When Love Collides (Chapter 16: I Love You!)

Author's Note

――*☆*――*☆*――*☆*――

NASA loob na sila ng maliit na kubo. Mga kubo na sadyang ginawa lamang para sa mga taong naghahanap lang ng matutulugan. Nagbayad na lang si Milandro sa overnight nila ni Myra. Hindi siya natutulog. Binabantayan lang niya si Myra. Buo na ang desisyon niya na kausapin si Myra tungkol sa napagkasunduan nila. Aaminin niya ang lahat ng kanyang mga plano.

Mukhang hindi siya maghihintay ng matagal. Unti-unting nagbukas ang mga mata ni Myra at lumibot ang mga ito sa loob ng kubo. Nakita niya si Milandrio na nakaupo. Dahan-dahan na umupo si Myra mula sa pagkakahiga. Nararamdaman niya ang matinding sakit ng ulo dahil sa kanyang nainom na alak.

“Kumusta ang pakiramdam mo?” kaagad niyang tanong kay Myra.

“Ayos lang ako,” matipid na sagot ni Myra at saka niya hinilot ang kanyang ulo.

“Hindi ka ba magtatanong kung nasaan tayo?”

“Hindi. Alam kong umalis na tayo sa hotel ni Trixie. Alam ko ang nangyari. Nanghihina lang talaga ang buong katawan ko kanina,” paliwanag ni Myra.

“Kung ganun, may dapat tayong pag-usapan. Ang tungkol sa kasunduan nating dalawa.”

“Akala ko ba, okay na ang lahat. Akala ko ba ayos na habang-buhay akong magsisilbi sa ‘yo bilang asawa.” Umayos ng upo si Myra sa kama. Binaba niya ang kanyang mga paa sa sahig. Seryoso siyang tinititigan ni Milandro. Naninibago si Myra sa mga tingin ni Milandro.

“Tama. Habang-buhay na kitang magiging asawa, pero sa legal na paraan.”

“A—Ano?”

“Be my legal wife for the rest of our lives. Pakakasalan kita ng legal.”

“Ano ang sinasabi mo?”

“Gusto na kita, Myra. Ikaw na rin ang gusto kong makasama habang-buhay.”

“Teka,  hindi mo alam ang sinasabi mo, Milan—”

“Alam ko.”

“Hindi pwede. Hindi maaari. Naaawa ka lang sa akin. Hindi mo ako gusto. Lalong hindi mo ako mahal para pakasalan ako ng legal.”

Kumirot ang puso ni Milandro sa sinabi ni Myra. Aaminin niyang nasaktan ang kanyang damdamin. Hindi siya makapagsalita sa naging kasagutan ni Myra. Hindi niya inaasahan na tatanggian siya ni Myra. Tumayo ang dalaga. Gulong-gulo ang kanyang isipan. Hindi naman sa ayaw niya. Pakiramdam niya, hindi siya ang karapatdapat na babae kay Milandro.

“Babalik na ako sa hotel ni Trixie. Ibabalik ko sa ‘yo ang sampung milyon. Hindi ako para sa ‘yo, Milandro.”

Humakbang ang mga paa ni Myra palabas ng kubo. Subalit pinigilan siya ni Milandro.

 

“BITAWAN mo ako! Ito ang desisyon ko, wala kang karapatan na pigilan ako!” Tinulak ni Myra si Milandro nang buong lakas. Tumilapon si Milandro sa sahig. Mabilis na lumabas si Myra sa kubo na kinaroroonan nila.

“Iyan ang akala mo, Myra. Hindi kita pinahihintulutan na umalis, dahil ako na ang bagong nakabili sa ’yo. Wala akong pakialam kung masasaktan ko lagi ang damdamin mo. Uubusin ko ang luha mo, dahil ang ipapalit ko sa bawat patak ng luha mo ay ang ngiti at saya na nababagay sa ’yo!” Dumaloy sa isipan ni Milandro. Kasabay nito ay ang paghabol niya kay Myra sa labas ng kubo.

“Kung ganun, nagkakamali ka. Isa kang duwag. Alam kong nagugustuhan mo na rin ako, pero pilit mo itong tinatago. Pilit mo itong hindi pinapansin. Ikinakaila mo sa iyong sarili, ganyan ba lagi ang gusto mo? Ang wasakin lagi ang puso mo, Myra?” galit na sigaw ni Milandro kay Myra, nang mahabol na niya ito sa labas.

“Tumigil ka na, Milandro. Hindi tayo pwede sa isa’t isa. Hindi mo alam ang sinasabi mo, hindi pagmamahal ang nararamdaman mo sa akin kundi awa lamang,” kaagad na sagot ni Myra.

Pero, naningkit ang mga mata ni Milandro. Nagalit. Sinugod niya si Myra. Hinawakan niya nang mahigpit ang magkabilang braso nito. Sumabay ang malakas na patak ng ulan at kulog. Gigil na gigil si Milandro sa asal na pinapakita ni Myra.

“Hindi kita hahayaan na mawala sa aking paningin. Lalong hindi kita hahayaan na lumayo, sapagkat gagawin ko ang lahat para sa’yo. Hindi mo pa ba ito nakikita? Hindi mo pa ba ito nararamdaman, Myra? Gumising ka!” Niyugyog ni Milandro si Myra. Basang-basa na sila sa ulan.

“Hindi ako nararapat para sa ‘yo, Milandro.” Umiiyak at hindi bukal sa loob ni Myra ang kanyang nasabi kay Milandro. Pero, dahil mahal na niya si Milandro, ayaw niyang madamay sa gulo na mayroon siya sa buhay.

Ngunit, hindi siya pinakinggan at sinagot ni Milandro. Kundi, marahas na inangkin ni Milandro ang mga labi ni Myra, habang nasa gitna sila ng ulan. Hindi na rin napigilan ni Myra ang kanyang sarili. Para sa kanya kung iiwan man niya si Milandro, ibibigay niya ang kanyang sarili kapalit lahat ng kabutihan ni Milandro sa kanya. Yumakap si Myra kay Milandro. Naintindihan kaagad ni Milandro ang yakap na ginawa ni Myra. Pinapahintulutan siya ni Myra na gawin ang gusto nito.

Bumaba ang mga kamay ni Milandro sa baywang ni Myra, at ang diin ng mga daliri ni Milandro ay ramdam na ramdam ni Myra. Kahit nababasa sila ng ulan, isang sensayon ang gumapang sa katawan nilang dalawa. Pareho silang tinatangay ng kanilang mga sariling emosyon— ang ipadama ang pag-ibig.

Bakat ang kanilang katawan sa basa nilang damit. Hindi na napigilan ni Milandro, inumpisahan na niyang tanggalin ang saplot o tela na humarang sa katawan ni Myra. Mas lalong tumindig ang kalamnan ni Milandro, nang haplusin at halikan na niya ang malambot na katawan ni Myra. Para siyang naging isang mabangis na lobo. Gusto niyang kainin ang buong kalamnan ni Myra.

Wala silang pakialam kung nasa labas man sila ng isang kubo. Wala silang pakialam sa malakas na ulan. Dumadampi man sa katawan nila ang tubig ng ulan, uhaw pa rin sila sa bugso ng mga damdamin nila. Hinila ni Milandro ang kamay ni Myra at tumakbo sila sa loob ng kubo. Pabagsak na sinara ni Milandro ang pintuan ng kubo. Kaagad niyang hiniga si Myra sa papag na may kama. Nagkatitigan silang dalawa. Malagkit na mga titig.

“Ngayon ko lang gagawin ang bagay na ito sa buong buhay ko, Myra. Dahil ikaw na ang gusto kong makasama, kukunin na kita.”

“Milandro, ikaw pa lang ang unang lalaki na humaplos sa aking katawan,” mahinang sabi ni Myra.

“M—Myra..” Huminga nang malalim si Milandro.

“Huwag ka nang mag dalawang-isip, Milandro. Kung gusto mo na akong kunin, kunin mo na ako.”

Hindi na nag-alinlangan pa si Milandro sa kanyang gagawin. Sa bawat haplos at halik na ginagawad niya kay Myra, pinaparamdam niyang hindi lang siya kailangan ni Myra. Kung hindi, siya na ang hinahanap ni Myra para iligtas siya sa buhay na walang saysay.

Napasigaw si Myra nang malakas. Masakit. Ngunit tinanggap niya si Milandro nang buong-buo. Naging maingat naman si Milandro dahil alam nito na wala pang umangkin kay Myra. Hindi napipigilan ni Myra ang kanyang bibig na napasigaw dahil sa nararamdaman niya. Mas lalong dumidiin. Mas lalong bumibigat. Napapakagat si Myra sa kanyang labi. Bumabaon ang kanyang kuko sa braso ni Milandro.

“Mikandro!” Gumigilid ang luha sa mga mata ni Myra. Sinara ni Milandro ang bibig ni Myra gamit ang kanyang bibig. Yumakap nang mahigpit si Myra kay Milandro, habang ang kanyang mga paa ay nakapatong sa likod ni Milandro.

“Myra!” Hindi na rin naiwasan ni Milandro na bamggitin ang pangalan ng dalaga. Bumilis nang bumilis ang kanyang galaw hanggang sa maramdaman niyang ang kanyang likido na dumaloy sa kaibuturan ni Myra.

“Now, you’re only mine! I love you!” sabi ni Milandro habang silang dalawa ay hinihingal.

 


Discover more from Quattro Tagalog Online Stories

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

When Love Collides (Chapter 16: I Love You!)

2 Responses

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.