NAGISING si Elysse nang dahil sa tunong ng tubig na nagmumula sa banyo. Marahan siyang umupo sa kama at nang makita niya ang mga hinubad na damit sa ibabaw ng upuan ay nabatid ni Elysse na si Carson ang nasa loob ngayon ng banyo.
Biglang nagbukas ang pinto ng banyo at nagtama agad ang kanilang mga paningin. Nakatapis lamang ito ng tuwalya. Agad siyang nagpigil ng sariling tunguhin pa ng mga mata ang bandang ibaba ng katawan nito.
She smile weakly at him. “Kararating mo lang?”
Nahuli niya ang pag-iwas nito ng tingin saka naglakad sa walk-in closet.
Nagtaka siya sa inakto nito. May problema ba?
Hindi siya gumalaw sa kama at hinintay ang paglabas ni Carson mula sa closet.
“Kumain ka na ba ng dinner?” she asked when he came out.
Nakasuot na ito ng sandong puti at itim na boxer short. Ang maliit na tuwalya ay nasa ulo nito na nagsisilbing pamunas sa buhok na basa pa.
“Hindi pa pero ako na lang ang bahala. You should get back to sleep. Don’t mind me.”
“Y-you sure?” tanong niya kahit nag-aalangan na siyang itanong pa iyon. Para kasing may problema nga si Carson base sa boses nito. Ni, hindi rin siya tinatapunan ng tingin.
“Yeah,” he said and left their room.
She didn’t do anything and found herself looking at the door that just closed.
‘Ano kayang problema ng lalaking iyon?’ pagmamaktol niya sa sarili.
Muli siyang humiga sa kama saka nagtalukbong ng kumot. “Bahala siya sa buhay niya!”
KINABUKASAN, kahit masama ang pakiramdam ni Elysse dahil sa morning sickness ng kanyang pagbubuntis ay pinilit pa rin niyang kumilos. Hindi siya puwedeng lumiban na naman sa trabaho dahil naiipon at dumadami ang kanyang pending at siguradong mahihirapan na ang sekretarya niyang alalayan siya.
Her gaze flew to the bed and realized that Carson did not sleep last night in their room. Sumama na naman ang loob niya nang maalala ang pag-iwas ni Carson sa kanya.
‘Tse! Hindi kita pakasalan d’yan, eh!’ himutok niya ngunit hinamig pa rin ni Elysse ang sarili.
Hindi dapat siya magpadalus-dalos at magbago ng desisyon. Alang-alang sa hustisya para sa kanyang kapatid ay titiisin niya.
Inayos niya ang sarili at maagang bumaba. Plano niyang ihatid sa school si Andres bago pumasok sa trabaho.
Pero hindi niya inaasahang maaabutan pa si Carson sa almusal. Naabutan niyang masayang nag-uusap sina Andres at Carson. Nakita rin niya sa dulo ng mesa ang malaking laruan na kanyon. Iyon ang laruang matagal nang inuungot ni Andres sa kanya pero dahil masyadong mahal ang presyo niyon ay hindi niya mapagbigyan ang anak.
Hindi tuloy mawari ni Elysse kung magdaramdam pa ba siya kay Carson dahil sa nakikitang tuwa sa mukha ng kanyang anak na ang dahilan ng tuwa nito ay si Carson. In the end, she chose to smile and forgive Carson for what he did to her last night. Hindi niya na dapat isaalang-alang ang sariling damdamin kung para naman sa mga taong mahal niya ang ginagawa. Lumapit siya sa mesa nang nakangiti.
“Mommy! Mommy! See the new toy that dad gave me.” Andres is very proud of his new gift.
Siya naman ay umaktong nasorpresa. “Talaga? Wow! Did you already say thank you?”
Sunud-sunod ang pagtango nito. “And I hugged him.”
She heard Carson giggle.
Tumayo si Carson upang ipaghila siya ng upuan at hindi niya inaasahan iyon. Nagpasalamat siya na ginantihan naman nito ng pagpisil sa kanyang palad.
Nagulat man siya sa inakto nito ay hindi na lamang siya kumibo. Ano at tila nag-iba na naman ang mood nito? Malambing na naman sa kanya at parang hindi nangyaring iniwasan siya kagabi.
“Finish your food, Andres. Ihahatid ka namin ng mommy mo sa school,” deklara ni Carson na ikinatingin niya rito.
“Yehey!”
“Baka ma-late ka sa trabaho,” aniya. “Ako na lang ang maghahatid sa kanya sa school.”
“Mom, gusto ko rin pong dalawa kayo ni Daddy maghatid sa ’kin sa school.”
“Hindi ako male-late. Ayos lang sa ’kin. Gusto ko ring ihatid ka sa trabaho,” sabi ni Carson na hindi pa rin nawawala ang ngiti.
“S-sige,” sagot na lamang niya upang hindi humaba ang usapan.Mukha rin namang hindi magpapapigil ang lakaki.
Habang nasa biyahe ay hindi mapakali si Elysse. Hindi sila nag-uusap ni Carson pero panay naman ang kausap nito kay Andres. Tahimik lamang siyang nakaupo sa passenger’s seat sa kanan ni Carson habang nasa likod naman nila si Andres.
“Mom, first time lang po nangyaring dalawa kayo ni daddy ang maghahatid sa ’kin sa school,” biglang saad ni Andres sa kanya.
Napangiti si Elysse sa sinabi ng anak niyang iyon. Ngayon lamang niya ito nakitang masayang-masaya. Sayang at hindi niya kayang ibigay nang mag-isa ang sayang iyon kay Andres.
Nang alisin niya ang tingin sa anak ay hindi sinasadyang napatingin siya sa mga mata ni Carson. He was looking at her too. Para bang may damdaming sumasalamin doon habang nakatitig sa kanya at hindi niya mapangalanan kung ano iyon. Ang alam lamang niya ay ang eratikong pagtibok ng kanyang puso nang mga oras ding iyon.
“Is it bad or good?” Carson asked Andres while staring at her.
Ito naman ang hinarap ng kanyang anak na nagpahugot sa kanya ng hangin. Sa wakas ay naialis din ni Elysse ang mga mata sa mukha ng lalaki. Bakit kaya ganoon ito makatitig sa kanya?
“It’s good and I’m happy po. Dad, do you believe that I already saw you in my dreams?”
“Really? Kailan? Am I handsome in your dreams?”
“Opo. You were driving like this din po. Parang ganito rin po. Kasama rin si mommy.”
“Ah, am I handsome there?”
Narinig niyang mahinang pagtawa ng kanyang anak sa pag-ulit ni Carson sa tanong.
“Opo. Pero mas pogi pa rin po ako.”
Doon na siya napahagikgik. Sa pagtawa niyang iyon ay muling nagtama ang mga mata nila ni Carson. Kagaya niya ay may malawak din itong ngiti. And her heart felt there was a warm touch when she saw his smile.
“Sana palagi pong ganito.”
“Puwede naman. Okay, from now on, kami na ng mommy mo ang palaging maghahatid sa ’yo sa school bago kami pumasok sa work.”
Habang naririnig niya ang anak na masayang napapapalakpak ay siya naman itong inaatake ng kaba. Ibig lamang kasing sabihin niyon ay araw-araw na silang magkasama ni Carson sa paghatid sa bata sa school kaya mas lalong mapapadalas rin ang pagsasama nilang dalawa.
“Pero parang hindi sang-ayon ang mommy mo sa sinabi ko,” biglang sabi ni Carson habang bahagya pang nangingiti.
Kaagad namang humarap sa kanya ang anak na ikinabigla niya at napilitang ngumiti sa anak.
“Mom?”
She slowly shook her head to Andres. “Hindi, anak. That’s fine for me. O-okay lang na kami ng dad mo ang araw-araw na maghahatid sa ’yo sa school.”
Nang sa mga oras na iyon ay tila nais niyang hampasin sa likod si Carson dahil sa biglang paglalagay nito sa kanya sa isang hot seat. Humanda lang ito mamaya sa kanya paghatid nila kay Andres.
When they finally dropped Andres to his school, Carson started the conversation between them.
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.





