MULA sa malalim na pagkakahimbing ay nagising si Carson. Nagising siya sa biglang paggalaw ng kama. And when he have his right mind, he heard Elysse’s puking sound. He immediately rose from the bed and run to the toilet where Elysse is.
Elysse is on her knees on the tiles while her head is on the top of the bowl. Nilapitan niya ito saka hinagod ang likod.
Binalot ng pag-aalala ang puso niya sa nakikitang paghihirap kay Elysse. Kaya naman tumayo siya upang tunguhin ang silid ni Manang Zenny. Kumatok siya nang ilang beses at hindi naman nagtagal ay iniluwa niyon ang matanda. Mukhang tulog pa ito nang kumatok siya.
“Manang, si Ely po nagsusuka. Namumutla na rin po. Pakihanda niyo po ang mga gamit ni Elysse. I’ll bring her to the hospital,” nagpa-panic niyang sabi sa matanda. Hindi na niya ito hinintay pang magtanong.
Hindi talaga niya mapapatawad ang sarili kapag may nangyaring masama kay Elysse at sa mga anak niya.
‘F*ck your itchy d*ck!’ mura niya sa sarili dahil sa naisip.
Aalis na sana siya sa harapan ni Manang Zenny nang pigilin naman siya nito. “Teka, hijo. Kumalma ka nga muna.”
Napatingin siya rito. “H-hindi po maganda ang lagay ni Ely.” Sa pagkakaalala kay Ely ay napamura siya. “Oh, sh*t! Baka matumba si Ely sa banyo, manang.” Pagkasabi niyon ay napatakbo siya pabalik sa silid nila ng dalaga.
Pero nasa kama na si Elysse. Malalim ang paghinga nito at namumutla pa rin. Nilapitan niya ito. Hinaplos niya ang noo ni Elysse na basa dahil sa pawis.
“I’ll bring you to the hos—”
“N-no need. I-I’m fine.”
“Pero namumutla ka pa rin. Are you sure?”
Marahan itong tumango. “Yeah. Mayamaya lang, ayos na rin ako.”
Matiim niyang tinitigan si Elysse na nakapikit na ang mga mata. Punung-puno pa rin ng pag-aalala ang kanyang puso. Isang ideya ang pumasok sa isip niya. Tatawagan niya na lang ang Ob-gyne ni Elysse para magpunta sa tahanan nila.
Katok sa pinto ang nagpaputol ng iniisip ni Carson. Nang lingunin niya ang pinto’y si Manang Zenny ang pumasok. Nasa kamay nito ang isang tray na naglalaman ng isang tasa ng tsaa.”
“Heto ang ginger tea. Ipainom mo ito kay Elysse para bumuti ang pakiramdam niya,” utos sa kanya nito na sinunod naman niya.
Inalalayan niyang makaupo si Elysse upang makainom ito nang maayos.
Mayamaya pa’y muling nakatulog si Elysse dahil nakabuti rito ang ginger tea na ibinigay ni manang. Nagpasya na rin siyang iwan muna ito para makabawi ng lakas. Paglulutuan niya na lamang ito ng almusal. Siya na rin ang maghahatid kay Andres sa school.
Pagbaba niya sa kusina ay naroon si Manang Zenny. Nilapitan niya ito saka nagtimpla ng kape.
“Manang, bakit po gano’n si Elysse? Talaga po bang hindi na namin dapat tawagan ang Ob-gyne niya?”
Napapangiting humarap sa kanya si Manang Zenny. Abala ito ngayon sa pagsasaing.
“Carson, normal ang nakikita mo kay Elysse. Kasama sa pagbubuntis niya ’yan kaya wala kang dapat na ipag-alala.”
Sandali siyang napaisip. Sa sitwasyon ni Elysse ay napagtanto niyang napakaraming bagay pala siyang hindi alam. Now, he has to learn about pregnancy. He wants to help her at least when her morning sickness hits her again.
“Ano po bang— uhmm… I mean, paano po ako makakatulong sa sitwasyon ni Elysse lalo kapag inaatake po siya ng pagsusuka?”
“Himasin mo nang marahan ang likod niya. Bigyan mo rin siya ng tubig o kaya kagaya ng ibinigay kong ginger tea sa kanya. Pero may tamang sukat ang paggawa ng ginger tea. Bawal ang sobra sa kanya.”
“Araw-araw po ba siyang ganyan?”
“Sa pagkakaalam ko, oo. Kapag nangyayari iyon, palagi akong wala para alalayan siya. Kaya ang ginagawa ko na lang ay lagi kong sinisigurong may lamang tubig ang pitsel niyo sa kuwarto. Pero hindi malamig, ha.”
Napaisip si Carson. Kaya pala hindi nawawalan ng pitsel at baso sa ibabaw ng maliit na mesa sa kanilang kuwarto ay dahil nakalaan pala iyon kay Elysse.
Dinala niya sa kuwarto ang itinimplang kape saka dinampot ang phone na nakapatong lang din sa tabi ng lamp shade. Tulog pa rin si Elysse kaya tahimik na lamang siyang umupo sa nag-iisang upuan doon.
Kinalikot niya ang phone at inalam ang mga nangyayari sa isang babaeng buntis. Makalipas ng ilang detalyeng kanyang nabasa ay nakaramdam siya ng awa kay Elysse. He wasn’t aware that Elysse is fighting her own battle alone. Without him beside her. Napakalaki niyang t*nga.
Malamang din ay naghihirap din ito sa trabaho kapag doon ito inaatake ng pangangasim ng sikmura. Nabasa niya rin kasi na kahit anong oras ay maaring makaramdam ng pangangasim ng sikmura ang isang babaeng buntis ngunit, mas madalas sa madaling araw o umaga.
Ang ganoong sitwasyon ni Elysse ay tumatagal daw ng tatlong buwan ang paglilihi at may isang buwan pa itong titiisin. Kaya isang hakbang ang kanyang ginawa.
Nagtungo siya sa call app ng kanyang phone saka tinawagan ang numero ni Richard. Ilang ring lang ang narinig niya bago ito sumagot.
“Yes, boss. Good morning,” bungad nito.
Sa background nito ay dinig niya ang mahinang pag-ungol ng babae. Napailing siya. Mukhang nasa kalagitnan pa ng bakbakan ang mga ito.
“I want you to call the company that Elysse working for. Tell them that she’s filing a two months vacation leave.”
“Bakit ako? I mean, bakit hindi si Elysse?” Muli ay narinig niya ang pag-ungol ng babae sa kabilang linya.
F*ck his friend! Hindi ba nito kayang patahimikin ang babaeng kasiping kahit sandali?
“Hindi ko na kailangang sabihin sa kanya ’yan dahil alam kong hindi siya papayag. And at her situation, she cannot work right now. Madalas siyang magsuka at mahilo.”
“Okay.”
“And one more thing, cancel and rescheduled all my appointments for the whole month.” Pagkasabi niyon ay pinatay na niya ang tawag.
Pagkatapos ng ginawang tawag ay nagpasya na siyang maligo. He was planning to prepare breakfast for Elysse before bringing Andres to his school. Balak din niyang magtungo sa Ob-gyne ni Elysse pagkatapos ihatid si Andres.
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.






2 Responses
Sana all Ng lalaki Anjan pag naglilihi ka at buntis at aalalayan ka Ng panahon hahaha kaso dahil pera is life work is lifer hahahaha at magtiis na kayanin na Ikaw lang mag Isa hahaha
Sana all na lang🤣🤭