The Second Mrs. Guillermo (Chapter 52)

NATAPOS nang ligpitin ni Elysse ang lahat ng pinamili ngunit wala pa rin si Carson. At habang sumasapit ang maghapon ay lalo tumitindi ang sama ng kanyang loob sa asawa. Sila lamang ang bagong kasal na palaging hindi nagsasama.

Pero muli niyang kinausap ang sarili sa isip. Hindi niya dapat kalimutan kung ano lang siya kay Carson.

‘Kapag ba naisilang ko na ang mga anak niya, mas lalo ba na mababawasan ang atensyon niya sa akin?’

Kasi sa totoo lang, mula nang ikinasal sila’y parang ang hirap nang maging masaya dahil sa problemang dumating agad sa kanila.

Mula sa pagkakaupo sa kama’y tumayo siya upang magtungo sa banyo at maligo. Pinagmasdan muna niya ang sarili sa harap ng salamin. Hubad ang kanyang katawan at walang saplot. Malaya niyang nakikita ang ilang pagbabago sa kanyang katawan. Bumubukol na ang kanyang tiyan. At dahil kambal iyon, doble ang laki ng kanyang tiyan kumpara sa babaeng iisa lamang ang ipinagbubuntis.

Hindi na rin siya masyadong nakararamdam ng morning sickness. Dahil siguro’y patapos na ang kanyang paglilihi.

Hinaplos niya ang sariling tiyan. Posible bang sa tatlong buwan ng pagdadalang tao’y maramdaman na niya ng pintig ng puso ng kanyang mga anak?

Napabuntong hininga siya bago nagdesisyong simulan na ang pagligo. May isang bagay pa pala siyang dapat gawin.

Makalipas ang kalahating oras ng pagbababad sa tubig ay natapos din si Elysse. Ngunit, bago niya masimulan ang pagkalikot sa bagong cellphone, may kumatok sa pinto ng silid na kinaroroonan niya.

“Pasok,” aniya at hindi naman nagtagal ay pumasok si Andres.

May bakas ng luha ang mata at mga pisngi nito. Nag-aalalang nilapitan ni Elysse ang bata.

“Did you cry, anak? What happened?”

Napatingin siya sa pinto nang biglang sumulpot si Manang Zenny. May hawak itong puting towel at mga damit na bibihisan ni Andres. Mukhang humahangos din ang matanda. Mababakas din sa mukha ni Manang Zenny ang pag-aalala.

“Andres? Tell me, what happened to your school? Did someone bully you again?”

Inulit niya ang tanong dahil hindi makatingin nang tuwid sa kanya si Andres at tila maluluha na naman.

“It’s okay. Tell me.” Hinila niya ang anak upang mas lalong mapalapit sa kanya. Hinaplos din niya ang kulot na buhok nito.

“Mom… Totoo po ba?” Suminghot ito. “Totoo po bang asawa pa ni dad si Tita Beth nang magkaroon kayo ng mga baby? Is it true that you were dad’s mistress before?”

Nabigla siya. Heto na ang ikinakatakot niya. Nagsisimula nang maningil ang desisyong pinili niyang magpakasal kay Carson.

Lumaki kasi si Andres na halos hindi naman nakikita si Elizabeth. Kaya hindi rin nagkaroon ng pagkakataon ang bata na makilala noon si Carson. Ang pag-iwas ni Elizabeth kay Andres ay hindi naman lingid kay Elysse. Batid niya ang dahilan ng nakatatandang kapatid.

Kung minsan, hindi niya rin mapigilan ang malungkot at masaktan para kay Andres. Ngunit may magagawa ba siya sa gustong mangyari ng kanyang kapatid? Pinigilan niya ang pagtangkang pagpapalaglag ni Elizabeth noon dahil isang napakalaking kasalanan iyon. Awang-awa siya sa batang nasa sinapupunan nito kaya kahit mahirap ay pumayag na lang siya sa gusto ni Elizabeth na siya ang kikilalaning ina ni Andres.

At ngayon, ito na nga ang problema. She wants to get mad at those people who tell lies to his son but she can’t. Hindi niya puwede ipakita sa anak niya na nagagalit siya dahil baka matakot ito at mag-alala.

Hinamig niya ang sarili saka tumikhim. “Anak, who told you about that?”

Si Manang Zenny ay tahimik lang na nakikinig sa kanila.

“Mga kaklase ko po.”

“A-ano ba ang pagkakaalam mo sa salitang mistress?”

“Sabi po ni Cedrick,” tukoy nito sa kaklase. “Home wrecker daw po. Other woman. They also said that you’ve just persuaded dad right after Tita Beth died.”

Halos mangilid ang mga luha sa mga mata ni Elysse. Hindi na lang din siya ang naaapektuhan ngayon. Pati na rin si Andres.

“Anak… Patawarin mo si mommy kung pati ikaw ay nadadamay na sa gulo. And I’m telling you the truth. Mommy is not a home wrecker. Walang sinirang pamilya si mommy. Nang magkaroon kami ng relasyon ng Daddy Carson mo, wala na ang Tita Beth mo kaya malaya na ang daddy na magkaroon ng bagong pamilya at tayo ’yon.”

“Totoo po pala na si Tita Beth ang unang asawa ni Daddy. Mommy, sorry po kasi ako ang namilit na tumira tayo rito. Kung alam ko lang po sana…”

Tuluyan nang bumagsak ang luha mula sa mga mata ni Elysse. Sa limang taong gulang na bata’y ipinaliliwanag na agad niya ang mga ganoong bagay na lubos na nagpapasikip ng kanyang dibdib.

Mabilis siyang umiling dito. “Walang kang kasalanan, anak.” Hinawakan niya ang mukha ng anak. “Baby, listen to mommy and always remember this. Don’t listen to those people na nagsasabi ng hindi maganda sa atin. Sa akin ka lang makikinig. Ganito…” She took his two hands. “When you already know that they are going to tell a lie, use these hands and put them on to your both ears.” Inilgay niya ang dalawang palad nito sa magkabilaang tenga.

“Andres…” tawag niya sa pangalan nito upang subukin kung may naririnig ito. “Hug me.”

Hindi kumilos si Andres upang gawin ang kanyang sinabi. Inalis niya ang mga kamay nitong nakatakip sa tenga.

“Did you hear what mommy said?” Umiling ito. “Good. Hindi mo narinig kung ano ang sinabi ko nang takpan mo ang mga tenga mo. Iyon lang lagi ang gawin mo kapag may nam-bully ulit sa ’yo.” Sunud-sunod ang pagtango ng kanyang anak.

Niyakap niya nang mahigpit ang anak kasabay ng paglapit ni Manang Zenny sa kanila. Marahang inabot ng matanda ang pamalitang damit ni Andres. At kagaya ng sa kanya’y binabaha rin ng awa ang mukha nito.

“Nagugutom ba kayong mag-ina? Anong gusto ninyong meryenda?”

Biglang humiwalay ang kanyang anak sa pagkakayakap mula sa kanya kaya napatitig siya rito. “I want spaghetti, manang.”

Nagkatinginan sila ni Manang Zenny at kapwa na napangiti. Pareho kasi nilang nabatid na okay na si Andres at kumalma na ito.

“Sige. Ipagluluto kita. Huwag ka nang malungkot.”

Palabas na ng silid si Manang Zenny nang sumulpot naman si Tina sa kanila.

“Ma’am, may bisita po kayo. Mama raw po ni Sir Carson.”

Nang marinig niya ang anunsiyo ng kasambahay ay agad na umasim ang reaksyon ni Elysse. Sana lang ay hindi maging kamukha ng mga anak niya si Celestine.

Pinigilan niyang ipakita sa kasambahay ang nararamdaman. “Sige. Salamat, Ate Tina. Bababa na ako.”

Binalingan niya ang anak upang bihisan ng pambahay na damit. “Baby, please help Manang Zenny for preparing our meryenda, okay?”

“Yes, mommy.”

Inakay naman ito ng matanda pagkatapos niyang mabihisan si Andres kaya naiwan siyang nag-iisa sa silid nila ni Carson.

‘Bakit kaya nandito si Celestine?’

 


Discover more from Quattro Tagalog Online Stories

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

The Second Mrs. Guillermo (Chapter 52)

•───────•°•❀•°•───────

AUTHOR'S NOTE

•───────•°•❀•°•───────

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.