Topload (Chapter 1)

NANG makalampas ang kulay asul na pampasaherong jeepney sa Bangued, ang sentro ng probinsiya ng Abra, ilang mga pasahero ang nagsibabaan. Subalit inayos lang ng mga ito ang ilang kargamento at mga pinamili, saka mabilis ding nagsiakyatan ulit—patungo sa bubungan ng jeep. Ang topload. Wala nang checkpoint ng pulis mula roon, kaya safe nang mag-topload hanggang sa Sitio Baquero. Matatagpuan ang nabanggit na sitio sa munisipalidad ng Licuan-Baay.

Napatingala si Kenna. She was one of the several passengers who lined up behind the jeepney, and was waiting for her turn to climb the small, narrow ladder.

Sinipat niya ang oras sa kanyang cell phone. Pasado alas-kuwatro na ng hapon. Dalawang oras na lang ang ibibiyahe niya at magkikita na sila ng Lola Rosalina niya.

She quickly adjusted her oversized backpack (which she had used on previous trips and holiday vacations somewhere) and took another few steps forward. Nakasunod siya sa batang lalaki at may-edad na mama.

From Kenna’s line of sight, a guy with strong arm—not excessively muscled—suddenly appeared and held out a hand to the climbing older man, offering help. She couldn’t see the upper part of the guy’s face because he was wearing a ball cap, while a blue headphone hung from the back of his neck. Malakas din ang araw kaya anino ang nakikita niya. But there was something striking about him. Like an irresistible and tempting outside force pulling her eyes towards him. He had that kind of appeal, she acknowledged. Eye-catching. Mamarkahan ng kahit sinong babae. At dahil naka-ball cap din siya at natatakpan ng brim nito ang kanyang mga mata, pasimple niya itong minasdan pa.

Was it because of his enigmatic smile? Kenna pondered.

She observed that he was beaming almost at everyone there on top, exchanging a few pleasantries. Tila kilala ng lahat. Ang iba ay napapahalakhak pa nang malakas.

Tumaas ang isang kilay ni Kenna. Parang politiko itong nangangampanya.

Or sa pananamit ba? patuloy ng isipan niya.

Naiiba kasi ang dating nito kaysa sa ibang kalalakihan doon. Naka-jeans, simpleng light blue shirt, at blue sneakers ito, pareho ng style ng karamihan doon kung tutuusin. But he was like a smooth, glossy white pebble surrounded by dull and gray sand on a seashore.

Darn it, Kenna. Mga mata mo. Ang daming napapansin!

Hindi niya napigilang mapangiti nang bahagya sa sinasabi ng isang bahagi ng kanyang utak. Kung kasama niya ngayon ang best friend niyang si Joan, tiyak makatitikim siya rito ng hampas sa balikat. Kaso, nagpaiwan ito sa Quezon City dahil walang magma-manage sa business nilang coffee shop (at bookshop na rin, kung saan libreng magbasa roon ng sari-saring books). Pati kotse niya ay iniwan na rin niya muna roon pansamantala upang magamit ng kaibigan. Pero iyon, mamamalo talaga si Joan. Manghahampas habang nakabungisngis, kinikilig, akala mo’y namimilipit na bulati, sabay sasabihin nitong, “About time, bhes! Halos two years nang dry season ang relationship status mo, eh. Hahaha!” `Tapos magro-roll ang mga mata niya at sasagot ng, “Engot. Ano’ng kinalaman ng relationship status ko sa lalaking nasa topload na hindi ko makita ang mukha?”

Suddenly, the guy took off his cap and brushed his fingers through his hair, then put the cap back on with the brim now at the rear. Para bang sagabal ang nasabing brim sa pagbubuhat nito ng dalawang mukhang mabibigat na bayong ng may-edad na mama. Naipuwesto nito nang maayos ang mga bayong makalipas ang ilang saglit.

And suddenly, his eyes were now firmly fixed on her.

Kenna sucked in her breath!

She caught sight of a very striking pair of eyes! Pero mabilis siyang nag-iwas ng tingin, and realized that she was holding her breath.

She wasn’t sure though kung naitago ba ng brim ng suot niyang cap ang pamumula niya. Sobrang init ng kanyang mga pisngi. Kasama pati mga tainga niya!

Nakakahiya kay topload guy

Her turn came, so she started for the ladder.

But the guy said something: “Iyong!” Sabay baling nito sa binatilyong kondoktor na may ibang ginagawa. “Pakiabot ng backpack niya.” Pagkatapos ay sa kanya naman bumaling. “Para `di ka mahirapang umakyat,” dugtong nito.

Tumango si Kenna. Nagpapasalamat siyang hindi sa salitang Itneg o Tingguian siya kinausap nito. Kahit tagaroon ang namayapa niyang ama, hindi siya marunong ng diyalekto roon.

Mabilis na kinuha ng kondoktor ang karga niyang mukhang pang-camping at mountain climbing. At mabilis din iyong nakarating sa itaas.

As Kenna climbed two steps up, the guy with enigmatic eyes watched her intently, curiosity in his strong gaze. Naiilang siyang nagbaba ng tingin, patungo sa mga kamay niyang nakahawak sa bar ng hagdanan.

Maya-maya, sumungaw sa harap niya ang palad ng lalaki. Pero umiling siya. “Okay lang, kaya ko,” sagot niya sa alok nito na may kaunting ngiti. Hindi naman mahirap o nakatatakot na umakyat doon. Nami-miss nga niya iyon katunayan. Gawain niya iyon noong bata pa siya.

Once she was on top, she quickly looked for a place where she could get settled before the jeepney would move again. Baka tumambling siya roon kapag hindi siya nakahanap ng makakapitan. Unfortunately, halos occupied na ang bawat sulok na may railing o mga metal bar.

“Dito ka na,” seryosong wika ni topload guy. Umurong ito sa tabi. Pagkatapos ay iminuwestra nito ang dating puwesto sa itaas ng nakataling reserbang gulong. Nasa ulunan iyon ng jeep. “Ito ang pinakakomportableng spot sa topload,” he added in a friendly tone, not smiling. His eyes were still penetrating though.

“Sige,” she agreed smilingly. Nakatingin siya sa butas sa gitna ng gulong. Saktong-sakto iyon sa pang-upo. “Thank you,” she added softly, with grateful tone.

Kumibit ng balikat ang katabi. “Walang problema.”

She realized that he was still way taller than her kahit pa ilang pulgada na ang itinaas niya dahil sa gulong.

Topload guy just gazed down at her.

Kaya iniiwas ulit ni Kenna ang kanyang mga mata. Nasa’n na ang palangiting topload guy kanina? Grabe makatingin

She dismissed her thought at isinuot na ang kanyang hooded jacket upang proteksiyon sa araw at malamig na kapaligiran na alam niyang mas lalamig pa kapag tatakbo na ang jeep.

“Thank you rin kanina dahil…” Kenna trailed off, searching for easier and appropriate words, “nakuha mo agad na `di ako marunong mag-Itneg… Tagarito naman relatives at father ko, pero naiilang ako sa mga tagarito dahil `di ako marunong no’n, eh. Kasi `di ba, dapat marunong ako no’n dahil sa original roots ko. Alam ko kasing proud sa kultura nila ang mga tagarito—” Kenna stopped. Gusto niyang sawayin at pagtawanan ang sarili. Kung ano-ano na ang pinagsasabi niya sa katabi kahit hindi sila magkakilala.

This made his eyes dart back at her while he was wearing an additional shirt with long sleeves. Tila nagre-ready din laban sa mala-yelong lamig ng ere.

“Kilala ko halos lahat ng taga-Licuan-Baay, lalo na sa Sitio Baquero,” he responded in lighter tone. “So, I know that you are either a tourist or a visiting relative outside Abra. Given the circumstances, it’s obvious that you can’t speak our dialect… Anyway, don’t worry. Kahit si Iyong” —iminuwestra nito ang kondoktor— “`di rin marunong. The reason why I spoke to him in Filipino.”

That raised Kenna’s curiosity more. The way he talked—even in English—made him even more dashing. And the way he carried himself—

Napahawak bigla si Kenna sa gilid ng gulong!

Umandar na kasi ang jeep. Unti-unti na ring umaandar ang excitement sa mga kalamnan niya. She would be able to feel the thrill once more. Just like when she was a child a long time ago.

 

*****

 

It was as if Kenna could hold the clouds, the mountains, the trees—mostly pine trees—in her hands. Literal na nasa tuktok at gilid ng bundok kasi ang paliko-likong sementadong kalsada na binabagtas ng jeep. She felt like flying, floating, lalo pa’t two lanes lang ang kalsada at pakiramdam niya ay napakakitid niyon. Tuwing susulyap siya sa ibabang bahagi, sa matatarik na bangin, tila lumulutang at nag-i-stretch ang ulo niya, na parang mahuhulog ang sikmura at mga laman-loob niya sa lalim niyon. Kaya dumiin pa ang kapit ng mga kamay niya sa inuupuang gulong. Still, she liked it so much that she was grinning to herself. The thrill was exhilarating!

Napansin iyon ng lalaking katabi niya. He chuckled before he said, “First time mong mag-topload?”

Kenna glanced at him, still wearing a grin. Then closed her mouth when she realized na baka nagmumukha siyang ignorante. Ang ibang naroroon kasi sa topload ay tila sanay sa ganoong napakagandang view. Animo’y nasa Marlboro Country sa advertisement sa TV: kabi-kabila ang mountain ranges, pine trees, mga kabayo—

“Mga kabayo!” Kenna gasped!

Sa pagkakataong ito, tuluyan nang bumalik ang ngiti ng katabing lalaki. “`Di ka rin nakakakita pa ng kabayo?”

Umiling si Kenna. “One time lang. Noong nagpa-picture ako sa pink na kabayo sa  Mine’s View Park sa Baguio.”

Kumawala ang mahinang halakhak ng lalaki.

“Mga native na kabayo `yang mga `yan.” Sinulyapan nito ang mga tinutukoy na nasa tabi lang ng kalsada at nanginginain ng damo. “See that LB initial? Sa may pigi sa likod nila? It meant Licuan-Baay. Sa kabilang pigi naman makikita ang initial ng may-ari.”

“Wow,” was all Kenna could say.

“Look!” Sabay turo ng katabi sa langit.

“Wow…” she said again breathlessly. Dalawang lawin na halos kasinlaki na ng normal na agila ang kasalukuyang nasa ere. Paikot-ikot. May hina-hunting yata. “I never thought makakakita ako niyan sa wild.”

“They are called Brahminy kites. Birds of prey. And I’m glad that you appreciate all these.” Nagbigay ito ng matamis na ngiti. He was pleased na ang isang outsider ay pinahahalagahan kung anong meron ang kanilang lugar.

“Are you kidding?” maluwang ang ngiting sagot ni Kenna. “First-class experience `to, `no. Sa’n pa ‘ko makakakita nito? And look at that…” She motioned at the afternoon sun, casting bronze light on nearby hills and mountains. It made the dry grass, other undergrowth vegetation, and red-brown rocks and ridges browner, which highlighted more the surrounding green pine trees. It made the entire landscape more scenic, magnificent, and breathtaking. “At `di ito ang first time na nag-topload ako rito.”

“Oww?”

“Yep. I used to do this with my lolo when I was little.”

Inangat ng katabi ang suot nitong headphone, lumapit konti at inialok iyon sa kanya. “Here.”

With that gesture, naamoy ni Kenna ang pinaghalong pabango nito at tila bath soap na ginamit. Ni hindi yata pinawisan nang tumulong ito kanina sa ilang pasahero. Amoy bagong ligo pa rin.

“W-what are you doing?” alanganing sabi ni Kenna habang nakatingin sa headphone, sabay lipat sa guwapong mukha ng katabi. For heaven’s sake, was the guy trying to get intimate with her? Ni hindi sila magkakilala nito, a!

“Go on,” natatawang sabi ng katabi sa naging reaksiyon ni Kenna. “Try it. The sun is now setting. A perfect moment to listen to this song while viewing this entire scenery. I promise you’ll like it more.”

“S-sige…” alanganin pa ring sabi ni Kenna habang inaabot ang headphone.

At nang mapakinggan niya ang “Forever Country”: pinagsamang mga kantang “Take Me Home, Country Roads”; “On the Road Again”, at “I Will Always Love You” (na kinanta ng trentang mga beterano, baguhan, at batikang country singers), na-overwhelm siya. Alam niyang mahilig ang mga tagaroon sa country songs. She guessed that it must have something to do with the place’s topography, like in the countryside in US kung saan uso ang country songs.

But it was effective! Her heart wanted to burst in a good way.

She closed her eyes. Pinakiramdaman ang mas malamig na hanging tumatama sa kanyang mukha, na manaka-nakang inililipad din ang kanyang maigsing buhok. And when she watched again the yellow, orange, and pink streaks of sunset, medyo nanubig ang gilid ng mga mata niya. At that precise moment, she felt happy and content. Devoid of worry.

“Welcome to the upland,” nasisiyahang wika ng katabing lalaki matapos ang mahabang sandali.

Tumango si Kenna at nangiti. Upland ang tawag ng karamihan sa mga munisipalidad na nasa highland o matataas na elevation sa Abra. Kung saan madalas sa hapon ay nagkaka-fog o di kaya’y bumababa ang ulap at uulan nang fifteen to thirty minutes.

“Obviously, you liked it.” Sabay sipat ng lalaki sa mga mata niya. Nangiti ito sa kung ano’ng nakita roon.

Kenna blinked several times, attempting to disperse the moisture in her eyes. “Yep, you’re right. I liked it,” she admitted, contentment still reflecting in her eyes.

“Like I promised,” topload guy said. He had a wider smile this time.

Natawa si Kenna.

“I’m Sander.”

Natawa siya ulit. “Kenna.”

“Finally,” he said laughingly.

Natatawa pa rin si Kenna nang  ibalik ang headphone sa katabi.

“Sino nga pala’ng bibisitahin mong kamag-anak sa Baquero?” Isinampay lang nito ang headphone sa leeg.

“Lola Rosalina ko.”

“Ahh… Isa ka palang Valera…”

The way he uttered those words told her that he might be insinuating something else. So, she asked, “What do you mean by that?”

“Nothing,” was his casual answer. “Kilala kasi ang mga Valera dito sa Licuan-Baay. May-kaya at impluwensiya.” Sumulyap uli ito sa kanya, mas curious na. “So… ikaw pala `yong kaisa-isa niyang apo na nasa Quezon City. My guess earlier was right.”

“Guess?”

Tumango si Sander. “I thought I recognized some of the Valera facial features in you. No’ng paakyat ka ng topload kanina. May hawig ka sa lola mo kasi. At kahawig mo rin `yong batang babae sa picture na naikukuwento n’ya minsan.”

“Picture?” She felt na outsider talaga siya. Hindi niya alam ang picture na iyon. Mukhang marami na siyang hindi alam sa ancestral place ng kanyang ama.

Tumango muli si Sander. “Nasa picture frame. Sa may grand piano sa ancestral house ng lola mo. It turned out, ikaw pala ang batang `yon.”

Kenna thought, Kaya pala gano’n na lang kung makatingin s’ya sa `kin kanina. Then she said out loud, “Mukhang magkapitbahay kayo ng lola. It’s clear that you are accustomed to her house.”

“No, not neighbors. Pero `di naman napakalaking sitio ang Baquero. Everybody knows everybody. Besides, proud na ipinapakita ni Lola Gumayen `yong picture mo sa ibang tao.”

“Gumayen?”

“Uh-huh. Counterpart name sa Tingguian o Itneg.”

“Talaga?” nangingiting sabi ni Kenna. Nakalimutan na rin niya na may native name ang mga tagaroon. “Ikaw ba, meron din?”

He deliberately flashed a sexy smile and said, “Bittong.”

Ang lakas ng tawa ni Kenna. Sa lakas niyon ay napalingon ang ilan na nasa topload.

“Sige,” natatawa ring sabi ni Sander. “Laugh all you can.”

“I didn’t mean any disrespect with the traditional names, pero… pero…” Hindi niya napigilang matawa ulit.

“Pero?”

“Para kasing pambinatilyong inosente. Hindi bagay sa ano… sa…” sagot niya na iminuwestra ang kabuuan ng lalaki.

“What?” Nanunukso ang mga mata ni Sander. “You think hindi na pang-inosente itong katawang `to?”

Kenna shook her head and covered her eyes with her two hands while laughing. OMG, I can’t believe nakarating kami sa ganitong usapan.

Ni hindi niya namalayang pasado alas-sais na ng gabi. Ganoong oras siya nakababa ng jeep. Naroroong kumaway pa sa kanya si Sander na nasa topload. He even gave her a lopsided smile.

Nang malayo na ang jeep, nakaramdam siya agad ng pangungulila. Ngunit saan? O, kanino?

Kay Sander? Ayaw niyang paniwalaan ang utak niya. You must be insane, Kenna.

But she remembered that she almost didn’t want to end their silly conversations, neither did she want to say goodbye to his captivating smile.

Darn, he didn’t even ask for my phone number or Facebook account!

Napabuntong-hininga siya. Useless na isipin niya ang lalaking iyon dahil hindi yata interesado sa kanya at hindi na sila magkikita pa ulit.

 

Next to: Topload (Chapter 2)


Discover more from Quattro Tagalog Online Stories

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Topload (Chapter 1)

•───────•°•❀•°•───────

AUTHOR'S NOTE

•───────•°•❀•°•───────

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.