The Second Mrs. Guillermo (Chapter 19)

MAKAILANG beses munang humugot ng hangin si Elysse bago siya nagdesisyong sagutin ang pagtawag ni Carson sa kanyang cellphone. Hindi siya nagsalita at hinayaan na ito ang maunang magsalita.

“Hi,” narinig niyang bati nito mula sa kabilang linya.

Marinig lamang ni Elysse ang boses nito’y lalo siyang nakararamdam ng kaba. Naging ganoon na siya mula nang gabing may mangyari sa kanila.

“H-hello.”

“Have you already received the flowers?”

Her eyes automatically flew to the red roses. Kung gayun ay ito pala ang nagpadala ng mga mamahaling bulaklak.

Napahugot siya ng hangin. “Yes. W-why? Bakit ka nagpadala ng mga b-bulaklak?” she nervously asked.

“Ely, hindi pa rin ako susuko na mapapayag kitang magpakasal sa akin.”

Napapikit siya nang mariin. ‘Heto na naman tayo!’

Tumikhim si Elysse. “Thank you for the flowers pero sana hindi ka na nag-abala pa.”

“Bakit? Hindi mo ba sila nagustuhan?”

Huminga siya nang malalim saka inipon ang lahat ng lakas ng loob. Tatapatin na niya si Carson na hindi puwede ang gusto nitong mangyari.

“Ang totoo, I like them so much. Sobrang gaganda nila pero you don’t have to make this effort, Carson. My decision about your proposal won’t gonna be changed. Hindi sapat na dahilan ang nangyari sa atin para magpakasal. Let’s just forget what happened and moved on. I’m fine with it and surely, you’ll gonna be fine with it too.”

Natahimik ito sa kabilang linya na ikinakunot ng kanyang noo. “Carson? Are you still there?” Then, she suddenly heard an end-call tone.

Binabaan na pala siya ng binata ng telepono. But deep inside her heart, she was so disappointed. She wants to be with him not only because somewhere in her heart wants it too but because it will be also a way to find out what happened to her sister from Celestine.

Subalit malaking sampal sa kanya ang katotohang gagamitin lamang niya si Carson doon.

 

SA MGA sumunod na araw ay panay pa rin ang pagpapadala ni Carson ng mga bulaklak at halos mapuno na ang opisina ni Elysse dahil doon. Nangangamoy bulaklak na rin ang buong paligid.

“Flower shop ba ito o opisina?” bungad ni Marian pagpasok sa kanyang silid dala ang isang folder.

Natatawang umiling nang bahagya si Elysse sa biro ng kaibigan. Nagkibit balikat na lamang siya.

“Alam mo, lalo akong naintriga d’yan sa manliligaw mo. Sino ba kasi ’yan? Hindi mo pa rin kasi sinasabi sa ’kin kung sino ’yan.” Lumapit ito sa kanya saka iniumang ang sariling tainga palapit sa gawi niya na ikinatawa naman ng dalaga. “Sige na, baby girl. Ibulong mo na sa akin ang tsika.”

Tuloy ay mahina niya itong nahampas sa balikat kasabay rin ng mahinang tawa. “Ang tsismosa mo!”

Bigla naman itong tumayo saka itinukod ang mga kamay sa magkabilaang balakang. “Alam mo, nanggigigil na ko sa ’yong babae ka. Masyado kang pa-showbiz. Magkaka-anxiety na ako sa kakaisip kung sino ’yang manliligaw mo. Sasabihin mo ba sa akin ang pangalan niya o sasakalin kita hanggang sa magsalita ka?” banta nito sa kanya bagama’t batid niyang isa lamang iyong biro.

Siya naman ay hindi na napigilan ang mapahagalpak sa nakikitang frustration sa mukha ni Marian. Ngunit mayamaya ay sumeryoso ang mukha nito.

“Hindi nga, friend. Nakaka-sense kasi ako na may something na mali kung bakit hindi mo masabi kung sino ’yong guy. Tama ba ako?”

Naging seryoso na rin siya sa sinabi nito. Kaibigan niya talaga si Marian kilalang-kilala na siya nito.

“Si Carson ang nagpapadala ng mga bulaklak,” tipid niyang tugon dito.

Kaagad namang rumehistro ang pagtataka sa mukha ng kaibigan. “Carson? Sinong Carson? Saan siya nagtatrabaho? Anong trabaho niya? I’m sure, hindi rito sa company natin ’yan dahil malalaman ko agad.”

“Carson Guillermo.”

Marian’s eyes widened exaggeratedly. “Bayaw mo?” Marahan siyang tumango. “Bakit? Paanong nangyari? I mean, kamamatay lang ng ate mo.”

“May nangyari sa amin,” aniya habang hindi makatingin ng tuwid sa kaibigan.

Kaagad na bumaha ang awa sa mukha ng kaibigan para sa kanya. Batid kasi ni Marian ang pagkagusto niya sa lalaki mga bata pa lamang sila subalit pinili niyang itago nang napakahabang panahon.

“Napakalaki ng pagkakamaling iyon pero gusto pa ni Carson pakasalan ako,” dugtong pa niya.

“Hay, girl. Gusto kong sabihin sa ’yo na kung ano ang gusto ng puso mo, sundin mo pero hindi puwede, eh. Talagang hindi puwede. Una, kamamatay lang ng ate mo. Pero siguro, kung dadaan ang ilang taon ay baka puwede na. Pangalawa, kapatid mo ang ex-wife niya. Kakayanin ba ng konsensya mo? Magiging masaya ka nga ba talaga? At ang pinakahuli— pag-uusapan ka ng buong mundo dahil d’yan sa oras na pumayag ka sa gusto ni Carson. Kakayanin mo rin ba iyon? Let me remind you, my dear friend. Hindi kung sino lang si Carson, Ely.”

 

MATULING lumipas ang mga araw at buwan, naging abala si Elysse sa nalalapit na fashion show sa buwang iyon. Naging abala siya sa preparasyon at paggawa ng kanyang summer dress collection. Sa mga ganoong pagkakataon ay hindi talaga maiwasang magkaroon ng aberya. Naroong biglaang nagkasakit ang isa niyang model kaya napilitan pa siyang maghanap ng ibang talent.

Madalas ay hindi na niya nakakasama ang anak bago matulog at late na siya nakakauwi. Mabuti na lamang ay nariyan si Manang Zenny at ang pamangkin nito upang mag-asikaso kay Andres at sa bahay.

Madalas din siyang nalilipasan ng gutom sa sobrang busy. Si Carson naman ay bihira na ring magparamdam mula nang huli silang mag-usap. Kung minsan ay nakatatanggap siya ng mensaheng pangangamusta mula rito subalit madalas ay hindi na niya nasasagot pa. Ang alam din niya ay nakabalik na ito sa trabaho.

Para kay Elysse ay bumubuti na muli ang takbo ng buhay niya. Unti-unti na kasi niyang natatanggap na wala na ang nag-iisang kapatid. Ngunit nasa kanya pa rin ang isiping dapat may gawin siya kay Celestine at nakakalungkot isipin na hanggang ngayon ay wala pa rin siyang naiisip na ibang paraan upang mabunyag ang katotohanan sa pagkamatay ng kanyang kapatid. She knew that Celestine wouldn’t tell the truth and will only deny it if she confront her.

“Nasaan si Bianca?” tanong niya sa assistant na si Diane nang mapansing ang sampu niyang modelo ay kulang ng isa.

“Ay, ate! Hindi pala nakapasok dahil sinumpong daw ng dysmenorrhea,” sagot naman nito.

Lihim siyang napamura. Bukas na ang show and up to the last minute ay may nawawala pang isang model.

Umupo siya sa isang monoblock saka pinunasan ng mga palad ang sariling pawis sa kanyang mukha. Sobrang stressed na talaga niya at tingin ni Elysse ay matatapos lamang iyon kapag natapos na rin ang event.

Hindi naman niya namalayan ang paglapit ni Marian sa kanya. Kinalabit siya nito na agad naman niyang ikinalingon.

“Ayos ka lang ba? Heto tubig at cheese buger, kumain ka muna. Namumutla ka na, eh.”

Napatingin siya sa hawak nitong bottled water. Iyon lang ang tinanggap niya mula rito. “Salamat,” aniya saka binuksan iyon at uminom. Napangalahati niya iyon.

Muling iniumang ni Marian ang burger sa kanya. “Kunin mo rin itong burger. Hindi ka sumabay sa ’kin kanina mag-lunch kaya alam kong hindi ka pa kumakain.”

Umiling siya. “Wala pa kong ganang kumain. Baka makalimutan ko lang sa bag iyan, sayang lang. Ikaw na lang kumain niyan.”

Matiim siyang tinitigan ng kaibigan. “Kunin mo lang ito. Kapag nagutom ka, kainin mo. Uuwi na rin ako.” Inilapag nito sa kanyang kandungan ang burger saka umalis.

Sinulyapan niya ang relong pambisig. Alas-otso na pala ng gabi. Tinawag niya si Diane upang sabihing maari na silang umuwi. Ayaw naman niyang pagurin masyado ang mga modelo sa huling gabi ng practice. Isa pa ay patindi na nang patindi ang nararamdaman niyang sakit ng ulo. Iyon na yata ang bunga ng kanyang pagpupuyat nang ilang linggo.

Sa huli ay napagdesisyunan niyang huwag na munang sumakay sa sariling kotse. Sa lagay ni Elysse ngayon ay hindi talaga niya kakayanin ang magmaneho. Isa pang kanyang inaalala ay baka abutan pa siya ng traffic sa daan.

Nang makarating siya sa bahay ay tulog na ang anak maging sina Manang Zenny. Ngunit nag-iwan naman ang matanda ng kanyang makakain. Nang kanyang tingnan ang ulam ay sinigang na hipon iyon. Kumain siya kahit paano pagkatapos initin ang pagkain.

Kinabukasan, naganap at natapos nang maayos ang kanyang entry para sa summer fashion show sa araw na iyon. Ngunit sa araw ding iyon ay hindi na niya nakayanan ang mga nararamdaman kaya umuwi siya nang maaga. Hindi na rin siya sumali pa sa simpleng party na inihanda ng company para sa kanila. Sobrang pagod din siya na tila siya isang battery na nasaid sa maghapong trabaho.

She immediately lay down on the mattress in her room when she got home. Matutulog lamang siya ng sapat at siguradong bubuti rin ang kanyang pakiramdam.

 


Discover more from Quattro Tagalog Online Stories

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

The Second Mrs. Guillermo (Chapter 19)

•───────•°•❀•°•───────

AUTHOR'S NOTE

•───────•°•❀•°•───────

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.