A Filipino Platform of Good Stories

cropped-QUATTRO-LOGO-WITHOUT-BACKGROUND

Wildest Dreams (Chapter 28)

NAGISING ako nang maramdaman ang likidong bumalot sa mukha ko. Agad akong napasinghap at bahagyang iniyuko ang mukha para patuluin ang tubig na ibinuhos sa akin. Rinig ko ang mga halakhak ng dalawang lalaking nagbabantay sa akin.

“Gising na! Gusto kang kausapin ni boss,” tinig ng isa sa kanila pero nanatili lang akong nakayuko.

Mayamaya pa ay nakarinig ako ng tunog ng mga takong ng stilettos. Hindi ko sana iyon papansinin, nang na-curious ako dahil papalit iyon sa direksiyon ko. Hanggang sa makita kong tumapat ang dalawang pares ng sandalyas sa harapan ko. Wala sa sariling iniangat ko ang tingin.

Isang matandang babae ang una kong napansin na parang may pamilyar na features. She has a golden necklace hanging on her neck, her earrings are also sparkling because of the crystals and the way she stands in front of me, masiyadong sophisticated, authoritative. Inilipat ko naman ang tingin sa kasama nito na parang nasa mid-thirty. Nagawa ko pang paningkitan ito ng mata dahil parang nagkita na kami somewhere– no.

Bigla na lang nanginig ang kalamnan ko nang makilala siya. Her eyes became more daring, ang dating mahaba at tuwid nitong buhok ay umiksi na ngayon, and her face somehow changed– parang nagpa-face filler. But there’s a fact that didn’t change about her.  Monica is still evil. Ano’ng kailangan nila sa akin ng matandang babaeng kasama niya?

“Look, tita, bagay na bagay pala sa kaniya ang maging model ng sabong panlaba. Ahm, ‘yong maduming damit lang pala. Nakakadiri, e,” maarteng saad ni Monica at tatawa-tawang umiling.

Hindi naman nagpatinag ang matandang babae sa gilid niya at nanatili pa ring naka-poker face. Tila hindi maipinta ang ekspresiyon mukha. Sa halip ay ipinagkrus lang nito ang magkabilang braso sa harap ng dibdib, then she looked at me from head to toe– with a hint of disgust in her eyes.

“Nagkita rin uli tayo, Alyana. The daughter of Arman Ezekiel Tañez– the criminal.” nangagalaiting saad ng babae na hindi ko alam kung bakit. And, did he just call my father a criminal? Kung makapagsalit naman ito, wala naman siyang basehan. Hindi ganoon si dad kahit na alam kong madalas, hindi kami nagkakasundo sa mga bagay-bagay.

Pero hindi ko maiwasang mag-isip ng kung ano. Paano at bakit niya nasabi iyon sa harap ng anak ng isang Arman Ezekiel Tañez?

“You look shocked. Bakit? Hindi mo pa ba alam ang tungkol sa bagay na iyon?” nakangising tanong ng matandang babae. Natigilan siya, bago pagak na natawa nang may napagtanto. “Oh, poor you. Itinatago niya rin ang kawalang-hiyaang ginawa niya pati sa inyong mga anak niya?” Umiling siya. “Ang kapal ng mukha!” Saka niya ako malakas na sinampal.

Namanhid na naman ang kabila kong pisngi tulad noong nakaraang araw nang makatikim sa isa sa mga kumidnap sa akin. Noong una, hindi ko alam kung bakit may gustong magtangka sa buhay namin. Hanggang sa nagkaroon ako ng hint ngayon kung bakit. Is it because of dad? I’m not sure. Dahil kung siya lang naman ang pakay, bakit pati kami, nadadamay?

Wait. We are his family. That must be the reason.

“Matagal na dapat siyang namatay! Kung hindi dahil sa kaniya, hindi lulubog ang kompanya ng mga Sierra! Hindi sana gumapang sa putikan ang pamilya ng kuya ko!”

Doon niya muling naagaw ang atensiyon ko. Kaya naman ay muli akong humarap sa kanila at naglakas-loob nang nagtanong.

“A-Ano’ng ibig mong sabihin?”

Biglang gumalaw si Monica sa kinatatayuan. Tinapik niya sa balikat ang matanda at ngumisi. “Tita, relax. Huwag mo munang ibuhos lahat ng galit mo ngayon. Madami pang araw para unti-unting magdusa ang mga Tañez.”

Nanlilisik ang mga mata kong tiningnan si Monica. Plastik lang itong ngumiti at lumayo sa amin. Nagmasid-masid ito sa loob ng maruming kuwartong kinalalagyan ko ngayon.

“Sobrang bait ng asawa ni kuya.”

Muli na namang nagsalita ang matanda habang nakatitig sa akin. Sinubukan ko siyang pagmasdan. At napansin ko na kahit gaano man katigas at katapang ang ipinapakita niyang persona ngayon, sa mga mata niya, mababakas pa rin ang kahinaan. Halong lungkot, galit at hinagpis ang nakapaloob sa mga iyon.

“Mariz became my sister by heart. Siya lang ang natatakbuhan ko sa tuwing magkakaproblema kami ng asawa ko. Kaya mahal na mahal siya ng kuya ko. And I promised myself that I will do everything to protect her, like how she did when she was alive. Pero biglang nagbago ang ikot ng mundo.” Kasabay niyon ay napalitan ng hindi maipaliwanag na aura ang mukha niya. “Ginahasa at pinatay siya.”

Napaawang ang labi ko. Ngayon pa lang ay hindi ko na agad matatanggap ang mga naririnig. Hindi ko kayang iproseso sa utak ko. Ayaw ko. Hindi ko kasi masisikmura iyon kahit kailan.

“At alam mo ba kung sino ang gumawa niyon?” tanong pa ng matanda habang may galit ang mga matang tinititigan ako.

Napapikit ako nang mariin. Doon kumawala ang mga nagbabadyang luha sa mga mata ko. Sunud-sunod iyon. Nararamdaman ko na ring nagbabara ang lalamunan ko. Hanggang sa tuluyan na akong napahagulhol nang marinig ang mga katagang hindi ko akalain ay masasangkot ang isa sa pamilya ko.

“Si Arman Ezekiel Tañez. Ang sarili mong ama,” may diing saad ng matandang babae.

Umiling-iling ako. Hindi. Hindi iyon magagawa ni dad. Saksi ako sa kung paano niya minahal si mommy. Kaya kahit ano pa ang sabihin nila, o ng iba, hindi ako maniniwala.

“Hindi mo matanggap, di ba? Ako rin, hija. Matalik na kaibigan ng ama mo si Kuya Daniel. Kaya bakit? Paano niya nagawa iyon sa asawa ng kaibigan niya! Paano?!” singhal nito kaya hindi ko napigilang magulat habang tuloy-tuloy pa rin ang pag-agos ng mga luha ko.

“Hindi lang iyon ang ginawa ng hay*p mong ama. Hindi pa siya nakuntento at pinabagsak niya pa ang Sierra Corporation na siyang hawak noon ng kuya ko! Wala siyang puso!”

Bigla na lang akong pinanlamigan mula sa kinauupuan. Sierra Corporation. Sierra? Hindi. Mali lang ako ng nadinig. Hindi puwedeng may kinalaman si–

Natigil lang ako sa pag-iisip nang nabasag ang bintana sa kuwarto. Narinig kong dumaing si Monica na nasa harap niyon at natumba naman ang isa sa mga lalaking nagbabantay sa akin. Naalerto kami sa mga nangyari.

“Buwisit! Nasundan tayo!” sigaw ng matanda at tinapunan ng tingin ang kaisa-isang lalaking natira sa dalawang dumukot sa akin. Tinuro niya ito. “Ikaw, kalagan mo ang babaeng ‘to. Bilisan mo at sumunod ka sa amin.” Saka siya mabilis na lumabas sa may pintuan at tinawag si Monica na nadaplisan ng bala sa braso at natalsikan ng bubog sa mukha ko.

Lihim akong ngumisi, at the same time, napanatag. Maililigtas na rin ako, sa wakas!

Mabilis na tinanggalan ako ng lalaki ng tali sa magkabilang braso at paa. Akmang hihilahin niya na sana ako nang maunahan ko siya. Agad ko siyang tinadyakan sa ibabang parte ng kaselanan niya at mabilis na tumakbo palabas. Hindi ko na rin naabutan pa ang matanda at si Monica nang inilibot ko ang tingin sa paligid. Mukhang lumang warehouse. Muntik na akong masuka dahil sa umaalingasaw na amoy sa buong lugar. Pero hindi ko na iyon pinagtuunan pa ng pansin at agad na naghanap ng pintuan palabas dito.

Hinubad ko ang stilettos na nakasuot pa rin sa paa ko hanggang ngayon at tumakbo nang mabilis nang may mamataan akong kinakalawang na gate hindi kalayuan. Ramdam kong humapdi ang mga paa ko. Para akong may naapakang mga bubog. Sa dumi ba naman ng buong warehouse, hindi malabong mangyari iyon. Pero mas mahalaga ay ang makatakbo ako nang mabilis para hindi maabutan ng Poncio Pilatong tiyak ay hahabol sa akin.

Nakarinig pa ako ng mga putok ng baril. Kaya naman nagtago ako sa isang malaking container, umupo at bahagyang yumuko. Malapit na ako sa gate. Kaunti na lang–

“Ah–” Akmang titili ako dahil may humawak sa akin pero agad nitong tinakpan ang bibig ko. Mabilis akong dinalaw ng kaba. Pero nahimasmasan din nang maamoy ang pamilyar nitong pabango. Nilingon ko siya sa gilid ko at natagpuan ang malalim at itim na itim niyang mga mata. I scanned him more. His features, I missed those. He grew some stubbles and it looked good on him. Harry.

“Shh.” Inilagay niya ang hintuturo sa tapat ng bibig– sumisenyas na huwag akong maingay. “I got you,” he whispered which made me trembled, at the same time, calm.

Nagpalinga-linga ito sa paligid bago ako muling tiningnan. Hanggang sa napansin kong napalunok siya. His face looks guilty and I also traced affliction there. Is it just me? Nalipasan lang ba talaga ako ng gutom kaya ko naiisip na baka nami-miss niya ako? Ugh, no. Not now, Alyana. 

Mayamaya pa ay inalalayan niya akong tumayo at sabay kaming kumaripas ng takbo palabas ng kinakalawang na gate. Ngunit bago pa man kami makarating ay lumingon si Harry sa likuran namin at nakita ko sa gilid ng mga mata kung paano siya bahagyang natigilan bago ako niyakap. Kasabay niyon ay umalingawngaw ang putok ng baril. Doon ko naramdamang lumuwang ang pagkakayakap niya sa akin. Kaya mabilis din akong lumingon sa likuran at nakita ang isang lalaking nakatutok ang baril sa direksiyon namin.

Nanginig ako. Ngumisi ang mama at muli sanang ipuputok iyon nang maunahan siya ng iba. Sunod-sunod ang pagbaril sa direksiyon niya hanggang sa tuluyan na itong bumagsak sa sahig na dilat ang mga matang nawalan ng buhay. Tiningnan ko naman si Harry na medyo dumagan ang timbang sa akin. Kaya naman ay inalalayan ko siya para hindi kami matumba.

“W-What happened to you?” naiiyak na saad ko at chineck siya. Saka ko lang nalaman na dumudugo na pala ang likod niya na kumalat na sa polong suot niya. Naka-office suit pa rin ito. Biglang parang may humaplos sa puso ko. He must be busy on his work but he still managed to go here just to. . . save and protect me?

Ngumiti ito. Pero hindi na iyon umabot pa hanggang tainga. Tumulo na rin ang dugo mula sa bibig niya. Lalo akong nataranta. “Harry!”

“I-I’m okay. Lumabas na tayo rito.”

Mayamaya pa ay lumapit sa amin ang matangkad at may pagka-mestizong lalaki. Nakasuot ito ng itim na uniporme at nakalagay doon na kasapi siya ng NBI. Kahit paano ay napanatag ako.

“Am I late?” tanong nito.

“H-Hindi ka late. P-Pero sana, hindi ka na lang d-dumating,” nahihirapang bigkas ni Harry at tinulungan ako ng lalaking taga-NBI na alalayan siya palabas.

“Huwag ka namang ganiyan magsalita. Ginanti na nga kita sa gumawa niyan sa ‘yo,” may halong birong sagot nito.

At pagkalabas na pagkalabas namin ay nakahilera na ang mga ambulansiya, mga van at. . . ang pamilya ko. Mabilis silang tumungo sa direksiyon ko pero naalala ko si Harry. Tiningnan ko naman ang lalaking tumulong sa akin na buhatin siya. Tumango lang ito at may lumapit na rescuers sa amin. Agad nilang inihiga sa stretcher si Harry.

Kaya hindi ko na napigilan at niyakap na ang pamilya ko nang magkalapit na kami. Humagulhol na ako.

“Kuya, mom, d-dad. . .” Nahirapan pa akong banggitin ang huli kong tinawag. Hindi ko kasi maiwasang mag-isip ng kung ano kaya nangyari ang lahat ng ito. Hindi naman kasi magiging ganito kalala ang naging sitwasyon namin kung walang malaking galit ang mga nagtangka sa amin.

Humiwalay ako ng yakap sa kanila. Hinaplos ni Kuya Wilson ang buhok ko at si mommy naman ay umiiyak na nakayakap pa rin sa braso ko. Si daddy ay nakatitig lang sa akin at parang guilty sa mga nangyari.

“I’m sorry, anak.”

“Totoo ba, dad?”

Mukhang nakuha agad nito ang sinabi ko kaya napayuko siya. Saka muli akong binalingan ng tingin at nakita ko sa mga mata niyang maluluha na siya.

“Wala akong kasalanan. Nagkataon lang na sa akin ibinintang ang mga nangyari dahil ako ang naging saksi nang gabing nangyari ang insidenteng ‘yon. Hindi ko magagawang lokohin ang mommy mo. Mahal ko kayong pamilya ko.”

Napalakas ang iyak ko at muli kong niyakap si daddy. “I know, dad. Hindi mo magagawa sa amin ‘yon, lalo na kay mommy. There was a misunderstanding here at alam ko namang hindi mo magagawa ang ganoong klaseng bagay. Lalo na sa matalik mong kaibigan, daddy.”

“Thank you,” he said and tapped my back.

 


Discover more from Quattro Tagalog Online Stories

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Wildest Dreams (Chapter 28)

•───────•°•❀•°•───────

AUTHOR'S NOTE

•───────•°•❀•°•───────

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.