Whatever It Takes to Love You (Chapter 13)

Bookmark (0)
Please login to bookmark Close

My BookmarksShare

  • No bookmark found

Author's Note

――*☆*――*☆*――*☆*――

“IKAW na lang tumulong sa akin! Tutal naman, ikaw ang may kasalanan kung bakit out na dito si Vince, e ‘di ikaw ang pumalit! Good idea, right?”

“What?!” nanlalaki ang mga matang bulalas ni Matteo. Ibig niyang matawa sa reaksiyon nito. Daig pa nito ang nakakita ng multo sa sinabi ni Mik-mik.

“Bukas na ang submission ng experiment, Kuya, at hindi na tayo magkakaroon ng extension kahit pa kausapin natin si Labidabs. So it’s really you or 5 for me.”

“Then suffer the consequence, kuhanin mo ulit ‘yan sa susunod na semester—”

“Which is not possible, Kuya. Aside from being a pre-requisite, hindi offered ang course sa first sem, not to mention that my professor told me to enrol in her classes this summer. That means hindi ako makakauwi ng province. Ang sad noon Kuya, Mama will surely hate you for that.” Iiling-iling pa si Mik-mik na tila dumadrama pero natitiyak niyang pa-effect lang nito iyon para makuha ang gusto.

Tila naman sumakit ang ulo ni Matteo sa sinabi ng kapatid, gayonman ay hindi nito nagawang kumibo. Pumikit lang nang mariin habang kunot na kunot ang noo. Tumingala ito habang ang isang kamay ay nasa batok, hinihilot-hilot iyon nang bahagya. Sinamantala iyon ni Mikaela at umabrisiyete sa kapatid.

“Sige na, Kuya. Papayag na ‘yan. Thanks, Kuya, I love you!” anitong halatang inuurat ang kapatid.

“I said no and that is final, Mikaela! No!” matigas nitong tanggi.

“SIGE na, Kuya, gorabels na!” ani Mikaela sa kapatid.

“What?”

“Maupo ka na at maghanap ng prospect. Come on, dali!” bulong pa rin ng kaibigan. Tila pilit na sumunod naman si Matteo rito.

Hindi malaman ni Sharina kung paano niyang pipigilan ang matawa sa magkapatid na ito. Si Mikaela, sa kabila ng kinakaharap na problema ay nagagawa pang samantalahin ang situwasyon para paglaruan ang kapatid. Bubulong-bulong ito sa kanya kanina na ‘exciting’ daw tiyak ang mga susunod na mangyayari. Si Matteo naman sa kabila ng kasungitan, ay sinisikap na tulungan ang kapatid. Hindi man iyon para kay Mikaela mismo at pinagkadiinan nito kaninang para iyon sa ina ng mga ito kaya ito tutulong, ay natatawa pa rin siya. It was obvious that he was not comfortable.

Ang sabi ng kaibigan, hindi raw sumasakay sa bus ang kuya nito. May kaya naman kasi ang pamilya nito at may sariling sasakyan. Actually, maging si Mik-mik naman ay hindi rin sumasakay ng bus—sa pagkakaalam ni Matteo. Pero ang totoo, ilang beses na rin nitong nagawang sumakay ng bus kasama nina Margaux o ng iba pang mga kakilala nito.

Ang nag-iisang pagkakataon na nagkasama silang sumakay ng bus ay nang araw na mahuli sila ni Matteo. It was not a pleasant memory but because of the experiment, mukhang nakatakdang mabago ang memories ng bus incident na iyon.

“Sha, sabi ko maupo na tayo para makapagsimula na. Haler!”

Tila nagising si Sharina sa mahimbing na pagkakatulog nang mapansing kinakausap pala siya ni Mik-mik. Wala sa loob na naupo na siya at tumabi naman ito sa kanya. Sa harapan nila ay si Matteo at ang isang babaeng tinabihan nito. Kinuha niya ang cellphone mula sa kanyang bag at saka iniabot sa katabi. “Ingatan mo ‘yan ha. Baka may mandurukot na sumakay, matangay ‘yan.”

“Opo,” tatawa-tawang sagot naman nito.

Ilang sandali pa ay tin-ext na ni Mikaela ang kapatid na magsimula na ito. Hindi nila ito maaaring kausapin dahil tiyak na makakahalata ang babaeng katabi nito.

Nakita niya nang sulyapan ni Matteo ang babae sa gawing kaliwa nito. Siya naman, dahil siyang nakaupo sa tabi ng bintana ay kitang-kita niya ang lahat ng ginagawa ng lalaki. Maging ang lahat ng ekspresyon at galaw nito ay nakikita niya. She could easily sense how hard it was for him to do the task.

Mayamaya pa ay nakita niyang bahagyang dumikit ang braso nito sa babae. Kunwa’y nasa kanan ang atensiyon ni Matteo pero unti-unti na nitong ginagawa ang lahat ayon sa script na ibinigay ni Mikaela rito kanina.

“Excuse me,” ilang saglit pa ay sabi ng babaeng katabi nito. Dahan-dahang lumingon si Matteo rito at saka ngumiti. “Yes? Hi,” anito.

Hindi alam ni Sharina kung bakit tila may kung anong sumikdo sa dibdib niya habang pinagmamasdan ang pangyayari. Sinikap niyang balewalain iyon at mag-focus sa panonood sa ginagawa ni Matteo. Ilang saglit pa ay nagkukuwentuhan na ang dalawa.

“Sabi sa’yo, matinik sa chicks ‘yang si Kuya ko,” bulong ni Mik-mik sa kanya habang palihim na kinukuhanan ng video ang mga nasa harap.

“Ang cheap lang kamo noong babae,” ganti niyang bulong rito.

“Oo nga ano. Akala ko magagalit, noong lumingon si Kuya e nakipagkaibigan pa.” Bumungisngis nang mahina si Mikaela pero hindi siya. Hindi niya magawang ngumiti man lang habang pinanonood ang ginagawa ni Matteo.

Parang bigla ay nainis na naman siya rito. Pero bakit nga ba? Naiinis lang kaya siya sa babae dahil napapahiya siya sa ginagawa nito? O kay Matteo siya naiinis dahil feel na feel nito ang pakikipagharutan sa babaeng iyon?

E ano naman sa kanya kung sakali? Ano ba niya si Matteo?

Ilang saglit pa ay bumaba na ang babaeng katabi nito. Nang wala na iyon sa paningin nila ay nakangiting lumingon sa kanila si Matteo. Ipinakita nito sa video ang isang calling card na tiyak na bigay ng babaeng iyon.

‘Mukhang nag-eenjoy na ang unggoy sa ginagawa…’

“Ano ‘yun, Sha?”

Gulat na napatingin siya sa katabi. “Ha?”

“May sinasabi ka?”

“W-wala, wala…”

“Ah…” tatangu-tangong sabi ng katabi habang nakangiti. Hindi niya ito pinansin at sa halip ay sa bintana niya ibinaling ang mga mata.

Ilang sandali pa ay naramdaman niya ang pagsiko sa kanya ni Mikaela. Itinuro nito ang bagong pasaherong lumapit at tumabi kay Matteo.

Bago maupo ay napagmasdan niya ang anyo ng babae. May hitsura ito ngunit hindi kagandahan. Simple lang pero rugged manamit. Naka-pants itong maluwang at rubber shoes. T-shirt na puti ang pang-itaas nito. Nakapusod lang ang buhok nito at bahagyang nakabagsak ang ilang hibla niyon sa mukha ng babae.

Ilang minuto rin ang nakaiinip na lumipas bago niya nakitang nag-text si Mik sa kapatid. “Go,” anito. Hindi nagtagal at nakita niyang sumunod na nga si Matteo. Nagkunwa itong natutulog at ngayon ay nagkukunwaring nakasandig pa sa babaeng katabi nito. Noong una ay nakita niyang bahagyang umiiwas ang babae pero nang lumaon ay tila hindi na ito gumalaw. Palinga-linga na lang ito sa paligid. Sa tuwing malilingon sa gawi nila ay iniiba nila ang tingin para hindi ito makahalata.

Nakita niyang bahagyang yumuko ang babae para silipin ang mukha ni Matteo na kunwa’y mahimbing na natutulog sa balikat nito. May kung ilang sandaling nahiling niyang sana ay sapukin nito sa mukha, kung hindi man itulak ang lalaki pero ni isa sa mga bulong niya sa hangin ay walang nangyari. Hinayaan lang nitong mangyari ang lahat, ni hindi na naisip na hindi naman nito kilala ang lalaking nakansadig sa balikat nito.

‘Grabeng mga babae ito…’ bulong niya.

“I heard that,” natatawang bulong rin ni Mikaela sa kanya.

“Hindi lang ako makapaniwala,” aniya. Ibig man niyang habaan ang sinasabi ay napigil siya nang bahagyang pumihit ang babae sa kanila. Nagkunwari siyang nakatingin sa bintana at si Mik-mik naman ay nagkunwang nagte-text.

Makalipas ang ilang sandali ay bumaba na rin ang babaeng katabi ni Matteo.

“Mik, ilan ba ang kailangan?” tanong ni Matteo sa kaibigan pero ang mata naman ay sa kanya nakatingin. Inirapan niya ito at itinutok ang kanyang paningin sa labas ng bintana.

“Isa na lang, Kuya. Sabi ni Ma’am Canonoy, 2-3 lang naman eh. One more para mas okay,” ngingiti-ngiting sabi ni Mikaela habang pinanonood nito ang video in silent mode.

Nang may isang maganda at sexy na babaeng pumanhik ng bus ay nakita niyang sumulyap si Matteo sa kapatid. Naintindihan na niya ang ibig sabihin niyon. Ang kaso, sa kabilang side ng bus naupo ang babaeng iyon.

Nakita niya nang tumayo si Matteo at lumipat sa tabi nito. Hindi nito tinapunan ng pansin ang babaeng katabi. Patay malisya at agad nang pumuwesto na tila natutulog. Tulad ng ginawa nito kanina, bahagya itong humilig sa balikat ng seksing babaeng katabi nito. Nakita niyang umiwas ang babae at ilayo ang sarili kay Matteo.

Mayamaya pa ay inulit ng lalaki ang ginagawa at ganoon pa rin ang reaction ng babae. Inilayo nito ang ulo ni Matteo at saka ito sumiksik sa kinauupuan. Nang ulitin ng lalaki ang pagdikit ng sarili nito sa katabi at pagsandig sa balikat ng babae ay nabigla siya sa reaksiyon nito. Malakas nitong itinulak si Matteo at saka marahas na tumayo.

“Manyakis ka, ano!” sigaw nitong nakaduro ang daliri kay Matt. “Kunwari ka pang natutulog! Kaya pala lumipat-lipat ka sa tabi ko, tsatsansingan mo lang ako! Lumayo ka nga!”

“Sorry, Miss, I was just—”

“Alis! Lumayo ka sa’kin, dali!” putol nito sa paliwanag ng nabiglang si Matteo. Kunwa’y nagising ito sa pagtulog at gulat na gulat.

Walang nagawa ang lalaki kundi tumayo at bumalik sa dati nitong kinauupuan pero bago ito maupo ay binigyan sila nito ng matalim na tingin. Hindi niya napigilan ang mapangiti sa nangyari. Ang ngiting iyon ay naging mahinang pagtawa hanggang tuluyan na niyang hindi nakontrol ang sarili.

“Pag hindi ka tumigil katatawa, bubuhatin kita at itatapon sa bintana, Miss Valderama,” anas ni Matteo nang lumingon sa kanya. Nanlaki ang mga mata ni Mikaela habang naumid naman ang dila niya. Ilang saglit na nagtitigan lang sila ng lalaki, hindi alam ang kanyang sasabihin. Basta nabato-balani na lang siya sa mga mata nitong nakatunghay sa kanya.

Ang malalamlam nitong mga mata ay sa kanya nakatutok—sa kanya lang sa mga sandaling iyon. His lips were sensual. Very sexy. Hindi niya maiwasang pagmasdan iyon kahit pa alam niyang nakikita siya ng lalaki.

Sa huling naisip ay biglang umangat ang tingin niya sa mga mata nito. Noon niya napansing tila nakangiti na ito. Parang pinagtatawanan siya. Dahil doon ay awtomatiko na rin siyang napangiti.

“May ano, ha? May ano?”

Sabay silang napalingon kay Mikaela. Busy pa rin ito sa pagpindot sa cellphone at kunwa’y hindi naman sa kanila nakatingin. Lalo nang lumapad ang pagkakangiti nila ni Matteo sa isa’t-isa. First time in history mula nang magkakilala sila.


Discover more from Quattro Tagalog Online Stories

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Whatever It Takes to Love You (Chapter 13)

No time to Collect Free Denaro Coins?

Click Here

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Need Help?