Antigo Collection Book 1: Salamin (Chapter 13)

Author's Note

――*☆*――*☆*――*☆*――

HALOS masubsob si Cindy sa dashboard nang biglang magpreno si Kuya Jack. May kausap ito sa cellphone nito. Nang tingnan niya ito ay napansin niya ang pamumutla nito. At nang magsalita na muli ito ay nangangatal na ang boses ng kanyang pinsan. He was teary-eyed also. Bigla siyang kinabahan nang tingnan siya ni Kuya Jack. Hindi magkakaganoon si Kuya Jack kung walang nangyaring masama.

“What happened Kuya Jack?” she asked nervously.

“It was Jerico,” bahagyang nabasag ang boses nito.

Ilang sandali niyang hinintay ang sunod na sasabihin nito subalit panay lamang ang iling at lunok nito. Pagkatapos ay umiiyak na hinampas nito ang manibela. Lumingon siya sa likurang bahagi ng van. Ang lahat ay may pag-aalala sa mga mata ng kanyang mga pinsan.

“K-Kuya Jack,” aniya. Subalit patuloy lamang sa pag-iyak si Kuya Jack habang nakasubsob na ito sa manibela.

“What’s wrong Kuya Jack?” tanong naman ni Camille.

Kuya Jack clenched his jaw. Pagkatapos ay nagpakawala ito ng isang malalim na buntong-hininga. Malungkot na tiningnan sila ni Kuya Jack pagkatapos ay nagwika ito. “P-patay na raw si Ryan.”

“What?!” gulat na reaksiyon nilang lahat.

“How?” mahinang tanong niya. Pakiramdam niya ay bigla siyang nanlambot sa kanyang nalaman. Kanina lamang ay kasama at kausap nila ang kaibigang iyon ni Kuya Jack. She heaved a deep sigh. Ramdam niya ang pangangatal ng kanyang buong katawan.

“Put*ng-ina!” pagmumura ng kanyang kapatid. Si Ryan na ang sumunod,” nahihintakutang sabi pa ng kapatid. “At pagkatapos ay sino ang susunod sa atin ha? Sino?”

“Romano…” saway niya sa kapatid.

“Takte naman, oo. Ang ayos-ayos ng buhay natin tapos biglang tila naging bangungot,”garalgal na wika ng kanyang kapatid.

Marahas niyang pinahid ang luhang naglandas sa kanyang mga pisngi. Ano na ngayon ang gagawin nila? Wala bang paraan para makaligtas sila sa sumpa ng antigong salamin?

“Sumagot na ba Cindy sa iyo ang mga Salvador?” tanong sa kanya ni Seth at Julia.

“H-hindi pa rin,” nanghihinang sagot niya.

“T*ng-inang si Carol kasi,” paninisi ni Kuya Jack sa dating nobya. Pagkatapos ay muli nitong hinampas ang steering wheel. Napuno ng iyakan ang loob ng van.

 

ESTADOS UNIDOS…

KANINA pa pinagmamasdan ni Leo Salvador ang monitor ng kanyang laptop. Pagkatapos ay pahimad siyang sumandal sa swivel chair habang marahang hinihilot ang kanyang sintido. Pang-ilang mensahe na ba iyon? Pang-lima? Pang-anim? Pang-sampu? But this time ay ibang tao naman ang nagpadala sa kanya ng mensahe.

“Cindy dela Serna…” sambit niya sa pangalan ng nagpadala ng mensahe. Kahapon ay nakatanggap siya ng mensahe mula rito. Ayon rito ay kailangan daw ng mga ito ang tulong nila dahil may namatay na itong isang kaibigan. He sighed. Pagkatapos ay muli siyang nakatanggap ng mensahe mula rito ngayon lamang. Muli raw ay may namatay itong isang kaibigan. Nag-iwan pa ito ng contact numbers nito.

Nasa malalim siyang pag-iisip nang makarinig siya ng mahihinang katok. Pagkatapos ay sumilay mula sa pinto ang nakangiti niyang pamangkin. He smiled back.

“Busy?” tanong nito nang makapasok ito. Naupo ito sa harap ng kanyang mesa.

Pasimple niyang pinindot ang minimize button upang i-hide ang windows na nakaopen sa kanyang monitor.

“Nope. Why?”

“Nothing. Wala lang akong magawa sa bahay kaya pumasyal ako dito sa office mo.”

He was an architect. Part-owner siya ng Salvador-Miranda Architectural Firm. Pareho silang pinoy. Nang makapagtapos silang magkaibigan ng kolehiyo ay napagkasunduan nilang magtayo na lamang ng sarili nilang business. Dahil pareho naman silang may kaya sa buhay kung kaya sinuportahan naman sila ng kani-kanilang mga magulang. At sa kasalukuyan nga ay matatag na ang kanilang firm.

“Gusto mong magsnack? May kabubukas na pizza house sa tapat, you want to give it a try?” tanong niya sa pamangkin. Nakangiting tumango naman ito. Akmang tatayo na sana siya nang mapansin niya ang notification mula sa kanyang laptop. Mula na naman ito kay Cindy dela Serna. At muli ay nakikiusap ito.

“Problem?” untag sa kanya ng pamangkin.

“Huh?”

“Natulala ka na kasi,” komento nito sa kanya.

“Ah, don’t mind me. So, let’s go?”

Muli ay nakangiti itong tumango.

Habang sakay sila ng elevator hanggang sa makarating sila sa pizza house ay okupado ng utak niya ang mensaheng pakikiusap ng babae.

“Hindi mo nga pinansin ang mga nakaraang mensahe bakit tila bothered ka ngayon?” tanong ng kanyang kabilang isip.

“I don’t know if you still remember Carol. But I knew that she also sent you a message seeking for your help. All of her friends were dead. Ipinasa niya sa akin ang sumpa ng antigong salamin. At patuloy na kumikitil ng buhay ang demonyong halimaw sa salamin. Pakiusap tulungan mo kami ng mga pinsan ko na nabubuhay pa.” Iyon ang huling mensaheng natanggap niya kanina bago sila umalis ng kanyang pamangkin. And it bothered him so much.

Nagulat pa siya nang malakas na inilapag ng pamangkin ang tray na hawak nito sa mesa nila. He smiled at her.

“May problema ba, uncle?” nag-aalalang tanong nito sa kanya.

Umiling siya.

“Para kasing may bumabagabag sa iyo e. Kanina pa lang sa office mo. At habang pinagmamasdan kita mula sa counter nakatulala ka lang. So, tell me. What is it?” pangungulit nito sa kanya.

Uminom muna siya bago niya tinitigang maigi ang pamangkin.

“Yes, uncle? I am waiting. Hindi ako maniniwalang wala kang problema, better spit it out. Come on,” anito sa kanya.

He sighed then, “I received a message from the Philippines,” he answered. Pinakiramdaman niyang maigi kung ano ang magiging reaksiyon ng pamangkin. Nang tingin niya naman ay kalmado ito ay nagpatuloy siya. “Two weeks ago, I received a message from a certain Carol Creus. And then yesterday from a certain Cindy dela Serna.”

“And? Sino sila? Girlfriends mo?” nakuha pang magbiro ng pamangkin.

He sighed again. Ikakaila na ba niya kung sino ang dalawang babaeng iyon? Pero sa halip ay umiling siya.

“Okay, so sino itong Carol at Cindy na ito?”

“Ang pamilya ni Carol ang nakabili ng…” alanganin siya kung itutuloy ang sasabihin. “ancestral house ninyo sa Quezon Province,” he looked at her intently.

“How about itong si Cindy dela Serna? Who is she?” seryosong tanong ng pamangkin sa kanya.

“Nangyari kina Carol ang nangyari sa inyong magkakaibigan sa ancestral house. At itong si Cindy,” bumuntong-hininga muna siya. “sa kanya ipinasa ni Carol ang sumpa ng antigong salamin.”

“Oh God!” natutop ng pamangkin ang bibig nito. Bigla siyang naalarma.

“Kaila, are you okay?” may pag-aalalang tanong niya sa pamangkin.

Tumango naman ito pero tutop pa rin ang bibig. Namasa na rin ang mga mata nito.

“You said two weeks ago, right?”

He nodded.

“Hindi ka nagreply sa Carol na ito after you received her message?”

“Nope,” mahinang sagot niya.

“Why?”

“Hindi ko gustong alalahanin mo pa ang nakaraan, Kaila,” he replied.

Nakakaunawang ngumiti naman ito sa kanya. “Thank you for taking care of me, Uncle Leo,” she said sincerely.

Tipid siyang ngumiti. Magmula nang mangyari ang trahedya sa pamangkin ay siya na ang nag-aruga rito. Mula Pilipinas ay isinama niya ito sa America. He was based in the US. Pero bigla siyang napauwi ng Pilipinas nang malaman niya ang nangyari sa isang pamangkin – ang nakakatandang kapatid ni Kaila. At si Kaila, nang dalhin niya ito sa America ay halos wala ito sa sarili nito. For three years ay nanatiling nasa mental institution ang pamangkin. At sobra niyang ikinatuwa nang tuluyang gumaling si Kaila. Pero sa tuwing maalala nito ang nangyaring trahedya sa Pilipinas ay nag-uumiyak ito. Takot na takot. At iyon ang dahilan kung bakit tinago niya rito ang tungkol sa mensaheng natatanggap niya mula sa Pilipinas. Hindi niya gustong mabuhay ang takot mula sa pamangkin oras na malaman nito na muling nabuhay ang sumpa ng antigong salamin.

“I want to go back to the Philippines.” Deklara ni Kaila.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 


Discover more from Quattro Tagalog Online Stories

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Antigo Collection Book 1: Salamin (Chapter 13)

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.