Twenty
I have fell for her the first time I saw her pero hindi niya alam ‘yon. Doon ko napatunayan na posible pala ang sinasabi ng iba na “Love at First Sight.” I kept myself hiding habang siya ay masayang-masaya kasama ang lalaking pinakamamahal niya. Pakiramdam ko ay unti-unti niya akong pinapatay pero wala akong magagawa. Noong unang magtama ang aming mga mata ay ngumiti siya kung kaya nginitian ko rin siya pabalik but I am a fool to thought na ako nga ang dahilan ng mga ngiting iyon. Of course, there at my back was her boyfriend coming. Niyakap niya pa ito ng puno ng lambing. Yakap na parang kay tagal nilang hindi nagtagpo ng landas. But then things changed when they encountered an accident. If I were to be called a stalker, so be it. Dali-dali pa akong nagtungo sa sasakyang nagliliyab habang naroon siya, walang malay at ang boyfriend niya, duguan at humihingi ng saklolo. Alam kong ilang minuto na lang ang ilalabi ng oras nito. Nilingon ko si Genie at kaagad na sinaklolohan palabas ng sasakyan at tumawag ng ambulansya. Kasabay ng pagdating ng tulong ay ang tuluyang pagsabog ng sasakyang lulan ng kaniyang pinakamamahal. Paano na paggising niya?
▲▼▲▼▲▼▲▼▲
“Nasaan si Sigfrid?” tanong niya nang tuluyang magkamalay. Hinawakan niya ang laylayan ng damit ng doktor at naghihintay ng sagot ngunit tila hindi rin nito alam kung paano magsisimula. Kahit ako ay hindi ko nakuhang humarap sa kaniya sa takot na baka mas masaktan lang habang nakikita siyang nagdurusa.
“Doc, tell me where is my boyfriend? Kasama ko siya sa sasakyan,” unti-unting naglandas ang mga luha sa kaniyang pisngi hanggang sa nagpasya na ang doktor na aminin ang lahat.
“I’m sorry. He didn’t make it. Sumabog ang sinasakyan n’yo at ikaw lang ang mapalad na nakalabas ng sasakyan at nakaligtas.”
“No! Sabihin mong nagbibiro ka lang, Doc? Hindi pa siya patay. Marami pa kaming planong dalawa. Hindi niya ko magagawang iwan.” Tumayo na nga siya at tuluyang nawalan ng kontrol. Tinanggal niya ang mga nakakabit sa kaniyang aparato at nagwala roon. Hinahatak niya ang damit ng doktor habang paulit-ulit na sinasabing hindi siya naniniwala. “Niloloko n’yo lang ako. Hindi ako iiwan ni Sigfrid. Nangako siya sa akin!” Patuloy ang pag-agos ng luha. Ganoon din ang dugo sa mga sugat na natamo niya. Hindi siya makontrol hanggang sa nagpasya na ang mga doktor na turukan siya ng pampakalma.
“Hindi… niya… ko…” bago siya tuluyang kumalma at nagpasya na muling matulog.
Lumipas ang mga araw, naroon pa rin ako sa kaniyang tabi. Nagtatago lang sa pagitan ng pinto. Hinihintay na bumuti siya ngunit parang malabo. Bubuti man ang kalagayan ng kaniyang katawan ngunit kailanman ay hindi bubuti ang pakiramdam ng taong nawalan ng minamahal. Kasabay ng isiping iyon ay hindi ko na napigilang mailabas ang kinikimkim na luha.
Nakayuko sa isa sa mga upuan at nananalangin na sana bumuti na ang pakiramdam niya, na sana mawala na ang sakit na kaniyang nadarama. Paulit-ulit kong tinatawag ang Diyos na sana ay dinggi niya ang panalangin ko ngunit tila bingi siya dahil ni minsan ay hindi niya ako pinakinggan.
Mabilis na lumipas ang tatlong buwan, palihim ko pa rin siyang sinusundan mula sa malayo. Tinatanaw ang kaniyang mukhang hindi ko na nasilayang ngumiti mula noon.
“Genie, kamusta ka na?” bati sa kaniya ng kaibigan niya.
“Vienna, hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap na wala na siya. Hanggang ngayon iniisip ko na panaginip lang ang lahat. Ang sakit-sakit dito.” Tinuro pa niya ang kaniyang dibdib at muling naglandas ang mga luha sa kaniyang pisngi. Kaagad naman siyang inalo ni Vienna at niyakap ng mahigpit. Sana lang, sana lang talaga mapawi ng mga yakap na iyon ang lungkot na nararamdaman niya. At sana lang at naroon ako sa tabi niya para punasan ang mga luha niya.
Sunud-sunod ang mga lindol. Ilang buwan ko na ring hindi nakikita si Genie. Marahil napagod na rin akong makita siya ng paulit-ulit na umiiyak. Kamusta na kaya siya? Sana ay nasa mabuti siyang kalagayan ngayon.
Nagpunta ako sa sementeryo at nagtungo sa puntod na iyon. Pinagmasdan ang pangalang nakaukit sa bato. Eto na nga ang puntod ng yumaong kasintahan ni Genie. Ngayon ang unang beses na dumalaw ako rito. Tuyo na ang bulaklak na nakapatong sa ibabaw ng lapida at upos na rin ang kandilang sinindihan doon.
“Sigfrid, ako pala si Alladin.” Naupo ako sa harap ng puntod at taimtim na nagdasal bago muling nagsalita.
“Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa. I’m in-love with your girlfriend since the day that I saw her pretty face, her joyful smile and tantalizing eyes.” Huminga ako ng malalim bago nagpatuloy. “Pahintulutan mo akong alagaan siya. Hayaan mo akong protektahan siya sa abot ng makakaya ko. Gagawin ko ang mga bagay na hindi mo na kailanman magagawa.” Isang malamig na hangin ang dumampi sa aking balat matapos ang pangungusap na iyon. There goes my go signal. I’m glad na pumayag siya ngunit tila ipinagkakait yata ng tadhana sa akin si Genie dahil hindi ko akalain na ang mga susunod na pangyayari ang tuluyang maglalayo sa akin sa kaniya.
▲▼▲▼▲▼▲▼▲
Totoo ba ‘tong nakikita ko? Isang demonyo at isang anghel? Narito sila sa lupa para kay Genie? Paanong? Tila napako ang aking mga paa sa gilid ng puno habang pinagmamasdan ang mga nangyayari. Ang pagtakbo ni Genie, ang paghabol sa kaniya ng isang demonyo at ang pagliligtas sa kaniya ng isang anghel. Imposible ngunit nangyayari ngayon at tanaw na tanaw ng aking mga mata mula sa ‘di kalayuan. Wala man lang akong nagawa para iligtas siya. Ni hindi ko nga nakuhang humakbang man lang. Pakiramdam ko ay napakalaki kong duwag ngunit hindi takot ang nararamdaman ko nang mga oras na iyon kundi kyuryosidad. Naroon sa puso ko ang paghihintay sa susunod na mangyayari. Gusto kong masaksihan pa ang mga magaganap.
Muli kong sinubaybayan ang bawat galaw ni Genie. Kasama niya na ang dalawang nilalang na iyon sa loob ng kaniyang bahay. Namuhay ang dalawa na mga normal na tao na kasa-kasama niya tuwing papasok sa paaralan. Kagaya ng inaasahan, ang anghel ang siyang nagtatanggol sa kaniya ngunit gumulo ang sitwasyon nang ipinagtanggol ng demonyo ang isang anghel. Isang malaking palaisipan na nangangailangan ng kasagutan. Ang pagsunod ng demonyo sa utos ng anghel ay lubhang nakakagulo ng isip. Posible pala ang lahat ng iyon?
Sa mga nagdaang araw ay labis na gumimbal kay Genie ang araw ng pagkamatay ni Vienna. Halos hindi ko alam kung paano pagagaanin ang puso ng isang taong muling nawalan na naman ng minamahal sa buhay. Napuno ng galit ang kaniyang puso sa sulsol ng demonyong nasa tabi siya. Galit na galit siyang humangos sa harap ng altar ng isang simbahan at doon kinuwestiyon ang Diyos. Nasaan nga ba ang Diyos? Nakikinig ba siya sa mga dasal ni Vienna? Naririnig ba niya ang mga dasal ko na maging masaya naman ang babaeng pinakaaasam ko? Isang matalik na kaibigan ang nawala kay Genie. Isang matalik na kaibigang naroon sa lahat ng oras noong siya ay bagsak na bagsak sa sakit ng kaniyang nararamdaman sa pagkawalay ng kaniyang mga magulang at kasintahan. Ngayon wala na ito, sino pa ang kaniyang kakapitan?
Mas lalong naging malapit ang loob ni Genie sa anghel na nagbabantay sa kaniya sa paglipas ng mga araw. Ito ang naging sandalan niya sa lahat ng lungkot na pinagdaraanan niya ngunit mapagbiro ang tadhana dahil sa pagbabalik ng isang taong yumao na, si Sigfrid. Ang pagbabalik niya sa buhay ni Genie ay siyang naging isa pang palaisipan sa akin. Talaga bang hindi siya itinadhanang maging akin? Talaga bang bumalik si Sigfrid mula sa kamatayan upang makasama ang babaeng pinakamamahal?
Sa paglipas ng mga araw ay ang tuluyang pagsisimula ng pagbangon ng kampon ng kadiliman. Sa pagkamatay ng huwad na si Sigfrid ay naglabasan ang mga masasamang elemento mula sa ilalim ng lupa. Naglilipana ang mga demonyo sa paligid at isa-isang binabawian ng buhay ang mga nabubuhay sa paligid.
Naroon ako, saksi sa lahat ng mga nangyayari, tumutulong sa mga nangangailangan at inililigtas ang ilan. Hindi ko na nagawang mabantayan pa si Genie dahil mas nangibabaw sa akin ang maisalba ang buhay ng nakararami. Tiwala rin akong may anghel na naroon para bantayan siya at mayroon ding demonyong handang magbuwis ng buhay para sa nag-iisa niyang anghel.
Sa katapusan ng lahat ay ang tuluyang pagkamatay ng demonyong ilang araw ding nanahan sa tabi ni Genie at ng kaibigan niyang anghel. Masakit panoorin habang naghihinagpis ang puso ng anghel habang unti-unting nagiging tila papel na nuupos sa apoy ang demonyong nagligtas sa buhay nilang dalawa ni Genie. Malungkot man sila ay alam nilang iyon ang kapalaran nito na kailangan nilang tanggapin hanggang sa tuluyan ng nagpaalam ang anghel kay Genie. Mga palaisipan sa isip ni Genie na unti-unting nasagot bago tuluyang bumalik sa mundong kinagisnan ang naturang anghel.
Sa isang taong lumipas ay tuluyan ko na ngang hindi na nakita pa si Genie ngunit nagbabakasakaling sana isang araw ay magkrus muli ang aming landas at sana sa pagkakataong iyon ay masabi ko na ang tunay kong nararamdaman. Mabilis kung iisipin kaya naman idadaan ko sa paraang alam ko para tuluyan siyang maging akin. Para maiparamdam ko naman sa kaniya ang matagal kong itinago sa mahabang panahon. Sana lang, sana lang talaga hindi na siya muling mawalay pa sa akin sa pagdating ng panahong iyon, kung darating man.
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.





5 Responses
Grabehan, Alladin 😲 Mabuti na lang at mga fictional character lang kayo ni Genie.
If it’s in real life, your possessive tendencies kahit na hindi pa naman kayo, plus your stalker behavior, do not bode well for Genie 😨
Aminado ka naman, pero na-creepy-han pa rin ako sa’yo, Alladin 😨
Sabi nga kapag kayo talaga Ang tinadhana anuman Ang mga naranasan niyo bilang individual kayo at kayo pa Rin Ang magkapalad kitam hahaha ge next chap hahaha
Naks umpisa palang nainlove na siya Kay genie unang pagsilay Ng kaniyang mga mata Dito hahaha, SI hubby nga di ko nasisilayan nun nainlove na ko e hahaha
Wow nun pa man Pala ay Kilala na ni Alladin SI Genie at Hindi siya Ang angel na epal nakaraan hahaha Isa siyang masugid na stalker ni Genie simulat simula pa
Sino SI Red otor hahahaha okay isipin ko na typo lang at Hell Ang sinasabi Ng doktor hahaha