KUYOM ang mga kamay habang umiinom ng alak si Matteo. Kahapon, dahil sa matinding hinanakit kay Sharina ay umalis siya ng bahay. Inaasahan niyang sa pag-uwi ay aabutan niya ito roon. Marahil ay dala na ang mga gamit nito pero wala na ito roon nang dumating siya. Ang galit na si Mikaela ang humarap sa kanya.
‘You just blew your chance to have her, Kuya! At hinding-hindi na kita tutulungan…’ anito.
Nagkamali nga ba siya?
Aminado siyang nasaktan siya nang pangunahan ni Sharina sa dapat gawin. Hindi ito nagtiwala sa kanya at nakisali pa ito sa problema niya. Pero pinagsisisihan na niya iyon. Handa na siyang itama ang lahat sa kanyang pag-uwi pero wala roon si Sharina. Iniwan rin nito sa ibabaw ng kama ang singsing na bigay niya.
That ring was really hers. He bought that the day before fiesta. Ibibigay niya dapat iyon sa dalaga kaya sinabi niya ritong bago sila bumalik ng Maynila ay ipapasyal niya ulit ito sa bukid. Pakiramdam niya kasi, kakampi niya pati kalikasan kung doon niya ibibigay ang singsing sa dalaga. Iyon sana ang magbibigay ng isang magandang simula sa kanila ni Sharina pero hindi siya nagkaroon ng pagkakataong ibigay iyon dito dahil sa mga nangyari.
Natapakan nito ang ego niya bilang lalaki, aaminin niya iyon. Pero alam din niyang sa pinakasulok ng kanyang puso ay natutuwa siyang mahal pala siya ni Sharina, hindi tulad ng narinig niya sa Vince na iyon.
Dalawang araw matapos silang magbalik ng Maynila ay nagpunta siya sa unibersidad na pinapasukan nito. Gusto sana niya itong kausapin. Malapit na siya sa dalaga nang makitang papalapit sa kinaroroonan nito si Vince, ang ex-boyfriend nito. Nagkubli siya sa punong kinaroroonan ni Sharina at palihim na nakinig sa usapan ng dalawa.
‘Bakit nakasimangot ka na naman? Si Derek ba?’ paunang sabi ni Vince nang makalapit.
‘Hindi, noh! Bakit ko naman iyon iisipin?’ tugon naman ni Sharina.
‘Mahal mo talaga ang Derek na ‘yon ano! Ang swerte niya, kung hindi lang siya tanga!’
Hindi na niya pinakinggan pa ang usapan ng dalawa. Sapat na ang mga narinig niya. Si Derek pala talaga ang mahal nito.
Gayonman ay patuloy siyang umasa. Baka sakaling magbago ang isip ni Sharina. Naisip niyang baka sakaling may pag-asa siya rito kahit kapiraso lang. Then he saw him that day staring at his photo. Watching at her, he knew instantly that she also felt something for him—until she said it and slammed on his face that it was Derek that she liked, and not him.
Kaya naman laking gulat niya nang sabihin ni Daisy sa kanya ang plano ng magkaibigan.
“Sir, totoo po ang sinasabi ko! Dinig na dinig ko talaga ang plano nilang dalawa!”
Kunot ang noo niya habang nakikinig kay Daisy noon. Nasa gitna siya ng pag-iisip nang kumatok sa kanyang silid ang dalagita at may mahalaga raw itong sasabihin sa kanya.
“Dinig na dinig ko, Sir. Hinahanap ko kasi ang kapatid niyo dahil may uuwi na siyang bisita. Doon ko sila nakitang magkaibigan sa verandah at iyon nga, narinig ko ang pag-uusap nila. Ngayong gabi raw po gagawin ang plano, Sir. Lalasingin kayo ni Mikaela para may mangyari sa inyo ng kaibigan niya. Kinabukasan ay mapipilitan na kayong pakasalan si Sharina.”
Naggalawan ang jaw muscles niya sa narinig. Pati ba naman ang kapatid ay katulad na rin ng kanyang ama? Ano ba ang tingin ng mga taong ito sa paligid niya, isa siyang bola na maaaring basta na lang ipasa kung kani-kanino?
Inis niyang tinungga ang laman ng kopitang hawak. “Sige na, Daisy. Salamat sa impormasyon.”
“E Sir, baka po malasing kayo.”
“Iyon naman ang plano nila, hindi ba?”
“E Sir…paano po si Ate Carmen kung papayagan ninyong mangyari ang plano ng kapatid niyo?”
Saglit siyang napaisip sa nahimigang pag-aalala sa boses ni Daisy. “You liker her, right? Gusto mo siya para sa akin?”
Tumango ang dalaga.
“Bakit? Give me one solid reason why you want her for me.”
Hindi agad ito nakakibo.
“Naniniwala ka bang magiging mabuting asawa para sa akin si Carmen? Na magiging masaya kami kung pakakasalan ko siya?”
Sunud-sunod na tango ang naging tugon nito sa kanya. Lahat ng taong tanungin niya ay walang dudang pabor kay Carmen. Ang kanyang mga kaibigan, magulang…tanging si Mikaela lang ang hindi.
“Sige, salamat ulit, Daisy. Alam ko na ang gagawin ko. Thanks for informing me.”
Hindi siya lasing nang gabing iyon. Sinadya niyang hindi malasing at sa halip na inumin ay itinatapon niya ang laman ng mga alak na dinadala ni Mikaela. He had to stay awake for Sharina—dahil may plano siyang ipahiya ito. She had to learn her own lessons in life.
But he failed to do his plans the moment he laid his eyes on her. Iba ang ikinilos niya sa totoong takbo ng utak niya. Tila siya aliping handang sumunod sa ano mang nais ni Sharina, but he woke up just when he was about to take her. Kahit mahirap ay sinikap niyang paglabanan ang nararamdaman. Nagkunwari siyang tulog para maniwala itong lasing talaga siya.
And that night was memorable. Dahil kahit tulog at magkayakap lang sila ni Sharina, pakiramdam niya ay kumpleto na siya. It was not the first time he did such thing. In fact, he occasionally did that with Carmen. The only difference was the contentment and peace that enveloped him with Sharina on his arms. And that night, he peacefully slept with the person he knew he dearly loved.
“Alam mo kung ano ang problema mo, Kuya? Ang sarili mo! Bakit ba hindi mo matanggap na mahal mo ang kaibigan ko? Ganoon ba kahirap amining in love ka sa isang batang tulad ni Sharina?”
Nalingunan niya si Mikaela, palapit sa kinauupuan niyan stool. “Leave me alone, Mikaela. Hindi pa tayo tapos sa atraso mo sa’kin. Ikaw ang dahilan kung bakit nagawa iyon ng kaibigan mo.”
“Ako nga at hindi ko naman ikakaila. Ako ang nagbuyo sa kanyang magkunwaring may nangyari sa inyo para magkaroon ka ng responsibilidad sa kanya at iwan mo si Carmen.”
“Pero bakit? Paano kung napahamak ang kaibigan mo? She’s too young for this, hindi mo ba iyon naisip?”
“Pero wala naman sa planong maging totoo iyon dahil lasing ka, ‘di ba. I even told her to shout if needed. What do you mean? Did anything happen?”
Hindi niya nagawang kumibo.
“Kuya!” Hinampas siya nito sa balikat at bahagya niyang ininda iyon.
“Nothing happened because I was not really drunk!” ‘But I died last night because it could have happened if I didn’t stop!’
“Kung ganoon, ano ang problema? Bakit walang kibo si Sharina nang umalis kanina? I’ve been trying to contact her but there was no response. Ano ba talaga’ng nangyari?”
“She left because I was a jerk this morning.”
Napapalatak ang kapatid. “Wait, Kuya…how come I didn’t make you drunk last night?”
Ikinuwento niya rito ang buong pangyayari at naniningkit ang mga mata ni Mikaela nang muling magsalita. “Sinasabi ko na nga ba eh. Alam mo, may kutob talaga ko sa maglolang ‘yan, Kuya. Iba ang pakiramdam ko eh.”
“Do not presume things, Mikaela.”
“Bakit nila alam na ikakasal ka kay Carmen at ang pamamanhikan ay mangyayari pagkatapos ng fiesta sa atin?”
Lumalim ang pagkakakunot ng noo niya. “What are you talking about?”
“I heard them talking, Kuya. Silang maglola. I’m sure they were not referring to your wedding proposal because that happened a few months ago.”
Napaisip siya.
“But I never mentioned them anything about the wedding proposal, Mik.”
Napasipol ang kapatid. “Kung ganoon ay alam nga nila ang plano! Mas una pa nilang nalaman iyon kaysa sa’yo, Kuya!” Nameywang ito at muling nagsalita. “Hindi kaya guwardiya sibil mo ang mga ‘yan at pinababantayan ka ni Carmen bilang kapalit ng pagpapaaral niya kay Daisy?”
“Pinag-aaral ni Carmen si Daisy?”
“Yes. Akala ko ay alam mo. Narinig lang ni Sharina sa kuwentuhan ng maglola.”
Umiling siya. Bakit naman iyon kailangang ilihim ni Carmen sa kanya?
“You heard her right, Matt. Tama ang mga hinala ni Mikaela laban sa’kin.”
Sabay silang napalingon sa nagsalita—si Carmen.
“Ako ang may kasalanan ng lahat. At hindi ko alam kung paano kong ihihingi ng tawad sa’yo ang mga nagawa ko.
“What do you mean?” tanong niya rito. Si Mikaela naman ay nakaabang din sa mga sasabihin ng bagong dating.
“Totoong sinusuportahan ko ang pag-aaral ni Daisy, but not because of what you think. I like her. I see myself on her so I want her to finish schooling and have a good life ahead of her. Pero tumanaw ng malalim na utang na loob ang maglola sa’kin. They tell me everything you do and all your activities, kaya naman updated pa rin ako sa’yo kahit pa hindi naman tayo nagkikita. Then one day, I met Marco. And you totally flew out of my head. Minahal ko siya nang higit sa pagmamahal ko sa’yo. I’m sorry, Matt.”
Saglit itong tumigil upang pahirin ang luha nito sa pisngi. “He got me pregnant and then left. Sobrang sakit pero na-realize ko, it was bound to happen. It was probably my karma because of what I did to you. Nakahanda na akong sabihin kay Daddy ang lahat pero naunahan ako ng papa mo nang lumapit siya sa’kin at tanungin ako tungkol sa relasyon natin. Nahimigan ko ang kagustuhan niyang kumandidato at maging bahagi ng kandidatura ni Daddy. Nakasilip ako ng pagkakataon and the rest is history.”
“Niloko mo ang parents mo, Carmen? Pinaniwala mo silang si Kuya ang ama ng dinadala mo when the truth was you refused his wedding proposal and dumped him for another man?”
Hinawakan niya sa braso si Mikaela at binigyan ito ng warning look.
“Let her, Matt. I know how hard it is for your sister at nauunawaan ko.”
“Will you please stop acting like that, Carmen! ‘Yan ang dahilan kung bakit hindi ka magawang saktan ni Kuya eh! Dahil napaka-plastic mo! Paawa effect! Masyado kang nagmamabait pero ang totoo, masama naman ang ugali mo!”
“Mikaela, please stop!”
“Tama naman talaga siya. Don’t stop her. I need those words for me to get through this mess. Kailangan kong masaktan para makalaya ako sa mga sumbat ng konsensiya ko. I’m really sorry.” Humagulgol na ito.
“But Papa told us that you were raped,” ani Mikaela.
“It was his own idea. Inakala niyang mas maaawa sa akin ang kuya mo kung ganoon ang situwasyong alam niya. And we will eventually get what we want. Ako, bilang pantakip sa kahihiyan ko at sila ni Daddy para sa kanilang kandidatura. But God is good, Matt. Your father talked to me yesterday and asked me to stop everything that we’ve just started. Natauhan na raw siya at mas kailangan ka niya bilang anak sa katauhan mo kaysa bilang tau-tauhan, masunod mo lang ang gusto niya.”
“I just wish to hear those words coming from him.”
“And you will. He’s planning to visit you one of these days.”
“How about your mom? Alam mo ba ang ginawa niyang pakikipag-usap sa kaibigan ko para lang palayuin siya kay Kuya?”
“Oo at isa iyan sa ipinunta ko rito, Mikaela. Gusto ko sanang ako ang personal na magbigay ng impormasyon tungkol kay Ms. Belinda Suarez, bilang kabayaran sa ginawa ng mommy ko. I also want to talk to Sharina if you will let me.”
Kinuha niya mula kay Carmen ang hawak nitong tarheta. Nagkatinginan silang magkapatid habang nasa isip si Sharina.
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.




