Charlene, ang babaeng puno ng positive vibes sa katawan. Nakasanayan niya na ang pagpunta sa simbahan sa tuwing mabigat ang dibdib niya. Para sa kaniya, mas nakakagaan ng loob kung sa Kaniya mo sasabihin ang mga bagay na hindi mo kayang sabihin sa iba. Sa kabila ng mga pinagdaanan at nalaman niya mas pinili niya pa ring magpatuloy katulad ng kaniyang nakagawian.
Kabaliktaran naman nito ang lalaking makikilala niya— si Charlie. Ang lalaking laging tanong sa sarili ay kung kailan magiging worth it ang lahat ng sakripisyo niya. Siya ang lalaking ginagawa ang lahat upang mabigyan pansin ng kaniyang magulang kahit pa ang ibig sabihin niyon ay paglayas niya sa kanilang tahanan.
Paano kung sa pang-araw-araw nilang buhay ay lagi na lamang silang nagsasalubong. Iyong tipong hindi matatapos ang araw ng hindi sila nagkakasama sa isang lugar. Maibigay kaya ang sign na hiniling ni Charlene? Pareho kaya nilang masabi na sulit ang lahat?
Continue reading…
Next to: When To Be Worth It (A Short Story)
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.






7 Responses
Aambunan siguro ni Charlene si Charlie ng optimism.
Super agree! Si God lang talaga ang masasabihan mo ng lahat-lahat 💕
Maambunan naman po siguro, Ate. Tiwala lang haha. True po iyan and mas safe din. Salamats po sa pagbasa<3
Teaser pa lang, relate na ako sa katauhan ni Charlie. Hopefully, Charlene sees his worth.
Ang hirap i-sort out, Ate hahaha. Matsala sa pagbasa<3
Sana lahat katulad ni Charlene na punong-puno ng positive vibes sa katawan. Penge naman, medyo malapit na ako ma-out-of-stock! Waaah
/sharing 90% of positive vibes…
thank youuuu!! hahaha