I spent half my life
Looking for the reasons things must change…
Limang buwan na pala. Limang buwan, simula nang mabaon ang mundo ko sa kadiliman. Limang buwan, na halos araw-araw kong itinatanong sa sarili ko, kung bakit nagkaganito? Kung bakit ako? Bakit ako itong kailangan mawalan? Manakawan ng n hindi lang paningin, kundi, pati na rin ng lalakeng pinakamamahal.
“Dad, sa tingin mo, aabot ba tayo sa exhibit?”
“Well, we still have one and a hour to go pa naman. So I guess kaya pa. Pero meantime, Lei, anak, breath okay? Masyado kang tense eh.”
“Eh kasi naman dad, matagal ko ng hinintay ‘to. Tapos parang mata-traffic pa tayo. Kung hindi lang talaga kasi nasira ni Sugar ‘yong original master piece ko, hindi sana tayo nagmamadali ngayon.”
“Hay, ano ka ba? Ang importante nakagawa ka ng isa pa. Cheer up! ‘Wag kang mag-alala, I’ll make sure na aabot ‘yang obra maestra mo sa Museo de Manila at sisiguraduhin ko rin na makikita nilang lahat kung gaano ka kahusay na pintor, trust me.”
“Hmm, daddy lang kasi talaga kita eh. Pero salamat, it helps. Kinakabahan lang talaga ako and I just can’t contain the feeling. Para akong mahihimatay sa sobrang excitement –eerrr!”
“Haha! Hindi kita pinupuri dahil lang sa anak kita kundi dahil pintor rin ako. Pero ganyan nga, ngumiti ka lang. Sayang ganda ng lahi natin kung sasambakol ‘yang mukha mo ro’n dahil tense ka. Basta anak, isipin mo lang parate: magaling ka at proud na proud kami ng mommy mo sa ‘yo, okay? Lalong-lalo na ako.”
“Awww, daddy… nagpapaiyak ka eh… Proud na proud din po ako sa inyo. Specially to you, daddy ko. Aba, sa ‘yo ko yata namana ‘tong genuine skills ko. And you know what? You’re not just the best painter for me, but the best daddy in the entire galaxy!”
“Wow naman. Talaga ba?”
“Oo naman po!”
“Hmm, anak ka nga talaga ng mommy mo, napaka-bolera. Payakap nga si Daddy?”
“Ump! Bolera man ako like mommy, pero ‘di ko ipapadaig na mas mana ako sa ‘yo daddy ko. Love you po, sagad!”
“Mas mahal kita, Lei.”
Kung gaano bumagal ang oras nang mga sandaling yakap ng mga bisig ko ang katawan ni Daddy, ay ‘yon namang kay bilis ng pagsalpok ng kotseng sinasakyan namin sa puting van mula sa kabilang lane ng kalsada.
Swissh! Creeeek!!! Blaaagh!
“Daddy!!!”
“Lei, anak, ano’ng nangyari?!”
Humahangos at nag-aalalang tanong sa akin ni mommy sa ‘di ko malamang direksyon, pagkatapos niyang marinig ang kalabog mula sa ginawa kong pagwasiwas ng mga gamit ko sa pagpipinta dito sa loob ng art room namin ni Daddy.
Sobrang sakit ng dibdib ko. Hindi ako makahinga. Ang dfsakit-sakit…
Limang buwan na ang nakalipas, pero ang sariwa pa rin ng bawat detalye. Hindi mabura-bura sa isipan ko kung paano naganap at natapos ang lahat dahil sa aksidenteng ‘yon. At kung paano nito sinira ang buhay ko…
And half my life trying to make them stay the same.
God knows, kung gaano ko kagustong ibalik ang lahat sa dati. Pero sa kundisyon ko ngayon… I really don’t know.
“Mommy, I can’t… Hindi ko magawa! Bakit hindi ko magawa-gawa?! Sabi ni daddy… sabi ni daddy, magaling ako ‘di ba? Magaling ako eh… pero ba’t gano’n?”
Aside from the depression, ‘yong frustration ko na makapagpinta ulit sa kabila ng kapansanan ko ang nagpapahirap sa akin ngayon. Hindi ko matanggap na kundi puro itim ay puti na lang lahat ang naaaninag ko. Wala ng pula, asul, dilaw at berde. Pati ‘yung paborito kung kulay pink, hindi ko na rin makita. Kahit ano pang gawin kong pag-amoy o paglamutak sa iba’t ibang lata ng pintura, hindi ko pa rin matutunan, eh. Hindi ko magawang matutunan ang pagkakaiba nila.
But love would fade like summer into fall;
Napaluhod ako sa sahig. Pero inalalayan ako ni Mommy mapatayo ulit habang hawak ang magkabila kong balikat. Kasunod nito ay naramdaman ko na lang ang mahigpit at mainit niyang yakap.
Pareho kaming humahagulgol at ilang minuto rin kaming nasa ganuong posisyon, hanggang sa marinig ko siyang muling nagsalita.
“Don’t be so hard on yourself, anak. Makakapagpinta ka rin ulit, in time, maniwala ka lang.”
“But—”
“Shhh… whatever it is, me and your dad will always be proud of you; always Lei – naiintindihan mo ba ako?”
All that I could see was a mystery,..
It made no sense at all.
Tanging tango na lang sabay sa paghikbi ang tanging sagot ko kay Mommy habang yakap pa rin siya. Tanging milagro na lang ang makakatulong sa akin ngayon, kung sakali man; kung sakali mang subukan ko ulit hawakan ang paint brush ko at magpinta.
The will of the wind, you feel it and then,
“Phil, ramdam mo ba ‘yong hangin? Iba eh! Parang may magandang mangyayari ngayong araw na ‘to. Feeling ko, ngayon ko na ulit maririnig ang tunog ng utot ko.”
Sa pagdila ni Philip – pangalan ng aso ko – sa mga kamay kong nakahawak sa tali niya hindi ko maiwasang matawa sa sinabi ko. Well, nakakatawa naman kasi. Hindi sa utot part ah? Nakakatawa kasi hanggang ngayon umaasa pa rin ako sa ideyang makakarinig ako ulit. Nakaka-frustrate, pero I need to be positive. This summer breeze gives me hope. A different hope. And Philip of course. My little buddy na kahit kailan hindi ako iniwan kahit inabanduna na ako ng lahat after that accident.
Itinali ko si Phil sa bakal na arm rest ng inuupuan kong wooden bench sa park at saka kinuha ko sa tabi ko yung luma kong gitara. I used to be an acoustic performer before nang nakakarinig pa ako. Pero ngayon, hindi ko na alam kung makakabalik pa ako ulit sa first love ko – ang kumanta at tumugtog. Alam n’yo na kung bakit. Ilang buwan ko rin na ikinulong ang sarili ko sa bahay – 2 or 3 months yata – basta. Nagkasabay-sabay kasi. Namatay ang girlfriend ko during our accident then nawala pa ako sa banda. Malalayo ang family ko, I disowned my friends because of my depression at wala nga akong ibang companion just Philip. One day he came to me habang hatak-hatak ang gitara ko. Sa puntong ‘yon, ibinuhos ko ang lahat ng luha ko sa kanya. And after that day, I decided to stand up and move forward. I still have my guitar – ang tanging alaala na naiwan sa akin ni mommy before she died and of course Philip with me. May responsibilidad pa rin ako, bingi, oo; pero hindi baldado, kaya kailangan kong magpatuloy.
As I go on strumming the chords of my guitar, I’m humming;
“Nasa tono ba ako, Phil?” tanong ko sa aso ko. And he’s keep on wagging his tail, maybe an indication that I am really in tune. I feel overwhelmed how my dog helping me with this. Hindi ko mapigilang mapangiti. Habang yakap pa rin sa bisig ang gitara, masaya akong hinimas nang mailang ulit ang ulo niya to let him feel how much thankful I am to have him. Yeah, so thankful kasi kahit ito’t bingi man buhay pa rin.
Napasulyap ulit ako sa katabi kong nakalatag na song book. Sinusubukan kong dugtungan at lapatan ng tono sa gitara ang kantang sinimulan ko five months ago. Limang buwan ko ring hindi pinansin ‘to at naisipan na ngang kalimutan. Pero lately, ewan, bigla na lang nagcrave akong tumugtog; that is after the night na lapitan ako ni Phil with my guitar on his mouth. Parang gustong iparating sa ‘kin ng aso na baka sa paraan pa rin ng pagtugtog ako makabalik. Ang tanong nga lang eh, papano? Sa kabila ng kapansanang ‘to.
Simula nang maaksidente ako, lumamlam na ang career ko bilang mang-aawit. At ang masama pa r’on, itinakwil ako ng sarili kong banda dahil sa temporary deafness na natamo ko aftermath.Nakaka-gago, pero wala akong nagawa. Dahil sa nangyari sa ‘kin, paano ko nga naman sila sasabayan? Paano ako kakanta kung hindi ko magawang marinig ang musikang tinutugtog nila?
Naramdaman ko ang paulit-ulit na pagdila ni Philip sa kamao ko. Binaba ko ang gitara sabay sa mailang ulit kong pagbuntong-hininga. Kinuha ko si Philip mula sa pagkakadapa sa ibabaw ng wooden bench sa tabi ko, at siya naman ‘tong kinandong ko kapalit ng gitara.
“Hanggang hindi pa nakakabalik ang pandinig ko, wala pa rin tayong pag-asang makabalik sa The Strings, Phil.” kako, na agad namang sinagot ng dalawang kahol nito. Na tila ba naiintindihan nga niya ang lahat.
“Salamat, brad. Nandiyan ka parati. Malaking bagay ‘to sa kabila ng lahat ng tao na bumitaw sa ‘kin. Salamat.” mangiyak-iyak kong sabi sa kanya habang hinihimas ang magkabila niyang mukha. “Matatapos ko rin ‘yan balang araw na kanta ko. At gagawa pa ako ulit ng marami pa! In my own tone, rythm and bit. At kapag nangyari ‘yon, babalik ulit tayo sa limelight. Pero ‘yong mga nangiwan sa ‘tin? ‘Di pa rin natin sila bati!”
‘Di mapigilan ang hagalpak ng tawa ko, kasabay ng biglang pag-ihip ng hangin dahil sa walang puknat na pangingiliti ni Philip sa may tiyan ko. Nginangtangat kasi ang t-shirt ko na parang hinahamon ng away ang abs ko sa loob. This dog really weird minsan.
Biglang lumakas ang ihip ng hangin. Na-divert ang atensyon ko mula sa pagngatngat ni Phil sa shirt ko at sa maaliwalas na paligid.
Napapikit ako and tried to connect with the wind at the back of my mind, “Ramdam kita summer breeze. Ano’ng atin?”
━━━━━━ ◦ ❖ ◦ ━━━━━━
Previous : TEASER
Continue to CHAPTER TWO
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.





