Winter’s End (Chapter 1: Secret and Lies)

Secret and Lies

DUMATING sa puntong sumuko na si Leandro sa paghahanap kay Clara, ang nag-iisang babaeng nagpatibok ng puso niya. After three years of searching, gusto na niyang mag-move on. Susubukan na lang niyang tanggapin ang trahedyang nangyari kay Clara. Kahit napakasakit para sa kanya, kailangan niyang kalimutan ang nakaraan. Dalawampu’t walong taong gulang na rin siya. Twenty-five pa lang siya nang mawala si Clara sa buhay niya. Kailangan na niyang labanan ang bawat bukas na darating. Kailangan na niyang harapin ang kanyang responsibilidad bilang nag-iisang anak at tagapagmana ng lahat ng kanilang ari-arian.

Isa lang ang gagawin niya para mapanatili niya sa alaala niya si Clara. Ito ang huling pangarap ng dalaga, ang manirahan sa isang malawak na lupain sa probinsya. Ibinenta ni Leandro ang kanyang ari-arian sa Tagaytay. Bibili siya ng bagong lupain na mas malawak at mas malayo sa Maynila, para tuluyan niyang makalimutan ang bangungot ng nakaraan. Kararating lang niya sa isang hotel sa Cebu. Ngunit, agad din niyang inayos ang pagpunta sa isang taong kilala rin sa lipunang tulad niya, si Enrie Liccardo.

Si Enrie ay kilala ng mga tao dahil sa kanyang yaman. Mas marami siyang ari-arian kaysa kay Leandro. Kailangan niyang ibenta ang kanyang lupain sa Cebu dahil sa kalagayan ng kanyang asawa. Ayon kay Enrie, may sakit ang kanyang asawa. Walang maalala ang kanyang misis sa nakaraan. Nalaman ito ni Leandro, nang magkausap sila sa telepono. Iyon ang dahilan ni Enrie kay Leandro, kung bakit gustong ibenta ni Enrie ang kanyang lupa. Nagulat si Leandro na may asawa pala si Enrie. Totoong kilala ng mga tao si Enrie, ngunit walang nakarinig o nakakaalam tungkol sa buhay pag-ibig nito.

Nakiusap si Enrie kay Leandro, na huwag ipaalam sa lipunan ang tungkol sa kanyang asawa. Why? Dahil gusto ni Enrie na magkaroon ng pribadong buhay kasama ang kanyang asawa. Nangako naman si Leandro dahil naiintindihan niya ang nararamdaman ni Enrie. Kahit siya, mas gugustuhin niyang magkaroon ng pribadong buhay kapag may pamilya na siya. Bigla siyang napatigil sa kanyang ginagawa at naalala si Clara.

“This is all my father’s fault. Kasalanan niya ang lahat kung bakit nawala ang taong pinakamamahal ko, because of his greed.” Muling nabuhay ang galit sa puso ni Leandro.

 

SAMANTALA, sa lupang ibinebenta ni Enrie, may babaeng nakaupo sa gazebo, si Eliza, ang asawa ni Enrie. Nakatingin siya sa sunflower field. Ngumiti siya habang puno ng luha ang mga mata.

“You’re crying again?” Narinig ni Eliza ang boses ni Enrie. Palihim niyang pinunasan ang luha niya para hindi makita ni Enrie.

“I’m sorry, hindi ko napansin ang pagdating mo,” mahinang sagot ni Eliza.

“Every time you watch the sunflower field, when I secretly stare at you, you’re quiet,” bulong ni Enrie.

“This is nothing, Enrie.” Umiwas si Eliza. Ayaw magpaliwanag ni Eliza, ayaw niyang malaman ni Enrie na may alaala na paulit-ulit na pumapasok sa kanyang isipan. Naririnig niya ang boses ng isang lalaki kapag nakikita niya ang mga sunflower na nakakalat sa kanyang harapan, at hindi niya kayang tiisin ang lungkot na nararamdaman ng puso niya sa tuwing naririnig niya ang boses. Saka malakas ang pakiramdam ni Eliza na malapit sa buhay niya ang naririnig niyang boses. At hindi boses iyon ni Enrie.

“Again, this is nothing Enrie. I’m sorry! I know, even I’m your wife, I’m not a better company to you,” simpleng sagot ni Eliza, para maiba ang usapan nila.

“Sigurado ka ba? You’re not having any pain?” tanong ni Enrie, saka niyakap niya si Eliza.

“Pagod lang yata ako.”

“O baka naman marami kang iniisip?” dagdag ni Enrie, habang hinahaplos ang likod ni Eliza.

“What’s really on my mind now is that—”

“What?” Agad namang kumalas si Enrie sa pagkakayakap kay Eliza. Hindi na rin natapos ni Eliza ang sasabihin. Madaling kutuban si Enrie dahil may tinatago itong sikreto kay Eliza.

“Alam mo naman kung gaano ko kamahal ang sunflowers ‘di ba? Why do you need to sell this land? We can leave without you selling it, right?”

“Sa tono ng pananalita mo, you wanted to know the truth, Eliza?”

“Yes!” walang alinlangan na sagot ni Eliza.

“Honestly, I am selling this field because of you,” pagsisiwalat ni Enrie kay Eliza. Nanlaki ang mga mata ni Eliza, hindi niya lubos maisip na siya ang dahilan kung bakit kailangang ibenta ni Enrie ang hacienda.

“Bakit ako? Hindi ko maintindihan.”

“Lagi kitang nakikitang umiiyak kapag nandito ka. I don’t want to see you crying every time you are here. If sunflowers are part of your past I should erase it too. I just want you to be happy with me,” paliwanag ni Enrie. Hindi niya napigilan ang sarili. Naikuyom din niya ang kanang kamao.

“What do you mean about my past? May hindi ba ako alam sa nakaraan ko, Enrie?”

“Let’s stop this, Eliza. We are both here today because someone is interested in buying this land. He is not just any ordinary person. His family also known in the society. I know you can help me with him. Anytime now, he will come.”

“But, Enrie—”

“Please Eliza, let go of this field. Please!” Tumaas ang boses ni Enrie. Magsasalita pa sana si Eliza ngunit may isang trabahador na lumapit sa kanila.

“Sir Enrie, may naghahanap po sa inyo sa labas. Siya po ang gustong bumili ng lupa.”

“Enrie,” tawag ni Eliza at pinipigilan pa rin niya ito.

“Eliza, please! Ginagawa ko lang kung ano ang makakabuti sa iyo.” Tinalikuran na ni Enrie si Eliza para makipagkita kay Leandro.

Muling humarap si Eliza sa sunflower field. Nag-isip siya sa huling sinabi ni Enrie sa kanya. Hindi niya maintindihan kung bakit kailangang banggitin ni Enrie ang nakaraan. Alam ni Eliza na may sakit siya. Alam niyang wala siyang maalala sa nakaraan. Ngunit hindi niya sinubukang alamin ang kanyang nakaraan dahil pakiramdam niya ay ligtas siya at mahal siya ng mga taong nakapaligid sa kanya. Alam din niyang wala siyang ibang pamilyang mapupuntahan dahil ang kuwento sa kanya ay ulila na siya. Pero, marami pa rin siyang tanong. Maraming mga bagay ang gumugulo sa kanya. Pilit man niyang iwasan ang boses na pilit pumapasok sa kanyang memorya ay hindi niya magawa. Ang boses na kanyang naririnig ay tila ang nagtutulak sa kanya na hukayin ang kanyang nakaraan.

“May tinatago ka ba sa akin, Enrie?” bulong ni Eliza sa hangin. Hindi alam ni Eliza na hindi tuluyang umalis si Enrie. Narinig ni Enrie ang bulong ni Eliza. Naningkit ang mga mata ni Enrie.

 

 

 

 

 

 

 

 


Discover more from Quattro Tagalog Online Stories

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Winter’s End (Chapter 1: Secret and Lies)

•───────•°•❀•°•───────

AUTHOR'S NOTE

Kakalimutan na ba talaga ni Leandro si Clara nang tuluyan?

•───────•°•❀•°•───────

One Response

  1. Madaling alamin kung sino nga ba si eliza pero dq nalang sasabihin akin nalang sasarilinin bwahahaha naks mahirap na kaya magcomment lang ng palaisipan hahaha

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.