Unmask the Truth (Chapter 1: The Dance Floor)

Bookmark (0)
Please login to bookmark Close

My BookmarksShare

  • No bookmark found

Author's Note

――*☆*――*☆*――*☆*――

Sa bawat pagbalot ng mga kamay ni Kelly at pagpisil ng kanyang mga binti sa poste na nakatayo sa gitna ng entablado, hindi napansin ng mga tao ang kanyang mga luhang nakatago dahil sa maskarang suot. Sa bawat pananakit ng kanyang kalamnan sa pag-akyat ng kanyang mga paa at pag-ugoy ng kanyang katawan sa poste, hindi na niya ito inalintana dahil sa hirap at sakit na nararamdaman ng kanyang puso. Walang ibang nasa isip niya kundi ang malaking problemang kinakaharap ng kanilang pamilya.

Para sa kanya, hangga’t maaari, kahit sumasayaw siya sa isang high-end na nightclub, hindi niya ibebenta ang kanyang katawan tulad ng ginagawa ng ibang mga babae. But what she will do? Paano niya mababayaran ang limang milyong utang na ginamit nila sa ospital para lang maisalba ang buhay ng kanilang ina mula sa isang malagim na trahedya? Palaki nang palaki ang utang din nila dahil sa interes. Hindi siya makapag-isip nang maayos dahil kinuha na rin si Kendrick, ang kanyang kambal kapalit ng kanilang hindi nababayaran na utang. Alam ni Kelly kung ano ang mararanasan ng kanyang kapatid sa kamay ng taong pinagkakautangan nila.

Samantala, habang sumasayaw si Kelly sa poste, may isang lalaking nagmamatyag sa bawat galaw at pag-indayog ng kanyang katawan. Hindi man masyadong lantad ang suot ni Kelly habang sumasayaw sa poste, the man could still feel his hands caressing every curve of Kelly’s body as he watched her dance. He could also clearly see the last drop of sweat on Kelly’s skin. Nababasa rin niya ang nilalaman ng puso ni Kelly dahil sa sinasabi ng mga mata ng dalaga.

The man always visits the club just for Kelly. His only target is Kelly at gabi-gabi talaga niyang binabantayan si Kelly. At sa tingin ng lalaki, hindi na niya kayang palampasin pa ang gabi nang hindi kumikilos dahil sa kanyang natuklasan. He really likes Kelly. He will find a way to get Kelly at any cost. Tumayo ang lalaki sa kanyang kinauupuan at pumunta sa may-ari ng nightclub, na matalik na kaibigan ni Kelly, si Frida. Walang nagtangkang lumapit kay Kelly dahil sa utos ni Frida. Matagal na kinausap ng lalaki si Frida kung mabibili niya si Kelly sa anumang presyo basta tatanggapin ni Kelly ang kanyang alok.

“I want her!” wika ng lalaki. Nakatitig lang ang mga mata ni Frida sa binata at pinagmamasdan niya itong mabuti. Frida did not know if she would trust the man but she thinks about Kelly’s situation now. Nais man tulungan ni Frida si Kelly sa mabuting paraan pero saan din siya kukuha ng malaking halaga? Frida can’t give up her business for the sake of Kelly dahil may binubuhay din siyang pamilya. At naiintindihan naman iyon ni Kelly.

“Hindi ako pwedeng gumawa ng desisyon para sa kanya or force her to do the thing she might regret,” tugon na lang ni Frida at sumandal siya sa upuan. Pinag-krus rin ni Frida ang kanyang mga kamay sa kanyang katawan.

“But she needs help, right? She had to pay a huge debt para mabawi niya ang kanyang kakambal. I’m willing to help her but I will ask her in return,” seryosong wika ng lalaki. Halos mabulunan si Frida habang iniinom ang alak sa wine glass na hawak niya. Halos mabasag ang baso nang ilapag niya ito sa mesa. Mabilis na tumayo si Frida at dinuro ang lalaki.

“Who are you? Are you a stalker? May binabalak ka bang masama sa kaibigan ko?”

“Are you worried? What is more important to you? To help Kelly or the negative thoughts you have?” Diretso rin kung magsalita ang binata.

“Seriously, you know my friend’s name too? Sino ka? Bakit mo kilala si Kelly?”

“Kung ipapaliwanag ko ang lahat sa iyo, it is a long story. What matters now, bring Kelly in front of me before she makes a decision. I have something to offer,” utos ng lalaki kay Frida.

Nagdadalawang isip talaga si Frida kung susundin niya ang gusto ng binata. Particularly, she was unable to recognize the man’s features because he was wearing a black hat and face mask. Pinisil ni Frida ang sariling mga palad dahil hindi siya mapakali. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya? Lalo na’t tapos na ang huling musikang sinasayaw ni Kelly sa entablado. Urong-sulong ang mga paa ni Frida kung lalabas siya sa kanyang opisina upang puntahan kaagad si Kelly. She closed her eyes and took a deep breath to calm herself. And when Frida opened her eyes again, she went straight out of her office para salubungin si Kelly.

Sumilay ang ngiti sa labi ng lalaki. Alam nitong pinakinggan siya ni Frida. He pulled his cellphone out of his pocket and called someone habang papunta siya sa comfort room. Isa sa kanyang mga tauhan ang kanyang tinawagan who was just outside the nightclub. Pinahatid niya ang kanyang black suit at isang maskara sa kanyang kinaroroonan. Hindi ibubunyag ng lalaki ang kanyang mukha kay Kelly. He will hide his identity.

For him, that would be a good thing to do for their agreement. Dumating na rin ang tauhan ng lalaki at kaagad na siyang nagpalit ng damit. While the mysterious man busy fixing himself, Frida spoke to Kelly. Niyaya ni Frida si Kelly sa may bar section which serves expensive wines. Since Frida is the owner of the nightclub, just a flick of her finger bibigyan na siya kaagad ng alak ng bartender.

“Two glasses of wine, isa sa akin at ang isa ay para sa iyo,” wika ni Frida at nilagay niya sa harapan ni Kelly ang basong may laman ng alak.

“What is this? Sayang ang kikitain mo rito,” pagtanggi ni Kelly.

“Let’s celebrate!”

“Celebrate?” nagtatakang tanong ni Kelly. Bigla naman ininom ni Frida ang kanyang alak para lumakas ang kanyang loob. Pinagmasdan ni Kelly ang kaibigan. Weird ang kilos ni Frida. Naisip ni Kelly na why do they celebrate kung wala pa silang solusyon sa kanyang malaking problema.

“May sagot na sa problema mo, iyon ay kung papayag ka,” ani Frida at hinawakan niya ang mga kamay ni Kelly. Kukurap-kurap ang mga mata ni Kelly dahil hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig. Kelly did not know what her heart should feel. Mixed emotions. She’s happy but scared. She’s excited but nervous. Pero kahit ano man ang sasabihin ni Frida, dapat maging handa siya. She will accept new challenges in her life. Wala na siyang uurungan as long as she will do everything for her family.

“Paano ba? How can I tell you this? How do I start?”

“Frida, may gusto bang bumili sa akin?” diretsong tanong ni Kelly. Mabilis na tumango ang ulo ni Frida. Huminga nang malalim si Kelly.

“Dalhin mo ako sa kanya,” utos ni Kelly sa kanyang kaibigan.

“Are you sure? Hindi mo ba pagsisisihan ang iyong pasya?” Nanigurado si Frida dahil kilala niya ang kanyang kaibigan. Kahit nagsasayaw ito sa kanyang club, malinis pa rin ang pagkatao ni Kelly. Wala rin siyang kasintahan dahil mas inuuna nito ang kanyang pamilya. Ngunit, may isang lalaking nagpapatibok sa kanyang puso. Kelly just could not admit it because the man knew about her life. It was her co-worker. Sekretarya kasi si Kelly sa umaga hanggang hapon. And there is no chance for her to confess her true feelings dahil nga ibebenta niya ang kanyang sarili.

“But I have a condition,” tugon na lang ni Kelly. Biglang nabura ang pangamba sa kanyang damdamin dahil buo na ang kanyang desisyon. Walang pumilit sa kanya.

“Tell him, no matter what he asks me to do, I will not take off the mask I am wearing,” dugtong ni Kelly habang titig na titig siya sa mga mata ni Frida. Itatago na lang ni Kelly ang kanyang mukha sa maskarang suot niya para may matira pang kahihiyan sa kanyang pagkatao.

“Where is he?”

“In my office,” matipid na sagot ni Frida. Kelly gently put her mask on her face. Bago siya bumaba sa bar chair na inupuan niya, ininom niya muna ang alak na ibinigay ni Frida. Pinakinggan niya ang iba’t ibang ingay sa kanyang paligid. The sound of the music. People scream while dancing on the dance floor. Nang bumaba na si Kelly sa upuan, nilingon niya ang paligid. Maraming grupong nag-iinuman. Marami ng lasing. May naghahalikan. May naghaharutan. Mga babaeng kasamahan niya ay palihim na nagtatrabaho bilang escort ng mga lalaking magbabayad sa kanila. Niyakap bigla ni Kelly ang kanyang sarili. Bumalik ang kaba sa kanyang dibdib.

“Let’s go!” anyaya ni Frida. Tumango na lang ang ulo ni Kelly at hindi niya alam matagal na siyang pinagmamasdan ng lalaking gustong bumili sa kanya.


Discover more from Quattro Tagalog Online Stories

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Unmask the Truth (Chapter 1: The Dance Floor)

No time to Collect Free Denaro Coins?

Click Here

3 Responses

  1. At grabe pareho pa Silang may mask sino Yung lalaki Siya din kaya Ang co worker ni Kelly? Na nagugustuhan din Niya o baka boss Niya sa work sa Umaga hahaha Yan tutuklasin natin bat Kilala ni boy si K

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Need Help?