Too Late (Chapter 9)

Author's Note

――*☆*――*☆*――*☆*――

“FOUL!” asar na ibinato ni Greg ang bola sa kasamahan nang tawagan nanaman siya ng referee ng foul. Pang-apat na niya ito. At talagang wala siyang pinakitang maganda sa laro niya ngayon dahil wala siyang tulog.

Gusto niyang basagin ang mukha ni Paulo dahil ang lakas ng loob nitong mag-post ng picture sa Instagram nito kasama si Dorothy.Wala talagang pagpapahalaga si Paulo sa pagiging magkaibigan nila. Talagang pinanindigan nito ang sinabi nito sa kanya nang minsang magkausap sila.

“I’m in love with her, I don’t know when, Greg. But I really want to court her if ever you and her broke up.” Natigilan sa paglalakad palabas ng bahay ni Gabriel si Greg dahil sa narinig. Agad niyang binalikan si Paulo na may hawak pang plato at pinupuno ng pagkain.

“What did you say?” gigil na tanong niya rito.

“You heared me. I do like her. I love her,” ulit pa nito at kumuha ng maiinom.

Sa narinig niya agad na ang init ang kanyang ulo. Susugurin na niya dapat si Paulo pero humarang si Gabriel.

“Greggy, stop!” saway nito sakanya.

“Fuck that asshole!” duro niya kay Paulo na akala mo ay walang pakialam sa naririnig.

“Please, not on my birthday, Bro,”pakiusap pa ni Gabe.

“’Im sorry. I have to go before I smash his face.” Tumalikod na siya at agad nang umalis.

“Whats wrong with you, Patriarcas? Ayusin mo ang laro mo!”ang kanilang coach.

Ininom muna niya ang tubig bago tumango sa coach.Kalaban na niya ngayon ang dati niyang team. Matagal na siyang umalis sa Tigers. Galit si Nathan sa kanya at hindi na siya masaya sa pakikitungo nito sa kanya. Dumagdag pa si Paulo na sinisira ang ulo niya sa planong panliligaw nito sa girlfriend niya. Hindi pa sila break ni Dorothy. O mas tamang sabihing wala naman silang formal break up. Pero ang lakas ng loob ni Paulo na ihayag sa mundo ang pagiging masaya nito kasama ang tinawag pa nitong angel.

Nakita niyang tinanguan siya ni Gabriel na nasa kabilang dulo ng court at kalaban na rin niya ngayon.Huminga siya nang malalim bago tumango rin dito.

Nagtataka siya noong una kung bakit noong mga nakaraang laro ng Tigers ay wala si Paulo. Iyon pala ay dumidiskarte na ito sa UK sa kanyang si Dorothy.Gustuhin man niyang pumunta doon hindi naman niya alam kung saan mismong lugar siya pupunta. Dahil walang plano si Nathan o ang mga magulang ng dalaga na sabihin sa kanya.

Nang muling pumito ang referee ay pinapasok siya sa court ng kanilang coach para sa last three minutes ng game.Malakas ang sigawan sa buong Araneta. Halos magwala ang fans. Nagkakatapat din sila ng kanyang kaibigang si Gabriel na sigurado siyang magbibigay-daan sa kanya na dapat ay hindi nito ginagawa dahil magkalabang kuponan sila.

“Three points, nai-shoot na naman ni Buenafe ang bola,” sabi pa ng announcer.

Lamang na lamang ang Tigers kontra sa Sharks halos beinte puntos ang lamang na siguradong hindi na mahahabol dahil 30 segundo na lang ang natitira.

He try to steal the ball from Nathan. Nagwagi naman siya at agad nag-dribble at nagtangkang makapuntos pero isang pangyayari ang hindi inaasahan.

“Ahhh!” Napasigaw siya sa sakit ng supalpalin ng Fil-Am player ng Tigers ang bola at napahiga siya sa sakit. Tumama ang ulo niya sa sahig at ang masama pa, hindi inaasahang nawalan ng balanse ang Fil-Am at bumagsak ito sa kanyang binti.

Sobrang sakit ng naramdaman niya na halos hindi niya matiis na hindi sumigaw. Agad na nag-time out ang referee at nilapitan siya ng kanyang mga kateam.

“Medic!” sigaw ng isa.

“Greg, Greg, Bro,” tawag naman ni Gabriel sa kanya na bakas ang pag-aalala sa boses.

Agad na dumating ang medical team at inayos ang nasaktan niyang hita. Sa tuwing gagalawin ng mga medic ang kanyang kanang binti ay napapasigaw siya sa sakit.Inalis siya sa court at agad na dinala sa clinic upang masuri nang maayos. Pero dahil kailangang mas makita kung anong lagay ng kanyang paa ay dinala siya sa hospital.

Pakiramdam ni Greg ay gumuho ang kanyang mundo sa naging paliwanag ng doktor. Narinig niya ang pagbanggit nito ng pain relievers at therapy pero ang tumatak sa isipan niya ay ang ideyang hindi raw muna siya makakapaglaro sa loob ng ilang buwan. Hindi siya makahagilap ng mga salitang sasabihin. He was so down at the moment.

“You need to take a rest. By the way, may rounds pa po ako maiwan ko na muna kayo.” At umalis na ang doktor.

“Gregory, kailangan mo munang umuwi sa bahay para maalagaan kita,” sabi ng kanyang nagaalalang ina.

“Oo nga, Kuya,”ang kapatid niya.

Tinapik naman siya sa braso ni Gabriel bago ipinakita ang tumutunog na cellphone, nag-excuse ito upang sagutin ang tawag ng nobya.

 

“WHAT happened?” nag-aalalang tanong ni Dorothy sa pinsang si Nathan na kausap sa skype.

“He broke his right leg,” sagot nito.

“Oh my! Kuya, please tell Mom and Dad that I need to go home. Please…” pagmamakaawa niya.

Hindi pa sila break ni Greg at alam niyang mahal niya pa ang binata.

“No. Stay there,” mariing sabi ni Nathan.

“But he needs me,” malungkot niyang pahayag.

“Kaya na siyang alagaan ng pamilya niya, just focus on your studies.” Nagpaalam na ito sa kanya.

Dahil sa lungkot doon na napagpasyahan ni Dorothy na buksan ang mga e-mail ni Greg sa kanya. Siguro ngayon ay handa na siyang basahin ang mga iyon.

 

 


Discover more from Quattro Tagalog Online Stories

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Too Late (Chapter 9)

One Response

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.