The Second Mrs. Guillermo (Chapter 7)

PAGBABA niya ng kotse ay agad siyang sinalubong ng police officer na siya ring tumawag sa kanya.

“Nasaan po siya?” tukoy niya sa bangkay.

“Sumunod po kayo sa akin,” saad nito kasabay ng pagpapatiuna sa paglalakad.

Humantong sila sa isang silid at nasa gitna ang isang mesang siguradong kinalalagyan ng bangkay. Natatakpan iyon ng puting kumot. Doon sila huminto at hinayaan siya ng pulis na iangat ang kumot upang tingnan ang nasabing bangkay.

Sa nanginginig na kamay ay dahan-dahan niyang hinila ang kumot na tumatabon sa mukha nito.

She suddenly took a step backward when she finally saw the face of the corpse. Nabubulok na iyon at hindi na makilala. Mayroon na rin itong hindi nakakaayang amoy. Dahil sa hindi niya matagalan ang pagmasdan ang mukha ng bangkay ay napilitan siyang ibalik muli ang takip sa mukha nito. Still, she couldnʼt take away her eyes off that corpse. Hindi matanggap ng kalooban ni Elysse na iyon nga ang kanyang kapatid.

Mayamaya pa ay bigla na lamang dumating si Carson at gaya niya ay humahangos ito. Sandali siya nitong tinapunan ng tingin saka lumipat ang atensyon sa nakahigang katawan sa mesa.

Hindi makapagsalita si Elysse at pakiramdam din niya ay namutla siya sa nakitang sitwasyon ng bangkay. Hindi masukat maisip ng dalaga kung gaano katindi ang dinanas ng katawan ni Elizabeth bago ito malagutan ng hininga.

And just like her reaction, Carson seems shocked too when he saw the situation of the body.

“Hindi si Beth ʼyan. Thatʼs not my wife.” Seryoso si Carson nang sabihin iyon at hinarap ang pulis.

“Sir, natagpuan po namin ang asawa ninyo sa dulo ng ilog. Sa tindi po ng current ng ilog ay siguradong magkakalasug-lasog po talaga ang katawan ng misis ninyo. Panigurado pong mabubugbog ang katawan niya sa mga bato at trosong nakahambala roon. Maari ding kinain ng mga ligaw na ibon ang bangkay kaya nagkagayan agad ang katawan niya,” narinig niyang katwiran ng pulis. “Nakita rin po namin na suot niya ang kuwintas na ito na maaring makapagsasabi sa inyo kung siya nga si Mrs. Guillermo.” Itinaas ng kanang kamay nito ang isang sealed plastic bag na kinalalagyan ng alahas.

Kaagad na nag-init ang kanyang mga mata nang makilala ang alahas. It was her late birthday gift to her sister five years ago. That was her sister’s last birthday they celebrated together before Elizabeth left the country. Naalala pa ni Elysse na kapwa sila naging emosyonal magkapatid nang ibinigay niya iyon dahil inakala ni Elizabeth na nakalimutan na niya ang kaarawan nito. Habang pinagmamasdan ang natatakpang bangkay ay hindi na niya napigilan pa ang pagpatak ng mga luha.

“Hindi— Sigurado ako. Nagkakamali kayo,” mariing kontra ni Carson kahit isinasampal na sa harap nito ang katotohanang wala na ang asawa. “Thereʼs a possibility na hindi lang si Beth ang—”

She scoffed before speaking. “Nagsasabi sila ng totoo, kuya. Kay ate nga iyan at siya lang ang mayroong ganyang kuwintas dahil sa akin galing ʼyan. Naka-engrave dʼyan ang pangalan niya na ako mismo ang nagpagawa.”

Nakita niya ang unti-unting panlulumo sa anyo ni Carson. Maging siya ay hindi na rin pinigilan pa ang mapahagulgol.

“Ate…”

Wala na talaga ang kanyang kapatid. Talagang iniwan na siya nito. Masakit man isipin ngunit kailangan niyang magpakatatag, para kay Andres.

MAKALIPAS ang ilang araw ay sumunod namang lumabas sa resulta ng DNA na isinagawa sa bangkay na ito nga ay si Elizabeth. Doon na tuluyang nagpasya sina Elysse at Carson na tanggapin ang katotohang wala na nga ang babae. Kaya naman ay inihatid na rin nila sa huling hantungan si Elizabeth. Hindi na nila ibinurol nang matagal ang labi nito dahil na rin sa hindi magandang sitwasyon ng katawan ng kapatid.

Sa araw ng libing ay naging mahigpit ang pagbabantay ng mga tauhan at guwardiya sa mga media na nais makapasok. Awtomatikong naging laman din ng mga balita ang tungkol sa mga labi ng asawa ng nag-iisang tagapagmana ng pamilya Guillermo. May mga haka-haka rin na mayroong matinding alitan ang mag-asawa bago ito mamatay kaya naisipang magpakamatay ni Elizabeth na mariin namang pinabulaanan ng ina ni Carson na si Celestine.

Maging si Elysse ay hindi madaling nakaligtas sa mga reporter na nais kunin ang kanyang pahayag.

Madaling tinapos ang isinagawang paglilibing sa kanyang kapatid upang hindi na mas lalong pagtuunan pa ng pansin ng mga reporter.

Samantala, sa ilang sandali niyang pananatili sa tabi ni Carson pagkatapos mailibing si Elizabeth ay damang-dama ng dalaga ang pagdadalamhati nito. Kitang-kita ni Elysse kung gaano kalaki ang pagmamahal nito sa kanyang kapatid bagay na nais kainggitan ng dalaga subalit mariin din niyang pinigilan. Hindi na dapat niya isipin ang ganoong bagay.

Nakakalungkot lang isipin na sa ganoong paraan nagkahiwalay ang dalawa. Sino ba ang mag-aakala na ganoon ang magiging katapusan ng buhay ng kanyang kapatid?

 

MAKALIPAS ang ilang araw mula nang mailibing ang nakatatandang kapatid ay nakatanggap ng tawag si Elysse mula sa ina ni Carson.

Mabilis niyang pinindot ang answer button at sinabing, “Hello, Tita?”

“Can you please come over here?” bungad agad nito. She could sense the uneasiness in her voice.

“Bakit po, tita? Is thereʼs something wrong? Nasaan po kayo?”

“Nandito ako sa bahay nila Carson. Kanina ko pa kinakatok si Carson but he didnʼt answer. Naka-lock din ang pinto. I donʼt even know where his room’s key is. Mag-iisang oras na yata akong nandito. Are you busy? Can you come here?”

“Of course, tita. I will be there in twenty minutes.”

“Okay. Be safe, hija.”

Nang makarating si Elysse sa pamamahay nila Carson at Elizabeth ay nadatnan niyang nasa labas pa rin ng silid ang ina ng lalaki. Mababakas sa mukha ng ginang ang sobrang pag-aalala sa nag-iisang anak. Pilit pa rin nitong kinakatok ang pinto ng silid ni Carson.

“Tita…” agaw niya sa atensyon ng ginang.

“Elysse, thank God. Kanina nakarinig ako ng mga ingay. I think he throws everything in his room. Nag-aalala ako sa anak ko, Elysse. Baka kung ano naʼng gawin noʼn.”

Tumango siya. “Iʼll talk to him, tita. Please, calm down. Baka kayo naman po ang himatayin kapag tumaas muli ang blood pressure ninyo.”

She nodded and took a deep breath, trying to calm herself.

Elysse started to knock. “Carson, it’s me Elysse. Please, open the door.”

Silence.

“Kuya, I know you still hurt. Ako rin, nahihirapan din akong tanggapin ang nangyari kay ate but please, she wouldnʼt like whatever you are doing right now. Sigurado akong ayaw niyang nagmumukmok ka at nagkakaganyan.”

Naghihirap na rin ang kalooban ni Elysse dahil pakiramdam niya, para din sa kanya ang mga sinasabi.

Still, she didnʼt received an answer from him. Pagkaraaʼy marahan nagbukas ang pinto ngunit walang sumungaw na Carson.

Nilingon niya ang ina ni Carson na kasalukuyang naghihintay sa susunod na mangyayari at puno ng pag-alala.

“M-maghihintay lang ako rito,” saad ng ginang.

Tumango siya rito at saka pumasok na sa loob ng silid.

Magulong silid ang kaagad na bumungad kay Elysse. Marami ang nagkalat na basag na mga bote. Magulo rin ang kama at nasa sahig pa ang kumot. Sa kabilang dako, nagkalat din ang mga litrato ng kanyang ate at ni Carson noong ikinasal ang mga ito.

“Carson…” she said, almost whispered.

“I missed her a lot.” Gumagaralgal ang tinig nito nang sabihin iyon.

“I know.” Lumapit siya rito at naupo rin sa tabi ng lalaki. “But ate wouldnʼt be happy in heaven kung makikita ka niyang ganito.”

“Paano mo nasasabi ʼyan?” Tinarakan siya ng matalim na titig nito. Pulang-pula ang mga mata. “Did you already move on?”

“H-hindi… at tingin ko, kailan man ay hindi ako makaka-move on. She has been a mother and sister to me since our parents died. Hindi ko rin alam kung paano magpapatuloy nang wala siya but Iʼm still trying dahil kailangan. Kailangan pa ako ni Andres. Ikaw, isipin mong may magulang ka pa na nag-aalala sa ʼyo.” Nagkaroon ng bikig ang kanyang lalamunan. Ang kanyang mga luhaʼy nagbabadya na ring bumagsak. “S-sinusubukan ko pa ring gawin ang mga bagay nang wala siya. ʼCause I know, she would be happy knowing that Iʼm going to be fine without her. She wants us to be happy. You know Ate Elizabeth, she loves us so much.” Her tears fell like the rain outside. Tila ba nakikidalamhati rin ang langit sa kanila.

 


Discover more from Quattro Tagalog Online Stories

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

The Second Mrs. Guillermo (Chapter 7)

•───────•°•❀•°•───────

AUTHOR'S NOTE

•───────•°•❀•°•───────

3 Responses

  1. Aguy dahil sa kwintas kinilala agad na si ate mo eli sana nagpa dna ka muna tanga din nitong ni ely e hahaha well dahil jan ikaw na si second mrs Guillermo hahaha, ano kaya ganap nitong nanay ni Carson dami to lihim e nakuuu

  2. Whoa astig na kwintas nag iisa hahaha 🤣 pero infernes lumabas na si Celestine ayyiii kaabang abang talaga bawat ganap o siya next chap ka na gurl😘

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.