Winter’s End (Chapter 19: Mga Sugatang Pusong Lumalaban)

Author's Note

――*☆*――*☆*――*☆*――

“Enrie, what do you think you are doing? Are you out of your mind? Hindi mo na napigilan ang sarili mo. And that thing about Eliza or Clara, are you sure you really wanted to tell her the truth?”

“Just leave me alone, Milandro!” 

“But dude, you know–”

“I said, leave me alone! Gusto kong mag-isa ngayon. Gusto kong makausap si Eliza, nang kaming dalawa lang,” giit na sabi ni Enrie.

“Okay, kung ‘yan ang gusto mo, aalis na ako!” Sa sama ng loob ni Milandro, iniwan niya si Enrie. Siya na nga ang nagmamalasakit, ngunit ayaw pa siyang pakinggan ni Enrie.

“Kung iyon ang gusto niya, bahala siya! Hindi ko alam kung ano ang magiging usapan nila ni Eliza, ngunit kailangan nilang tanggapin sa isa’t isa kung ano man ang magiging resulta ng kanilang pag-uusap,” pabulong-bulong na sabi ni Milandro.

“I hope she’s fine! Sana walang mangyaring masama kay Eliza. But, why do I have this feeling for her here inside my heart? Since I’ve been with her, I feel her longings and I do care about her. Is this love?” nalilitong tanong ni Milandro sa sarili.

“No! This is impossible! Alam kong naaawa lang ako sa kanya,” bulong muli ni Milandro. Hanggang sa marating ni Milandro ang kinaroroonan ni Leandro. Nakaluhod si Leandro sa sahig, umiiyak at dumudugo ang kanyang mga kamao habang patuloy na sinuntok ang semento. Nagtinginan at nagbulungan na ang mga tao tungkol kay Leandro.

“Hindi ko rin siya lalapitan. Wala akong pakialam sa kanya o sa kanilang lahat. Pwede na akong bumalik sa kumpanya ko, bahala silang lahat!” Dala-dala pa rin ni Milandro ang sama ng loob. Nagpatuloy siya sa paglalakad at nilagpasan langniya si Leandro. Diretso lang ang tingin ni Milandro. Pero, sadyang ipinanganak si Milandro na may mabuting puso. Hindi kinaya ng konsensya ni Milandro, nilingon niya si Leandro.

“Leandro,” sabi ni Milandro. Tumingin lang sa kanya si Leandro.

“Tigilan mo yang ginagawa mo, hindi yan makakatulong sa nararamdaman mo. We can talk about it, if you want.” Nakatitig lang si Leandro kay Milandro. Ngunit, hindi gusto ni Milandro ang kanyang nakikita. Kaya kinaladkad niya si Leandro palabas ng ospital.

“Sabi mo sa akin, may alam ka nang mahanap ni Enrie si Clara.”

“Yes! If you want to know we can talk. Fix yourself first,” sabi ni Milandro. Tila natigilan si Leandro sa sinabi ni Milandro. Pinilit ni Leandro na kumalma. Nagpaalam sandali si Leandro kay Milandro para magamot niya ang mga sugat sa kamao. Hindi nagtagal ay umalis na sila at nag-usap sa isang restaurant.

“Ngayon, sabihin mo sa akin, ano ang alam mo?” diretsong tanong ni Leandro kay Milandro.

“Okay, relax ka lang! Bakasyon kasi namin that time. Nagulat na lang kami nung bumalik si Enrie sa amin at kasama na niya si Eliza.”

“Then?”

“Hindi ko talaga alam kung ano ang nangyari kay Eliza, dahil natataranta na rin kami noon. Basta nakita na lang namin na duguan si Eliza habang buhat siya ni Enrie. Noong isang araw ko lang nalaman ang katotohanan na nasaksihan pala ni Enrie ang lahat ng nangyari kay Eliza.”

“Ano ang katotohanang nangyari kay Eliza?”

“Enrie told me, it was your father—” Bago pa matapos magpaliwanag si Milandro ay agad na tumugon si Leandro.

“How can he be sure that it was my dad?”

“Leandro, that’s why Enrie rejected their contract, because of that. He wants to keep Eliza away from you. Look, Enrie doesn’t refuse when it comes to business, but when he saw your father—”

“Kaya ba sinasabi ni Enrie na ipapahamak ko lang si Eliza?”

“Yes, I think!” agad na sagot ni Milandro at natahimik si Leandro. Hindi alam ni Milandro at hindi niya mabasa ang nasa isip ni Leandro.

“Siguro, tama si Enrie. Iwanan mo na lang si Eliza sa kanyang bagong buhay at ikaw—”

“Sino ka, para turuan ako kung ano ang gagawin ko? Naiintindihan mo ba ang sinasabi mo sa akin, Milandro?” galit na sabi ni Leandro.

“What I am trying to say, forget about her, she’s Enrie’s wife now!” paliwanag ni Milandro.

“What do you think? Ganun lang kadali na kalimutan ang babaeng mahal ko? Hindi siya isang gamit na kapag nasira ay itatapon na lang.”

“Masasaktan ka lang Leandro!” Pilit pa rin pinapaintindi ni Milandro ang kanilang sitwasyon.

“I don’t care how many times I will cry. And how many times my heart dies. What do you want me to do, Milandro? Teach my heart to forget about Eliza and just let her go without doing anything?” Hindi inakala ni Milandro na ganoon si Leandro. Isang matalinong tao. Hindi lang puso ang ginagamit pagdating sa pag-ibig. Kitang-kita ni Milandro kung paano binabalanse ni Leandro ang kanyang puso at isipan.

“You don’t understand, Leandro!” pailing-iling na sabi ni Milandro.

“Ikaw ang hindi nakakaintindi, Milandro! Nagmahal ka na ba? Bakit parang walang pakiramdam ang puso mo para ganun lang kadali sa ‘yo na sabihin sa akin ‘yan?” Parang tumigil ang oras kay Milandro, nang biglang tanungin siya ni Leandro. Wala pang babaeng bumihag sa puso ni Milandro. At nararamdaman lang niya ang kakaibang tibok ng kanyang puso sa tuwing kaharap niya si Eliza.

“I’m just telling you, what’s good for you, Leandro.”

“Do you think that’s good? You’re wrong, Milandro! Sino ang makakaramdam ng kapayapaan sa puso, kung ang nakikita mo ay puro kasinungalingan. Sagutin mo nga ako, Milandro. Kung ikaw ang nasa kalagayan ko, hahayaan mo na lang ba nang ganun?” Ganun din si Leandro, hindi rin siya sumusuko na ipaintindi kay Milandro ang pananaw niya sa kanilang sitwasyon.

“Hindi ka makasagot? Kung hahayaan ko lang ang pag-ibig ko dito sa puso ko, magiging masaya ba ako? Lalo na alam kong may mali kay Enrie at Clara. Hindi ‘di ba! Hanggang kaya ko, ipaglalaban ko si Clara.”

“Kung ayaw mong makinig sa akin, maawa ka na lang kay Clara, hindi mo alam kung ano ang sakit na nadarama niya ngayon.”

“Ano’ng alam mo pa?” Naningkit ang mga mata ni Leandro. Tulad ng inaasahan ni Milandro, sadyang matalino talaga si Leandro tulad ni Enrie.

“Siguro Leandro, umuwi ka na sa inyo at magpahinga ka na lang muna.”

“Sabihin mo sa akin ang lahat ng nalalaman mo tungkol kay Clara, hindi ako naniniwalang ‘yun lang ang alam mo.” Galit ang mukha ni Leandro.

“Ano pang gusto mong malaman? Sinabi ko na sa ’yo ang nalalaman ko!”

“Paano mo nasabi ang tungkol sa sakit na nadarama ng puso ni Clara? At bakit kumportable kang tawagin siya sa pangalan niyang Clara?”

“Okay, listen! Bago pa kami pumunta sa building niyo, nakausap ko na si Clara. Alam na niya ang lahat. Naalala na niya ang lahat. Kaya nung nagdesisyon siyang kausapin ka, hindi ko na siya pinigilan pa.”

“W–What? Naalala na niya ang lahat?”

“Yes! Pati si Enrie hindi niya alam, hindi ko sinabi dahil nangako ako kay Clara.” Naging tahimik si Leandro nang malaman niyang naaalala na lahat ni Clara bago pa sila nag-usap sa loob ng coffee shop.

“Kaya nga sinasabi ko sa ’yo na kalimutan at hayaan mo na si Clara. Huwag mo nang saktan at pahirapan pa ang puso mo. Hindi niya iiwan si Enrie dahil asawa niya ito. Nararamdaman ko rin na iyon ang gustong mangyari ni Clara, so please, let her go!” 

“Let her go? Para na rin sinabi mong mamatay na lang ako, Milandro. Papatunayan ko sa ’yo ang isang bagay, hindi sila mag-asawa ni Enrie. Maghintay ka lang at nagsisimula pa lang ang mga dapat mangyari.” Nagulat si Milandro sa sinabi ni Leandro. Bigla na lang din itong tumayo at iniwan si Milandro. Napaisip din si Milandro sa salitang binitawan ni Leandro. Wala rin siyang natatandaan na kinasal sina Enrie at Eliza.

“Nakalimutan ko yata ang propesyon ko, uutusan ko ang staff ko. Kailangan kong malaman ang totoo. Pero, bakit ko naman gagawin yun? Bakit interesado rin akong malaman ang katotohanan? Dahil ba sa hindi ko maintindihang nararamdaman para kay Clara? Kung ilalayo ko na lang kaya si Clara sa kanilang dalawa? Malayo sa sakit at paghihirap na kanyang nararanasan? Ano ang mangyayari? Magiging masaya kaya siya? Kaya ba niyang kalimutan ang lahat ng ito? I’ve never been in love, ganito ba ang pakiramdam ng taong inlove? Hindi siya mawala sa isip ko at ang tanging hiling ko lang sa kanya ay maging masaya siya at malayo sa lungkot. O, naaawa lang ako kay Clara?” Maraming katanungan ang nabuo sa isip ni Milandro nang umalis si Leandro.

SAMANTALA, sa ospital. Nagkamalay na si Eliza habang nasa loob siya ng isang kwarto. Makalipas ang ilang minuto, bumukas ang kanyang mga mata. Si Leandro ang unang taong hinanap niya.

“Leandro…” mahinang sabi ni Eliza. Hindi alam ni Enrie ang kanyang mararamdaman kapag tintawag ni Eliza ang pangalan ni Leandro.

“Eliza,” tawag ni Enrie sa dalaga. Lumingon lang si Eliza sa kanya. Matagal niyang tinitigan ang mukha ni Enrie. Pagkatapos, tumingala siya sa kisame.

“Enrie, may gusto akong sabihin sa iyo,” diretsong sabi ni Eliza. Kumabog ang dibdib ni Enrie.

“Nagbalik na ang alaala ko,” dagdag ni Eliza. Parang gumuho ang mundo ni Enrie.

“Eliza…”

“Hindi Clara o Eliza ang tunay kong pangalan. Ikaw din ang huling taong nakita ko bago ako nahimatay,” paliwanag ni Eliza kay Enrie.

“Eliza…” ang tanging nasabi ni Enrie. Gustong lumuha ng kanyang mga mata. Dahil hindi na niya alam kung ano ang susunod na mangyayari sa kanila ngayong nagtapat na si Eliza na naaalala niya ang lahat.

“Eliza ang pangalan na ibinigay mo sa akin. Bakit hindi mo agad ipinagtapat ang kalagayan ko?”

“I think you need to rest, then we can talk,” simpleng sagot ni Enrie sa kanya. Pero, nagpatuloy lang si Eliza sa pagsasalita.

“Totoo na hindi ko maalala kung paano kita naging asawa, kahit na naaalala ko ang lahat. Pero nagpapasalamat ako sa pagligtas mo sa buhay ko noong araw na iyon.”

“Eliza, magpahi—”

“Maaaring may utang na loob ako sa iyo, maaring asawa mo na ako, ngunit nang bumalik ang alaala ko, hindi ibig sabihin na sa iyo na ang puso ko.” Muntik nang mahulog si Enrie sa upuan. Nagsimula nang manghina ang kanyang katawan. Kinakapos din siya ng hininga dahil sa sakit na nararamdaman ng kanyang puso dahil sa mga salitang ibinato sa kanya ni Eliza. Kusang tumulo ang luha mula sa kanyang mga mata. Pakiramdam niya ay mamamatay na siya. Masakit. Napakasakit para sa kanya nang malaman niyang hindi pa siya ang may-ari sa puso ni Eliza.

“Tama lang na hindi ko sabihin na hindi kami tunay na mag-asawa. Sa ganoong paraan, makakasama ko siya. May oras ako para ipakita at iparamdam sa kanya ang pagmamahal ko sa kanya. Gagawin ko ang lahat para mawala si Leandro sa kanyang puso.” Naglalaro sa isip ni Enrie. Nilalamon siya ng kasakiman.

“I understand you. Sorry kung hindi ko agad nasabi sa iyo. Nung una gusto lang kitang tulungan, pero habang lumilipas ang mga araw, buwan, taon, minahal kita! Siguro nga naging sakim ako, natatakot ako—”

“Huwag kang mag-alala Enrie, hindi ako aalis sa tabi mo dahil asawa mo ako,” agad na sabi ni Eliza. Lalong bumagsak ang luha ni Enrie. Hindi na siya makapagsalita sa mga sinasabi sa kanya ni Eliza. Nadurog ang puso niya, nang sabihin ni Eliza na hindi siya nito iiwan dahil lang sa mag-asawa sila. Walang naramdamang pagmamahal si Enrie mula kay Eliza.

“Sorry, Eliza!” Napaluha si Enrie, nang biglang hawakan ni Eliza ang mga kamay niya.

“Naiintindihan ko, Enrie. Hindi ka naman siguro manhid kaya hindi mo maramdaman ang gusto kong iparating sa iyo. Pero, huwag kang mag-alala dahil susubukan kong kalimutan muli ang nakaraan ko para sa ikabubuti ng ating pagsasama,” paliwanag ni Eliza. Bahagyang ngumiti ang labi ni Eliza. Pero sobrang lungkot ng mga mata niya.

“Salamat, Eliza. Sana maintindihan mo ako at tuluyan mong makita ang pagmamahal ko sa iyo.” Hindi na muling sumagot si Eliza. Tumango lang siya kay Enrie. Pinunasan ni Enrie ang luha sa mata at pisngi.

“Pangako, hinding-hindi kita iiwan. Mamahalin kita ng buong buo. Babawiin ko lahat ng pagkakamali ko, Eliza.” Habang nagsasalita si Enrie, nagpipigil ng luha si Eliza. Dahil ang laman ng puso’t isipan niya ay walang iba kundi si Leandro.


Discover more from Quattro Tagalog Online Stories

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Winter’s End (Chapter 19: Mga Sugatang Pusong Lumalaban)

One Response

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.