Whatever It Takes to Love You (Chapter 38)

Bookmark (0)
Please login to bookmark Close

My BookmarksShare

  • No bookmark found

Author's Note

――*☆*――*☆*――*☆*――

INAALAYAN ni Sharina si Matteo na makahiga sa kama. Pagkatapos ay hinubad niya ang damit nito pero hindi ang pantalon ng lalaki. Kailangang maging mabilis siya sa pagkilos dahil baka mawala ang kalasingan nito at mapurnada ang plano nila ni Mikaela.

‘Paano ang zipper? Kailangan ko bang ibaba? Ang belt kaya?’

Napapailing si Sharina habang tinatanggal sa pagkaka-buckle ang belt ni Matteo. Halos hindi siya humihinga dahil sa matinding nerbiyos.

‘Ano ba ‘tong pinaggagawa ko? Please help me, guardian angels…’

Unti-unti niyang ibinaba ang zipper ng pantalon nito pero impit siyang napatili nang hawakan ni Matteo ang kanyang kamay. Nang tingnan niya ang lalaki ay nakapikit ito pero pabiling-biling ang ulo.

“Sharina…” anas nito.

Biglang sumikdo ang dibdib niya dahil sa antisipasyon. Nananaginip ba si Matteo? Pero bakit pangalan niya ang tinatawan nito sa halip na kay Carmen? Senyales ba iyon na tama si Mikaela? Mahal nga rin kaya siya nito?

“Sharina, please…” muli nitong bulong.

Nanlaki ang mga mata niya nang hatakin siya nito pakabig at yakapin. Nawalan siya ng balanse at diretsong lumanding sa hubad nitong katawan.

‘Oh my God! Oh my God!’

“Sharina…” patuloy pa ring bulong nito. Umangat ang kamay nito at inilagay sa likod ng kanyang ulo habang ang isa ay nakayakap sa likuran niya. Napatili ulit siya nang sa isang iglap ay baligtarin nito ang kanilang posisyon. Ngayon ay napapailalim na siya sa lalaki. Pumikit-dumilat ito dahil sa kalasingan pero patuloy pa rin sa ginagawa.

“Matteo…teka…are you all right? Ano kasi eh…teka…”

“Sha…salamat…salamat dahil hindi mo ‘ko iniwan…”

“Oo pero kasi ano eh…” Muli siyang napatili nang impit nang yumuko si Matteo at hagkan siya sa leeg. Napatigil lang siya nang hulihin nito ang kanyang bibig at patahimikin iyon sa pamamagitan ng mga halik. Maraming halik. At matagal…

‘Matteo..’

Kumilos ang mga kamay ni Matteo at dumama iyon sa kanyang kabuuan.

‘This is not supposed to happen…’ bulong ng isip ni Sharina. ‘Plano lang ito…hindi kailangang magkatotoo…’

Niyakap siya nang mahigpit ng lalaki. Pinaliguan siya nito ng halik sa mukha at leeg. At ngayon ay papababa na ang mga halik at haplos nito.

‘Lord, please, ayoko na. Hatakin Mo na po ako palabas ng room na ito…’

Naramdaman niya ang pag-aalis ni Matteo sa kanyang mga saplot. Naalala niya si Mikaela, ang sabi nito ay wala siyang dapat na itira! Pero ang hindi nito alam, sa halip na siya ay ang kapatid nito ang may gawa niyon.

‘Lord, kaladkarin Mo na po ako palabas kung kailangan…malapit na siya doon, please…’

Napadaing siya nang maramdaman ang mga halik ni Matteo sa kanyang tiyan. Pakiwari niya ay umaangat ang anit niya sa matinding kilabot.

‘Lord, sorry na po. Mahal ko po talaga ang lalaking ito…’

“Sharina…”

“Matteo, please…”

“Do you love me?” tanong nito habang nakapikit. Para itong nagha-hallucinate habang nagsasalita.

“Yes, Matteo, but please…”

“Please what?”

He then parted her legs and she felt his readiness. Muli nitong sinakop ang mga labi niya at mahigpit siyang niyakap. Napapaliyad siya sa sensasyong idinudulot ng mga ginagawa nito. Pero kung kailan handa na siyang ibigay rito ang lahat ay saka ito tumigil. Sumubsob ito sa leeg niya habang habol ang paghinga.

“You don’t have to do this, Sharina…because I also feel the same…”

“What? What did you say?”

No response.

Tinapik niya ang braso ni Matteo pero hindi ito tumigon. Wala rin itong kakilos-kilos sa ibabaw niya. Naramdaman niyang unti-unting bumibigat ang lalaki. Nakatulog ito habang nakasubsob sa kanyang balikat.

NAPABALIKWAS ng bangon si Sharina nang tumama sa mukha niya ang sikat ng araw na nagmumula sa bintana. Napamulat siya ng mga mata at muntik nang mapasigaw nang makitang nakahiga sa tabi niya si Matteo, hubad-baro at nakayakap sa kanya. Noon ito nagmulat ng mga mata at napatingin sa kanya. Hinintay niyang magulat ito pero blangko ang ekspresyon nito, tila walang nangyari.

“Hi…” anito sa kanya habang nag-i-istretch. Madilim ang anyo nito at seryoso. Naghatid iyon ng kaba sa dibdib niya.

“Matteo…”

“Yes?”

“G-galit ka ba?”

“Bakit? Kailangan ko bang magalit?”

“Bakit parang galit ka?”

Umiling ito.

“P-paano tayo ngayon?”

“Anong paano tayo? Tayo ba?”

Tila balaraw na tumarak sa dibdib niya ang sakit na dulot ng mga salitang binitiwan nito.

“Pero…paano ‘yung nangyari sa’tin kagabi…”

“Ha? Meron ba?” Pasimple nitong tinanaw ang kamang hinihigaan, tila may hinahanap. Pakiwari niya ay sinuntok siya sa sikmura sa pagkapahiya. Hinahanap ba nito ang patunay na may naganap sa kanila nang nagdaang gabi? At ngayong wala itong nakita, ano ang tumatakbo sa isip nito? Alin lang siguro sa dalawa, manloloko siya o hindi na malinis na babae.

“Huwag ka namang ganyan, Matt…Balikan mo sa isip mo ‘yung kagabi…”

“Wala akong natatandaan…pero dahil nandito ka sa tabi ko, I know something happened.”

“So?”

“What?”

“Ano na tayo?”

“Gusto mo bang pakasalan kita?”

Isang tila suntok na naman ang sumikad sa sikmura niya. Why did he have to be like this? Kagabi lang…

Nagyuko siya ng ulo upang pigilan ang namumuong luha sa kanyang mga mata. Heto na naman ang sakit. Bakit ba kailangan niyang maramdaman ang mga ganitong klaseng emosyon dahil sa lalaking ito?

“Don’t worry, you’ll have it.”

Napalingon siya kay Matteo na basta na lang tumayo sa kabila ng kahubdan nito. Mabilis at palihim naman niyang pinahid ang mga luhang naglaglagan sa kanyang pisngi.

Saglit na nawala si Matteo sa paningin niya at nang magbalik ay nakatapi na ito ng tuwalya. Inabot nito ang kamay niya at inilagay ang isang singsing sa kanyang ring finger. Lalo lang siyang nasaktan sa ginawa nito. He just wore her a ring that was supposed to be for Carmen!

“When do you wanna get married? Mamaya? Bukas o sa makalawa?”

“Matteo…”

“It’s your choice. At si Mikaela ang maid of honor tulad ng plano ninyong dalawa.”

“Ano’ng ibig mong sabihin?” tanong niyang hilam na sa mga luha.

“Hindi ba ito naman ang gusto niyong mangyari? Ang paikutin ako tulad ng ginagawa nina Papa sa akin? Ito ‘yun, hindi ba?”

“Wala akong intensiyong ganoon. I ony want to—”

“Oh, yes, shut up! Akala ko’y iba ka, Sharina! Kapareho ka rin pala nila!”

“Pero hindi mo naiintindihan!”

“Ang alin? Na handa kang ibigay ang katawan mo sa’kin para lang hindi matuloy ang kasal ko kay Carmen! Sino ka ba para pangunahan ang buhay ko? We just met only a month ago! Ni hindi mo nga alam ang mga pangit na ugali ko, tapos sasabihin mong mahal mo ‘ko? Ngayon, Sharina, seeing me like this, do you still love me? Ito ako ‘pag nagagalit! Ito ako ‘pag pinaglalaruan! Mahal mo pa rin ba ‘ko?!”

Napahagulgol siya ng iyak dahil sa matinding sakit.

“Sabi mo, naiintindihan mo ‘ko. Kahit kulang sa salita, nararamdaman natin ang isa’t-isa. You were the only person whom I trusted and shared my weaknesses with, Sharina! Hindi ko alam kung bakit. I just let those things happened in front of me. Ang hiling ko lang naman ay magtiwala ka sa akin. Na pagtiwalaan mo ‘yung iilang sandaling magkasama tayo. Kakaunti iyon pero alam natin sa isa’t-isa na memorable. Na hindi doon matatapos ang lahat. I just needed time to think. Pero bumitiw ka. Ano itong ginagawa mo ngayon?”

“Puwede naman nating ayusin ito, hindi ba? We can start all over again.”

“Pero hindi mo ‘ko pinagtitiwalaan, Sharina! At dahil doon, iniisip ko ngayon na wala kang pinag-iba kina Papa at Mama. Tell me, hindi ba ‘ko puwedeng pagtiwalaan?”

“I’m sorry kung iyon ang dating sa’yo. Natakot lang naman ako—”

“Huwag kang matakot. Don’t be because we’re getting married—as you planned. Sabihin mo lang kung kailan at saan mo gusto. Ikaw na ang magdesisyon dahil wala na akong tiwala sa sarili ko. Baka hindi ko na kayang gumawa pa kahit pinakasimpleng bagay sa buhay ko.”

Nang talikuran siya nito ay lalo siyang napabulalas ng iyak. Damang-dama niya ang sakit ng kalooban ng lalaki. Pero lalong damang-dama niya ang sakit ng pakikitungo nito sa kanya.


Discover more from Quattro Tagalog Online Stories

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Whatever It Takes to Love You (Chapter 38)

No time to Collect Free Denaro Coins?

Click Here

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Need Help?