Women’s Secrets (Dahlia) Chapter 2

I was literally dumbfounded as I looked at what Ms. Dahlia gave me. The things I read and saw just wouldn’t sink in my mind. I really couldn’t believe it! Si Ms. Dahlia ba talaga iyon? O baka naman ibang tao? Pero ang labo naman noon. Nakipagkita siya sa akin para ilabas ito sa publiko kaya totoong buhay niya ang pinag-uusapan rito.

I slowly shook my head while my eyes remained fixed on the diary in front of me. Tatlo lang ang laman ng envelope na bigay ni Ms. Dahlia: isang diary, isang CD at isang manipis na album ng mga pictures na nagpapatotoo sa lahat ng mga isinawalat niya.

‘My goodness, ano ba itong napasukan ko? Kaya ko bang isulat ito?’ bulong ko sa sarili. ‘I’ve never written a single genre that will perfectly suit this.’

Bitbit ang diary ay tumayo ako upang lakasan ang aircon. Hindi kaya ng katawang-lupa ko ang aking mga nababasa. Pinagpapawisan ako nang malamig at parang may kung anong bagay na umiikot-ikot sa sikmura ko.

Was it really coming from my stomach? I shook my head again. Patalon akong bumalik sa kama ko para muling basahin ang diary. This time, nahiga na ako para mas feel ko ang pagbabasa. And it happened again. Muli akong nadala sa mga nakasulat doon. Pakiramdam ko ay kaharap ko lang si Ms. Dahlia habang unti-unting natutuklasan ang kakaibang mga lihim niya. And I suddenly felt flattery. Mababasa ng marami ang bahaging ito ng buhay niya, pero hindi nila malalaman kung sino talaga ang babaeng nasa likod ng kuwento. Hinding-hindi, tulad ng mahigpit na bilin ni Ms. Dahlia.

Anyway, Dahlia is not her real name. I just chose such name after learning about her secrets.

Hint? Dahlia, actually, is a flower which symbolizes passion and strong desire, making it a popular choice for expressing intense emotions, including lust.

Yes.

L.U.S.T.

You read it right.

Perhaps you already have an idea of what Ms. Dahlia’s secret is.

 

“MS. DAHLIA? Ma’am?”

“Choppy ka, Matti. I can’t hear you.”

Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa aking kama at saka naglakad patungo sa bintana. “Can you hear me now?” tanong ko kay Ms. Dahlia.

“Yes, yes. What’s up?” she asked in a light tone of voice.

“I’m done checking the first part of your materials. Maybe we can meet again tomorrow, Ma’am?”

“Cut it. Ayoko ng Ma’am-ma’am. Just call me Ms. Dahlia.”

“All right then. So shall we meet again tom?”

“Maybe you need to finish checking everything I gave you, then you decide if you still wanna see me.”

‘Huh?’ Nagtaka ako sa sinabi niya. Is there a possibility na hindi ko siya gustuhing makausap after reading and checking all her materials? “Bakit naman?” natatawa kong tanong.

“Just do it. After you scan everything, give me a call and I’ll give you the address of the house where we’re gonna meet next.”

Hindi pa ako nakapagbibigay ng approval ay ibinaba na ni Ms. Dahlia ang tawag.

Grabe. Sobrang nakaka-curious na. Pero maghapon na ko sa silid ko kababasa sa mga diary entries niya. Masakit na rin ang puson este ang puso ko sa mga natuklasan ko sa araw na ito. Seriously, I am caught in between the thought of continuing reading all these to be able to see Ms. Dahlia again or eating first to prolong my life.

“Haaaaay!” I sighed heavily. Bakit ba ako napasok sa situwasyong ito? Pakiramdam ko ay nasa isang maze ako na walang malabasan.

Sa totoo lang, nangangati na ang kamay ko para isulat ang kuwento ni Ms. Dahlia but at the same time, I’m truly nervous. Feeling ko kasi, hindi ako ang tamang tao para ikuwento ang sekreto ng buhay niya at mga pinagdadaanan niya. Hindi ko alam kung mabibigyan ko ng hustisya ang revelation niyang ito. Ganon pa man, napakaraming umuukilkil sa utak ko. Ang dami ko na ring ideas na gustong itipa. Whatever, I’m gonna do it. Ms. Dahlia chose me and this is my project. I can do it. And I will definitely do it.

 

 

 


Discover more from Quattro Tagalog Online Stories

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Women’s Secrets (Dahlia) Chapter 2

•───────•°•❀•°•───────

AUTHOR'S NOTE

•───────•°•❀•°•───────

2 Responses

  1. Jusko dame paligoy😒 puro kalibugan ni ms dahlia ang nasa diary siguro may sakit siyang sex maniac grabe pagkawindang mo e ano to isang movie sa amerika na parang dun hinugot pero sabi mo nga real story pero mukhang bitin tong sekretong sisiwalat mo saming mambabasa hahahaha so next chap na hahaha na last update naman talaga me kasunod pa ba 🥴

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.