“Hindi ko alam kung paano kitang pasasalamatan sa lahat-lahat, Matteo. Kung tutuusin, kaya mo naman akong basta kalimutan na lang dahil saglit pa lang tayong nagkakakilala pero hindi mo ‘ko sinukuan.”
Hinawakan ni Matteo ang kanyang kamay at hinagkan iyon. “Alam mo, maikli man ang pinagsamahan natin, natitiyak ko sa’yong ang mga ‘yon ang pinakamahahalagang pangyayari sa buhay ko. Hindi mo siguro alam pero ang dami mong naituro sa akin. You taught me how to love without conditions. Dahil sa’yo, naramdaman ko ang masaktan. Natutunan kong magpakasakit kung kailangan. Maraming salamat.”
She smiled and for the first time in her life, she felt she was now ready to speak up about herself. Nagbuntong-hininga muna siya bago nagpatuloy. “Apat na taon ako nang iwan ako ng mama ko sa gate ng isang bahay-ampunan. Ang sabi ng mga madreng nag-alaga sa’kin, bumabagyo daw noon kaya iyak ako nang iyak habang takot na takot sa labas ng gate. Isang linggo raw akong may lagnat at sigaw nang sigaw kapag kumukulog. Takot na takot raw ako. Iyon ang dahilan kung bakit astraphobic ako…”
“Hindi ko na nakita ang mama ko buhat noon. Hindi ko rin siya natatandaan. Onse anyos ako nang may mag-asawang nag-ampon sa’kin. Sila ang kinilala kong magulang mula noon. Malaki ang pasasalamat ko sa kanila sa kung ano ako ngayon pero sa kabila ng lahat, gusto ko pa ring makilala ang totoo kong ina.”
“Kaya nang kinausap ako ni Mrs. Benitez, aaminin kong natukso ako. Inalok niya ako ng malaking halaga para layuan ka. Ibibigay niya rin ang impormasyong kailangan ko tungkol sa nanay ko. Naisip ko, hindi mo naman talaga ako mahal eh, bakit hindi ko pa samantalahin ang pagkakataon? Kung tatanggapin ko ang pera ay makakatulong ako nang malaki sa bahay ampunang pinanggalingan ko. Makikilala ko ang nanay ko. Pero hindi ko pala iyon kayang gawin sa’yo. Pakiramdam ko, para na rin kitang ibinenta kapag tinanggap ko ang mga inaalok ni Mrs. Benitez…”
“Kaya tinanggihan ko siya. I’m sure, darating ang araw na makakatulong din ako sa mga batang nangangailangan—sa tamang paraan. At umaasa rin akong makikita ko ang nanay ko sa sarili kong sikap.”
“That’s so sweet of you but don’t worry because I already have the information about your mother at dalawa tayong pupunta sa kanya. Mula ngayon ay magkasama na nating haharapin ang lahat ng problemang darating sa buhay natin.”
“Thanks, Matteo. Maraming salamat.”
Hinagkan siya nito sa ibabaw ng ulo at niyakap. “Pero teka, bakit hindi man lang pumasok sa isip mong mahal kita? Hindi mo ba talaga iyon naramdaman kahit minsan?”
Napanguso siya. “Akala ko kasi, si Carmen pa rin ang mahal mo eh. Saka na-insecure ako dahil kahit saang anggulo tingnan, parang…parang hindi ako bagay sa’yo. Mas bagay sa’yo ang ex mo. Tapos buntis pa at naniwala naman akong ikaw ang ama ng bata. Ayokong maguluhan ka, Matteo. Ayokong maging panggulo sa buhay mo.”
“Which will never happen, okay. Hindi ka panggulo, dahil ikaw ang bida sa puso ko. You heard that, sweetheart? I love you so much. Susuportahan kita sa lahat ng pangarap mo. Maghihintay ako hanggang dumating na ‘yung araw na puwede ko nang ipagmalaki sa mundo na akin ka talaga. Then you will be Mrs. Sharina Marie Guanzon then.”
“At hihintayin ko ‘yan. Bibilangin natin ang mga nalalabing araw para mangyari ang pangarap nating ‘yan. Pero hindi kailangang magpakasal pa tayo bago mo sabihing sa’yo lang ako—dahil iyong-iyo lang ang puso ko magmula ngayon, Matteo. Ngayon hanggang pagputi ng mga buhok ko. I’m all yours, cutie crush and I’ll do whatever it takes to love you.”
Niyuko siya ni Matteo at hinagkan sa ibabaw ng ulo, sa tungki ng ilong, at sa mga labi. Pagkuwa’y mahigpit silang nagyakap nito.
And she suddenly felt that kind of serenity that she, herself, couldn’t explain. Iyon nga siguro ang tinatawag na totoong pag-ibig. Being with that one person who makes you feel contented despite everything. That person who makes you hurt and cry, but the same person who will always make you happy.
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.



