What’s Wrong with My Boss (Chapter 2)

NILAMUKOS ng isang babae ang hawak na papel sabay tapon niyon sa basurahan, malapit sa kanya. Makailang ulit na niyang sinusulat ang teaser ng kanyang story pero, hindi pa rin siya kuntento. Parang may kulang pa rin. Muli siyang sumubo ng mani. Kasabay no’n ay nagsulat siyang muli sa papel. Mabilis ang kanyang mga kamay sa pagsusulat na para bang bihasang- bihasa na ito. Dalawang taon lang naman siyang freelance writer. Mabili din ang mga gawa niyang books pero, kailangan niya ng extra income. Bukod sa maraming nakaasa sa kanya, sakitin pa ang mga ito at siya lang ang inaasahan nila. Galing siya sa probinsiya at dalawang taon na rin siya rito sa Maynila.  Kadalasan, overtime siya sa pagsusulat. Kahit may sakit siya, sige pa rin siya sa sulat. Ganoon ang kanyang buhay araw- araw. Hanggang sa, naisipan niyang maghanap ng extra work through internet.

Sakto namang natawag ang kanyang pansin ng isang article na nagsasabing kailangan daw nila ng mga modelo for branded toothpaste.  Natawa pa siya no’ng una, but why not naman. Siguro, kaya niya iyon; maganda naman ang kanyang ngipin. Sabi nga nila, she has a killer smile that everyone loves. Kaya, kahit hindi niya alam ang mga mechanics ng pagpili, nag- fill out siya sa online form. Hindi na niya nilagay lahat ng hinihinging details. Kung tawagan siya, mabuti at kung hindi, okay lang din. Nagbakasakali lang siya at baka palarin.

“Sheng, ‘di ka pa ba matutulog?” tanong ng kanyang bestftiend sabay hikab.

Tiningnan niya ito, para na itong zombie dahil antok na antok na.

“Mauna ka na, alam mo namang gabi na ako kung matulog,” sagot niya at muli na niyang tiningnan ang sinusulat.
“Mabuti nga, wala pang sakit ‘yang mga mata mo! Ang tibay ko kasi eh,” parang ngongong wika ni Freya.

Muli niya itong nilingon.

“Sabi ko, mauna ka na para ka nang timang diyan.” Aniya saka siya napangiti.
“Alam ko, mas maganda ka sa akin. Itinatago mo lang sa mga manang mong suot at ugali.” Nakabusangot na tugon ni Freya.

Mahinang tumawa si Chrisna Shane o mas kilala sa tawag na Sheng.

“Matulog ka na nga lang! Ginugulo mo na ako rito,” natatawa pa ring wika niya.

Narinig niyang nagsasalita pa ang kanyang kaibigan subalit hindi na niya naiintindihan. Narinig na lamang niya ang pagsarado ng pintuan ng kwarto nito.  Napailing- iling na lamang siya sabay subo ang kanyang mahiwagang, lollipop. Matapos niyang magsulat ay isinunod niya ang kanyang pagtipa sa luma na niyang laptop. Gaya ng dati, tuloy- tuloy ang pagtipa niya sabay sipsip sa kanyang mahiwagang lollipop.

Natigil na lamang siya sa pagtipa, nang marinig niya ang tilaok ng tandang na alaga ni Mang Nestor.
Sinulyapan niya ang orasan sa dingding, past twelve na pala. Nag- inat siya at pinindot ang save sa kanyang laptop. Nagpunta siya sa banyo upang maghilamos at magsepilyo. Pagkatapos ay dire- diretso na siyang nagtungo sa kanyang silid, at pabagsak na dumapa siya sa kanyang kama. Ilang saglit pa ay nakatulog na siya kasabay ng kanyang paghilik. Kinabukasan. Iinot- inot si Chrisna ngunit nanatiling nakapikit ang kanyang mga mata. Tinatamad pa siyang bumangon, pinatay na rin niya ang orasan dahil sa pag- alarm. Narinig niyang may kumatok sa kanyang pintuan. Hindi siya nagsalita dahil alam niyang si Freya iyun.

“Sheng! Bumangon ka na riyan, may tawag ka kanina sa phone,”  narinig niyang sinabi ng dalaga.

“Sino raw?” tinatamad niyang tanong na nakapikit pa rin.

“Smith Incorporated daw!” sagot ni Freya.

Sukat- doon ay napabalikwas siya ng bangon. Agad niyang tinungo ang pintuan at nakita niyang naroon pa rin si Freya.

“Ano pa ang sinabi?” seryoso niyang tanong dito.

Napaawang ang labi ni Freya habang nakatingin sa kanya. Kapagkuwan ay kumiling ang ulo nito.

“Ang sabi, huwag mo raw kalimutan ang oras ng interview mo!” tugon ni Freya sa kanya na tila nagtataka pa ring nakatingin sa kanya.

Mabilis siyang tumakbo papuntang banyo at kaagad naligo. Kinukuskusan niya ang lahat ng parte sa kanyang katawan. Nagsepilyo rin siya ng makailang ulit. Makailang ulit din niyang tiningnan ang kanyang ngipin sa maliit na salaming naroon. Nang matapos ay lumabas na siya at nagbihis. Naroon pa rin siya si Freya na nanood lang sa kanya. Bakas sa mga mata nito ang pagtataka at pag- aalinlangan.

“Sigurado ka, ba diyan?” kapagkuwan ay tanong ni Freya.

“Oo naman! Background pa lang ng kompanya, legit na legit,” sagot ni Chrisna habang nagpupulbo.

Lumapit si Freya sa kanya at inagaw ang pulbo sa kanyang kamay. May kinuha ito sa tokador at pinaharap siya.

“Ayokong lagyan mo ako ng make- up!” protesta ni Chrisna.

“Alam ko! Kaya nga, concealer cream na lang ilalagay natin. Para, pagdating mo roon fresh ka pa rin,” tugon ng dalaga at nilagyan na niya ang kanyang mukha.

Sunod na kinuha ni Freya ang kulay dark red na matt lipstick.

“Ayoko niyan, parang bampira ang dating!” tanggi niyang sinabi.

Umirap sa kanya si Freya at kumuha pa ng isang lipstick.  Isang, super stay matte ink na kulay light pink lipstick. Konti lang ang ipinalagay niya, ayaw niya kasi ng makapal. Nilagayan din siya ni Freya ng light na blush on, hindi halatado. Para lang siyang nagro- rosy cheek.  Nang matapos ay si Freya rin ang pumili sa kanyang susuotin. Isang make- up artist ito at fashion designer. Dangan lamang, sarili niya kasing negosyo at nag- uumpisa pa lamang ito. Pinasuot nito sa kanya ang white plain na bestida hanggang tuhod. V- neck ang harapan nito at may konting slit sa gilid. Ang earrings niya ay isang maliit na puting pearl lang, wala siyang anumang suot na accessories. Isang black flat shoes lang ang suot niya sa baba at kulay purple ang mini shoulder bag niya.

“Okay na kaya ito?” tanong ni Chrisna sabay ikot sa malaking salamin.

Mabining ngumiti si Freya na nakatingin sa kanya.

“Kahit ano naman ang isuot mo, bagay na bagay sa’yo! Huwag ka na kasing parang, manang diyan,” sagot ng dalaga.

Napangiwi si Chrisna sa sinabi sa kanya ni Freya. Humarap siya sa kaibigan at nginitian niya ito.

“Hindi kasi ako, sanay! Saka, ayoko talaga! Ito nga lang, pinipilit ko nang sinuot ,” sabi niya.

“Kaya nga, ‘yan ang pinasuot ko. Saka, mas okay ‘yan kapag mga interview parang very neat and innocent,” wika ni Freya.

Ngumiti siya rito at nagpasalamat. Alam na alam ito ng kanyang kaibigan dahil gamay nito ang modernong kalakaran. Siya lang ‘ata ang naiwan na sa makalumang istilo. Saka, mas mabuti na ang gano’n para iwas stress siya. Nakikita niya kasi, para namang hindi masaya ang may karelasyon. Lalo pa’t isa siyang writer, malawak ang kanyang imahinasyon.  Kinuha niya ang kanyang makapal na salamin sa mata. Napabungisngis si Freya na nakamasid pa rin sa kanya.

“Kailangan mo pa bang isuot ang, fake salamin mo?” nakakunot- noong tanong nito.

“Para, ma- turn off sila sa akin. Baka kasi, pagnasaan ako sa loob ng bus magkasala pa ako!” sagot niya, sabay suot iyun.

Napatawa naman si Freya sa kanyang sinabi.

“Bahala ka na nga! Magtaksi ka na lang kasi, ako na ang magbabayad!” giit pa rin ni Freya.

“Huwag na! Kaya ko ‘to,” tutol naman niya rito.

Biglang tumayo si Freya at diretsong lumabas. Tila may tinawag ito at saka nagbalik sa loob.

“Nasa labas na si Raymundo, hinihintay ka na. Pasalamat ka, hindi pa siya nakakaalis,” nakangiting turan ng dalaga.

Alanganin siyang ngumiti at tumango. Si Raymundo kasi ang masugid niyang manliligaw, mula noon hanggang ngayon.

“Sige na! Mahuhuli ka na niyan, good luck nga pala!” untag sa kanya ni Freya.

Pinilit niyang ngumiti at yumakap siya sa kaibigan. Nagpaalam na siya rito at lumabas na siya.

Naratnan niyang nakanganga si Raymond, pagkakita sa kanya. Halos hindi na ito kumurap habang nakatitig sa kanya. Para naman siyang nailang sa mga maiinit na titig sa kanya ng binata. Tumikhim siya ng malakas upang mapukaw ang atensiyon nito. Tila napahiya naman si Raymundo at kaagad pinagbuksan si Chrisna. Nagpasalamat ang dalaga at lumulan na siya sa taksi nito.  Dali- dali namang pinaandar ni Raymundo ang kanyang taksi. Pasipol- sipol pa ito habang nagmamaneho.

“Saan ang punta mo?” maya- maya’y tanong nito sa kanya.

“Sa Smith Incorpration,” maikli niyang sagot.

Tila nagliwanag naman ang mukha ng binata.

“Alam ko roon! Sikat na kumpanya ‘yun eh! Marami akong suki na empleyado roon,” tila pagmamalaking sabi ng binata.

“Talaga? Siguro, mataas na building ‘yun at malaki,” masayang sagot ni Chrisna.

“Oo naman! Kung makakapasa ka, ako na lang ang lagi mong sasakyan,” nakangiting sinabi ng binata.

Tila iba naman ang dating sa pandinig ni Chrisna ang huling sinabi ng binata.

“Ano?!” bulalas niya.

Tila nagtaka naman ang binata sa reaksyon niya at saglit natigilan. Nang tila nakuha niya kung ano ang sinabi nito kanina ay, sapilitan itong ngumiti.

“Pasensiya ka na, ang ibig kong sabihin ako na lang ang service mo,” pagtatama ng binata.

Nakahinga naman ng maluwag si Chrisna. Ang akala niya, may ibang tinutumbok ang kumag na ito. Maya- maya pa’y pumasok sila sa malaking gate. May apat na guwardiya sa labas at apat din sa loob.  Napakalawak ng parking area, at napakataas ng building. Napakaganda ang paligid na tila ba nasa ibang bansa ka. Manghang- mangha niyang tiningala ang napakataas na building.

“Ito na ba, ’yun?” Hindi makapaniwalang bulalas niya.

Ngumiti nang malawak si Raymundo na tumingin sa kanya.

“Sabi ko sa’yo, eh! Hindi ba, napakaganda at napakalawak?” tugon ng binata.

Tumingin siya rito at nagpasalamat. Marahan siyang lumabas at muling pinagmasdan ang building. Napaisip siya, parang ansarap isulat ito sa kanyang ginagawang kwento.

“Galingan mo, Sheng!” narinig niyang sinabi ni Raymundo.

“Thank you!” sagot niya pero nasa building pa rin ang tingin niya.

Perfect ito sa mga kwento niya! Nagkaroon tuloy siya ng idea para sa susunod niyang isusulat. Tumulad siya sa mga naglalakad papunta sa main entrance ng building. Sa bungad nito ay may apat na namang guwardiya. Glass door ang entrance, pilahan ang pagpasok dahil sinusuri ka muna ng mga guwardiya bago ka papasukin.

“Miss, id mo!” sabi sa kanya ng guwardiya.

Matangkad ito at may hitsura. Nginitian niya ito at iniabot ag kanyang id. Matagal siyang tinitigan ng guwardiya, muli niya itong nginitian. Kumurap- kurap ito at sinuklian din siya ng matamis na ngiti.

“Pumasok ka na, Miss Mendoza,” wika nito at kinindatan pa siya.

Namula naman siya at nagpasalamat saka dali- daling pumasok. Hindi na niya nilingon pa ang guwardiya, para kasing naasiwa talaga siya.  Nakita niya ang information desk. Lumapit siya roon at nagtanong.

“Excuse me, anong floor po ang gaganaping interview?” tanong niya sa isang babae.

Tumingin ito sa kanya at hiningi ang kanyang id.

“May, approval letter po ba kayo or notice?” tanong ng babae sa kanya.

Naalala niya ang kanyang selpon at agad niyang nilabas iyun. Ipinakita niya ang message ng kanilang kumpanya. Tumango- tango ang babae at may pinindot ito sa kanyang tagiliran.

“May isa pa rito sa ground floor, siya na lang ang huli then kumpleto na sila,” anito saka tumingin sa kanya.

“Hintayin mo ‘yung receptionist na susundo sa’yo. You can sit, over there!” baling nito sa kanya sabay turo sa mga couch na naroon.

“Thank you!” sagot niya at tinungo na niya ang upuan.

Maya- maya pa’y may lumapit sa kanyang magandang babae. Nginitian siya nito.

“You are, Miss Mendoza?” sabi nito.

Agad siyang tumango at tumayo.

“Follow me please! Nagsimula na ang pagpipili ng aming boss, let’s make hurry a little bit.” Tugon ng babae at naglakad na ito.

Mabilis siyang sumunod at sumakay sila ng elevator. Nakita niyang tenth floor ang pinindot ng babae. Whoa! Sa taas pala ang event! Piping sabi niya. Lumunok siya at huminga nang malalim. Sinulyapan siya ng babae at ngumiti.

“Relaks and, good luck!” sabi nito.

“Salamat!” maikling sagot niya.
Ilang sandali pa at nasa tenth floor na sila. Naglakad sila pagawi sa kaliwang pasilyo. Pumasok sila sa malaking room at nakita niyang may mga nakaupo na roon. Itinuro ng babae kung saan siya uupo. Binigyan din siya ng number, at number fifty-eight siya. Huminga siya ulit nang malalim at taimtim na nagdasal. Mukhang bigatin ang kanyang na- aplayan. At gagawin niya ang lahat para makuha siya, alang- ala sa mga umaasa sa kanya.

 

Next to: What’s Wrong with My Boss (Chapter 3)


Discover more from Quattro Tagalog Online Stories

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

What’s Wrong with My Boss (Chapter 2)

•───────•°•❀•°•───────

AUTHOR'S NOTE

•───────•°•❀•°•───────

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.