ISANG buwan ang lumipas, nananatiling madilim pa rin ang daan para kay Elysse. Hindi pa rin niya makapa ang mga bagay na dapat gawin gayong hindi pa rin natatagpuan ang kanyang kapatid.
Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin natatagpuan si Elizabeth. Ang sabi pa ng mga rescuers ay maaaring nilapa na ng mga mababangis na hayop ang katawan ng kanyang kapatid kung kayaʼy wala silang matagpuang katawan. O kaya naman ay maaaring nahulog sa ilog ang katawan nito at humantong sa dagat.
Sa dulo kasi ng masukal na kagubatan ay ang ilog na may malakas na agos ng tubig at nagdudugtong sa malawak na karagatan.
Ang pangyayaring iyon kay Elizabeth ay kaagad na pumutok sa mga balita. Kahit sa social media ay trending ang balitang namatay na ito bagay na hindi na ipinagtataka ni Elysse. Asawa ito ng isang business tycoon kaya natural lamang iyon subalit, siya ay nananatiling tikom ang bibig sa pangyayari.
Hindi siya naniwala sa mga sinasabi ng mga awtoridad patungkol sa labi ng kanyang ate. Hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asang matatagpuang buhay ang kapatid. Magkagayunpamaʼy nag-alay pa rin siya ng isang simpleng dasal para kay Elizabeth dahil hindi rin nawawala sa kanyang isipan na maaari ngang namatay na ang kanyang nakatatandang kapatid dahil sa sobrang taas talaga ng tinalunan nito. At sabi pa nga ng mga rescuers, bago pa man makarating sa baba ang katawan ni Elizabeth ay siguradong magkakalasug-lasog din iyon.
Subalit hindi sila pumayag ni Carson na matapos na lamang nang ganoon ang paghahanap kay Elizabeth. Ginusto rin sana ni Elysse na magbukas ng imbestigasyon patungkol sa pagpapakamatay ng kapatid ngunit makalipas ang isang linggo ay ibinalita na lamang sa kanya ng mga pulis na walang maituturong suspek sa pagkamatay ni Elizabeth dahil malinaw na isa iyong suicide at walang foul play.
Ngunit naging makulit siya at iginiit na alamin ang lahat ng nakuha sa dash cam ng kotse ng kapatid nang araw na mag-suicide ito. Baka sa pamamagitan niyon ay may makita sila. Pero bigo ang mga pulisya na mahanap ang pinag-ugatan ng lahat. Kaya hanggang ngayon ay malaki pa ring palaisipan sa kanya ang nangyari.
Ano nga ba ang nag-udyok sa kanyang kapatid upang itoʼy piliin na lamang na wakasan ang sariling buhay?
Dala ang litrato ni Elizabeth ay nagtungo siya sa kanilang garahe upang doon mag-isip-isip ng mga bagay-bagay. Gusto niyang bisitahin si Mojo, ang unang kotse ng kanyang ate.
Magkasama nilang binili ang kotse na iyon at magkasama rin nilang sinubukang sakyan upang paandarin. Siya rin ang kasama nito sa unang beses na gumala sila gamit ang kotse. They have a lot of memories in this car. Napalitan nga lamang ang kotse nito noong ikasal na ang kapatid kay Carson. Iyon ang wedding gift ni Carson sa kanyang kapatid noon. Pero pa minsan-minsan ay ginagamit pa rin ni Elizabeth ang lumang kotse.
Binuksan niya ang pinto ng kotse at sumakay doon. It has been five years since the last time they are together with Mojo.
Hinaplos niya ang manibela saka binalikan sa isip ang mga memories nila ng kanyang ate.
“Ate, I missed you a lot… Nasaan ka na ba?” her tears started to cloud.
Iniikot pa niya ang paningin sa loob ng sasakyan. Naroon pa rin ang maliit na litrato nilang magkapatid noong unang araw mula nang nabili ni Elizabeth si Mojo. May maliit iyon na keychain na hugis ulap at may nakaukit na pangalan ni Carson.
Isinandal niya ang ulo sa headrest ng kinauupuan. And then, she closed her eyes trying to suppress her tears but she failed. In seconds, she started to cry again. Paano na nga ba niya ipagpapatuloy ang buhay? Mag-isa na lamang siya ngayon.
All her life, her sister was the only one who never leaves her side. To all the heartaches, problems, and even happy moments. Elizabeth became her mother after their parents died in the accident.
At sa hindi mabilang na pagkakataon ay muli siyang napahagulgol. Naisubsob niya ang mukha sa ibabaw ng manibela at doon ay umiyak nang walang humpay hanggang sa wala na siyang maramdaman.
Nang sa tingin niyaʼy maayos na ang kanyang pakiramdam ay nagdesisyon na siyang lumabas ng kotse. Ngunit bago pa man siya nakakababa ay nahagip ng mga mata niya ang dash cam. Saka niya napagtantong mayroon palang sariling micro chip iyon. Agad niyang naisip na kunin ang micro chip. Nais ni Elysse makitang muli ang mukha ng kanyang ate— kung sakali mang may kuha roon ang kapatid niya. Maari ding sira na iyon sa tagal na ng panahon. Umalis siya sa graheng iyon dala ang kapirasong bagay.
ONE day, Elysse received a call from the police station. Binabalak na sana niyang magtungo roon upang alamin kung may balita na ba sa paghahanap sa kanyang kapatid ngunit naunahan siya nito.
“H-hello, officer?” she answered as she press the button.
“Magandang tanghali po, Miss Dela Serna,” bungad nito mula sa kabilang linya.
“Yes, officer. Ako nga po. May balita na po ba kayo kay ate?”
“Maʼam, iniimbitahan ka po namin dito sa morge. May nakuha po kaming bangkay ng babae at hindi po namin matukoy kung siya nga ang inyong kapatid.”
Biglang kumabog ang kanyang dibdib sa balitang narinig mula sa kausap. “S-sige po. Papunta na po ako dʼyan.”
She ends up the call and with a trembling hand, she starts the car engine. Lihim niyang naidasal na sana ay hindi si Elizabeth ang bangkay sa presinto. Na sana ay buhay pa ito at hindi lang makita o makauwi.
She drove fast as she could just to get there in a short time. Hindi alintana ang nakaambang peligro sa kalsada sa bilis ng kanyang pagmamaneho. Ang tanging laman lamang ng kanyang isip nang mga oras na iyon ay sana, mali ang bangkay na natagpuan.
Pansamantala siyang nahinto nang makasalubong siya ng traffic. Iyon naman ang kinuhang pagkakataon ni Elysse upang tawagan at ipaalam kay Carson ang ibinalita ng pulis sa kanya.
Subalit hindi nito sinasagot ang kanyang tawag kaya nag-iwan na lamang siya ng isang mensahe.
“May nakitang bangkay ang mga pulis sa Dela Serna Valley,” tukoy niya sa lugar kung saan naganap ang pagpapakamatay ng kapatid. “But they canʼt say kung si ate nga ba iyon o hindi. Magpunta ka rito sa morgue once you got this message.”
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.






2 Responses
Naman walang katawan nakita 1bwan na aguuyyy kamusta kaya baby nila ni Carson nakakapit kaya? pero may nakitang bangkay ang mga pulis naku sino pasimuno nito para matago si ate mong elizabeth hahaha at sino talaga yung bangkay kawawa naman
Yun oohh tama nga hinala ko walang bangkay so buhay hahaha kaso me lumitaw na ibang bangkay sino naman kaya yun naku mukhang ipapalabas na si elizabeth un hahaha🤣 sure aq may kinalaman si Jarren dito di pa lumalabas awra ni Celestine e hahaha 🤣🤣🤣