NAGSIMULA nang magmaneho si Milandro ng kanyang sasakyan papunta sa kumpanya ni Leandro. Malapit lang ang kumpanya sa tirahan ni Enrie. Habang nasa daan si Milandro, wala siyang nararamdamang pagsisisi kung ipagtatapat niya ang lahat kay Leandro.
“Maybe I have my eye on Eliza. Maybe I’m already falling with her. But the love I feel for her will make me do the right thing. Para mapasaya siya. Dadalhin ko siya kung saan siya magiging tunay na masaya. Sa ganitong paraan, magiging kaibigan pa rin niya ako na malalapitan niya kahit anong oras niya gustuhin,” sabi ni Milandro sa sarili at nagkaroon ng ngiti sa kanyang mga labi.
Agad na narating ni Milandro ang gusali. Dumiretso siya sa parking area. Nagmamadali siyang pumunta sa lobby area para kausapin ang receptionist. Ngunit bago pa niya marating ang kinaroroonan ng receptionist ay nahagip ng kanyang mga mata ang dalagang nakita niyang kausap ni Enrie.
“Familiar ang babaeng ito, don’t get me wrong, siya ang babae sa condo ni Enrie,” bulong ni Milandro sa sarili. Nagpatuloy lang si Milandro sa paglalakad. Hindi niya alam kung bakit kumukulo ang dugo niya kay Ava habang pinagmamasdan ito. Habang palapit si Milandro sa receptionist, pinigilan siya ng dalaga.
“Hey, you! Tumigil ka sa paglalakad,” wika ni Ava.
“I see. You are the man in Enrie’s condo. Who are you? What is your connection with Enrie? And what are you doing here?”
“Hindi mahalaga kung sino ako. Hindi mahalaga kung ano ang koneksyon ko kay Enrie. Ano ang ginagawa ko dito? Wala ka nang pakialam, dahil wala akong pakialam sa iyo. Hindi ikaw ang gusto kong makita at makausap. Kaya please, layuan mo ako!” prangkang sagot ni Milandro. Hindi talaga siya natutuwa kay Ava.
“Ikaw, sino ka sa tingin mo, para pagsalitaan ako ng ganyan. Hindi mo ako kilala at kaya kong–”
“You know what? You are beautiful. Pero sayang naman ang ganda mo, kasi ang panget ng ugali mo. Ngayon, kung non-sense pa ang sasabihin mo, umalis ka sa harapan ko. Kailangan kong pumunta sa taong gusto kong kausap. Excuse me!” prangkang sagot ni Milandro. Napansin ni Milandro ang galit sa mga mata ni Ava. Ngumiti lang ang binata at dumiretso sa reception.
“Excuse me! Please tell Leandro that we need to talk,” pakiusap ni Milandro sa receptionist.
“May appointment po ba kayo sa kanya, sir?”
“Wala! Tawagan mo siya at sabihing hinahanap siya ni Milandro,” utos muli ni Milandro.
“Your full name, sir?”
“Milandro De Mesa, pero sabihin mo lang sa kanya Milandro.” Tinawag ng receptionist si Leandro.
“Sabihin mo sa kanya bababa na lang ako at maghintay doon sa lobby,” sagot ni Leandro. Hindi marinig ni Milandro ang kanilang pinag-uusapan. Panay ang boses lang ang naririnig niya mula sa receptionist hanggang sa ibinaba nito ang telepono.
“Hintayin mo na lang po siya at bababa na siya.”
“Thank you!” Lumapit si Milandro sa mga upuan sa lobby at umupo. Nakita rin niyang lumabas na ng gusali si Ava. Napagpasyahan ni Milandro na sabihin ang lahat ng nalalaman niya. Alam ni Milandro na si Leandro lang ang kailangan ni Eliza.
“What brings you here? Tungkol ba kay Clara?” Agad na bungad ni Leandro kay Milandro.
“Sa tingin mo ba ito ang tamang lugar para pag-usapan ito?” seryosong sabi ni Milandro.
“May coffee shop malapit dito, pwede bang doon na lang?” Tumango si Milandro.
Naunang naglakad si Leandro at sumunod naman si Milandro. Naglakad lang sila papunta sa coffee shop. Naunang pumasok si Leandro at sumunod ulit si Milandro. Iniisip ni Leandro na mahalaga ang sasabihin sa kanya ni Milandro dahil kailangan pa nilang makalayo sa gusali.
“Ngayon, sabihin mo sa akin kung ano ang gusto mo sa akin o kung ano ang gusto mong pag-usapan.” Ayaw nang maabala pa ni Leandro dahil sa mga nangyayari sa kanila.
“Do you want coffee? Mukhang hindi ka pa natutulog,” alok ni Milandro.
“Thank you! Pero mas gusto kong marinig kung ano ang sasabihin mo sa akin, Milandro.”
“Eliza is with me!” At pagkatapos ay tinawag ni Milandro ang waiter at umorder ng kape.
“Huwag mo akong pangunahan, maging mahinahon ka muna dahil may dahilan kung bakit ko itinago si Eliza,” dagdag ni Milandro.
“Alam mo ba kung gaano ko pinipigilan ang galit na nararamdaman ko sa iyo,” sabi ni Leandro kay Milandro.
“Alam ko, pero hindi ka makagalaw dahil nasa public place tayo? Oh c’mon Leandro, ‘wag mong tularan si Enrie na puro galit lang ang sinusunod. Walang patutunguhan ang galit na ‘yan kung hahayaan mo lang.”
May punto si Milandro. Kaya naman kumalma agad si Leandro. Nagulat na lang si Leandro na siya ang pinuntahan ni Milandro at hindi si Enrie. Nagdududa si Leandro sa pagkatao ni Milandro hanggang hindi niya naririnig ang paliwanag nito sa kanya.
“Nasaan siya ngayon?” tanong lang ni Leandro.
“Nasa Batangas siya, dinala ko muna siya doon para makapagpahinga siya at makapag-isip nang maayos. Humingi siya ng favor sa akin na huwag sabihin sa iyo, ginawa ko lang.”
Pagkatapos sabihin ni Milandro ang mga salitang iyon kay Leandro, lumapit sa kanila ang waiter na may dalang dalawang tasa ng kape. Muling hinintay ni Milandro na makaalis ang waiter bago ito muling nagsalita.
“Bakit mo sinasabi sa akin ngayon kung tinutupad mo lang naman ang pabor ni Clara?”
“Ano sa tingin mo?”
“Hindi ito laro, Milandro. Hindi tayo naglalaro ng palaisipan.”
“Akala ko mahal mo si Eliza at alam mo rin na mahal ka niya. Bakit ko ba ginagawa ‘to? Kasi, mas kailangan ka ni Eliza ngayon. Hindi ba sumagi sa isip mo ‘yon?”
Napagtanto ni Leandro ang sinabi ni Milandro. Nadala siya sa sinabi ni Milandro. Pero may pagdududa pa rin siya na baka set up lang ni Milandro ang lahat dahil kaibigan ni Milandro si Enrie.
“Bakit ako? Diba kaibigan mo si Enrie? Hindi mo ba alam na kasal na sila ni Clara?”
“Na-overwhelm si Enrie sa nararamdaman niya, hindi na siya nag-iisip ng maayos. Tungkol sa kasal nila? Walang kasalang naganap sa pagitan nila ni–”
“What?” gulat na sigaw ni Leandro, nang marinig ang sinabi ni Milandro. Tumayo pa siya sa kinauupuan niya na para bang huminto ang oras para sa kanya. Huminga lang nang malalim si Milandro.
“You heard right, she and Enrie are not married. Huwag mong isipin na matagal ko nang alam, hindi! Nagpa-imbestiga pa ako, para malaman ko ang lahat.”
“Bakit mo ginawa iyon? Hindi ko akalain na may gagawin ka sa kaibigan mo na sa tingin mo ay napakahalaga sa kanya.”
“Mas mahalaga sa akin ang nararamdaman ng puso ko. Nandiyan ako para sa kabutihan at hindi para sa kasamaan.”
“Anong ibig mong sabihin?”
“I love the girl you love, Leandro. Pero, it doesn’t mean na mahal ko si Eliza, magiging gahaman ako sa sarili kong nararamdaman. Iba ang iniiyakan ng puso ni Eliza, kaya nandoon ako kung saan alam kong siya’y magiging masaya.”
“Tama ba ang narinig ko? Mahal din ni Milandro si Clara. Hindi ko lubos maisip na may taong tulad ni Milandro. Akala ko pinagtataksilan niya si Enrie, pero ginagawa niya iyon para sa kaligayahan ni Clara. Nagkamali ako na husgahan siya agad.” Nasa isip ni Leandro.
“Pero, huwag ka lang magkamali na saktan ang kanyang damdamin, huwag mo lang siyang pabayaan, tandaan mong nasa tabi niya lang ako bilang isang kaibigan. .”
“Alam ko! Alam ba ni Clara ang nararamdaman mo para sa kanya?”
“Hindi. Wala akong balak sabihin sa kanya, mananatili lang ako sa tabi niya, kahit nandyan ka pa,” prangkang sagot ni Milandro.
“I won’t have any problem with you, Milandro. You’re a good person, pero ngayon sasabihin ko na sa iyo ito, I’m sorry! Sorry kung masasaktan namin ni Clara ang damdamin mo.”
“Hindi naman ‘yun importante, ang importante nasa tama tayo. Nararamdaman mo lang yung tamang pagmamahal, kapag ginawa mo ng tama!” sagot ni Milandro kay Leandro. At talagang humanga si Leandro sa inasal ni Milandro sa kanya.
“Kung mamamatay ako ng maaga, ipapaubaya ko sa kanya si Clara. Hindi ako magsisisi na mapupunta sa kanya ang babaeng mahal ko,” sagot ng isip ni Leandro.
“Thank you, Milandro. Kailan ko siya mabibisita?”
“Siguro bukas, hayaan na muna natin siya. Don’t worry, nandito ako at hindi ko siya pababayaan doon.”
Naging maayos ang usapan nilang dalawa. Ngayon sa pamamagitan ni Milandro, masasabi ni Leandro kay Clara na hindi sila kasal ni Enrie. Maaari niyang iwan si Enrie at si Clara na sumama sa kanya ng tuluyan. Kung sa tingin ni Leandro ay magiging problema ang kanyang ama, isasakripisyo niya ang lahat ng mayroon siya at lalayo sila ni Clara.
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.





2 Responses
Ang tunay na kalaban dito ay si Ava ginagamit lang niya ang dadi ni leandro sa pagiging gahaman nito sa kayamanan, si enrie naman ang bobo sa larangan ng pag ibig inaangkin ang di pag aari simula palang
Isa lang mabuting tao si Milandro at alam niya kung kailan dapat lumaban at kailan dapat magparaya bwahaha kaya nakakasabik ang kwento niya sa sarili niyang libro hihi