The Second Mrs. Guillermo (Chapter 8)

“MULA nang mawala si Elizabeth, palagi na lamang ganyan si Carson. He always gets drunk. Hindi rin siya kumakain. And every time I tried to reach him, he would just ignore me,” puno ng pag-aalalang lahad ni Celestine kay Elysse. “Mahal na mahal niya ang ate mo.”

Sinulyapan niya ang bahagyang nakapinid na pinto ng kuwarto ni Carson mula sa ibaba. Nakatulog na ang lalaki nang siya ay lumabas. Marahil, dala na rin ng alak at pagod ay nakatulog ito.

Ngayon, nasa sala na sila ng ginang at nag-uusap.

“Hija, thank you for helping Carson this time. Alam ko, nagluluksa ka pa rin pero hetoʼt inaalala mo pa ang iba. Pasensya—”

“No, Tita. Itʼs fine. Mabuti nga po at tinawagan niyo agad ako. Carson is like a brother to me.”

“Ngayon ako nagsisisi kung bakit nag-iisang anak lang si Carson. I mean, sana hinayaan kong mabuntis pa ako ulit para naman may kapatid pa siyang matatakbuhan at mapagsasabihan ng mga problema. You know Carson well, very secretive. He didnʼt wants to share his feeling even with his parents or anyone. He even fired the maids. Lalo akong nag-aalala ngayon dahil mag-isa na lamang siya rito.”

“Opo, ganoon nga po si Carson at tingin ko, isa po iyon sa mga bagay na nagustuhan ng ate ko sa kanya.”

Umisod ng upo si Celestine palapit sa kanya saka kinuha ang palad niya. “Hija, can you look Carson for me?”

“Sige po. Araw-araw ko po siyang bibisitahin dito,” she smiled weakly.

“No. What I mean is can you stay here? Kahit one week lang. I know, this is too much. Pero ikaw lang ang puwede kong lapitan sa bagay na ito. Isama mo na rin ang anak mo rito.” She cleared her throat. “Naisip ko kasi na kung ako ang magbabantay sa kanya rito, lalo lang siyang iiwas at lalayo. He didnʼt wants me to see him struggling.”

“T-tita—”

“Please, Elysse. Wala naman talaga akong plano na patirahin ka nang ilang araw dito pero dahil sa mas mapalagay ang loob ni Carson sa ʼyo, mas maiging lagi mo siyang nakikita.”

“S-sige po. Kukuha lang po ako ng ilang damit namin sa bahay.”

Nakita ng dalaga ang pagliwanag ng mukha ng ginang sa sagot niya. “I know I am not considerable by asking you this because you are still in mourning too but thank you so much again, Hija. I owe you this.”

“Y-your welcome po, Tita.”

 

NANG araw ding iyon ay bumalik si Elysse sa kanyang bahay. Nag-impake siya ng ilang damit nila ni Andres na dadalhin sa bahay ni Carson.

Sa totoo lang, hindi niya inaasahan na hihilingin sa kanya ng ina ng lalaki iyon.

Hindi niya namamalayang nahinto na pala siya sa ginagawa. Aaminin ni Elysse na nakararamdam siya ng takot at pangamba. Nag-aalala siya na baka muling mabuhay ang pag-asa sa puso niya. Ang pag-asang kahit paanoʼy mapansin din siya ni Carson. Pero mali ang pag-asang iyon dahil mali rin ang gustuhin pa rin niya ang lalaki.

Hindi baʼt matagal na niyang kinalimutan ang anumang damdamin ang mayroon siya para kay Carson?

She suddenly shrugged her head. “Walang damdamin ang magbabalik, Elysse. Sasamahan mo lang si Carson dahil kapatid mo na rin siya at asawa siya ng pinakamamahal mong ate. Irespeto mo ang ate mo.”

Muli niyang ipinagpatuloy ang pagtutupi ng mga damit at kumuha ng bag na paglalagyan ng mga iyon. Inisa-isa rin niya ang mga gamit sa kanyang tokador sa kung anu-ano ba dapat ang maari lamang niyang dalhing pang-hygiene dahil isang linggo lang naman silang pipirme roon. Nang sa tingin ni Elysse ay nailagay na lahat ang kailangan ay binalak na niyang lumabas ng silid pero bago siya umalis ay nahagip ng mga mata niya ang microchip sa gilid ng picture frame.

Ilang segundo siyang nag-isip kung dadalhin pa ba niya iyon o hindi na. In the end, she chooses to take it and slid it into her bagʼs pocket. Nagdala na rin siya ng ilang mga laruan ni Andres.

Pagkatapos, lumabas na siya ng silid saka tinungo si Andres sa sariling kuwarto nito at kasalukuyang nagdo-drawing.

“Hi, baby,” masiglang bungad niya sa bata na ikinagulat at ikinatuwa nito.

“Mommy!” Isang mahigpit na yakap ang isinalubong nito sa kanya. “Mommy, saan ka po nagpunta? Paggising ko, wala na po kayo sa tabi ko?” tanong nito na titig na titig sa kanyang mukha.

Natawa naman siya dahil naalala niyang natutulog pa nga pala ito nang umalis siya sa tabi ng bata.

“Binisita ko lang ang Tito Carson mo. Sʼya nga pala, we were going to visit Tito Carsonʼs house. Sasamahan muna natin siya roon sa bahay niya for one week. Naihanda ko na rin ang mga gamit.”

Biglang nagliwanag ang mukha nito. “Talaga po?” Tumango siya nang nakangiti. “Yehey!”

“Magpaalam na tayo kay Manang Zenny? Letʼs go?”

Agad nilang hinanap ang may edad nang si Manang Zenny. Naabutan nila itong nasa kusina.

“Manang, aalis muna po kami ni Andres ng isang linggo. Kayo rin po, magbakasyon na muna kayo ni Dindin,” tukoy niya sa isa pa nilang kasambahay. Tatawagan ko na lang po kayo kapag nakabalik na ako. Heto na rin po ang kalahati ng sahod ninyo para sa buwan na ito para kahit paano ay may panggastos po kayo,” sabi niya saka iniabot dito ang dalawang sobre.

“Ganoon ba, hija? Kaso paano itong niluto kong afritada? Kumain ka na muna kayo bago umalis,” sagot ng matanda, hawak ang sandok.

Doon pa lamang niya napansing abala nga ito sa pagluluto ng tanghalian. “Pasensya na, manang kung biglaan at hindi kita nasabihan agad na aalis ako. Ibalot niyo na lamang po iyan at iuwi sa pamilya mo. Balak ko pong sa bahay na ni Carson kumain. Ipagluluto ko siya at sasabayan na ring kumain.”

“Kumusta na nga pala ang batang iyon? Hindi ko na siya nakikita mula nang mawala si Elizabeth.”

“Hayun nga po. Nakiusap sa ʼkin si Tita Celestine. Kailangan ng titingin kay Kuya Carson pansamantala habang hindi pa siya nakaka-recover sa ate, sobrang down siya.”

Naging malamlam ang mukha ni Manang Zenny. Hindi na rin kasi iba para dito si Carson. Limang taon na rin mula nang mamasukan sa kanya ang matanda bilang kasambahay. Kahit paano rin ay hindi na rin iba ang turing nilang magkapatid sa matanda. Naging napakabuti nito sa kanila at alam niyang sa bawat pag-aalalang ipinapakita ng matanda sa kanila ay totoo at sincere. Nagdalamhati rin ito nang mawala ang kanyang kapatid.

“Ganito na lang, Elysse. Bakit hindi na lang ikaw ang magdala nitong ulam at ito na ang ulamin ninyong tatlo para sa tanghalian. Para na rin hindi ka na magluto. Huwag ka ring mag-alalang wala nang matitira sa akin dahil medyo marami rin itong nailuto ko.”

“Ganoʼn po ba, manang? Sige po. Magdadala po ako. Salamat po.”

“Bakit ka nagpapasalamat? Wala naman akong ginawa saka pera mo naman ang ipinambili ng ulam,” natatawang saad ng matanda sa kanya.

Napangiti siya at niyakap ito nang mahigpit. “Minsan ko na pong nakalimutan na mayroong ikaw. Ikaw na aalala sa akin at dadamay. Maraming salamat po sa pag-aalaga at pagiging totoo sa amin ni ate, pati na sa anak ko.”

“Wala iyon, hija. Mula nang magtrabaho ako rito sa ʼyo, itinatak ko na rin sa isip ko na dapat ituring kitang parang isang tunay na anak. Mabait ka rin naman sa akin at kahit kailan ay hindi mo ipinaramdam sa akin na katulong lamang ako.” Hinaplos nito ang kanyang buhok.

“Oh, siya. Sige na. Ipagbabalot na kita para mapuntahan mo na si Carson at makakain na kayo. Ako na’ng bahala rito sa bahay. Sisiguruhin kong naka-lock lahat ang mga pinto at bintana.”

“Salamat po,” pagkasabi niyon ay ngumiti siya kay Manang Zenny.

 


Discover more from Quattro Tagalog Online Stories

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

The Second Mrs. Guillermo (Chapter 8)

•───────•°•❀•°•───────

AUTHOR'S NOTE

•───────•°•❀•°•───────

4 Responses

  1. Yung ang tanga ni Carson masyadong dinibdib pagkawala ng asawa na mahina ang depensa at ito naman si ely uto uto hahaha ano kaya mga balak ni Celestine

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.