AFTER Kelly took the call, she rushed back inside their home. Hindi si Nike ang nakausap niya sa cellphone, si Aling Martha, ang tagapangalaga niya kapag nasa teritoryo siya ni Nike. The middle age woman relays Nike’s message to Kelly that she can stay at their house until the crack of dawn. Kelly seems very grateful to Nike dahil makakasama niya ang kanyang ina at kapatid. Naisip niya na hindi naman ganoon kasama ang ugali ni Nike. It turns out na may konsiderasyon pala ito sa sitwasyon niya.
Perhaps you’re wondering why Aling Martha uses Nike’s phone? Iniwan ni Nike ang kanyang cellphone kay Aling Martha, dahil umalis ito at may inasikaso. Alam din ni Nike na sasagot agad si Kelly kahit wala siya sa tabi niya. Alam ni Nike na natatakot si Kelly sa kanya dahil sa nangyari sa kanila. Alam ni Nike na susundin ni Kelly ang utos niya. Alam niyang hindi magrereklamo si Kelly sa anumang ipapagawa nito sa kanya.
Maybe you’re also curious about Nike’s order. First, Kelly need to get back in his condo in Makati by the morning. Ang buong araw ng Linggo ay ang araw na hindi abala si Nike. Gusto rin ni Nike na makausap si Kelly. He was planning to give Kelly a contract. Pangalawa, hindi maaaring paalisin ni Kelly ang bodyguard na naghatid sa kanya sa bahay nila. Lastly, Nike’s most important rule, hindi dapat tangkaing tumakas ni Kelly sa kanya. Or else, malaki ang magiging kabayaran. Mas malaki pa kaysa sa limang milyon na ibinayad ni Nike sa pinagkakautangan ni Kelly. Baka hindi pera ang kapalit, once Kelly disobeyed him.
Kelly hopped into their house. Kinakanta rin niya ang kaligayahang nararamdaman. Inaabangan naman ni Paulo ang pagbabalik ni Kelly. Hinila niya ang braso ni Kelly. “Sino yun? You look happy, huh? Is that your boyfriend?” tanong agad ni Paulo kay Kelly, na may kasamang gigil.
“None of your business! Kung makapagtanong parang pagmamay-ari mo ako ha!” masungit na sagot ni Kelly. Inalis niya ang kamay ni Paulo sa braso niya. Pero, sinundan pa rin ni Paulo si Kelly at pinagpatuloy ang pangungulit at pang-aasar dito. Para silang aso at pusa kapag nagtatalo. Daig pa nila ang dalawang magkasintahan. Umiling ang ulo ni Kendrick. Nagpalabas din ito ng malalim na hininga.
“Mom, I’d better take you back to your room. Those two are capable of stressing you out! Wala silang ginawa kundi magtalo sa tuwing magkikita sila. Sabagay, the more you hate, the more you love!” parinig ni Kendrick kina Paulo at Kelly. Tumigil sa pagtatalo ang dalawa at sabay na napatingin kay Kendrick. Si Kelly ay tumingin ng masama, habang si Paulo naman ay nakangiti. Pero kung hindi mo sila kilala, aakalain mong magkapatid talaga silang tatlo dahil sa closeness nila.
“Samahan mo muna si Mama sa loob ng kwarto niya. Aalis muna kami ni Paulo. Bibili muna kami ng pagkain. Let’s have a triple celebration. Una, ang bagong trabaho ni Kelly. Pangalawa, makakasama ko na kayo sa isang kumpanya. Pangatlo, ang kasal niyong dalawa! Dinideklara ko na,” sabi ni Kendrick. Alam ni Kendrick at Paulo kung paano pikunin si Kelly. Pero kahit papaano, nakakalimutan ni Kelly ang masalimuot niyang sitwasyon. Na hindi pa rin siya sigurado kung ano ang magiging estado ng buhay niya sa kamay ni Nike. Mukhang si Nike ay sala sa lamig, sala sa init.
“Over my dead body!” sigaw ni Kelly. Lumapit siya kay Kendrick at tinulak niya ito palayo sa ina nila. Panay naman ang halakhak ni Paulo.
“Paulo is kind and handsome. His house is right next to ours. Hindi siya magtatangka na saktan at lokohin ka kasi madali ka lang makakauwi sa bahay natin,” patuloy na biro ni Kendrick.
“Me too, iho. I want you for Kelly,” sabat ni Angelita.
“See, they are not against me. Ikaw lang naman ang may ayaw,” masayang sabi ni Paulo.
“Hay naku, Ma! Tara na. ‘Wag ka na sumali. Wala namang seryosong pag-uusapan dito,” sabi ni Kelly. Namilog ang mga mata niya. Tuwang-tuwa rin si Angelita kay Paulo. Para kay Angelita, hulog ng langit si Paulo sa kanila. Nakukuha kasi ni Paulo na baguhin ang kanilang mga malungkot na nadarama sa saya.
By the way, Kendrick and Paulo became best friends, ever since Paulo moved in next door to their house. Kuwento sa kanila ni Paulo, pamangkin siya ng may-ari ng bahay na pumunta sa ibang bansa. Dahil nagtatrabaho si Paulo sa Maynila, sa bahay na iyon siya tumira sa halip na umupa. Si Kendrick ang unang nakilala ni Paulo. Simula ng araw na magkakilala sila, hindi na sila naghiwalay. Iniisip na ng iba na may bromance na nagaganap. Pero hindi, pareho silang straight na lalaki. Nabighani talaga si Paulo kay Kelly. Mukha lang sigurong nagbibiro si Paulo, pero gusto niya talaga si Kelly. Si Kendrick naman, type niya si Frida.
Pero bago umalis sina Kendrick at Paulo, bago pumasok sa kwarto sina Kelly at Angelita, may biglang kumatok sa bukas na pinto ng bahay nila. Sabay silang lumingon. Si Julian, ang matalik na kaibigan at long time crush ni Kelly. Hanggang tenga ang ngiti ni Kelly nang makita niya ito.
“Julian,” tawag ni Kelly sa pangalan nito, dahil nagulat siya sa biglaang pagdating nito. Kasama rin pala nila sa trabaho si Julian.
“Julian, Julian,” bulong ni Paulo. Kumukulo ang dugo niya. Bago pa makalapit si Kelly kay Julian, pumagitna agad si Paulo. Gagawin talaga ni Paulo ang lahat ng paraan para hindi magkalapit sina Kelly at Julian.
“Anong ginagawa mo dito? You are not invited to our celebration. I’ll tell you, I already have blessings from Tita Angel and Kendrick to marry Kelly,” pagmamalaki ni Paulo. Ang yabang niya. Tapos bigla niyang hinila si Kelly sa tabi niya. Ikinulong niya si Kelly sa mga braso niya.
“Ano ba, bitawan mo ako! What are you saying?” reklamo ni Kelly. Napangiti na lang si Julian dahil alam niyang hindi mangyayari ang sinabi ni Paulo. Alam ni Julian na may gusto si Kelly sa kanya. May crush din si Julian kay Kelly, pero hindi niya maamin. May sariling dahilan si Julian para hindi maipahayag ang pagmamahal na nararamdaman niya para kay Kelly.
“Come in, dude!” Kendrick invited Julian. Hindi pa rin binibitawan ni Paulo si Kelly habang nagpupumiglas. Pumasok si Julian sa bahay. Dumiretso siya sa kinatatayuan nina Paulo at Kelly. Hinawakan ni Julian ang balikat ni Paulo. At saka niya tinignan sa mata si Paulo. Ibang itsura ang pinakita ni Julian kay Paulo. Hindi ang inosente at lalampa-lampa na Julian.
“I hope, mag-agree sa iyo si Kelly!” Julian said. Biglang tumigil sa pagpupumiglas si Kelly. Ibinaon niya ang noo sa dibdib ni Paulo. Nasasaktan pa rin ang damdamin ni Kelly kahit alam niyang wala naman silang relasyon ni Julian. Magkaklase sina Kelly at Julian mula high school hanggang kolehiyo. Hindi sila naghiwalay. Kumbaga, may mutual understanding sila, pero wala talaga silang label na magkasintahan.
Naramdaman ni Paulo ang katahimikan ni Kelly. Kaya pala ayaw ni Paulo kay Julian, dahil nakikita niyang nasasaktan si Kelly. Biglang nagbago ang aura ng mukha ni Paulo. Hindi siya ang masayahing Paulo. Hindi siya si Paulo na joker. Parang nawala ang liwanag sa mukha niya. Natatakpan ng dilim. Matipid naman na ngumiti si Julian. Nais talaga ni Julian na magalit si Paulo. Napansin agad iyon nina Kendrick at Angelita. Biglang naging intense ang paligid nila. Parang may nagbabagang apoy sa paligid nila.
“Ma, mabuti pa, ihahatid na kita sa kwarto mo. Don’t worry, I’ll take care of them,” bulong ni Kendrick sa kanilang ina. Hinawakan ni Angelita ang kamay ni Kendrick.
“Sanay na ako sa kanila, anak. I have a strong feeling and I believe that when the day comes, Kelly will choose Paulo, kahit mas matagal pang magkilala si Kelly at Julian,” bulong din ni Angelita kay Kendrik, saka sila ngumiti sa isa’t isa.
SAMANTALA, sa trabahong pinapasukan nina Kelly at Paulo, nandoon si Felix, the owner of the company who is there even on Saturdays. Nakakatakot ang itsura niya, not because he looks like a monster or malignant. He had the appearance of an actor who portrayed a Mafia boss in the film. Serious and unable to smile. He appears to be quite strange if you inspect him closely. Parang laging malalim ang iniisip.
Mag-isa lang siya sa opisina niya. Umupo siya habang tinatapik ang mesa gamit ang hintuturo niya. Bigla siyang sumandal sa upuan. Napatingin siya sa drawer sa kanang bahagi ng desk niya. Binuksan niya ito at kinuha ang isang litrato. Nang tingnan niya ito, picture ni Kelly iyon. Matagal niyang tinitigan ang picture ni Kelly. Walang nakakaalam kung ano ang tumatakbo sa utak nito. Kelly had no idea about the picture. Walang ideya si Kelly na sa tuwing papasok siya sa trabaho, lihim siyang binabantayan ni Felix. Lalo na’t lagi silang magkasama, because she is Felix’s secretary.
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.





