A Secret Kiss (Final Chapter)

Author's Note

――*☆*――*☆*――*☆*――

IPINAYO ng company PRO  na sa huwag na munang i-cancel ang visa ni Karina para hindi raw magkaroon ng automatic ban kung sakaling gugustuhin niyang bumalik sa UAE. Pero nag-file na siya ng irrevocable resignation. Nagpa-book na rin siya ng ticket. Isang linggo na lang ang ilalagi niya sa Dubai.

“Do you really need to go home?” tanong ni Vinish nang magkausap sila.

“I need to.”

“I’m here. I still care for you.”

Pinilit niyang ngumiti. “Thanks, Vinish. I value you as a friend but more than that… I am sorry.”

Tumango-tango si Vinish. “I know.”

Mabigat sa loob na isiping sa loob ng halos walong buwan niyang pananatili sa Dubai ay uuwi siyang luhaan. Mahirap tanggapin na doon siya unang nakadama ng tawag ng pag-ibig at doon din nasaktan.

Nang ihatid siya ni Liza sa airport ay hindi niya napigilan ang sariling mapaiyak. Iyon sana ang araw na aalis sila ni Mohammed patungo sa Europe.

 

MABILIS na lumipas ang mga araw ngunit ang sakit ng kalooban ni Karina ay hindi pa rin nawawala. Naipaayos na niya kahit paano ang bahay nila. Para hindi maubos ang naipon niyang pera ay nagpasiya siya bumalik sa pagtatrabaho bilang nurse sa San Estanislao Community Hospital. Ang suweldo niya roon ay wala sa katiting ng sinusuweldo niya sa Saeed Group. Ang mahalaga sa kanya ay may sasahurin tuwing katapusan ng buwan at may mapag-kaabalahan. Hindi siya puwedeng palaging magmukmok na lang sa bahay.

Sa gabi ay hindi pa rin niya maiwasang umiyak. Mag-da-dalawang buwan na magmula nang bumalik siya sa Pilipinas pero hindi pa rin nababawasan ang sakit na kanyang nararamdaman. Hindi nagkukulang ang mga magulang niya at kapatid para aluin siya at pasayahin.

Iniwasan na rin niyang mag-text o magtanong kina Marie para makibalita kay Mohammed. Kapag nasa trabaho ay pinipilit niyang kalimutan ang sakit. Mabuti na lamang at sa emergency room siya napa-assign kaya madalas na abala siya.

Buong maghapong maraming pasyente. Uso kasi ang dengue sa San Estanislao. Mahigit dalawampung bata ang na-admit ngayong araw. Mag-a-alas sais na ng gabi ng mapahinga siya. Nasa reception desk siya ng emergency room habang nagtsi-check ng log book nang may marinig na pamilyar na boses.

“Puwede bang magpa-BP?”

Dumagundong ang tibok ng kanyang puso. Hindi siya agad nagtaas ng paningin. Pinaglalaruan siya ng kanyang imahinasyon. It couldn’t be him. But the familiar scent was telling it was Mohammed. Dahan-dahan siyang nag-angat ng paningin. She almost fainted seeing him. Sa likod nito ay naroon ang kapatid niyang si Geoffrey na nakangiti.

“W—what are you doing here?” nanginginig ang boses na tanong niya. “Paano ka nakapunta rito? Kailan ka dumating? Bakit…”

“I will answer all your questions. Marami tayong dapat pag-usapan. I have so many things to tell you but there’s one important thing I want to ask you first.”

“A—ano ‘yon?”

“Forgive me. Forgive me fo being weak. Forgive me for huring you.”

Gusto na niyang mapahagulgol. Napalinga siya. Nakamasid ang mga kasamahan niya sa guwapong si Mohammed. Wala pa siyang napagkuwentuhan sa mga kasamahan tungkol dito. Tanging  pamilya lang niya ang nakakakilala rito sa larawan at pangalan. “Mohammed…”

“Forgive me for doubting my feelings that I am capable of loving. Nang umalis ako sa Dubai na walang paalam, hinanap ko ang sarili ko. I stayed in America. Sabi ko, kapag nakalimutan kita, ibig sabihin hindi kita mahal at hindi na ako dapat magmahal. Natakot kasi ako. Lahat na lang nawala na sa akin. Pero hindi kita nalimutan. Sabi ko, I was so stupid for hurting the woman who loves me and whom I love. I was so stupid for saying ‘yes’ to my grandfather for me to marry the woman he chose for me. Natakot kasi ako pati ikaw ay mawala sa akin. But I could not fool myself. I spoke to my grandfather. Hindi ko kailangan ang mas malaki pang kayamanang galing sa kanya kung ang magiging kapalit ay pagkawala mo.”

Tumutulo na ang luha niya habang nakikinig dito.

“I also seeked the help of a Psychologist. I wanted to deal the trauma. I lost three women in my life. I don’t want to lose another one kaya gusto na sana kitang kalimutan. Kaya lang ay hindi ko kaya. Hindi ko kayang mawala ka sa akin. Nang bumalik ako sa Dubai three days ago at nalaman kong umalis ka na, doon ko napatunayang lalo na mahal kita. I love you, Karina. Please come back into my life.”

Agad siyang tumayo. She threw herself to the waiting arms of Mohammed. Then they shared a kiss… another sweet kiss she thought she would never taste again.

 

MAKALIPAS ang anim na buwan ay isang engrandeng kasalan ang idinaos sa San Estanislao. Dahil saradong katoliko si Karina at Muslim naman si Mohammed ay napagkasunduan nilang gawin iyong civil rites. Bumili ng malawak na farm land si Mohammed para sa pamilya ni Karina at doon idinaos ang seremonyas pati na rin ang reception. Anupa’t isang malaking balita iyon sa buong bayan.

Umuwi sa Pilipinas sina Manang Esterlita, Manong Valeriano, Liza, Jing, Marie at Miss Laida para maging bahagi ng importanteng araw na iyon. Ang ibang hindi nakadalo ay babawi na lang sa isa pang kasalan na gaganapin naman sa Muslim rites sa Dubai pagkalipas ng anim na buwan. Pupunta naman doon ang mga magulang at kapatid ni Karina.

Sinamantala na rin ni Mohammed ang pagkakataon para imbitahan ang lahat ng kamag-anak ng kanyang ina sa kasalang iyon na noon lang din niya nakita. Sina Manang Esterlita at Manong Valeriano ang tumulong sa kanila para mapasabihan ang mga ito. Karamihan ay galing sa Mindanao. All expense paid by Mohammed.

Natuwa rin ang pamunuang bayan ng San Estanislao dahil sa loob ng dalawang linggo ay napuno ang mga hotels, motels at resorts ng buong bayan sa daming inimbitahang bisita.

Minabuti na rin ni Mohammed na imbitahan sa Muslim wedding rites ang relatives nila sa side ng ama nito sa gaganaping kasalan sa Dubai. It would be bigger celebration dahil sa laki ng Saeed clan bukod pa sa mga tauhan nito sa Saeed Group of Companies. Tatlong wedding coordinators ang ngayon pa lang ay nag-aasikaso na niyon. Bagama’t hindi magaan sa kalooban ng pamilya Saeed ang pagtalikod ni Mohammed sa arranged marriage sa anak ng Sheikh ay wala nang nagawa ang mga ito.

Sa ngayon ay ninanamnam muna ng bagong kasal ang kaligayahang bumabalot sa kanilang mga puso.

Walang pinakamasaya ng mga sandaling iyon kung hindi si Karina. Hindi pa rin siya makapaniwalang nagkatotoo na ang inaasam niyang happy ending ng fairy tale romance na pinangarap niya.

Ngayo’y kasayaw niya ang kanyang Prince Charming. Titig na titig ito sa kanya. “You are so beautiful, my love,” bulong nito. “Bagay na bagay sa iyo ang iyong gown. Class.” Karina was wearing a Filipiniana inspired gown.

“And you’re so handsome.” Naka-Barong Tagalog naman si Mohammed.

Kinintalan nito ng magaang na halik ang labi niya. “I am so happy.”

“Mas masaya ako.”

“Alam kong saan man naroon si Mama ngayon, masaya rin siya para sa akin. Para sa atin. Pati si Aminah. Even Molly.”

Tumango siya.  Lahat ng tungkol sa nakaraan ni Mohammed ay naisiwalat na nito sa kanya. Ang future na kuwento na magkasama sila ang kanilang pagsasaluhang buuin sa mga darating na panahon.

“Ilang beses ko na itong nasabi sa iyo pero uulitin ko uli, I will make you the happiest woman on earth.”

“And I’ll make you the happiest man alive.”

“Are you ready for tonight?”

“Sa?”

“Our first night. Our first time to make love.”

Pinisil niya ang matangos na ilong nito. “Noon pa ako ready. Ikaw lang naman itong masyadong conservative.” Hindi niya lubos-maisip na nagawang magpigil ni Mohammed hanggang sa araw ng kanilang kasal. Sa madalas na pagsasama nila ay ilang beses na niyang sinubukang akitin ito, lambingin at sabihing handa na siya pero ito ang umuurong sa huling sandali. Gusto raw nitong ma-preserve ang pagka-babae niya sa araw ng kanilang kasal. Alam niyang walang maniniwala kung ikukuwento niya iyon sa iba.

“I waited for so long.”

“Eh bakit nga kasi kailangan mo pang maghintay? Iniisip ko nga na hindi ka nati-turn on sa akin kaya ayaw mo.”

“You know that’s not true. I just wanted to prove how much I love you. How much I adore you. Akala ko rin hindi ko magagawa. Pero wala palang imposible sa true love. I was able to wait for the most perfect time. That is now…tonight. Ngayon, humanda ka. You’ll bear the consequences of the waiting period.”

“I couldn’t wait anymore.” Hindi siya nahiyang itaas ang kanyang mga kamay sa batok ni Mohammed at hapitin iyon upang hagkan siya nito.

Mohammed complied. He took her lips fully and kissed her passionately.

Nagpalakpakan ang mga nakapaligid sa kanila.

Naghihintay ang log house na ipinagawa ni Mohammed sa paanan ng bundok na bahagi ng malawak na lupaing binili nito. Doon nila idaraos ang unang gabi  bilang mag-asawa at ilang araw silang mananatili sa San Estanislao  bago sila tumuloy sa one month European Cruise.

It was such a perfect love story that started with a secret kiss. Alam nila kapuwa na simula pa lamang iyon ng isang panghabang-buhay na kaligayahan.

 

***WAKAS***

 


Discover more from Quattro Tagalog Online Stories

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

A Secret Kiss (Final Chapter)

One Response

  1. Grabe LAHAT talaga Ng gawa ni Ms. B nakakabitin hahaha palibhasa LAHAT Kasi smooth at direct to the point mga ganap hahahaha sobrang sarap basahin at ayaw mo talaga tigilan hanggat di mo natatapos grabe lang sobrang nakakagalak basahin Ang iyong mga likha Ms. B thank you so much hahahaha love lotz

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.