UMAATUNGAL sa pag- iyak si Freya nang maka- impake na si Sheng. Naiiyak din naman siya kaya lang pinipigalan niya ang kanyang saril. Saka, lagi naman silang magkikita kapag off days nila.
“Tama na nga ‘yan!” natatawa niyang sabi.
Napalabi si Freya na tumingin sa kanya.
“Naiiyak ako kasi, big time ka na! Tapos, iiwan mo pa ako!” atungal na naman nito.
“Freya, hindi namam kalayuan ‘yung condo. Isang sakayan lang naman ang gugulin mo bago ka makarating.” Sagot ni Sheng.
“Sige na nga! Basta, lagi kang tatawag sa akin. Saka, lagi tayong magkikita ha?” Tugon ng dalaga.
“Oo! Lagi akong magsasabi sa’yo, at lagi tayo mamamasyal.” Wika niya.
Ilang sandali pa at tuluyan ma siyang nagpaalam. Medyo naiyak din naman siya kasi, sanay na siyang kasama si Freya sa buong buhay niya. Pero, kailangan para sa ikakaginhawa ng kanyang pamilya.
“Bestfriend mo pala siya, maganda rin katulad mo.” Untag ni Paul sa kanya.
Pinilit niyang ngumiti nang lingunin niya ito.
“Oo! Saka, may sarili kasing business8 ‘yun. Ako lang itong, nangangailangan nang extra income.” Sagot niya.
“Basta ang bilin ko sa’yo, lagi mong susundin mga sinasabi ni boss. Huwag na huwag mo siyang gagalitin, tigre pa naman ‘yun kapag nagalit.” Tugon ni Paul.
Medyo natawa siya sa sinabi nito.
“Tila, takot na takot kayo sa kanya.” Wika ni Sheng na ikiniling pa ang ulo nito.
“Ay, sinabi mo pa! Pasalamat siya, we love him kahit gano’n siya!” Mabilis na sagot ni Paul.
Muli siyang natawa.
“What’s funny, aber?” Nakataas kilay na tanong ni Paul.
“Nakakatawa ka kasi, hindi ko alam kung binabe ka ba o ano!” Nakatawang tugon ng dalaga.
“Hoy! Miss Mendoza, FYI both ako. At wala ka nang makikitang kagaya ko,” malanding sagot ni Paul.
Lalong mas natawa ang dalaga. Isa ngang kalahati ang lalaking ito, silahis kung tawagin.
“Pero hindi ako aswang ha? Hindi porke’t I am half- half, aswang na ako girl! Wez! Tao pa naman ako,” wika ulit ni Paul.
Napabungisngis siya tuloy nang malakas. Nagkahalo ang kanilang tawanan sa loob ng sasakya. Ilang sandali pa at narating na nila ang magiging condo niya. Pagmamay- ari ito ng kanilang amo, isang napakataas na building. Mayroon itong twenty floors, nakakalula. Buong paghanga niyang pinagmasdan ang building, no wonder their boss is super rich.
Hindi siya nagsalita subalit nagniningning ang kanyang mga mata. Himugot siya nang malalim na hininga at sumunod na siya kina Paul at ang kanilang kasama. Nasa ikasampung palapag ang condo niya, sa eleventh floor naman ang mga kagaya niyang nakapasa.
“Ang sabi ni boss, dadalawin miya kayo, twice a day. So, dapat lagi kayong ready lalo na kapag nagkaton na may topak iyun.” Saad ni Paul habang lulan sila ng elevator.
Tumango- tango siya. Biglang tumunog ang phone ni Paul, agad niya iyong sinagot.
“Boss? Ah, settled na po lahat! Actually, nandito na po si Miss Mendoza, rito po sa condo niya.” Sabi ni Paul.
Nakatingin lang siya sa binata, hindi naman niya naririnig ang sinasabi ng kanilang boss.
“Okay, boss!” Turan ng binata saka tumingin sa kanya.
Nagkibit- balikat lamang siya. Binaba na ni Paul ang phone nito at bumuntonghinga.
“Ano’ng sinabi ni boss?” tanong niya.
“Well, nasa daan na raw siya at papunta rito. He wants to check all of you and, give briefly reminders.” Sagot ng binata.
“Okay,” maikling sagot niya.
Bumukas ang elevator at nakita na niya ang kanyang condo. Huminto sila saglit at saka tumingin sa kanya si Paul.
“Ang password mo, Alexander. Hindi puwedeng baguhin, magagalit si Lucifer!” sabi ng binata.
“Clear!” Nakatawang sagot ng dalaga.
Binuksan iyun ni Paul at pumasok na sila. Konti lang naman ang mga gamit niya, isang maleta lang saka isang malaking bag. Tinulungan siya ni Paul na iayos ang lahat, pati ang kasama nito. Maya- maya pa’y tumunog ang buzzer.
“Ay, si Lucifer na ‘yan panigurado!” Tili ni Paul at sinenyasan ang kasama nila na buksan ang pinto.
Ang kanilang boss nga ang dumating kasama ang tatlong bodyguard nito. Bumilis na naman ang tibok ng kanyang puso, hindi niya alam kung bakit.
“How’s your day?” tanong nito na kay Sheng nakatingin.
“Okay naman po, boss! Actually, tinutulungan namin siyang nag- aayos ng mga gamit niya.” Agad na sagot ni Paul.
“Sa’yo ba ako nakatingin?” banas na tanong ng binata.
Hindi nakaimik si Paul na tila napahiya.
“Hindi ikaw ang tinatanong ko,” muling sabi ng kanilang amo.
“Wala naman po kayong sinabing pangalan kaya, ako ang sumagot.” Depensa ni Paul.
Tumingin si Alexander kay Paul.
“How’s your day, Paul?” paulit nitong tanong.
“Okay lang naman, boss!” malanding sagot ni Paul.
Pinandilatan siya ni Alexander, kaya agad siyang nanahimik. Tumulis tuloy ang nguso ni Paul. Kaya hindi napigilan ni Sheng ang matawa.
“What’s funny?” Baling sa kanya ng kanilang boss.
Napalunok tuloy si Sheng at napaigtad. Hindi tuloy siya makapagsalita.
“Ako ba ang nakakatawa o si Paul?” muling tanong nito sa kanya.
“H- Ho?” gulat na turan ng dalaga.
“Kasi kung si Paul ang nakakatawa, stop it! At kung ako naman ang nakakatawa, puwede everyday ka tatawa? No, I mean, every minutes.” muling wika ni Alexander.
Napaubo tuloy si Paul sa narinig. Pasimple naman itong binatukan ni Alexander. Nakamulagat lang ang dalaga, hindi niya alam kung ano ang kanyang sasabihin.
“May dumi ba ako sa mukha, Shane? O, ngayon mo lang napansin na guwapo pala ang amo mo?” wika na naman ni Alexander.
Muling napaubo si Paul, nakatanga lang naman si Sheng. Parang hindi na- absorb ng kanyang utak ang mga sinasabi ng kanyang amo. Naubo na namam si Paul, nasamid na rin ito.
“Bukas, pa- check up ka na Paul. Baka mamaya, may Tubercolosis ka na, nahawaan mo pa si Miss Mendoza.” Sabi ulit ni Alexander.
“Wala akong sakit, boss!” simangot ni Paul.
“Ahm, okay lang po ako!” Kapagkuwan ay wika ni Sheng.
Tinitigan siya ng kanyang amo, saka ito kumunot- noo.
“Nagsasalita ka pala, akala ko nalulon mo na ang dila mo.” Wika nito.
Bigla namang namula ang pisngi ni Sheng sa sinabi ng kanyang amo. Napatingin na lamang siya kay Paul na hindi maipinta ang mukha. Biglang lumapit ang binata sa kanyang harapan.
“Well, good to know you’re okay! And reminder, off days lang kayo makakalaya. During office days, ako ang masusunod.” Wika ni Alexander.
“Opo, boss!” sagot ni Sheng.
“At bawal ang laging nakasimangot, lalo na sa’yo. Always remember, toothpaste ang iendorso mo.” Saad ng binata.
“Opo,” tugon ng dalaga.
“Bakit hindi ka ngumingiti?” biglang tanong ni Alexander.
Gulat na naman ang dalaga kaya, pinilit niyang ngumiti. Mataman naman siyang pinagmasdan ng kanyang amo.
“Your smile is fake, hindi ako bumibili ng ngipin.” Turan nito.
Napahugot nang malaking hininga ang dalaga. Hiling niya sana’y umalis na ito at nang makahinga naman siya nang maluwag.
“Hindi ka makahinga? Ano ‘yun, may asthma ka?” sabi na naman ng kanyang amo.
“Naku! Hindi po! Saka, wala po akong sakit.” Agad niyang sagot.
Tumango- tango si Alexander at muling tumingin kay Paul.
“Kumain na ba kayo?” Tanong ng binata.
Walang sumagot.
“Bingi ka ba?” Dilat niya kay Paul.
“Akala ko po, hindi ako ‘yung kausap niyo.” Sagot ni Paul.
“Kanino ba ako nakatingin?” Singhal ni Alexander.
“Sa akin boss, pero si Miss Mendoza naman po kasi kausap niyo.” Depensa ni Paul.
Napapikit si Alexander at nahawakan ang sariling baba.
“Okay! Let’s eat muna bago niyo ituloy ang pag- aayos, gutom na ako.” Wika nito saka lumakad na palabas.
Sinenyasan naman siya ni Paul na kaagad sumunod. Kaya, dali- dali siyang lumapit kay Paul at sabay nang lumabas ng condo. Hinabol nila ang kanilang amo hanggang sa elevator.
Sa restaurant ng building sila kumain, siyempre sa amo nila ang building kaya siya ang magbabayad sa kanilang kinain.
“Kumain ka ng marami para lagi kang healthy.” Wika ni Alexander sa dalaga.
Natigil naman si Sheng sa kanyang pagsubo. Pati si Paul ay nag- pause rin sa pagsubo sana nito. Kumurap- kurap ang dalaga at tahimik na itinuloy ang kanyang subo. Samantalang nakangiwi si Paul na medyo pinaikot pa ang mga mata nito.
“Ano bang paborito mong pagkain?” biglang tanong ng binata.
“Kahit na ano po, okay na sa akin hindi naman po ako pihikan.” Kiming sagot niya.
“Eh, sa prutas?” tanong na naman ng binata.
“Gano’n din po, kahit ano basta tanggap ng bituka ko.” Sagot niya ulit.
“Crisna, may nakikita ka bang puting buhok sa ulo ko?” tanong ulit ni Alexander.
“Po?!” Mulagat ng dalaga.
“Hindi mo ba narinig ang tanong ko? O, kailangan ko pang lakasan?” Diretsong tanong na naman ng binata.
Napalunok ang dalaga.
“Wala po kayong puting buhok, Sir.” Nahihiyang tugon niya.
“Kung gano’n, stop calling me po and opo kahit ang ho, understand?” Turan ni Alexander.
Nalulon tuloy ni Sheng nang bigla ang kanyang nginunguya. Samantalang si Paul ay nabulunan at kaagad uminom ng tubig. Namula naman ang mukha ng dalaga, naisip niya tuloy tama sina Paul. Mahirap ngang intindihin ang kanilang boss, kumbaga sa spelling banyaga ito mahirap isulat.
“May gagawin ka ba sa linggo?” Tanong na naman ni Alexander.
“Hindi ko pa po alam, wala pa po akong naisip.” Sagot niya.
Napatingala at napapikit ang binata.
“Crisna, wala pang sampung minuto ‘yung sinabi ko. Kakasabi ko lang, inulit mo na naman.” Mariing wika nito.
Biglang napaisip ang dalaga, nang maisip kung ano ‘yun ay napangiwi siya.
“Sorry,” mahinang sabi niya.
“Shawn, call me by that name.” Sagot ng binata.
“Sige, S- Shawn.” Tugon niya.
For the first time, nakita niyang ngumiti ito ngunit saglit lang. Napatingin siya kay Paul, nakangiti rin ito at nag- thumbs up. Napipilitan din siyang gumanti nang ngiti. Ipinagpatuloy na nila ang kanilang pagkain. Napapailing na lang siya, lihim din siyang napapangiti. Paano naman kasi, hindi ra madaldal ang amo nila pero bakit napakadaldal nito ngayon. Parang hind mauubusan nang sinasabi, nagmukha tuloy na ito ang babae at sila na ang lalaki.
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.





