The Second Mrs. Guillermo (Chapter 92)

Year 1977

MATAGAL na tinitigan ni Celestine ang sariling katawan sa malaking salamin na nasa banyo ng kanyang condominium. Mababakas sa kanyang katawan ang bawat nagmamarkang halik at kagat sa kanyang balikat. Mga marka ng mga daliring senyales na may mariing humawak sa parteng iyon ng kanyang katawan. 

Isa rin iyong palatandaan na may isang lalaking sapilitan siyang inangkin sa nagdaang gabi. 

Hindi rin inaasahan ni Celestine na ang taong maghahatid pa pala sa kanya sa kapahamakan ay siyang kumupkop at pinagkatiwalaan niyang tao. Si Orion, ang kanyang manager sa mundo ng pagmomodelo at ng showbiz. 

Ito ang nakakita sa kanya nang minsang magbakasyon ito sa kanilang probinsya. Natatandaan pa niya ang sinabi ng silahis na manager nang makita siya nito. “You were such a beauty in a million dreams.”

Inalok siya ng magandang trabaho na siguradong magpapaangat sa kanya mula sa putikan. Literal na putikan sapagkat pagtatanim at pag-aani lamang ng palay ang ikinabubuhay nilang mag-ina sa sakahan ng ibang tao. 

Hindi siya nagdalawang isip na sumama sa silahis upang makipagsapalaran kahit maiiwan niya sa kanilang lugar ang kanyang ina at ang nobyong si Henrico. 

Sa una ay naging maganda ang lahat ng suwerteng dumating sa buhay ni Celestine. Tinagurian pa siyang Celestial Beauty sa industriya ng pagmomodelo sapagkat umaangat talaga ang kanyang ganda sa lahat ng mga modelong nakakasalamuha niya, baguhan man o datihan nang mga modelo.

Nang mga panahong iyon at nagsisimula na silang makaahong mag-ina. Ngunit hindi niya inaasahan ang mangyayari sa gabi ng pagtitipon. Nagkaroon ng isang magarbong pagtitipon para sa mga mayayaman at mga kilalang personalidad. May mga pulitiko, negosyante at iba pang mga taong talagang may mga nasasabi sa buhay. 

Tandang-tanda pa ni Celestine na naging masaya siya sa pagtitipong iyon. Doon na rin niya nakilala si Timotheo. Isang Spanish-American na matagal na ring naninirahan sa Pilipinas kaya naman sanay na rin itong umunawa sa lenggwaheng tagalog. 

Masasabi rin niyang gwapo at talagang makapangyarihan ang lalaki base na rin sa naririnig niyang status nito na siya namang ibinubulong sa kanya ni Orion habang nakaupo sila sa nakalaang mesa para sa kanila. 

Sa paglalim ng gabi ay inaya siya ni Orion sa isang pribadong kuwarto. Sinabi ng manager na may kakausapin lang silang tao roon dahil interesado raw itong makilala si Celestine. Sumama siya nang walang pag-aalinlangan dahil kasama naman si Orion. 

Sa pagtapat nila sa pinto ng silid ay may dalawang lalaking nakasuot ng itim na coat ang nakabantay sa labas. Sa hula pa ni Celestine ay mga bodyguard iyon ng nasabing taong kakaharapin nila ni Orion. Magalang naman silang pinagbuksan ng mga ito. 

Kung ano’ng ganda ng bulwagan ay siya namang ganda rin ng silid na pinasok nila ni Orion. May nakahandang pagkain sa mesa at mga inuming siguradong hindi rin iinumin ni Celestine sapagkat hindi niya gusto ang lasa ng alak. 

May dalawa ring waiter ang naroon. Sa mahabang mesa ay nasa dulo nito ang isang malaking pinto. Inisip niyang washroom iyon. 

Kapwa sila ipinaghila ng upuan ng isang waiter upang makaupo na sa kabilang dulo ng mesa. Manghang-mangha ang kanyang mga mata sa mga muwebles na naka-display sa naturang lugar. Alam kasi niyang lahat iyon ay mamahalin at halata pang galing ibang bansa.

“Ang ganda, ano? Alam mo bang si Timotheo ang may-*ri ng lahat ng nakikita mo pati na itong building kung saan tayo naroroon?” bulong ni Orion sa kanya na para bang nababasa nito ang paghanga sa kanyang mga mata. 

Wala na siyang naitugon pa sa manager dahil bigla na lamang iniluwa ng pinto sa dulo ang isang lalaking ngayon lamang niya nakita. Gwapo at halatang may dugong banyaga base na rin sa malaabuhing kulay ng mga mata nito. Nakapaskil agad sa mukha nito ang isang matamis na ngiti. Awtimatikong lumapit sa kanila ang lalaki.

“Oh, Mr. Guillermo! You haven’t changed at all. You’re still exquisite.” puri pa ni Orion habang may pagningning sa mga mata nito. 

Isang simpatikong ngiti naman ang itinugon ni Timotheo sa papuring iyon ng kanyang manager. “You too, Ory. You haven’t changed. You still have your sweetest tongue. Anyway, could you please introduce me to this beautiful maiden in front of me?” 

“Ah, yeah.” Bumaling sa kanya ang manager. “Uhm, Celest, this is Mr. Timotheo Guillermo. The one that we were talkin’ about earlier.”

Kaagad namang inilahad ng lalaki ang palad sa kanya upang makipagkamay. Tinanggap niya iyon kasabay ng pagngiti. Ngiting inaral niya nang makapasok sa mundo ng pagmomodelo. 

Subalit ang inakala niyang shake hands lamang ay hindi nangyari bagkus ay inilapit nito ang likod ng kanyang palad sa bibig upang halikan iyon. Nang dahil sa ginawa nito ay nakaramdam siya ng kilabot sa buo niyang katawan na kanyang ipinagsawalang bahala. Inisip niyang dala lamang iyon ng malamig na hanging hatid ng aircon.

Sa paglipas ng ilan pang sandali ay pare-pareho na silang mga nakaupo sa mahabang mesa na animo’y marami pang tao ang inaasahang dadating upang makisalo sa kanila ngunit ang totoo’y sila lamang tatlo ng naroon. Kung saan sila unang nakaupo kanina ni Orion ay doon na rin sila umupo nang magsimula na silang kumain. Habang si Timotheo naman ay sa kabilang dulo ng mesa pumwesto. 

Lahat ng pagkaing naroroon ay napakasarap at talaga namang bibihira lamang na makita’t matikman ni Celestine. Habang kumakain ay panay din ang palitan ng mga salita sina Orion at Timotheo na kung minsan ay kanyang sinasalihan lalo na kung siya ang paksa. 

Napapatingin pa siya kay Orion sa tuwing iinom ito ng alak dahil nag-aalala siyang baka masobrahan ang silahis na manager at mahirapan silang makauwi. Siya naman ay kampanteng maayos na makakauwi sapagkat tanging juice lamang ang kanyang napiling inumin. Napakasarap din kasi ang pagkakatimpla niyon. May kakaibang tamis ang inumin na gustung-gusto ni Celestine. Hindi na rin niya nalamayang nakaubos na siya ng isang baso na siya niya ring ipinagtaka sa huli dahil tila kagaya sa alak ang epekto niyon. Unti-unti siyang nakaramdam ng pagkahilo na sa paglipas lamang ng ilang minuto ay sadyang tumitindi. 

“O-Orion, umuwi na tayo,” mayamaya pa’y aya niya sa kasama. 

Hindi na nakita ni Celestine ang makahulugang pagtitinginan nina Orion at Timotheo sapagkat inakay na siya nito sa pintong nasa dulo. Saka lamang naisip ni Celestine na hindi pala washroom ang silbi ng pintong nasa dulo ng dining table kundi isang silid na may kama.

Nagtataka niyang tinanong ang manager. “Hindi pa ba tayo uuwi? G-gusto ko na sanang magpahinga sa bahay,” aniya kahit medyo hinihila na ang kanyang talukap pasara.

“Dito ka muna sa kuwarto magpahinga. Hindi ko na rin kayang magmaneho pauwi. Magpapahinga rin muna ako.”

Iyon lamang ang narinig ni Celestine bago tuluyang matalo ng antok at hilo. Kampante siyang natulog. Ang hindi niya alam ay iyon na pala ang simula ng kanyang magiging kalbaryo sa kamay ni Timotheo. 

Ilang beses na nagpakasasa si Timotheo sa kanyang katawan na walang laban pati na ang iniingatan niyang puri ay kinuha nito.

Kinabukasan ay kinompronta niya si Orion. Sinabi niyang alam nito na may pampatulog ang juice na binigay sa kanya at kasabwat din ito ni Timotheo para mahulog siya sa patibong ng lalaki. 

Hindi naman nito itinanggi ang mga akusa niya at sinabing bibigyan siya ng kabayaran para sa magdamag na pagpapaligaya kay Timotheo. Sinabihan din siya ng manager na huwag nang magtangkang magsumbong sa mga pulis dahil siguradong wala siyang magiging laban sa kapangyarihan ni Timotheo at kakaladkarin niya lamang daw ang pangalan sa kahihiyan. 

She was so naive at that time that she just believed what Orion had just said to her. And from that day, she decided to get back home. Iyon na lamang ang kanyang naisip upang takasan ang masakit na pangyayaring naransan niya. Tumimo sa kanyang utak na hindi para aa kanya ang Maynila. Isa pa’y ninais din ni Celestine na makita ang ina at ang nobyo upang humugot ng lakas sa mga ito at kayanin pang harapin ang bukas. 

Pero nagimbal siya nang malamang ikinakasal na pala ang kanyang nobyo sa ibabang babae. Saktong sa pagdating niya sa kanilang lugar ay siya namang ginaganap na ang kasal ng lalaking naging inspirasyon niya sa Maynila. 

Kinabukasan ay nabalitaan ni Henrico ang pagbabalik niya at naisipan pang bisitahin siya sa kanyang pamamahay. 

“Ano’ng nangyari sa pangako natin sa isa’t isa, Henrico?” tanong ni Celestine sa pagitan ng paghikbi.

“Iyan din ang nais kong itanong sa iyo, Celestine? Ano’ng nangyari sa ’yo sa Maynila? Bakit hindi ka na sumagot sa mga sulat na ipinapadala ko sa ’yo? ’Yong lalaking sinasabi mo sa huling liham na ipinadala mo, nasaan siya?” magkakasunod namang tanong ni Henrico.

Naguluhan siya sa mga tanong iyon ng dating nobyo. “H-hindi totoo ’yan. Wala akong natatanggap na mga sulat mula sa ’yo tanging si—” Natigilan siya nang maisip na maaring si Orion ang dahilan kung bakit wala na siyang nakukuhang sulat mula kay Henrico. “Palagi kitang sinusulatan kahit napakaabala ko sa trabaho. Lahat ng nangyayari sa akin sa Maynila ay sinasabi ko sa sulat na iyon. Walang araw na hindi ko kayo inisip ni inay, Henrico.”

Imbes na mabuhayan sa kanyang mga sinabi’y lalong naging malamlam ang mga mata ng dating nobyo. 

“Masaya akong malaman na kailan man ay hindi mo ako nakalimutan, Aking Celestine at naniniwala ako sa ’yo ngunit mayroon na akong pananagutan kay Eloisa. Siya ang naging sandigan ko nang mga panahong inakala kong nakalimutan mo na ako. Nakakalungkot pero dito na magtatapos ang kabanata ng pag-iibigan natin. Ipagdadasal ko ang sarili mong kaligayahan, Celestine.” Pagkasabi niyon ay humakbang na si Henrico palayo sa kanilang tahanan mag-ina. 

Sa pagdaan ng mga araw ay nagluksa si Celestine sa pagkamatay ng kanyang puso. Ngunit hindi iyon gaanong nagtagal sapagkat nagkaroon ng sakit sa baga ang kanyang ina. Kinailangan niyang pagtuunan ng pansin ang paghahanap pa ng trabaho sa bayan bukod sa pagtatanim sa bukid. 

Nasa kalagitnaan siya ng kanyang paghahanap ng trabaho sa ilalim ng tirik na araw nang bigla na lamang siyang mawalan nang malay. Nagising na lamang si Celestine sa isang hospital bed at sinabi ng mga nurse na naroon na nawalan siya ng malay sa gitna ng kalsada. Mabuti na lamang ay may mga mabubuting loob ang nagdala sa kanya roon. 

Ibinalita rin sa kanya ng isang nurse ang dahilan ng kanyang pagkahimatay na siyang lalong nagpabigat ng loob ni Celestine. May bata palang nabuo sa kanyang loob na sanhi ng paulit-ulit na pag-angkin sa kanya ni Timotheo.


Discover more from Quattro Tagalog Online Stories

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

The Second Mrs. Guillermo (Chapter 92)

•───────•°•❀•°•───────

AUTHOR'S NOTE

•───────•°•❀•°•───────

2 Responses

  1. Grabe ang napagdaanan ni celestine kaya di mo aakalain na ganun siya magtanim ng galit at ganun siya maghiganti masyado siyang nalugmok sa kasawian na di dapat niya naranasan😥🫂 , salamat sa magandang kabanata ms thale

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.