HINDI matanggap ni Enrie ang sinabi ni Milandro na umalis at tumakbo si Eliza. Gulong-gulo ang puso’t isipan niya. Kung anu-ano ang naiisip niya habang hinahanap niya si Eliza sa kalsada at kung saan-saan.
“Paano kung tumakbo siya kay Leandro? Anong gagawin ko? Kakaladkarin ko ba siya pabalik sa akin?” sabi ni Enrie sa kanyang sarili habang umiiyak. Sinusuntok rin niya ang manibela ng sasakyan niya habang nakahinto ito dahil sa stop light.
“Tandaan mo Eliza, akin ka lang!”
“Enrie bitawan mo ako, nasasaktan ako!” Napaisip bigla si Enrie. Umiling siya at sinisisi ang sarili.
“Ano ang ginawa ko? Ano ang sinabi ko? Nagkamali ako! Dinala ako ng damdamin ko sa takot na mawala siya sa buhay ko,” patuloy na sinasabi ng bibig ni Enrie. Muli niyang pinaandar ang kanyang sasakyan. Napatingin siya sa gilid ng kalsada. Malapit na ang umaga, ngunit wala siyang makita kahit anino ni Eliza.
“Nasaan ka, Eliza?” Nanghihina na ang kalooban ni Enrie.
Lumipas ang oras, lumabas na rin sa wakas ang araw. Nagbigay na ito ng liwanag sa paligid. Nanghihina na rin ang katawan ni Enrie. Puyat ang mata niya. Uhaw na uhaw din siya.
“Paano kung hindi na siya magpakita sa akin? Ano kaya ang mangyayari sa buhay ko? Siya lang ang gusto ko, siya lang ang itinuturing kong kayamanan,” sabi pa ni Enrie sa sarili.
Nagpasya si Enrie na umuwi sa kanyang condo, para magpahinga, kumain, at magkaroon ng lakas para hanapin niyang muli si Eliza. Mabilis siyang nakarating sa building. Halos mapapikit na ang mga mata niya habang inaayos ang sasakyan niya sa parking area. Huminga siya nang malalim, nang matapos niyang i-park ang kanyang sasakyan. Lumabas siya at dumiretso sa elevator.
Medyo malabo na ang mga mata ni Enrie nang makarating siya sa hallway ng unit niya. Nang makita niya ang pinto ng condo niya ay napatigil siya sa paglalakad. Naaninag niya ang isang babaeng nakatayo sa harap ng pinto. Malalaking hakbang ang ginawa ni Enrie palapit sa babae.
“Excuse me?” biglang tanong ni Enrie. Napaatras ang babae sa gulat.
“May hinahanap ka?” dagdag ni Enrie. Hindi kumibo ang babae, sa halip ay tiningnan niya si Enrie mula ulo hanggang paa.
“Yes, I am looking for Mr. Enrie Liccardo. Someone told me that he lives here.”
“What do you want from him?” seryosong tanong ni Enrie sa kanya.
“Wait, who are you? Bakit kung tanungin mo ako, parang kilalang-kilala mo siya.” Tumaas ang kaliwang kilay ng dalaga. Hindi siya sinagot ni Enrie. Dumiretso si Endri sa pinto at kinuha ang susi niya para buksan ito. Nang biglang hawakan ng babae ang braso niya.
“Put off your hands with me! You have no right to touch me!” sigaw ni Enrie sa dalaga.
“Well, I think you’re Enrie, right?”
“Kung sasabihin kong oo, mawawala ka na ba sa paningin ko?” tanong ulit ni Enrie at tuluyan na niyang binuksan ang pinto. Bago pa man siya makapasok sa unit niya ay naunahan na siya ng dalaga.
“What the h***! What do you think you’re doing?”
“You need me, Mr. Enrie Liccardo!” Dumiretso ang babae sa upuan at umupo.
“Get out!” sigaw ni Enrie sabay turo sa pinto.
“No, unless you’ll listen to me first.”
“I don’t need to waste my time with a woman like you.”
“Are you sure? What if I tell you, I am the fiancé of Leandro Villabueva. What will you do? Are you still going to drive me away?”
Natahimik sandali si Enrie dahil nagulat siya sa sinabi ng dalaga. Hindi niya inaasahan na mayroong fiance si Leandro. Tumayo ulit ang dalaga at lumapit kay Enrie. Iniabot niya ang kanang kamay.
“Avaline De Vera, tawagin mo na lang akong, Ava.” Tiningnan lang ni Enrie ang kamay ni Ava, pero hindi niya ito hinawakan. Iniisip ni Enrie na hindi naman siguro mag-aaksaya ng oras at panahon si Ava, kung hindi naman importante ang sasabihin nito.
“Anong gusto mo?” diretsong tanong ni Enrie.
“I heard from Tito Roberto that you are Clara’s husband, right?”
“None of your business, now get out!”
“Ano ba ang pinakain sa inyo ni Clara? O kaya naman, ano ba ang meron kay Clara? Halos na lang ng nakapalibot sa kanya parang sinasamba siya.”
“I said-“
“Ssshhh…” pigil ni Ava kay Enrie.
“Hindi pa ako tapos, let me talk. Ikakasal na sana kami ni Leandro, pero pagbalik ni Clara hindi natuloy. Asawa mo si Clara? Hindi ka ba natatakot na–”
“Ang dami mong sinasabi, ano ba talaga ang gusto mo sa akin? ‘Wag ka nang paligoy-ligoy pa!”
“Let’s both plan how they will be far from each other, forever. Let’s work together kung paano sila paghiwalayin,” diretsahang sabi ni Ava.
“Ano nga ulit pangalan mo? Avaline De Vera? Ava, hindi naman ako ganun kabaliw para sumunod lang kahit kanino, naiintindihan mo ba?” seryosong sagot ni Enrie. Pero ngumiti lang si Ava. Tumalikod si Ava kay Enrie at nagsimulang maglakad palayo.
“Sa ayaw at sa gusto Mr. Enrie Liccardo, magkakaroon tayo ng kasunduan na sirain sina Leandro at Clara. At kung wala ka talagang plano, ako mismo ang sisira sa kanila!” Natawa si Ava. Naningkit ang mga mata ni Enrie. Kung hindi lang babae si Ava, binugbog na niya ito. Hindi na nagulat si Enrie kung ayaw ni Leandro kay Ava. Isa itong masamang nilalang. Nang hindi na makita ni Enrie si Ava, umupo siya sa sofa. Sinapo niya ang noo niya at pumikit ang kanyang mga mata.
“Parang nagiging magulo na ang buhay ko ngayon sa mga nangyayari sa akin? Kailangan ko pa bang ipaglaban ang pagmamahal na nararamdaman ko para kay Eliza kahit sa maling paraan?” Nag-iisip si Enrie habang nakapikit.
“Who is that woman?” Bumukas ang mga mata ni Enrie nang marinig ang boses ni Milandro.
“Kanina ka pa ba?” tanong lang ni Enrie. Iniisip ni Enrie na hindi narinig ni Milandro ang usapan nila ni Ava. Kilala niya si Milandro, tiyak na makikialam ito sa kanya. O, suwayin kapag nalaman niya ang totoong intensyon ni Ava. Hindi sumagot si Milandro. Nakatitig lang siya kay Enrie nang seryoso. Naalala niya si Eliza.
“Kahit na may nararamdaman ako para kay Eliza, plano ko pa ring sabihin kay Enrie na nasa akin siya at nasa mabuting kalagayan siya. Kukumbinsihin ko si Enrie na bigyan muna ng oras si Eliza. Kung ano man ang nararamdaman ko kay Eliza, akin na lang. Pipiliin ko na lang ang magandang pagkakaibigan namin, kesa ipilit kung ano ang gusto kong mangyari at malayo siya sa akin. Mas mabuti ng ganito, kahit kaibigan lang ang tingin niya sa akin, kaya ko siyang alagaan at subaybayan. Pero, paano ko ba sasabihin kay Enrie kung ang nakikita ko sa mukha niya ang pag-iisip tungkol sa sinabi ng babae sa kanya?” Matagal na naging tahimik si Milandro dahil ang nagsasalita ay ang kanyang isipan.
“What are you thinking? I know something is bothering you?” Binasag ni Enrie ang katahimikan ni Milandro.
“Well, iniisip ko lang kung ano ang plano mo ngayon?”
“Plano?” Nilingon ni Enrie si Milandro.
“Susunod ka ba sa gusto ng babaeng iyon?”
“So, narinig mo lahat?”
“Sagutin mo ako Enrie, huwag mong sabihing gagawin mo ang gusto niyang mangyari?”
“Oo! Hindi dahil gusto niyang sirain sina Leandro at Clara, gagawin ko ang gusto niya para sa kaligtasan ni Eliza.”
“Are you out of your mind? Hindi mo ba nakikita Enrie, bina-blackmail ka niya!” Nagtaas ng boses si Milandro.
“I don’t care, Milandro. Kung narito ka para pangaralan ako o pigilan ako sa mga gusto kong gawin, umalis ka na lang. Hindi kita kailangan!” Sinakmal ni Milandro ang kanyang mga kamao sa sobrang galit na nararamdaman niya para sa kaibigan. Pakiramdam niya, kayang itapon ni Enrie ang lahat ng pinagsamahan nilang dalawa nang dahil lamang sa sarili nitong nais sa buhay.
“Kung iyan ang gusto mo, aalis ako. Huwag mo lang sanang pagsisihan ang mga gagawin mo!” Mabilis siyang tinalikuran ni Milandro. Iniwan ni Milandro si Enrie. Hinihingal si Milandro nang marating niya ang kanyang sasakyan. Sasabihin pa naman sana niya kay Enrie na nasa kanya si Eliza, ngunit nagbago ang kanyang isipan dahil hindi na pag-ibig ang nasa puso ni Enrie. Sinakop na ng kasakiman at galit ang puso ni Enrie. Nang pumasok si Milandro sa loob ng kanyang sasakyan, bigla niyang naisip si Leandro.
“Paano kung sa kanya ko na lang sabihin, tutal siya naman ang tunay na mahal ni Eliza at tunay na minamahal ni Leandro si Eliza.” Nagpalit ng plano si Milandro. Nagdesisyon si Milandro na puntahan si Leandro para sabihin niyang nasa lugar niya si Eliza.
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.




2 Responses
Ikaw ang tulay sa tamang landas na dapat tahakin ng mga tunay na nag iibigan bwahahaha
Good decision Milandro hahaha go for it😝