Hindi siya tumitigil sa pag-iyak habang nagtatago ang buwan at mga bituin sa mga ulap. Ang kanyang damdamin ay naghimagsik ng poot. Iniisip niya kung dapat ba niyang pakinggan ang nagsusumamong galit na boses nito. Kumidlat at kumulog habang naglalakad siyang mag-isa sa walang buhay na paligid. Lumakas ang hangin at nag-iba ang tono nito.
Awit ng kadiliman. Bulong ng kamatayan.
Isang itim na uwak ang biglang lumitaw mula sa langit at dumapo sa kanyang balikat. Nagpakawala ito ng nakakatakot na huni, hudyat na narinig ang kanyang kahilingan. Pumikit ang maluha-luha niyang mga mata at sumilay ang ngiti sa labi.
Tumigil siya sa paglalakad at nagtaas ng kamay. Kasabay nito ang pagbuhos ng malakas na ulan. Mabilis na lumambot ang lupang tinatapakan ng kanyang mga paa. Unang lumitaw ang mga ahas. Sumunod ang mga uod, ipis at higad. Hindi niya ito pinansin dahil tinanggap niya ang kapangyarihang iniaalok ng kadiliman sa kanyang kaibuturan.
“Halika na,” anyaya niya sa uwak sa kanyang balikat.
Next to: Ang Manunulat (Chapter 1) – Ang Babaeng Putikan
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.






8 Responses
Wow, mukhang mganda and seems exciting
Astig paghihiganti ba ito Ng Isang manunulat hahaha
The teaser is great. It really teases your imagination to think of the creepiest thing on earth. Kudos sa writer na makuha ang interes ng reader na gaya ko na subaybayan ang horror story na ito.
Thank you po at napansin mo ang story ko. Enjoy reading po kahit hindi ko pa po siya na-e-edit. Thank you po ulit!
Every line was catchy. Looking forward on the next chap!
Chapter 1 is already up! Thank you po sa comment.
Wahhhhh so exciting can’t wait for the next update.
thank you po later will update. hope to see you around. 🙂