The Second Mrs. Guillermo (Chapter 90)

MARAHANG katok mula sa pinto ang narinig ni Elysse kasunod ang unti-unting pagbukas niyon. Narinig niya ang pagpasok ng kung sino man sa kanyang kuwarto kasunod ang paglapag nito ng kung ano sa ibabaw ng kanyang bedside table.

“Ely, kumain ka na muna. Ang sabi sa akin ni manang, hindi ka raw kumain ng almusal at tanghalian ngayong araw kaya dinalhan na kita ng makakain.”

Hindi niya pinansin ang sinabing iyon ni Carson. Wala siyang gana at sa araw na iyon ay hindi niya mapilit ang sariling kumain.

Mayamaya pa’y narinig niya ang marahas na pagbuga ni Carson ng hangin. Naramdaman ni Elysse ang paggalaw ng kama sanhi ng may tumabi sa kanya.

Marahang iniangat ni Carson ang kanyang ulo upang ipatong sa braso nito. Kasunod niyon ay ang pagdikit ng kanyang likuran sa harapan ni Carson. Nanuot kaagad sa kanya ang init na hatid ng pagdidikit ng kanilang mga katawan. Pinakiramdaman niya ang sarili. Maririnig ba niya ulit ang eratikong pagtibok niyon sa tuwing magkakalapit sila ng lalaki? Ngunit, tanging kahungkagan lamang ang kanyang nakapa sa dibdib.

Hinayaan na lamang niyang ilubog ni Carson ang mukha sa kanyang batok at aware siya na pasimpleng sinasamyo nito ang kanyang buhok. Habang ang isang braso naman nito ay nakapulupot sa kanyang bewang.

Kung sa ibang sitwasyon ay maaring nadarang na siya sa simpleng paghalik lamang ni Carson sa kanyang batok ngunit puno pa rin ng sakit ang kanyang puso sa mga oras na iyon.

“Nagugutom na ako, Ely,” mayamaya ay daing nito.

“Eh, ’di kumain ka. Kainin mo ’yong pagkaing dinala mo,” walang buhay naman niyang sagot.

Hindi pinansin ni Carson ng kanyang reaksyon at mas hinapit pa nga siya palapit dito.

“I won’t eat if you won’t eat either.”

Bahagyang nalukot ang kanyang noo kasunod ang paglingon dito. But it got to be her wrong move dahil naging gahibla na lamang ang naiwang pagitan sa kanilang mga mukha. Elysse immediately caught Carson’s enticing breath.

“Eh, ’di umuwi ka na sa bahay mo. Siguradong naghihintay na sa ’yo si ate,” walang emosyon niya pa ring tugon.

“Dito na ako matutulog sa kama mo. Hindi na ako aalis sa tabi mo hanggang sa maging okay ka.”

Mas lalong nagsalubong ang kanyang kilay sa sagot ni Carson na parang hindi niya binanggit ang asawa nito.

“Bahala ka,” aniya saka bumalik sa dating posisyon ang ulo. Nasabi na lamang niya iyon upang hindi na humaba pa ang usapan.

Ilang segundong namagitan ang katahimikan sa pagitan nila. Pero mayamaya pa’y narinig niya ang pagkalam ng sariling sikmura. Sa maghapong nakalipas ay tila doon lamang siya nakaramdam ng gutom bagay na hindi naman nkaligtas sa pandinig ni Carson.

“It looks like your stomach has surrendered and is now saying it’s starving,” biro nito. “Kumain na tayo habang hindi pa lumalamig ang pagkain.”

Marahan siyang bumangon mula sa higaan. Nagkaroon na rin kasi siya ng kagustuhang kumain. Ewan ba niya ngunit mukhang epektibo ang pangungumbinsi ni Carson sa kanya.

Pero dahil bedside table lang ang mayroon sa kuwarto niya ay hindi sasapat ang space para sa kanila upang kumain.

“Sa dining table na lang tayo kumain kung kakain ka rin,” aniya saka naunang tumayo at nagtungo sa pinto ng kanyang silid.

“Okay,” matipid namang sagot ni Carson. Sa tono ng sagot nito ay nabasa agad ni Elysse na napangiti ito sa kanyang sinabi.

Pagdating sa mesa at makapaghain nang maayos si Carson ay kapwa sila walang kibo. Nasa kalagitnaan na sila ng pagkain nang mapansing wala si Manang Zenny.

“Pinuntahan niya ang kambal para bisitahin sandali,” simpleng sagot nito nang itanong niya ang matanda.

Sa pagbanggit ni Carson sa kanyang dalawa pang mga anak ay doon naman siya tila pinitik ng konsensya. Ngayon lamang niya iyon naramdaman dahil masyado pa siyang abala sa pagluluksa para kay Andres.

“Uhm… K-kumusta sila?”

Nag-angat ng ulo si Carson mula sa sariling pagkain saka tumingin nang tuwid sa kanya. “As of now, sabi ng pedia nila, progressive ang lagay nila. Kapag daw hindi sila nagkaroon ng komplikasyon at nagtuluy-tuloy ang paglakas ay baka abutin lang sila ng two to three months sa NICU.”

Kahit naman paano ay nakaramdam ng tuwa si Elysse sa sinabi ni Carson. Muli niyang ipinagpatuloy ang pagkain. Hanggang sa matapos silang kumain ay wala nang nagsalita pa sa kanila. Pagkatapos niya namang kumain ay agad siyang umakyat sa sariling kuwarto. Hinayaan niyang si Carson ang maglinis ng pinagkainan nila.

Nasa pag-iisip siya ng mga masasayang alaala nila ni Andres nang marinig ulit niya ang mga katok at iluwa niyon si Carson. May hawak ito sa kamay na isang paper bag at ipinatong nito iyon sa ibabaw ng upuang nasa gilid ng kanyang bintana.

Napatingin siya rito nang magsimula na itong maghubad. “A-anong ginagawa mo?” napabangon na rin siya mula sa pagkakahiga.

“I need to take a shower,” sabi nito na para bang bahay na rin nito ang kanyang bahay.

Naiiwas naman niya ang sariling paningin nang tanging pang-ibabang damit lamang ang itinira nito.

“Hindi mo na dapat ginagawa ’yan sa harapan ko dahil siguradong magagalit si ate oras na malaman niyang nandito ka pa na para bang wala kang asawa,” she said without any emotion implying to his half-naked body.

Nagkibit balikat lamang ito saka sumagot. “Mas kailangan mo ako at dito ko gustong mag-stay. Sa bahay mo.” Pagkasabi niyon ay nilampasan na siya nito saka pumasok sa loob ng banyo.

Napanganga man siya sa isinagot ng lalaki sa kanya ay itinikom na lamang niya ang sariling bibig. Muli siyang bumalik sa pagkakahiga.

Nang makalabas si Carson mula sa banyo ay umakto siyang natutulog na. Inaasahan niyang sa lapag ito matutulog ngunit nagkamali siya. Unti-unti niyang naramdaman ang paghiga ni Carson sa kanyang tabi kaya naman ay hinarap niya ito.

“Baka nakakalimutan mong hindi tayo mag-asawa para matulog sa kamang hinihigaan ko rin,” aniya upang ipaalala rito.

“Yeah, I know and I don’t care about that. Dito ko gustong matulog sa tabi mo para masamahan kita.”

“Hindi mo naman kailangang samahan ako. Kaya ko ang sarili ko,” aniya kasunod ang pag-usog sa dulong bahagi pa ng kama.

“Ely, aminin mo man o hindi kailangan mo ng makakasama. Makakasama mo ako sa lahat ng bagay. Kung gusto mong iyak o magwala, ayos lang sa ’kin. Ang importante ay nasa tabi mo ako ano man ang maramdaman mo. Gusto kong sa mga bisig ko pa rin ikaw kakalinga ng yakap.”

Hindi man aminin ni Elysse sa mga oras na iyon ay sadyang nahaplos ng mga salita ni Carson ang kanyang puso. Hindi rin niya maapuhap ang itutugon sa sinabi ni Carson kaya naman ay tumihaya na lamang siya nang higa saka itinuon ang paningin sa kisame.

Sa totoo lang ay mas naiisip at nararamdaman niya ang sakit ng pagkawala ni Andres kung siya ay mag-isa. Nagkakaroon kasi siya ng pagkakataong isipin ang mga masasamang nangyari.

“Tell me what’s on your beautiful head, Ely.”


Discover more from Quattro Tagalog Online Stories

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

The Second Mrs. Guillermo (Chapter 90)

•───────•°•❀•°•───────

AUTHOR'S NOTE

•───────•°•❀•°•───────

One Response

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.