NANIGAS si Elysse sa kinatatayuan niya nang marinig ang sinabi ni Carson. Subalit magugulat pa ba siya? Kahit naman anong gawing tago nila’y malalaman pa rin naman ng buong mundo ang tungkol sa kanila.
“That’s the reason why I have to get back to Manila yesterday,” pagpapatuloy ni Carson sa sinabi. “Siniguro naman namin na walang makakapasok na paparazzi but it seems that there is someone who got through.”
“’Cause I know it will only bother you. Ayaw ko nang makadagdag pa sa stress mo ang nangyari.”
Seryoso siyang humarap kay Carson. “Inaasahan ko na mangyayari ito. Kaya hayaan mo na ako.”
“Are you sure?”
“Yeah.” Ngunit ang totoo’y natatakot siya. Ngunit may maitutulong ba sa kanya kung hahayaan niyang pairalin ang takot? “Nand’yan na ’yan kaya haharapin ko na lang.”
“Ely, natin. Pareho natin silang haharapin. Always remember that I will protect you. You and Andres.” Sinapo nito ang kanyang mukha dahilan upang siya ay mapapikit at damhin ang init na nasa palad nito. “Hindi ko hahayaang may masamang mangyari sa inyo.”
Ang mga salitang iyon mula kay Carson ay pinanghawakan ni Elysse kaya kahit paano’y nabawasan ang takot niya sa mga nangyayari.
KAHIT na nalaman ni Elysse ang problema ay hindi pa rin siya natinag sa kagustuhang bumalik na ng Maynila. Para sa kanya, wala siyang dapat na ikatakot o pagtaguan. Hindi naman din mabubura ng kanyang pagtatago ang katotohanang ikinasal na siya sa dating asawa ng yumao niyang kapatid.
Paglapag ng helicopter ay agad na may sumalubong sa kanilang isang matangkad na lalaki at medyo may kalakihan ang katawan. Naka-suot ito ng wayfarer kaya hindi niya masyadong makita ang mukha nito.
“Hon, siya ang magiging bodyguard at driver mo. He will take you to our house. May kailangan lang akong gawin dito sa opisina bago umuwi,” sabi ni Carson sa kanya. “Francis, please take good care of my family.”
Pagkasabi niyon ay binalingan naman siya ni Carson upang halikan sa labi. Mabilis lamang iyon. Nabasa rin nito sa kanyang mukha na may mga bagay siyang gustong malaman. Nais niyang itanong dito na kailangan pa ba talaga na kumuha ito ng bodyguard para sa kanilang mag-ina? Subalit, hindi na nag-abala si Carson na usisain siya sa balak sabihin.
Mula sa kanya ay si Andres naman ang binalingan nito. “Ikaw na ang bahala kay mommy, ha?”
Nakangiting tumatango ang bata. “Aye ay, sir!” saludo naman nito.
Hinatid naman sila ni Carson hanggang sa parking area ng building na pinaglapagan nila. Doon na naghihintay ang kanyang kotse na katabi naman ng kotse ng kanyang asawa. Nakita niya ang pagbaba ni Richard mula roon saka sumalubong sa kanila.
Nakangiti ito. “Congratulations to the new Mrs. Guillermo.”
Natahimik si Elysse sa sinabi ni Richard. Guni-guni lamang ba niya iyon o talagang may ibig sabihin ang sinabi nito? Hindi tuloy mawari ni Elysse kung ano ang magiging reaksyon o sasabihin sa lalaki.
Ngunit tila nakuha naman nito ang kanyang naging reaksyon. “I mean, despite all the problems, naikasal pa rin kayo. I think I will consider now that love truly exists,” natatawa nitong paliwanag.
Napangiti na rin siya sa sinabi nito. “Totoo naman talaga ang love. Swerte naman ang mga taong makakaramdam no’n,” pasaring naman niya rito ngunit pabiro.
“Ouch!” natatawang sagot naman nito kasabay ng paghawak sa sariling dibdib.
Ang usapang iyon sa pagitan nila ay hindi na narinig ni Carson sapagkat nauuna ito habang kausap si Francis. Ewan kung tama ang dinig niyang Francis ang pangalan ng bodyguard na kinuha ng kanyang asawa.
“Nakakailang siguro sa part mo na may susunod-sunod sa ’yong bodyguard,” biglang sabi ni Richard sa tabi niya dahil huli nito ang pagtitig niya kay Francis.
Alanganin siyang ngumiti sa sinabi nito. “Oo pero wala naman akong magagawa. Siguradong hindi rin naman papayag si Carson na hindi masunod ang gusto niya. Ayaw ko rin na mag-away ulit kami dahil d’yan.”
“Don’t worry, Mrs. Guillermo. That setup will not take long.” Richard gave her an assurance smile.
“Sa totoo lang, hindi ko maintindihan ang desisyon ni Carson sa pag-hire ng bodyguard. Is it really necessary?”
Napatingin si Richard sa gawi niya. “Hindi mo pa ba nababasa mga reaksyon ng mga netizen?” salubong ang kilay nito.
“W-wala. Nawawala kasi ang cellphone—” Doon naman niya na-realize ang dahilan na pagkawala ng cellphone niya.
Tumangu-tango si Richard. “That’s better not to know, Ely. Hayaan mong kami na ni Carson ang umayos sa gulo.”
Hindi na niya nasagot ang sinabi ni Richard dahil sa biglang pagtakbo ni Andres sa gawin nila.
“Hello, big boy! I heard you are going to be kuya soon,” Richard said to Andres. He also strokes Andres’ hair using his hand.
“Yes, Tito Richard! I’m excited to see and play with them.”
“Well. Congrats, big boy!”
Hindi na nagulat si Elysse sa mabuting pag-uusap ng dalawa dahil ilang beses na rin namang nakakausap ni Richard si Andres. Nagkaroon kasi ng pagkakataon na makipaglaro si Richard kay Andres noong nasa Palawan pa sila.
“Tito Richard, sino po siya?” tanong ni Andres sabay turo kay Francis.
Yumukod si Richard. “Ah, he is your bodyguard slash driver. His name is Kuya Francis.”
Napasulyap si Andres sa kanya. “Is it true po, mommy?”
“Oo, anak. Hmm…” Nag-isip siya ng idadahilan sa bata. “Medyo hirap na kasi si mommy mag-drive mag-isa.”
“He is too big po,” humahanga namang sabi ni Andres.
Natawa naman si Elysse sa sinabi nito.
“Hey! Kasi nga bodyguard siya. Kailangan ganyan ang katawan niya,” salo naman ni Richard sa sinabi ni Andres. “Pero alam mo, medyo hawig kayo. Tingin ko, ganyan ka rin kalaki kapag lumaki ka.”
Napapailing si Elysse habang nakangiti sa mga pambobola ni Richard sa bata. Habang si Andres naman ay tila naniniwala sa mga pinagsasabi ng lalaki.
Makalipas pa ang ilang sandali ay sakay na sila ng kanyang kotse pabalik sa bahay.
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.





