“TAKE off your clothes!” utos ni Nike nang maibaba niya si Kelly sa kama.
Kelly felt an intense trembling all through her entire body. Nike’s voice echoed throughout the room dahil sa lakas ng tunog nito. Ramdam din ni Kelly ang galit ni Nike. Niyakap ni Kelly ang sarili. Mabilis na bumagsak ang kanyang mga luha. Sa totoo lang, hindi na makapag-isip ng maayos si Kelly. Hindi niya alam kung sa oras na iyon ay susunod pa siya sa gusto ni Nike. Pero naisip din niya na kahit lumaban siya o hindi sumunod, wala pa rin siyang magagawa kung gugustuhin ni Nike na kunin ang kanyang natitirang dangal. Hindi niya maaaring kalimutan na binayaran siya ni Nike.
Kelly’s eyes began to well up with tears. Hindi niya maiwasang maghabol ng hininga dahil naninikip ang kanyang dibdib sa samu’t saring emosyon na umaatake sa kanyang puso. Dahan-dahan niyang ginalaw ang nanginginig niyang mga kamay. Hinawakan niya ang ilalim ng t-shirt niya. Para pigilan ang nanginginig niyang mga kamay, sinakmal niya ang kanyang damit. Naisip din ni Kelly na pagkakataon niya rin iyon na tanggalin ang maskarang suot ni Nike. Hmm.. Kelly is also planning something naman pala. The question is? Magagawa ba niya ang kanyang plano, e napakatindi ng kanyang sitwasyon?
Hindi kumikibo si Nike habang pinagmamasdan si Kelly. Galit si Nike dahil nakikita niyang hindi nakatutok ang atensyon ni Kelly sa kanya. Wala sa konsentrasyon si Kelly. They will discuss pa naman sana ang contract and rules that Nike will offer during their time together. Naningkit ang mga mata ni Nike nang dahan-dahang itinaas ni Kelly ang kanyang t-shirt. Habang tumataas ang t-shirt ni Kelly, nasilip ni Nike ang kurba ng katawan ni Kelly. Napalunok si Nike nang makita ang dibdib ni Kelly. Kitang-kita niya ang malakas na pintig ng puso ni Kelly dahil gumagalaw ang laman. Hindi na pinabayaan ni Nike na hubarin ni Kelly nang tuluyan ang damit na suot nito. Mabilis siyang lumapit kay Kelly at hinawakan niya ng mahigpit ang magkabilang kamay ni Kelly na nasa ere pa.
Nagulat si Kelly. Kumurap ang kanyang mga mata kahit na puno ng luha. How was she going to carry out her plan? Hindi niya makita ang mukha ni Nike na may suot na maskara dahil nakaharang ang damit niya. Hindi na niya talaga magawa ang balak niyang tanggalin ang maskara ni Nike, lalo na’t mahigpit ang pagkakahawak ni Nike sa mga kamay niya. Nang biglang gumapang ang kilabot sa kanyang katawan. Naramdaman niya ang paglapat ng labi ni Nike sa pagitan ng kanyang mga dibdib. Mahigpit niyang hinawakan ang damit niya habang nakataas pa sa ere. Kung kanina ay nakakurap ang kanyang mga mata, sa pagkakataong iyon ay para na naman siyang naging estatwa. Estatwa na may pakiramdam. Nang umakyat ang mga labi ni Nike sa kanyang leeg, kahit nakadilat ang kanyang mga mata ay muling nagsimulang pumatak ang mga luha.
“If you don’t follow my orders immediately, I’ll take it further. Hindi lang iyan ang gagawin ko sa iyo. Binalaan na kita tungkol dito. When I’m with you, dapat ako lang ang nasa isip mo. Ako lang ang nakikita mo. Ako lang ang pinapakinggan mo. Ako lang ang kinakausap mo!” seryosong wika ni Nike. Inalis din ni Nike ang pagkakahawak niya sa mga kamay ni Kelly na nasa ere. Tinulungan na rin niya si Kelly, dahil alam niyang nawawala na naman sa sarili si Kelly. Siya na ang nagbaba at nag-ayos ng damit sa katawan ni Kelly. Pagkatapos ayusin ni Nike ang damit ni Kelly ay dahan-dahan nitong inilapit ang mukha nitong nakamaskara.
Nike extended his statement by asking, “Do you understand what I’m saying?” Sa sobrang takot ni Kelly, she couldn’t do anything but nod. Isang tipid na ngiti ang pinakawalan ni Nike. Hinaplos niya ang pisngi ni Kelly. Pinunasan niya rin ang luha sa pisngi ni Kelly gamit ang kanyang kamay.
“You ought not to be in tears. All you have to do is acknowledge that you are mine now. I’ll wait for you at the dinner table while you put yourself together,” ani Nike. Tumalikod na rin ito, at saka lumabas ng kwarto.
Nang wala na si Nike, nanlalambot ang buong katawan ni Kelly na parang nawalan ng buto, dahilan para bumagsak ito sa kama. Hinampas niya ang kaliwang dibdib para makahinga siya ng maluwag. Muli siyang napatayo sa kama nang may kumatok sa pinto ng kwarto niya. Pumasok si Aling Martha. Napailing na lang si Kelly. Wala na talaga siyang privacy sa bahay ni Nike. Dinala lang ni Aling Martha ang kanyang bag sa kanya. Kasi pagdating niya, hindi na siya dumiretso sa kwarto niya dahil sa nakita.
“Kanina lang nagri-ring ang cellphone mo. Baka importante. Ang bilin ni Nike, hihintayin ka niya ulit sa dining area. Pero ang payo ko sa’yo, asikasuhin mo muna ang tumatawag sa’yo. Kapag kasama mo si Nike, dapat sa kanya lang ang atensyon mo,” sabi ni Aling Martha. Saka naalala agad ni Kelly ang sinabi ni Nike sa kanya kanina. Tumango lang siya kay Aling Martha. Hinintay ni Kelly na lumabas si Aling Martha bago niya kinuha ang kanyang cellphone. Nakita niya ang mga missed calls ni Frida. Nakita rin niyang may mga text messages ito sa kanya. Binuksan ni Kelly at nagbasa muna.
“Ano ba yan, sabi ni Kendrick at Paulo, you came to your house yesterday. My God! Not even a call from you. I wish I could have been with you.” Frida’s first text message.
“Check out Paulo’s outburst anger in our group chat. Para siyang nababaliw na naman. He really considered Julian to be exceedingly irritating. Hindi ko naman masisisi si Paulo. Even me, I don’t know bakit naiinis din ako kay Julian. I’m sorry, huh! I don’t like him! Kahit alam kong ultimate crush mo si Julian, I have a feeling he’s going to break down and hurt you badly.” Frida’s second text message. Binuksan ni Kelly ang group chat nila. Binasa niya ang mga messages ni Paulo. Napangiti siya. Kahit papano ay gumaan ang pakiramdam niya sa pagiging pilyo ni Paulo. Huminga siya ng malalim. Saka niya sinagot ang mga messages ng mga kaibigan niya.
SAMANTALA, paglabas ni Nike sa kwarto ni Kelly ay hindi na muna siya dumiretso sa dining area. Dumiretso siya sa kwarto niya. All he did was command Aling Martha. Pagpasok niya sa kwarto niya ay agad niyang tinanggal ang maskara sa mukha niya. He dropped his mask into the ground. Hinawakan niya ang ulo niya dahil sumasakit na naman. May bumalik sa kanyang alaala.
Naalala niya ang isang matandang lalaki na duguan mula sa loob ng isang sasakyan dahil sa isang aksidente. May inaabot sa kanya ang matanda. Pagkakuha niya, picture ni Kelly. Nang muli niyang tingnan ang matanda ay ngumiti lang ito sa kanya at tuluyan na itong nawalan ng buhay. Tinitigan niya ang larawan ni Kelly. At pagkatapos, biglang hinila siya ng isang lalaki palayo sa aksidente nang dumating ang ambulansya, mga rescuer, at mga pulis. Habang naglalakad sila palayo, nakita niyang buhay pa ang matandang babae. Maaaring ito ang asawa ng matanda na pumanaw.
“Let go of me! They need help!” sigaw ni Nike.
“You also need help!” sigaw ng lalaking kasama niya. Dumudugo ang tagiliran ni Nike.
“Brother–”
“We will go to the hospital together. We can still help them. And then I will take care of everything. Don’t worry,” paliwanag ng kuya ni Nike.
Inalis ni Nike ang pagkakahawak sa ulo niya. Hinaplos niya ang kanang tagiliran niya. Nararamdaman na naman niya ang sakit. Naglakad siya patungo sa kanyang kama. Pagkaupo niya ay binuksan niya ang drawer ng side table ng kanyang kama. Kinuha niya ang picture ni Kelly. Kinausap niya.
“Ilang taon na ang lumipas since I held your picture, your existence was the center of my world. You’re always with me, pero hindi mo makita ang totoong ako dahil sa maskarang suot ko. Kung ito lang ang paraan, not even my brother can undo what I have planned for you.”
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.





