NAMUMULA pa rin ang pisngi ni Kelly kahit ilang minuto na ang nakalipas when Nike kissed her. It was unexpected and caught her off guard. Hindi siya mapakali sa kinauupuan niya. Kelly describes herself now as a chaotic illustration of the imaginary wheel of fate. Alam niyo yun, kung saan nagsanib ang kanyang mga iniisip, ideya, opinyon, at iba’t ibang misteryosong emosyon na ang resulta ay pinapaikot ang kanyang buong pagkatao at hindi niya alam kung saan siya dadalhin ng mga ito, whether that combines good and miserable life.
Hindi makatingin si Kelly sa mukha ni Nike kahit nakasuot ito ng maskara. Her gaze simply darts from side to side, extending even to her feet as she and Nike face one another across the dining room table. Nawala na sa isip niya ang lalaking nakita niya. Hindi na rin niya napansin ang almusal na inihanda ni Aling Martha. Nagulat na lang siya nang biglang hampasin ni Nike ang mesa. Nag-ingay ang mga kutsara’t tinidor at pinggan sa mesa. Tinitigan niya si Nike habang hindi gumagalaw ang kanyang katawan. While there was also like a tremendous thunderclap going on inside her heart.
Kitang-kita ni Kelly ang gigil sa mga mata ni Nike nang tumayo ito mula sa kanyang kinauupuan. Gusto rin niyang tumayo pero parang matigas na bakal ang mga paa niya. Hindi niya kayang buhatin ang mga ito. Mabigat. Lalong tumindi ang kaba niya nang naglakad si Nike papunta sa kanya. Wow! Hindi makapaniwala si Kelly sa nangyayari sa kanya. Tila ba may matindi o malakas na kapangyarihan ang lalaking kasama niya. Iniisip na ni Kelly na baka may hypnotism ang maskara ni Nike kaya naman sumusunod siya. Napalunok siya nang hilahin ni Nike ang upuan na kinauupuan niya nang buong lakas. Parang naging mannequin stand siya sa harap ni Nike.
Hindi naman inalis ni Nike ang pagkakahawak niya sa upuan ni Kelly. Dahan-dahan ding inilapit ni Nike ang mukha niya sa mukha ni Kelly. Ini-expect na naman ni Kelly na hahalikan na naman siya ni Nike. Pumikit siya. Napangisi si Nike. Ang mga kilos ni Kelly ang nagpawala ng inis na nararamdaman ni Nike. He found Kelly cute. Gayunpaman, sa harap ni Kelly, kailangan niyang maging seryoso.
“Ano sa tingin mo ang gagawin ko sa iyo? Ah, well. I can do it again if you enjoy what I did to you earlier. Malinaw naman ang naging tanong ko sa iyo kanina, I’ll kiss you again if you’d want. Tell me, and I will bring you pleasure!” bulong ni Nike, at saka niya bahagyang pinisil ang baba ni Kelly.
Biglang bumukas ang mga mata ni Kelly nang marinig ang sinabi ni Nike. Bigla rin siyang nagkaroon ng lakas sa katawan. Ang boses ni Nike ang nagsilbing high frequency na gumising sa dugo ni Kelly para bumalik ang senses niya. Mabilis niyang itinulak si Nike palayo sa kanya at saka siya tumayo. Gayunpaman, hindi siya makapagsalita sa kabila ng katotohanan na bumalik na sa normal ang kanyang sentido. Hindi niya magawang sumigaw o lumaban kay Nike. Dahil na rin siguro sa maaaring gawin ni Nike sa kanya. Baka hindi lang halik ang mararanasan niya.
Nike’s right foot took a step, while Kelly’s right leg went backwards. Nike will use Kelly’s fear as leverage to persuade her to follow him. Para makinig si Kelly sa kanyang sasabihin. Humakbang ang kaliwang paa ni Nike. Si Kelly naman ay hindi na makaatras dahil ang nasa likod niya ay ang hapag kainan. Hinintay na lang ni Kelly na makalapit si Nike. Muling ikinulong naman ni Nike si Kelly sa kanyang mga kamay sa pamamagitan ng paghawak sa mesa habang nasa harapan niya si Kelly.
“Hmm.. What am I going to do with you?” Nike asked seriously. Then he pulled Kelly’s hair. Napansin na naman ni Kelly ang malakas na pagtibok ng kanyang puso dahil sa biglaang kaba. Napalunok pa siya. But at that moment, Kelly was looking directly into Nike’s eyes. Parang nakita na niya ang mga mata ni Nike. Hindi lang malinaw sa utak niya kung sino o kaninong mata ang nakikita niya. At muli, bumalik sa isip niya ang lalaking nakita niya.
“Imposible! Kung siya ang nakita ko kanina, bakit ang bilis niyang magpalit ng anyo? Pero, Sir Felix, ikaw ba talaga yan?” Laman ng isip ni Kelly. Nabura lamang ang kanyang mga naisip nang marinig niyang muli ang boses ni Nike.
“First, head to your room. Take a shower to refresh your mind. Parang wala ka sa sarili mo simula kanina. Go!” utos ni Nike. Pero parang walang narinig si Kelly.
Iniisip kasi ni Kelly si Felix, her boss. Si Felix ang lalaking nakita niyang walang suot na maskara sa mukha pagpasok niya sa condo. But Kelly couldn’t think of a reason, a valid reason if ever Nike was Felix. Bakit kailangan siyang bilhin ni Felix? Bakit kailangan siyang tulungan ni Felix? Especially, Felix is known for being reserved. A terrifying boss. He did not communicate socially with others or his staff. Kelly is going to get a huge surprise if Nike is indeed Felix.
Nakatayo lang si Kelly na nakatitig sa mga mata ni Nike. Napansin iyon ni Nike. Agad namang tinalikuran ni Nike si Kelly. Isa lang ang ibig sabihin nun, iniwasan niya si Kelly. May kutob si Nike na baka bigla siyang makilala ni Kelly. Well, kilala talaga ni Nike si Kelly. At kilala rin ni Kelly si Nike sa likod ng maskara.
“Go to your room!” Nike shouted suddenly, making Kelly flinch. Natakot si Kelly sa sigaw ni Nike. Aling Martha also appeared in the place kung nasaan sila, dahil may idadagdag siyang pagkain na ilalagay sa mesa. Sa mga panahong nakasama ni Aling Martha si Nike, kilalang-kilala niya ito. Agad na lumapit si Aling Martha sa mesa at inilapag ang tray na dala. Pagkatapos, agad niyang hinawakan ang nanginginig na mga kamay ni Kelly.
“Anong ginawa mo?” mahinang tanong pa rin ni Aling Martha kahit narinig na niya ang lahat. Napailing na lang si Kelly. Nangingilid ang luha sa mga mata na dala marahil ng kaba.
“Assist her! Additionally, clearly explain to her, I dislike people who disobey me and don’t listen to me, especially when they are in my territory,” wika ni Nike kay Aling Martha. Hindi na lang sumagot si Aling Martha. Niyaya na lang niya si Kelly na pumunta sa kwarto. Iniwan nila si Nike sa dining area.
Habang naglalakad sila palayo kay Nike, lumingon si Kelly. Dahil muli sa inasal ni Nike, pakiramdam niya’y muling naglaho ang liwanag, ang liwanag na sumisimbolo ng pag-asa. Tila lahat ng klase ng kadiliman ang takbuhan ng kanyang buhay, ang dilim na kumakatawan sa pagdurusa. Pero sabi nga nila, kapag naging tao ka talaga, kailangan mong matutong mamuhay bilang isang indibidwal. Anyway, nagpatuloy si Aling Martha sa pagkaladkad kay Kelly.
“Kapag nagalit si Nike, huwag mong salubungin. Tumahimik ka na lang. Sundin mo ang kanyang mga utos. Hindi mahirap ang naging hiling niya sa iyo kanina. Narinig ko ang sinabi niya sa iyo,” sabi ni Aling Martha.”
“Pero—”
“Gawin mo muna ang gusto niya,” utos ni Aling Martha sa kanya. Nakarating na rin sila sa labas ng pinto ng kwarto ni Kelly. Pero bago pumasok si Kelly ay ginamit niya ang pagkakataong iyon para tanungin si Aling Martha tungkol sa taong gumugulo sa kanyang isipan.
“Please, Aling Martha. May itatanong lang sana ako sayo. Hindi ko susuwayin si Nike. Sagutin mo na lang po ako. Isang tanong lang po,” pakiusap ni Kelly. Huminga ng malalim si Aling Martha saka tumango.
“May ibang lalaki po bang nakatira dito? I mean, may kasamang ibang lalaki si Nike dito? Kaibigan o kapamilya?” diretsong tanong ni Kelly. Muli, hinawakan ni Aling Martha ang mga kamay ni Kelly.
“Si Nike lang ang may-ari ng bahay na ito. Siya lang ang nakatira dito. Kahit ako ay hindi nag-stay dito. Ngayon, dalawa na kayo. Saan mo nakuha yung tinanong mo?”
Hindi sumagot si Kelly. Kung anu-ano na naman ang pumasok sa isip niya. Natulala na naman siya. Nakita niya talaga si Felix. Pero kung titingnan niya ang mga mata ni Nike, kung pakikinggan niyang mabuti ang boses ni Nike, hindi siya si Felix. O baka naman kasi kahit secretary siya ni Felix ay hindi sila gaanong nag-uusap at nagku-confront kaya hindi niya masabi kung iisa si Felix at Nike. Mukhang magiging imbestigador si Kelly sa sarili niyang kapalaran.
“You’re still there? Hindi mo pa rin ginagawa ang utos ko?” Lumingon si Kelly sa nagsalita. Bago pa makasagot si Kelly ay agad siyang binuhat ni Nike papasok ng kwarto. Naiwang umiiling si Aling Martha.
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.





