Wala naman akong manliligaw.” Lalong nadagdagan ang pagsasalubong ng kanyang mga kilay nang walang matagpuang card. “Wala namang card. Saan mo ba ito nakuha?”

“Pagpasok ko sa lobby kanina narinig ko sa reception ang pangalan mo. Tapos napansin ko ang isang delivery boy na may hawak na ganyan.” Inginuso ng bibig nito ang bulaklak. “Inusisa ko tapos nalaman kong para sa ’yo kaya ako na lang ang nag-receive dahil papunta naman ako sa ’yo.”

“Walang sinabi sa ’yo ’yong delivery boy kung kanino galing?”

Umiling si Marian. “Wala. Hindi ko naman tinanong kasi ikaw nga ang balak kong tanungin.” Tiningnan siya nito na tila nang-uusig. “Playing innocent ka, girl?”

“Hoy! Hindi, ha. Promise, hindi ko talaga alam kung kanino galing ’yan.” Itinaas pa niya sa kanan ang palad.

“Ano ’yan? Parang text, wrong sent? Itsoserang ’to!” Muling umirap ng nakamamatay ang kaibigan sa kanya.

“Diyan ka na nga! Mamaya na natin ituloy ang kuwentuhan sa lunch break.”

Paalis na ito nang may maalala siya. “Pasalubong ko, ha.”

Sumenyas lamang ito ng okay saka tuluyan nang lumabas ng kanyang opisina.

Muli naman niyang pinagmasdan ang magaganda at malalaking bulaklak. Sa buong buhay niya ay ngayon lamang siya nakatanggap ng ganoon kamahal na bulaklak. Nakatutuwang pagmasdan ng mga iyon dahil nga bawat isa ay malalalaki.

Kumilos siya upang kumuha ng vase na pagsisidlan niyon. Saka na lamang niya iisipin kung kanino nanggaling iyon pero it really makes her day brighten. Kailangan na niyang bumalik sa trabaho.

Saktong nakatapos na siya sa paglilipat ng mga bulaklak nang tumunog ang ring tone ng kanyang call notification. Her heart begun to beat fast when she saw the Carson’s name on the caller id.

 


Discover more from Quattro Tagalog Online Stories

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

The Second Mrs. Guillermo (Chapter 18)

•───────•°•❀•°•───────

AUTHOR'S NOTE

•───────•°•❀•°•───────

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.