The Second Mrs. Guillermo (Chapter 35)

“ARE you mad at me?” tanong ni Carson kay Elysse pagkababa ni Andres ng kotse.

Hindi siya nakasagot agad dahil hinuli nito ang kanyang palad. She wanted to pull her hand from him but she can’t. Paano? Eh, napakasarap ng init na hatid ng palad nito sa kanyang balat. Para pa ngang nanunuot sa kanyang kalamnan ang init niyon.

“Tungkol ba ito kagabi?” muling tanong nito habang nakatitig sa kanya.

Kung ganoon ay batid pala ni Carson na naapektuhan siya sa inakto nito kagabi. She took her gaze from him and looked to the children that walks into their room. Sana hindi na lang nito binanggit ang tungkol doon. Okay na sana, eh. Nawala na sa isip niya iyon.

“Ely, look. I’m sorry—”

“Umalis na tayo rito. Baka mahuli tayo sa trabaho.”

Ilang segundong natahimik si Carson. She heard him take a deep sigh and then start the engine. Habang nasa biyahe ay kapwa sila tahimik. Pero bago siya bumaba mula sa kotse nito ay muling hinuli ni Carson ang palad niya.

“Wait a second,” pigil nito sa pagbaba niya.

Nilingon ni Elysse si Carson at nahuhulaan naman niya ang dahilan ng pagpigil nito sa kanyang pagbaba. Pinilit niyang ngumiti kahit may sama pa rin siya ng loob.

“Ayos lang ako. Hindi ang sagot ko sa tanong mo kanina. Bakit naman ako magagalit sa ’yo?”

“Kasi iniwasan kita kagabi and I slept in my office room instead of in our room beside you.”

Tama ba ang nakikita niya ngayon? Nag-aalala sa kanya si Carson. ‘Oh, sure! Dala mo mga anak niya. Bakit hindi mag-aalala sa ’yo?’

Mas pinag-igi niya ang pagngiti kahit nakangangalay. “Ayos lang sa ’kin kahit saan mo gustong matulog.” Marahan niyang binawi ang braso rito. “I know my limits, Carson. Wala akong karapatang magalit o kuwestiyunin kung ano ang gusto mong gawin. Hindi ako magagalit kung saang lupalop ka pa matulog o sino pa ang kasama mo—”

In a second, Carson’s lips already landed on her lips. Marahan at tila makatunaw buto ang halik na kanilang pinagsaluhan. Sapo ni Carson ang kanyang mukha habang siya ay napahawak sa magkabilaang braso nito.

Nang maghiwalay ang kanilang mga labi ay kapwa sila naghahabol ng hininga.

“You were very transparent to your feeling since we are child, Ely. And I know what was running to your beautiful damn mind at hindi ko nagugustuhan iyon.”

‘Ako? Transparent? Pero bakit hindi mo nakikitang gusto kita mga bata pa lamang tayo?’

Sa sobrang lapit ng kanilang mga mukha ay nalalanghap niya ang mabangong hininga ni Carson na humahalo sa pabangong gamit nito at nag-iinit siya dahil doon.

“Please. Bear this on your mind, honey. Hindi ako gagawa ng bagay o magbibigay ng dahilan ng selos mo. You wanna know why? ’Cause I don’t feel right when you are not around. Last night, I did not get a good sleep because you were not beside me. Hindi ko naaamoy ang bango mo at hindi ko nahahawakan ang balat mo. Napuyat ako.” Nakita ni Elysse na sincere si Carson habang sinasabi ang mga salitang iyon.

Napangisi siya. “Ano ba kasi ang pumasok sa kukote mo at doon ka nag-stay sa office mo?”

Ngunit bago nito sinagot ang tanong niya ay muli siyang hinalikan ni Carson at pakiramdam niya ay namumula na siya sa ginagawa nito sa kanya.

“Nag-aalala ako na baka makaapekto sa mga anak natin ang gabi-gabing pagsisiping kaya nagtiis akong mag-isa sa opisina ko sa baba ng bahay.”

Pagkasabi niyon ay doon na siya binitiwan ni Carson. Doon na rin siya nakahinga nang maayos maliban sa puso niyang parang lalabas na sa kanyang dibdib sa lakas ng pagtibok niyon.

Kaya naman pala hindi tumabi sa kanya ang lalaki ay dahil nag-aalala ito para sa kalagayan niya. Kinilig naman siya.

“Naiintindihan ko na. Hayaan mo na. Sa susunod na sa iba ka matulog, alam ko na,” sabi niya na natatawa.

Alanganin namang ngumiti si Carson sa kanya. “Hindi ko alam kung mauulit pa ’yon. Torture sa ’kin ’yon.”

Napahagikgik siya sa sinabi nito at bago pa man humaba ang usapan nila ay nagpaalam na siyang papasok na sa loob.

“You should resign now or at least file a maternity leave. Hindi na bagay sa iyo ang magtrabaho. I can provide everything, you know,” himutok nito na ikinailing niya.

“Ayoko,” aniya.

“Hays… Okay. Pero… kung sakaling magbago ang isip mo, don’t hesitate to tell me, okay?”

She nodded. “Okay.”

“Kiss ko?”

She rolled her eyes. Daming demands nito bago siya bumaba ng kotse, ha. Pero ibinigay pa rin niya. Ang plano niyang smack kiss ay hindi nangyari dahil kinabig ni Carson ang kanyang ulo kaya naman nagtagal pang lalo ang paglalapat ng kanilang mga labi.

She hit his chest when their lips parted. “Male-late na talaga tayo nito sa ginagawa mo. Palibhasa, ikaw ang amo sa inyo,” saway niya rito pero kulang sa seryoso ang mukha niya. Siguradong namumula na siya sa mga oras na iyon.

But Carson did not let her arms go. He was grinning sheepishly. “Let’s have dinner later. Si manang na lang muna ang bahalang magsundo kay Andres,” Carson said.

Upang makaalis na siya nang tuluyan ay agad na lamang siyang tumango sa sinabi nito.

“Oo, sige na! Bababa na ako. Umalis ka na.”

Narinig pa niya ang mahinang pagtawa nito dahil sa kanyang reaksyon. Nang malapit na siya sa mismong entrance ng building na pinapasukan ay muli siya nitong tinawag.

“Ely!”

Lumingon siya saka huminto sa paghakbang. “Bakit?” she mouthed.

“I think I already l…”

Napakunot ang kanyang noo dahil hindi na niya narinig pa ang ibang sinasabi ni Carson dahil sa biglang pagbusina nang malakas ng isang kotseng nasa likuran ng kotse ni Carson.

“Ano?” she almost shouted again.

Sinubukang muli ni Carson ang magsalita subalit sadyang natatakpan iyon sa pandinig ni Elysse ng tunog ng busina ng isang kotse.

Bilang tugon ay umiling-iling siya sa lalaki senyales na hindi pa rin niya ito nauunawaan.

Nakita naman niya ang frustration sa mukha ni Carson. Nilingong bigla ng lalaki ang nasa likuran. “Ano ba?! Sandali!” Narinig pa niya ang pagmumura nito. Parang nais tuloy niyang matawa dahil doon.

“I’ll tell you na lang sa dinner date natin.” Pagkasabi niyon ay kumindat pa ito at nag-flying kiss saka pinaandar ang kotse.

Muli na naman siyang natawa habang pigil ang kilig sa ginawa nito. ‘Cute!’

Wala na siyang nagawa pa kundi sundan na lamang ng tingin ang papalayong sasakyan nito.

Magaan at masayang tinungo ni Elysse ang sariling opisina. Kahit ganoon ang kanyang pakiramdam ay laman pa rin ng kanyang isipan kung ano ang nais sabihin ni Carson sa kanya. Muli niyang binalikan sa isip ang narinig mula rito.

‘I think I alread l…’

She slowly shook her head. ‘Ano naman kaya iyon?’

Mayamaya pa ay nakatanggap din siya ng text mula kay Carson nang siya ay nakarating na sa sariling opisina. Lalong umalpas ang kanyang ngiti nang mabasa iyon.

Can’t wait to see you again, gorgeous!

Sa sobrang kilig na kanyang nararamdaman ay hindi na niya napigilang pumikit at takpan ang bibig upang pigilan pa iyon sa mas lalong paglawak ng kanyang ngiti. Pakiramdam niya ay mapupunit na ang kanyang labi sa sobrang kilig. Ano nga kaya ang sasabihin ni Carson sa kanya? At para saan ang date nilang iyon?

 


Discover more from Quattro Tagalog Online Stories

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

The Second Mrs. Guillermo (Chapter 35)

•───────•°•❀•°•───────

AUTHOR'S NOTE

•───────•°•❀•°•───────

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.