High school pa lamang si Elysse Dela Serna ay crush na niya si Carson Guillermo, ang pinakagwapo at pinakamayamang estudyante sa batch nila. Ang crush na nararamdaman ni Elysse noon pa man para sa binata ay lumago pang lalo at batid niyang hindi na lamang iyon basta paghanga.
Ngunit sinarili na lamang niya ang kanyang nararamdaman alang-alang sa kapatid na si Elizabeth. Siya pa mismo ang naging tulay upang magkagustuhan ang dalawa at kalaunan ay naging mag-asawa. Nakontento na lamang siya sa kaalamang ang lalaking pinakamamahal niya ay masaya na sa piling ng kanyang kapatid.
Subalit nagulantang si Elysse sa biglang pagpapakatiwakal ng kanyang kapatid. Ang pangyayaring iyon ay nasaksihan ng dalawa niyang mga mata. Parang isang bangungot.
At dahil doon ay walang ibang naisip na dahilan si Elysse sa pagpapakamatay ng kapatid kundi ang asawa lamang nito.
Naging dahilan iyon upang ang paghanga na kanyang nararamdaman para sa lalaki ay panandaliang maisantabi at mapalitan ng galit. Upang mabunyag ang katotoohanan ay kailangan niyang gawin ang isang bagay— ang magpakasal kay Carson.
Ano nga ba ang katotohanan sa likod ng mga pangyayari? May matuklasan nga kaya si Elysse ngayong bahagi na siya ng pamilya Guillermo?
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.






9 Responses
Thale Thale ohhhh
Buhay kaya Ang ate Elizabeth niya, ano kaya mangyayari Lalo kakaiba ganap Ng mama ni Carson Dito, naku naku naku
One more episode po
Yes po👌
Hala. Salamat po😍
Ang tanong buhay pa kaya ang ate niya? Sino ang kumuha sa katawan ng ate niya?Gaano kamahal ni Carson si Ellie? Ano nga ba ang mga tinatagong lihim ni Celestine? Grabe halatang mahabang mahaba ang ganap hahahaha🥰 okay start na😘
Ooohhh me pag ibig naman pala sa kaniya si carson noon pa man hmm ano nga kaya ang lihim na tinatago ni celestine 🤔
Naku, ate. Pasabog yan! Abangan mo, ha?😍
Oo naman hehe kaabang abang talaga 😻