Winter’s End (Chapter 18: Ang Katotohanan)

Author's Note

――*☆*――*☆*――*☆*――

Ang Katotohanan

“Are you Clara?”

“Yes, Sir!”

“Hindi bulag at manhid ang mga tao dito. Kalat ang relasyon niyo ng anak ko sa buong building na ito. May relasyon ba kayo ni Leandro?” Hindi pa sumasagot si Clara kay G. Roberto Villanueva, nang biglang pumasok si Leandro sa opisina ng kanyang ama.

“Dad!”

“You have come at the right time. I will only ask you, do you and Clara have a relationship?” Napatingin si Clara kay Leandro, ganoon din ang ginawa sa kanya ng binata. Hinihintay ni Clara ang sagot ni Leandro.

“No Dad! We don’t have a relationship. Clara, you can go back now to my office.”

“Did you hear what Leandro told you? Go back to your work!”

“Y–Yes!” tanging sagot ni Clara at mabilis na naglakad, ngunit napahinto siya sa tapat ng pinto nang marinig niyang muling nagsalita si Roberto Villanueva.

“Good to hear that son! Wala kang mapapala sa babaeng ‘yan.”

“Alam ko!” matipid na sagot ni Leandro.

Hindi nila alam kung ano ang totoong estado ng buhay ni Clara. Ang alam lang ni Roberto ay simple lang ang buhay ni Clara. May pagkakamali rin si Clara, dahil hindi niya sinasabi kay Leandro ang tunay niyang pagkatao. Nangako si Clara sa kanyang mga magulang.

Hindi rin masisisi ni Clara kung tinatago siya ng kanyang kasintahan sa lahat ng nakapaligid sa kanila. Lalo na sa ama ni Leandro. Sakim si Roberto sa pera, kaya naman gusto ni Roberto na yumaman ang kanyang nag-iisang anak. Ngunit, kahit naiintindihan ni Clara ang kanilang sitwasyon, hindi pa rin maiwasan ni Clara na mag-isip.

“Hanggang kailan niya ako itatago? Hanggang kailan namin itatago ang relasyon namin? Kailan niya kaya ako kayang ipaglaban sa ganitong estado ng buhay ko?”

“Mali ako! Nagkamali ako dahil akala ko kaya kong magpanggap sa harap ni Leandro. Hindi kaya ng puso ko ang kasinungalingang ginawa ko. Gusto ko talaga siyang yakapin nang mahigpit. Gusto ko talagang sabihin sa kanya na ako ito, si Clara. Sabik din akong makasama siya. Gayunpaman, hadlang talaga ang tadhana sa aming dalawa.” Lalong sumakit ang ulo ni Clara sa alaalang pumasok sa isip niya. Naninikip din ang dibdib niya sa sakit na nararamdaman.

“Leandro,” bulong ni Eliza sa pangalan ng lalaking mahal niya. Tumigil siya sa paglalakad dahil nahihilo na siya. Nilibot niya ang kanyang mga mata sa paligid, nanlalabo ang kanyang paningin. Halos hindi na niya maipinta ang mga sasakyan at mga taong dumadaan sa gilid at harapan niya. Sinubukan niyang humakbang, ngunit bumagsak ang kanyang katawan sa gitna ng kalsada.

Samantala, nanlamig ang buong katawan ni Leandro nang makita ang katawan ni Eliza na nakahandusay sa kalsada at nagkakagulo ang mga tao. Buti na lang at nagpasya siyang sundan si Clara. Mabilis na tumakbo si Leandro sa kinaroroonan ni Eliza. Kinuha niya ang bag ni Eliza at binuhat ang walang malay na katawan ng dalaga.

“Clara, gising! Tumabi kayo sa dinadaanan ko!” sigaw na sabi ni Leandro sa mga tao. Garalgal din ang boses niya.

“Clara, ano ang nangyayari sa ‘yo? Gumising ka! Please, Clara!” Parang papel sa gaan ang katawan ni Eliza nang buhatin siya ni Leandro. Madaling narating ni Leandro ang sasakyan niya. Inihiga niya si Eliza sa backseat. Nagpunta sila agad sa pinakamalapit na ospital.

Patuloy na sumusulyap si Leandro kay Eliza mula sa likod ng sasakyan. Panay ang busina niya sa sasakyan niya. Mabilis ang takbo ng sasakyan niya na para bang pag-aari niya ang kalsada. Buti na lang at malapit ang ospital sa kanilang lugar. Pagdating nila ay agad na dinala ni Leandro si Eliza sa emergency room.

“Bawal kang pumasok, dito ka na lang po maghintay,” pakiusap na sabi ng nurse, saka isinara nito ang pinto.

Hindi pa rin nawawala ang pagkalito ni Leandro. Hindi niya alam ang gagawin. Labis ang pag-aalala niya kay Eliza. Palakad-lakad siya sa hallway ng ospital nang biglang may narinig siyang tunog ng cellphone mula sa bag ni Eliza. Binuksan niya ang bag. Tumatawag si Enrie. At saka naalala ni Leandro na ibinigay ni Milandro ang personal na cellphone nito kay Eliza.

“Hello!” mahinahong sagot ni Leandro.

“Bakit ikaw ang sumagot? Where is Eliza?”

“Nasa ospital kami. Nawalan ng malay si Eliza,” diretsong sabi ni Leandro kay Enrie.

“Ano? Saang ospital kayo?” Halatang galit ang boses ni Enrie.

“Makati Medical Center.” Pagkasabi ni Leandro ng pangalan ng ospital ay biglang naputol ang linya.

Para kay Leandro, hindi niya pwedeng hindi sagutin ang tawag ni Enrie. Kahit masakit sa kanya, nasa poder pa rin ni Enrie si Eliza. Kailangan ding malaman ni Enrie ang kalagayan ni Eliza. Naghintay si Leandro. Hindi pa rin lumalabas si Eliza sa emergency room. Makalipas ang ilang minuto, dumating si Enrie kasama si Milandro. Agad na sinugod ni Enrie si Leandro. Hinila ni Enrie ang kwelyo ng damit ni Leandro.

“Ano ang ginawa mo sa kanya? Kasalanan mo ang lahat! Kapag may nangyaring masama kay Eliza, magbabayad ka!” galit na sabi ni Enrie. Nag-aapoy ang mga mata niya. Naninigas ang mga panga niya sa gigil.

“Hindi ko alam na ganun ang mangyayari sa kanya. She said goodbye to me, then I saw her-“

“‘Wag ka nang magpaliwanag! This is all your fault!” Pinaghiwalay sila bigla ni Milandro. Hinila ni Milandro si Enrie palayo kay Leandro.

“Enrie, stop! Nabulag ka na sa galit na nararamdaman mo. Walang nakakaalam sa nangyari kay Eliza, so don’t blame Leandro. Don’t do something you’ll regret,” ani Milandro. Pumagitna na talaga siya sa kanila.

“Huwag mo akong pigilan!” Bumitaw si Milandro sa pagkakahawak kay Enrie.

“At ikaw Leandro, gusto mo ba talagang malaman kung si Eliza na asawa ko ngayon, at si Clara na minahal mo noon ay iisa? Oo! Siya si Clara at wala nang iba. Siya ang Clara na gustong patayin ng iyong ama. Nasaksihan ko ang karahasang ginawa ng iyong ama. Ngayon sabihin mo sa akin, masaya ka ba? Natutuwa ka ba na nalaman mo ang totoo?” Hindi na napigilan ni Enrie ang sarili.

“Enrie-” muling pigil na sabi ni Milandro sa kaibigan. Ngunit muli siyang tinulak ni Enrie. Natigilan si Leandro sa narinig. Biglang nanginig ang kanyang mga tuhod.

“W-What?”

“Enrie, enough!” Walang kapaguran si Milandro sa pagpigil kay Enrie.

“Please Leandro, umalis ka muna. May ibang araw pa para mapag-usapan ang tungkol kay Eliza,” pakiusap na sabi ni Milandro. Pero parang walang narinig si Leandro. Hindi rin makagalaw ang kanyang katawan sa sinabi ni Enrie. Tumulo ang luha ni Leandro, dahil hindi niya matanggap na ang kanyang ama ang may kasalanan sa pagkawala ng babaeng pinakamamahal niya.

“Gusto ko pang marinig ang sasabihin ni Enrie.”

“Hindi Leandro, umalis ka na! Kung gusto mong malaman ang lahat, kakausapin kita. Kasama ko si Enrie nang matagpuan niya si Eliza. Umalis ka na, nakikiusap ako,” pakiusap muling sabi ni Milandro kay Leandro. Kusang gumalaw ang mga paa ni Leandro para lumabas ng ospital. Napatulala siya at naliligaw ang isip.

“Bakit humantong sa ganito? Hindi ko alam kung may mukha pa akong ipapakita kay Clara, kung totoo lahat ng sinasabi ni Enrie,” bulong ng isip ni Leandro. Patuloy ang pagbagsak ng mga luha sa kanyang pisngi.

Biglang nawalan ng lakas si Leandro at napaluhod siya sa sahig. Sinuntok niya ang semento. Wala siyang pakialam kung dumudugo ang kanyang mga kamao. Wala siyang pakialam kung iwasan siya ng mga taong dumadaan sa kanya. Lumapit na rin sa kanya ang security guard.

“I don’t know what to do now. I don’t know if I want Clara’s memory back, because of what my father did. Ito ba ang sinasabi sa akin ni Enrie na hayaan ko na lang si Clara?” Umiiyak na humagulgol si Leandro habang patuloy ang kanyang mga kamay sa pagsuntok sa semento. Halos madurog ang mga kamao niya.

“Clara, anong dapat kong gawin? Ang bigat-bigat ng puso ko. Bakit? Bakit nangyayari ito sa ating dalawa?” Huling salitang dumaloy sa isip ni Leandro. Sumubsob din ang ulo niya sa semento.


Discover more from Quattro Tagalog Online Stories

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Winter’s End (Chapter 18: Ang Katotohanan)

One Response

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.