PAGDATING sa bahay ni Carson ay kaagad nang isinalang ni Elysse ang dalang ulam sa microwave oven upang initin. Pagkatapos, ang mesa naman ang kanyang inasikaso. Ngunit kaagad rin siyang tumigil sa ginagawa.
Sa tingin ba ni Elysse ay mapapalabas niya ng silid ang lalaki at dudulog sa hapag nang ganoon ang sitwasyon nito? Bumuntong hininga siya. Hindi niya gaya si Carson na bahagya nang nakakaahon mula sa lungkot.
Inayos na lamang niya ang pagkain upang dalhin iyon sa kuwarto ng lalaki. Binilinan muna niya si Andres na abala namang naglalaro sa sala.
“Baby, bibigyan ko lang ng food ang Tito Carson mo, okay?”
“Mom, is he sick?”
“Ah, parang ganoʼn na nga. Hintayin mo ako dʼyan. Pagbalik ko, tayo naman ang kakain, ha?”
“Opo.”
Pagkatapos, tinungo na niya ang silid ni Carson. Inabutan niyang nakabukas ang pinto ng silid nito kaya pumasok na siya.
“Carson?”
Walang nakuhang sagot si Elysse kaya dumiretso na siya ng pasok. Kagaya ng una ay malungkot ang awra sa kuwarto ng lalaki. Madilim at nangangamoy alak ang paligid. Kapag sinusubukan niyang linisin ang paligid at buksan ang mga bintana upang magkaroon ng liwanag ang loob ay agad na tinututulan iyon ng lalaki. Sa huli ay palalabasin na lamang siya sa silid nito. And again, she found Carson holding a bottle of whiskey. Halos maubos na ang laman niyon.
“You know, if I were your liver, I would find a way to get away from your stomach. Palaging alak na lamang ang pinanglalaman mo riyan sa tiyan mo. Here, eat first. Manang Zenny cooked this and you knew what expertise she has when it comes to cooking, right?” She tried to joke.
“Wala akong ganang kumain.” Lumagok itong muli sa boteng hawak.
Mabilis naman niyang inilapag ang tray ng pagkain sa ibabaw ng mesa nito at agad ring lumapit kay Carson upang agawin mula rito ang alak.
“Paano ka magkakaganang kumain kung panay alak ang inilalagay mo sa bituka mo? Are you trying to kill yourself?”
“What is it with you if I do, anyway?” Matalim siya nitong tinitigan.
Ngunit hindi siya nagpatinag sa titig nito. Hindi niya hahayaang malubog nang tuluyan ang lalaki.
“Ano’ng pakialam ko sa ʼyo? Kasi ayaw kong isang gabi, dalawin na lang ako sa panaginip ni Ate Beth at kagalitan dahil pinabayaan kitang maging ganyan.” She paused for a moment, trying to calm herself. “Walang mali kung magluksa ka at umiyak nang umiyak. But the wrong is, youʼre trying to kill yourself by drinking too much alcohol. Ni hindi nasasayaran ng pagkain ang tiyan mo.”
“With the hell, I care,” mahinang angil nito sa kanya. Para pa ngang narinig niyang nagmura ito.
“But I care.”
Muli siyang nilingon nito na para bang nagulat sa sinabi niya.
‘Gosh! Bakit ko ba nasabi ʼyon?’ “Yeah, I care. Kasi— para na kitang k-kapatid. Ang magkakapatid ay n-nagdadamayan.”
Hindi na siya nakarinig ng ano pa man mula rito kaya napahugot na lamang siya ng hangin.
“Okay. If that is what you want, go. Starved yourself.” Naglakad na siya patungo sa direksyon ng pinto ngunit muli ring huminto. “But if you changed your mind, nandito lang ang pagkain mo. Iniwan ko.”
Hindi na niya hinintay na magsalita pa si Carson saka nagpatuloy sa paglalakad patungong pinto. Hahayaan na lang muna niya ang lalaki sa gusto nito.
PAGKATAPOS kumain ng late lunch nila Elysse at Andres ay nagpasya na siyang magtungo sa isa sa mga guest room sa bahay na iyon. Pinatulog muna niya ang anak saka sinimulang iligpit ang mga gamit na dala nila ni Andres. Nang matapos, ay siya naman ang naglinis ng kanyang katawan.
Nang masigurong natapos na niya ang lahat ng gawain ay muli niyang binisita ang lalaki. Nang kanya itong balikan ay malalim na ang tulog ni Carson subalit wala naman sa kama. Nasa sahig na ito nakatulog habang ang kanyang dinalang pagkain kanina ay malamig na at wala pa ring bawas. Hindi tuloy niya maiwasang manlumo para kay Carson. Kitang-kita sa hitsura nito ang sobrang kalungkutan ng pagkawala ng asawa.
Humugot ng maraming hangin si Elysse bago simulang hilahin ang lalaki patungo sa kama. Halos pumutok ang kanyang ugat sa leeg sa ubod lakas na kanyang inilabas maayos lang ang lalaki sa higaan nito. Malaking tao si Carson kaya hirap na hirap siya para sa kagaya niyang medyo maliit na babae.
Nang maiayos si Carson ay muli siyang napatunghay dito.
‘Ate, bakit iniwan mo ng ganito kaaga ang asawa mo?’ malungkot na tanong ni Elysse sa isip.
Kalaunan ay nagdesisyon siyang punasan at palitan ng damit ang lalaki upang kahit paano’y maginhawaan naman ito.
Habang pinupunasan ang mukha ni Carson ay napansin ni Elysse ang mga naging pagbabago sa guwapong mukha nito. Kumapal na ang balbas at bigote ng lalaki. Bahagya na ring nangingitim ang paligid ng mga mata nito indikasyong walang matinong tulog. Medyo makapal at malago na rin ang buhok nito.
Malayung-malayo na ang hitsura nito sa nakilala niyang Carson noon. Palakuwento at palangiti, ganyan niya nakilala ang lalaki.
Mula nang malaman niya ang relasyon ng kanyang kapatid kay Carson ay dahan-dahang inilayo ni Elysse ang sarili sa lalaki. Kahit masakit ay pinili niyang ibigay ang kalayaan ng dalawang magmahalan at isinantabi na lamang ang sariling damdamin.
Samantala, pagkatapos linisin ang lalaki ay pinalitan naman niya ito ng damit. Hindi masabi ni Elysse kung ilang araw na nitong suot ang damit.
When she was done with Carson, she started to clean the room. She picks up all the empty bottles of beer on the floor and then puts them in the trash bin. Kung may bagay lang na kahit paano ay ipinagpapasalamat ni Elysse, iyon ay hindi naninigarilyo si Carson. She hates the smell of cigarette smoke. May allergies siya sa amoy niyon at mauuwi sa walang humpay na pagbahin.
Inipon din niya sa iisang lagayan ang mga gamit nang mga damit. She did a mental note to her mind that she would wash next those clothes once she was done cleaning the room.
Malapit nang matapos si Elysse sa paglilinis nang may tumawag sa cellphone ni Carson. She answered the call immediately.
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.






3 Responses
SI Ely na masipag hahaha
Sipag sipagan si ely hahaha wife material yan ayy hindi katulong lang ang peg😝 sino kaya ang tumawag
Naks sana all masipag elysse hahaha sino kaya ang tunawag hahaha