Unmask the Truth ( Chapter 2: The Man Wearing a Mask)

Bookmark (0)
Please login to bookmark Close

My BookmarksShare

  • No bookmark found

Author's Note

――*☆*――*☆*――*☆*――

LITONG-LITO ang isipan ni Frida. Iba kasi ang lalaking nakikita ng kanyang mga mata sa lalaking nakausap niya na gustong bumili kay Kelly. He was wearing a black suit with a tie na sakto lang sa well-build body nito. Unlike nang magkausap sila ni Frida ay simpleng pantalon na maong at puting t-shirt lang ang suot nito. Frida stared at him even though the man was wearing a mask too in his face. Para kay Frida, kung kikilatisin niyang mabuti ito, ang lalaki ay parang isang mamahalin na diamante na hindi mahawakan ng kahit na sino man. The one next to him was also a muscular man that no doubt was his bodyguard.

“Where is Kelly?” tanong ng lalaki.

“Are you really the one I talked to a while ago?” tugon ni Frida.

“It doesn’t matter how I look like now. Where is Kelly? Bakit hindi mo siya kasama?”

“Kailangan muna niyang magbihis at mag-ayos para harapin ka. And, she has a condition for you,” tugon ni Frida while she lights up a cigarette. She pulled a little smoke on her mouth and held it for a moment before she blew up the smoke. Hindi nagustuhan ng lalaki ang kanyang narinig mula sa bibig ni Frida. Why would he accept a condition from Kelly? Ang dalaga ang may kailangan sa kanya. So, he should be the one to give Kelly the condition.

“I will not allow her to give me any condition. Once I bought her, she’s mine! I will do what I want to do to her,” wika ng lalaki. Naramdaman ni Frida na seryoso ito dahil halos malunok niya ang usok ng kanyang sigarilyo.

“Get her!” dugtong pa ng lalaki. Frida threw the cigarette on the floor and stepped on it with her right foot. Her eyeballs rolled. Kundi lang talaga kailangan na kailangan ni Kelly ng malaking halaga, she will not obey the man’s order. Ngunit sa pag-ikot muli ng katawan ni Frida para harapin ang pintuan ng kanyang opisina, nakatayo na roon si Kelly.

Kelly heard everything. And for her, what the man said was all true. Wala siyang karapatan na magbigay ng kanyang kondisyon dahil binebenta niya ang kanyang sarili. Kelly slowly lifted her hands to the back of her head. Tatanggalin niya ang suot niyang maskara na dapat ay hindi niya aalisin sa kanyang mukha. That is the only condition she would like to asked but she could do nothing but obey everything the man would tell her.

“Kelly,” bulong ni Frida. She felt sorry for her friend. Tumakbo si Frida sa harapan ni Kelly at niyakap niya ito nang mahigpit.

“Everything will be fine! Huwag ka na munang mag-isip ng kung anu-anong negatibo na pwedeng mangyari. Ang isipin mo na lang muna ngayon, you can make sacrifices para sa pamilya mo. Let’s hear first what he has to offer you bago tayo mag-desisyon. For now, walang masama kung kakausapin muna natin siya. Relax your heart and mind. Hindi ako aalis sa tabi mo. I will help you,” paliwanag ni Frida kay Kelly.

Mahal na mahal nila ang isa’t isa. Simula nang bata sila ay magkasama na silang dalawa. They also have the same status in life. Sila ang breadwinner sa pamilya nila, kaya wala silang lovelife. Hinawakan ni Frida ang kamay ni Kelly at ngumiti ang kanyang mga labi. Kelly just nodded her head. Magkahawak-kamay silang lumabas ng opisina ni Frida upang magtungo sila sa isang private room. Sumunod ang lalaki at ang bodyguard nito. Dadaanan pa nila ang maraming tao na nagkakasiyahan sa loob ng nightclub. Hanggang sa may isang foreigner ang humila sa suot ni Kelly na black dress.

“Hey baby, you were the one dancing on the pole earlier, right? Can you come with me and make me happy?” wika ng foreigner habang hawak pa rin nito ang bestida ni Kelly. She was about to answer, but someone suddenly punched the foreigner’s face. Ang bodyguard ng lalaki ang may kagagawan. Nang bumulagta ang foreigner sa sahig, inapakan ng lalaki ang dibdib nito.

“Know your place. No one can touch or hold my woman!” gigil na sabi ng lalaki habang dinidiinan niya ang pag-apak sa dibdib ng foreigner. May bouncer naman kaagad na sumaklolo sa sitwasyon dahil sa utos ni Frida. Binitbit ng mga bouncer ang foreigner palabas ng nightclub.

“Are you okay?” tanong ni Frida. Tumango lang ulo ni Kelly. Nagpatuloy na silang muli sa paglalakad papunta sa private room ni Frida.

Pagpasok nila sa loob, parang isang studio type unit na rin ng condo. Kumpleto ang kagamitan. May lamesa at upuan. May comfort room. May malaking television. May tulugan. May lutuan. Halos diyan na rin nakatira si Frida para masubaybayan niya talaga ang kanyang negosyo. Frida invited them to her room, so that Kelly and the man could talk privately. Hindi katulad sa opisina niya na may labas-pasok na empleyado niya. Umupo si Kelly sa kama ng kanyang kaibigan. And Frida assisted the man. He sat down on the chair while his bodyguard remained standing by his side.

“Leave!” matipid na sabi ng lalaki sa kanyang bodyguard at agad naman itong sumunod. Lumabas ito sa kwarto. Uupo na sana si Frida sa tabi ni Kelly, hindi niya natuloy.

“Ikaw rin, get out! I want to talk to her, just the two of us,” dugtong pa ng lalaki. Parang tinaniman ng granada ang loob ng katawan ni Frida na kahit na anong oras ay sasabog. Naiinis na rin siya sa lalaki. She could no longer hold back her anger, she replied.

“Who do you think you are? This is my property, paano mo nagagawang utus-utusan ako, ha? I’m not going outside!” Hinawakan ni Frida ang kanyang baywang. Salubong na rin ang kanyang kilay. Kelly noticed that. Tumayo siya mula sa kanyang pagkakaupo at hinarap niya si Frida.

“It’s okay! I’m fine! Kaya ko ito,” wika ni Kelly.

“Are you sure?’

“Yes!” ngiting sagot ni Kelly.

“Okay, nasa labas lang ako. Kapag may ginawang hindi mabuti sa iyo ang lalaking sarkastiko na iyan, just shout.” Tumango-tango lang ang ulo ni Kelly at sinamahan niyang makalapit si Frida sa pintuhan. Binuksan ni Kelly ang pintuan at tinulak niya si Frida sa labas.

“No worries, I’m okay!” kumpirma pa ni Kelly para mapanatag ang kalooban ni Frida. Nang nasara na ni Kelly ang pinto, naramdaman niyang may nakatayo sa kanyang likuran. Nasilayan rin niya ang anino ng lalaki. Kaba sa kanyang dibdib ay lumago. Lalo na, nang biglang hawakan siya ng lalaki sa kanyang baywang at dahan-dahan dumudulas ang kanang palad ng lalaki sa kanyang tiyan. Halos pigil hininga siyang hindi makakilos. Nang biglang iharap siya ng lalaki sa kanya. Nagkatitigan ang kanilang mga mata kahit may suot na maskara ang lalaki. Hindi mabasa ni Kelly ang mga mata ng binata. When Kelly was about to push him, the man spoke as his finger caressed Kelly’s right cheek down to her neck.

“You’re beautiful!” mahinang wika nito kay Kelly.

Napalunok si Kelly, hindi niya alam kung bakit ayaw sumunod ng kanyang katawan na iwasan ang lalaki. Bumilog ang kanyang mga mata nang idinikit ng lalaki ang ilong nito sa kanyang leeg. Parang there is a high voltage of electricity that crawls into her body because of the man’s warm breath. Her knees weakened. All her life, she had never experienced a man smelling her neck. Tumulo ang pawis sa gilid ng kanyang pisngi. Sinakmal niya ang kanyang bestidang suot. All she could do was close her eyes and embrace her new fortune life, which she believes will enable her to save her family. Tears trickled down her cheeks softly. Her only thought was to give herself to a man she hadn’t met before. But she was mistaken, though. Lumayo bigla sa kanya ang lalaki. Pinitik siya ng lalaki sa noo, na nagpamulat muli sa kanyang mga mata.

“Will you just let me do what I want with you, without knowing or asking me about my offer to you?” tanong ng lalaki. Kukurap-kurap naman ang mga mata ni Kelly while the nervousness in her chest little by little disappeared. Namula ang pisngi ni Kelly.

“I’m just testing you,” dugtong pa ng lalaki at napayuko ang ulo ni Kelly dahil napahiya siya. Tikom lang ang bibig ni Kelly at hindi siya umalis sa kanyang kinaroroonan. Umupo naman ang lalaki sa isang upuan.

“I heard from your friend that you need help. How much do you need to pay your debt?” Nanatiling sarado ang bibig ni Kelly. Hindi niya masabi ang halaga ng pera na kailangan niya.

“Hindi ka ba magsasalita? I am here to help you, but not for free. Nagpagawa ako ng contract na pipirmahan mo in case you accept my offer. Do you want to hear the content of the contract before you decide?” Talagang planado ng lalaki ang lahat. Biglang umangat ang ulo ni Kelly at napatitig ang kanyang mga mata sa mata ng lalaki. Marahan na tumango ang ulo ni Kelly.

“You only have three rules to follow. First, you will only visit your house twice, titira ka sa bahay ko. Second, you will no longer work here as a dancer. And lastly, be my wife for five years!” Sinakmal na naman ni Kelly ang gilid ng kanyang bestida. Isa-isang pumapasok sa kanyang isipan ang tatlong panuntunan na ibinigay sa kanya ng lalaki. Para sa kanya, madali lang gawin ang una at pangalawang rules. Ngunit ang huli, hindi siya sigurado. She could not decide. Hanggang sa lumapit muli ang lalaki sa kanya.

‘I’m not forcing you. I’m not rushing you, either. You still have plenty of time to think. And when you have a decision, just let me know.” Hinawakan ng lalaki ang doorknob. Ngunit, bago tuluyang mabuksan ng lalaki ang pinto, pinigilan siya ni Kelly. Hinawakan ni Kelly ang kamay ng lalaki.

“I will accept your offer. Five million in return,” bigkas ng bibig ni Kelly. Sumilay ang matipid na ngiti sa mga labi ng lalaki. Nilingon niyang muli si Kelly.

“Call me, Nike. And you are?” Pagpapakilala ng lalaki sa kanyang sarili at kunwari ay hindi niya kilala si Kelly.

“Kelly,” nahihiyang tugon ni Kelly.


Discover more from Quattro Tagalog Online Stories

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Unmask the Truth ( Chapter 2: The Man Wearing a Mask)

No time to Collect Free Denaro Coins?

Click Here

2 Responses

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Need Help?