The Second Mrs. Guillermo (Chapter 55)

“ANG lalim na naman ng iniisip mo, ma’am.”

Napukaw ng mga salitang iyon ni Francis ang atensyon ni Elysse. Abala kasi ang isip ni Elysse sa paglalakbay sa kung saan.

Pilit siyang ngumiti kay Francis. Mabuti pa ’to, napapansin ang pagiging tahimik niya ngunit si Carson, wala. Kagaya na lamang ngayon. Si Francis ulit ang kasama niya upang magpa-prenatal check up. Limang buwan na ang tiyan ni Elysse ngunit iisang beses pa lang niya nakakasama si Carson sa ganoong lakad.

“May… Problema ba, ma’am?” medyo alanganin nitong tanong. Ang mga mata nito’y sandaling tumutok sa kanyang gawi na nakikita sa rear-view mirror ng sasakyan.

Pinilit niyang ngumiti rito. “Wala. Medyo kinulang lang ako sa tulog. Alam mo na, buntis tapos kambal pa.”

Natahimik ito at pagkaraa’y muling nagsalita. “May gusto ka pa po bang gawin pagkatapos natin sa hospital?”

Napatingin siya sa labas ng kotse. Meron pa nga ba siyang nais gawin pagkatapos ng check up? Mamaya na lang niya siguro iisipin iyon paglabas ng hospital.

Pagkatapos ng prenatal ni Elysse nagdesisyon na lamang siyang umuwi agad. Kahit kasi anong pilit ni Elysse na aliwin ang sarili’y hindi niya magawa. Sobra talaga ang lungkot na kanyang nadarama nitong mga nakaraang araw.

Pagbaba niya ng kotse’y agad siyang sinalubong ni Manang Zenny. Namumutla ito at gumigite rin ang pawis sa noo. Agad siyang makaramdam ng kaba sa nakikitang anyo ng matanda.

“E-Ely…” Nangangatal ang tinig nito nang tawagin siya.

Ang una agad na naisip ni Elysse ay si Andres. “May nangyari po ba kay Andres?”

Si Francis naman ay nagmadali ring lumapit sa kanila.

Umiling ito nang maraming beses at sa naginginig na boses ay, “Ang k-kapatid mo… S-si Elizabeth!” Hinawakan niya ang magkabilang balikat ng matanda. Para bang anumang sandali’y hihimatayin na ito.

“Si ate? Bakit po, manang?” Naguguluhan na siya rito. Bakit bigla nitong binabanggit ang kapatid niyang patay na?

Huminga nang malalim ang matanda at pinilit na pakalmahin ang sarili. “B-buhay si Beth. H-hindi pa siya patay…”

Mula sa narinig ay tila nawalan nang lakas ang kanyang mga tuhod na muntik pang magpabagsak sa kanya mula sa kinatatayuan. Mabuti na lamang ay maagap siyang nahawakan ni Francis sa braso.

Hindi maiproseso nang maayos ng utak ni Elysse ang sinabi ng matanda kaya naman ay pilit siyang ngumiti rito at may marahan ding pag-iling. Hindi niya mawari ang kanyang nararamdaman. “Imposible naman po ’yong sinasabi niyo, manang. Halos isang taon nang patay si ate—”

“Naroon siya ngayon sa silid ninyong mag-asawa, anak.”

Nang marinig niya ang sinabi ni Manang Zenny ay mabilis siyang humakbang patungo sa silid nilang mag-asawa.

Hindi siya nag-aksaya ng oras upang alamin kung totoo ang mga sinasabi ng matanda sa kanya. Hindi na rin siya nag-isip pa na kumatok at halos pabalya niyang binuksan ang pinto ng kuwarto.

Agad niyang nakita ang isang pamilyar na bulto ng kanyang kapatid. Nakatalikod ito sa kanyang direksyon kaya hindi niya masilayan ang mukha nito. Bagama’t bahagyang pumayat ito’y hindi pa rin maipagkakaila ni Elysse na si Elizabeth ang siyang nakatayo ngayon sa kanyang harapan.

Naging marahan ang pagharap nito sa kanya. Naitakip niya ang dalawang palad nang tuluyan na niyang makita ang mukha ng taong nasa harapan niya. Parang balong nabuksan ang kanyang mga mata at sa malakas na pag-agos ng kanyang mga luha.

“A-ate Beth…” Iyon ang unang namutawi sa kanyang bibig bago takbuhin ang distansya nilang magkapatid at yakapin ito nang mahigpit.

 

HALOS paliparin ni Carson ang sariling kotse makarating lang agad sa bahay. Magkahalong kaba at takot ang sumasalakay ngayon sa dibdib ni Carson sa narinig na tawag mula sa kanyang ina. Nawawala raw si Elizabeth at sinabi sa kasambahay na uuwi na raw ito sa mismong bahay nila.

Two months before, his mother called to tell him that Elizabeth is still alive. Hindi agad naniwala si Carson sa sinabi ng ina kaya agaran naman siyang nagtungo sa bahay nito. And when he saw Elizabeth with his two eyes, he felt more shock. Natutulog ito sa kama sa isa sa mga bakanteng silid ng bahay ng kanyang ina.

Napakahirap paniwalaan ngunit totoo ngang buhay pa si Elizabeth.

“I accidentally saw her walking on the street, Carson. Walang sapin sa paa at nanlilimahid na sa dumi. She is also not into herself. And when I talked to her, she just looked at me and did not say anything as if she doesn’t know me at all. I think she’s lost. I think she’s sick.”

Marahan niyang nilapitan ang babaeng mahimbing na natutulog sa kama saka umupo sa tabi nito. Gulung-gulo ang isip ni Carson sa bagay na nakatambad sa kanya ngayon.

“B-but we thought…” Halos hindi niya masabi ang mga nais sabihin.

“Lahat naman tayo, anak iisa lang din ang inakala. But the truth is in front of us. Sinubukan ko rin siyang kausapin para alamin kung ano’ng nangyari sa kanya pagkatapos na mahulog sa bangin. Sad to say, hindi niya ako masagot.”

“Y-yeah. Pero ’yong bangkay… We did a DNA test on that corpse and turns out that it was Elizabeth. Paanong nangyaring—”

“And who took the result? I mean, si Elysse ba ang nag-asikaso nito?”

“Yes, ma.” He sighs sharply. “I’m not in a good state that time, ma. I let Elysse do everything. May nakita ring kuwintas do’n sa bangkay. And Elysse confirmed that it’s Beth’s necklace.”

Mataman siyang tinitigan ng ina at parang nahuhulaan na niya ang nasa isip nito. “I won’t tell you what I’ve thinking about this. Hindi tamang sabihin ko pa. You better tell your wife and ask her straight about this.” Sinamahan nito ng pag-iling ang mga sinabi.

“Pero paano, ma?” Napakakomplilado na ng sitwasyon. “I don’t think that its good idea. Ewan ko, ma pero tingin ko, mas okay na rito muna siya sa ’yo.”

Nakakaunawang tumango ang kanyang ina. “It’s your decision, anak.”

“Nagpatawag na po ba kayo ng doctor?”

“Oo. And anytime, puwedeng nandito na si Dr. Melendez.” Gaya niya’y tumitig din ito kay Elizabeth. “Nakakaawa talaga ang hitsura niya nang makita ko siya, anak. Napakadungis at halos hindi na makilala pero dahil manugang ko siya nang ilang taon, I know its her.”

Pagkatapos masuri si Elizabeth ay nakumpirma nga nilang may temporary amnesia ito. May bakas pa nga ng peklat ang noo nito na dala marahil ng pagkakahulog sa bangin.

Si Elizabeth din ang dahilan ni Carson kung bakit madalas at halos hindi na siya makauwi sa bahay nila ni Elysse. Ramdam naman niya ang lalong paglayo ng agwat nila ng asawa ngunit wala siyang magawa dahil mas kailangan siya ni Elizabeth. Pinayuhan kasi sila ng doktor nito na dapat palaging ipapaalala kay Elizabeth ang bagay na mayroon ito noon at kung sino rin ito. Ang kanyang presensya ay napakalaking bagay na raw para kay Elizabeth.

Ang plano ni Carson ay ipapaalam lamang niya kay Elysse ang tungkol sa kapatid nito kapag gumaling na nang tuluyan si Elizabeth. Ngunit hindi niya inaasahan ang biglang pag-alis ng dating asawa sa poder ng kanyang ina. Hindi rin malabong nagbalik na nga ang alaala ni Elizabeth dahil sa hayun na nga ito at patungo na sa bahay kung saan naroon din ang kasalukuyan niyang asawa.

Malakas ang kutob ni Carson na hindi magiging maganda ang kahihinatnan ng lahat kung biglang magtatagpo ang landas ng magkapatid.

Naipukpok niya ang busina ng sariling kotse nang biglang maipit sa gitna ng traffic. Gumigite na rin ang kanyang pawis sa noo kahit malakas naman aircon sa loob kotse.

“Damn it!” mura niya habang naiinip sa bawat sandaling hindi siya makausad.

Kailangan makahanap siya ng paraan para makaalis agad doon. Natatakot siya sa puwedeng mangyari sa magkapatid kung hindi siya aabot.

 


Discover more from Quattro Tagalog Online Stories

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

The Second Mrs. Guillermo (Chapter 55)

•───────•°•❀•°•───────

AUTHOR'S NOTE

•───────•°•❀•°•───────

One Response

  1. Hahaha sheessshhh Sabi na Buhay SI Elizabeth bwahahaha tragis ka celestine galing mo hahahahaha papasok palang Tayo sa exciting part bwahahahaha

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.