Words I Couldn’t Say Yet (Chapter 12)

NAGBUKAS si Lance ng pangatlong bote ng Soju at tinungga ang laman niyon. Wala siyang pakialam kahit pa may tumulo sa kanyang damit at sa itim na carpet. Nakaupo siya sa sahig, katabi ang mga unan at iba’t ibang basura na naiwan ng mga kaibigan. Mga balat ng chips, lata ng beer, bote ng Soju, ashtray, at iba pa. Madilim sa bahaging iyon ng living room ng kanilang apartment pero hindi na siya nag-aksaya ng panahon na magbukas ng ilaw at tanging ang screen ng laptop lang ang nagbibigay ng liwanag.

Nagulat pa si Lance nang tumunog ang kanyang cell phone na nasa ibabaw ng coffee table. Napabalikwas siya at sabik na tiningnan kung kanino galing ang tawag, umaasa na mula iyon kay Allison, kahit pa nga imposible nang mangyari iyon. Nang malaman niyang mula iyon sa kanilang manager, hinayaan lang niya iyong mag-ring dahil alam niyang puro sermon na naman ang maririnig niya mula rito.

Habang tumatagal, lalong hindi na maganda ang imahe ni Lance bilang bokalista ng banda dahil na rin sa halos gabi-gabi niyang paglabas at pag-inom. At alam niyang kaunting pagkakamali na lamang ay katapusan na ng mga pangarap niya. Ah, matagal na nga palang natapos ang pangarap niya. Dumating iyon nang makita niya ang Facebook account ni Allison kung saan niya nalaman na may bago na itong kasintahan.

Hindi na mabilang ni Lance kung ilang beses na niyang binisita ang profile ng dalaga, kahit pa nga nasasaktan siya. Hindi na rin niya mabilang kung ilang bote na ng Soju ang nainom niya, hindi lang nang gabing iyon kundi mula nang magkahiwalay sila. Wala namang dapat sisihin sa mga nangyayari ngayon kundi siya. Pero wala rin naman siyang magagawa, lalo pa’t naipit na siya sa pagitan ng kanilang agency at ni Yun Ree, na isa sa pinakasikat na aktres ngayon sa Korea.

Ilang beses na rin niyang nakasama ang dalaga sa mga Korean dramas at nakapareha na rin niya ito sa mga music videos. Hindi masasabing matalik niya itong kaibigan, pero naging malapit ito sa kanya. Lalo na sa tuwing kailangan niya ng makakausap tungkol sa mga problema.

Isang gabi lang dapat iyon kasama si Yun Ree. Isang gabi ng kalungkutan. At hindi niya kailanman naisip na iyon ang magiging ugat ng mas mabigat pang pasanin. After-party iyon ng kanilang matagumpay na album launch, na sa sobrang kalasingan na dinagdagan pa ng kalungkutan dahil sa estado ng kanyang puso, hindi na niya alam kung ano nga ba ang nangyari pagkatapos. Ni hindi na nga niya maalala kung paano siya napunta sa kuwarto ni Yun Ree at kung bakit niya hinayaan ang sarili na magpaalipin sa kanyang kahinaan at pangungulila.

Ilang linggo lang matapos lumabas ang tungkol sa relationship nila ni Yun Ree, sumabog naman ang balita tungkol sa kumalat na mga pribadong larawan nila ni Allison. Sobra ang naging galit niya nang malaman ang tungkol doon. At ang unang pumasok sa kanyang isip ay sinadya iyon ng kasintahan bilang ganti sa pagbabale-wala niya rito. Pero alam din niyang may karapatan itong magalit dahil sa kanyang mga pagkukulang. It was his fault. And now, he had to deal with the consequences.

Parang bumagsak ang mundo ni Lance nang mga panahong iyon, lalo na nang makita ang mga headlines sa Internet, TV, at maging sa mga magazines at pahayagan.

Lance Edward Yoon’s Weekend Romance in Manila…

The Charming Rebel’s Secret Love Affair…

Is It Really Just a One Night Stand for The Ultimate Bias?

Oeloun’s Lead Singer Tells Story of Whirlwind Romance with a Girl From Manila…

He had to face all the controversies, according to his agency’s instructions. Kaya wala siyang nagawa nang magdesisyon ang agency nila na magkaroon siya ng press conference para itama ang mga kumalat na balita at pumayag siyang manipulahin ng mga tao sa kanyang paligid. It has been months since the incident, followed by weeks of self-pity and self-destruction. Ilang beses niyang naisip na lumipad pabalik sa Manila para humingi ng tawad kay Allison, mayakap ito at mahalikan. At para makasama ito habang-buhay. Pero hindi naman ganoon kadali ang lahat dahil mayroon siyang mga kontrata, may mga obligasyon at responsibilidad. At lalong hindi niya gugustuhin na madamay si Allison sa gulo ng buhay niya, lalo na ngayon.

Minsan nang binigyan si Lance ng ultimatum ng mismong CEO ng kanilang agency – that was to man up or just give up the band. Truth was, he thought of quitting the band. He had been dying to quit since seeing Allison’s picture on Facebook looking so happy with someone else. He wanted to just die and end everything. Pero alam niyang hindi lang siya ang maaapektuhan kapag umalis sa pagiging bokalista ng Oeloun. Sa oras na ginawa niya iyon, tiyak na matatapos na rin ang pangarap ng lahat ng miyembro ng grupo, at maging ng kanyang mga magulang. Kaya labag man sa kalooban, pinilit niyang ipagpatuloy ang lahat – ang araw-araw na band practice, meet and greet, mini-concerts, out-of-town shows, promotions, special performances, at iba’t ibang band activities sa loob at labas ng Korea.

Masarap sa pakiramdam ang ganoon, ang halos walang pahinga nilang schedule. Pero sa tuwing tapos na ang lahat at umuuwi na sila sa kanilang apartment para magpahinga ay bumabalik na naman sa kanya ang lahat – ang lungkot, ang pangungulila.

Kung puwede lang sana niyang ibalik ang nakaraan. Gusto niyang bumalik sa panahon ng muli nilang pagkikita ni Allison, noong nayayakap at nahahalikan niya ito. At kung alam lang niyang iyon na ang huli nilang pagkikita, hindi na sana siya bumalik sa Korea. Sana, nanatili na lang siya sa Maynila. At sana, mas pinakinggan niya ang puso kaysa sa pangarap. Kung nalaman lang sana niya nang mas maaga na ang kapalit ng tagumpay at kasikatang tinatamasa ngayon ay ang lungkot ng kanyang puso, wala sana siya sa sitwasyon ngayon.

Siya dapat ang kasama ni Allison ngayon. Siya dapat ang naghahatid at sumusundo rito, ang nag-iimbita na kumain sa labas o manood ng sine. Siya dapat ang nakikinig sa mga problema nito. Ang balikat niya dapat ang iniiyakan nito. Siya dapat ang yumayakap sa dalaga, ang humahalik.

Napailing si Lance at mabilis na inubos ang laman ng bote ng Soju. Nanginginig na inihagis niya iyon sa marmol na sahig, dahilan para mabasag ang bote kasama ng iba pang boteng natamaan nito. Hindi na niya napigilan ang sariling mapaiyak dahil sa sobrang pangungulila sa kaisa-isang babaeng minahal niya, na ngayon ay may nagmamahal nang iba.

This has to stop, he told himself. If he wants to put an end to his misery, he should do something. He had to know why she did what she has done. And he would try to get his woman back, no matter what. No matter what it would take, he had to get her back. Hindi siya makakapayag na ibang lalaki ang dahilan ng bawat pagngiti nito. At lalong hinding-hindi niya matatanggap na ibang lalaki ang hahalik sa malalambot nitong labi…

 

KUNOT-NOONG nagmamadaling hinawi ni Allison ang kurtina sa bintana ng kanyang kuwarto dahil sa sunod-sunod na tunog ng doorbell na sinabayan ng tahulan ng mga aso. Alas-siyete pa lang ng gabi kaya naman medyo nagulat pa siya dahil alas-otso pa siya susunduin ni Ram para pumunta sa unang gabi ng lamay ni Momu.

Nang malaman ni Ram ang masamang balita, siya agad ang pinuntahan nito para umiyak. She had never seen him cry like a baby. He was raised by his grandmother and she was and will always be his hero. Si Momu ang tumayong ama at ina ni Ram sa mga panahong abala ang mga magulang nito sa pagtatrabaho. At alam ni Allison kung gaano kasakit para dito ang pagkawala ng lola nito. Naranasan na rin niya ang mawalan ng mga magulang at sigurado siyang kung gaano kasakit ang naramdaman niya noon, ganoon din ang nararamdaman ng kasintahan sa mga panahong iyon.

Kaya nga hindi maiwasan ni Allison na kabahan dahil kung sakali, iyon ang unang pagkakataon na makikilala niya ang buong pamilya ni Ram. Iyon din ang unang pagkakataon na ipakikilala siya ng binata bilang nobya nito. Hindi naman siya puwedeng tumanggi sa pakiusap ng binata na sumama sa ancestral house nito sa Bel-Air dahil kung may oras na pinakakailangan siya nito ay iyon na.

Kaliligo pa lang ni Allison at nakabalot pa ng tuwalya ang basang buhok. Ang paboritong itim na tank top at itim na shorts pa lang ang suot niya kaya naman nagmamadaling tinanggal niya ang tuwalya sa ulo at bahagyang pinasadahan ng suklay ang buhok bago patakbong lumabas ng bahay para salubungin si Ram. Pero laking gulat niya nang makita na sa halip na itim na Ford Explorer ni Ram, isang pulang Ford Expedition ang nakaparada sa tapat ng kanilang bahay. At nang makilala kung sino ang lalaking nakatayo sa harap ng gate ay biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso.

Nang tanggalin ni Lance ang suot na malaking sunglasses ay halata ang pamumula ng mga mata nito, kung dahil sa pag-iyak o sa hindi pagkatulog ay hindi alam ni Allison. Simple lang ang suot nitong asul na T-shirt at kupas at butas-butas na pantalon. At sa unang tingin ay walang mag-aakala na isa itong sikat na KPop Idol. He looked awful and gorgeous at the same time that she just wanted to hug him tight.

Pero iba na ang sitwasyon nila ngayon.

“W-what are you doing here?” mariin at gulat na tanong ni Allison sa bisita matapos niyang buksan ang gate at lumabas doon.  Luminga-linga siya para siguruhin na walang taong makakakita sa kanila.

“We need to talk,” matigas na sabi ni Lance.

Hindi mabasa ni Allison ang ekspresyon ng mukha nito dahil na rin sa dilim ng paligid.

Umiling siya. “You’re not supposed to be here, Lance,” mahinahon pero diretso niyang sabi. Pagkatapos ng mga sinabi nito sa kanya, at sa lahat ng mga hindi nito sinabi, gusto nitong makipag-usap? Para saan pa?

Pero sa halip na tumugon, hinawakan ni Lance ang isa niyang kamay at hinatak siya sa nakaparadang sasakyan. Pinilit siya nitong pumasok sa loob at pinaupo sa passenger seat. At dahil sa sobrang gulat ay wala na siyang nagawa. Isang malakas na pagsara ng pinto na lamang ang narinig niya nang makapasok na rin ito roon.

“What do you think you’re doing?” galit na tanong ni Allison. “Bubuksan mo ba ang pinto o sisigaw ako?”

“Go ahead,” walang emosyon nitong sabi, sabay tingin sa kanya.

Pero hindi rin ginawa ni Allison dahil alam niyang alam ni Lance na hindi niya iyon kayang gawin. Sumandal siya sa leather seat at huminga nang malalim. Nang muli niyang tapunan ng tingin ang binata ay nakatitig lang ito sa kanya.

WaeWeh-guh-lae?” matigas na tanong ni Lance. “What happened to us? Why are you acting like this?” ulit ng binata. Halata sa itsura nito na nakainom dahil namumula ang buong mukha. Yumuko ito at mas humigpit ang pagkakakapit sa manibela na para bang doon gustong ibunton ang lahat ng galit at sakit na nararamdaman.

“Hindi ba dapat ako ang magtanong n’yan sa iyo?” hindi napigilang tanong ni Allison. “Why are you acting as if you still care?”

“Because I do!”

“Really? Well, I guess that’s too late now.” Umiling-iling siya. “It’s been a year, Lance! Can’t we just forget about everything?” hindi niya napigilang tanong.

“Forget?” tanong nito, sabay tingin sa kanya. “Aniyo, I can’t forget! I can’t stop thinking about you. I can’t stop thinking about us.”

“About us? There’s no more ‘us’. Let me refresh your memory. After telling me that you love me, you’ll go around telling people that you are in a relationship with some actress, just like that? No e-mail, no phone call, no nothing! You didn’t even have the guts to inform me that we’re over, that you’re over me, that I’m just waiting for nothing, that–”

“And that’s the reason why you posted our pictures online? To get even? To ruin my career and reputation?”

Tumalim ang tingin ni Allison sa binata. “I already said what I needed to say through my emails, and you still think of me that way?” Napailing siya. “You know what? I don’t need to explain myself. What’s the sense, anyway? Hindi ko naman na mababago ang paniniwala mong ako nga ang nagpakalat ng mga pictures at kahit anong paliwanag ang gawin ko, hindi na rin naman maibabalik ang dati, `di ba?” Huminga siya nang malalim bago muling magsalita. “I tried everything to talk to you, to tell you what’s really happening… that I lost my phone, that I have nothing to do with those photos being leaked online…” Hindi na namalayan ni Allison na tuloy-tuloy na ang tulo ng kanyang mga luha. “Gusto kong sabihin sa iyo kung gaano kasakit sa akin na marinig ang mga sinabi mo sa mga interview mo. Gusto kong magsumbong sa iyo tungkol sa mga pang-iinsulto at pagbabanta na nakukuha ko sa araw-araw simula nang kumalat sa Internet ang mga pictures natin… Hinintay ko na ipagtanggol mo ako sa lahat ng masasamang bagay na sinasabi nila tungkol sa `kin. Pero ano’ng ginagawa mo? Wala, `di ba?” Tumalim ang titig ni Allison sa binata.

“I understand nothing, Allison.” Mula sa manibela ay nagtaas ito ng tingin. “Just tell me now… I want to know, Ally. Do you still love me?”

Sa simula ay nabigla si Allison sa tanong ni Lance. Pero tinawanan na lang niya iyon. “After everything that you’ve done to me, do you think that I will still feel the same way about you? Hindi mo alam kung gaanong hirap ang dinanas ko sa kaiiyak at kahihintay sa tawag mo habang ikaw, tinutupad ang pangarap mo at nagpapakasaya kasama ng iba?” Ang dami niyang gustong ilabas na himutok dito. Napakarami niyang gustong sabihin pero pinigil niya ang sarili.

Jeongmal jjajeungnanda!” he shouted in exasperation. He was frustrated, and it was written all over his pretty face. “Just answer the goddamn question. Do you still love me?”

 

 


Discover more from Quattro Tagalog Online Stories

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Words I Couldn’t Say Yet (Chapter 12)

•───────•°•❀•°•───────

AUTHOR'S NOTE

•───────•°•❀•°•───────

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.