A Filipino Platform of Good Stories

cropped-QUATTRO-LOGO-WITHOUT-BACKGROUND

Taguan [Final Chapter]

MATAPOS mapagod at mapaos ni Leo sa pagkanta ay umupo na siya sa upuan niya. Maarte niyang nilantakan ang biniling pulutan ni Kevin dahil naubos na nila ang pulutan nila bago pa kami dumating. “Tinamaan na ata ako,” sabi ni Haze habang nakatingin sa akin. Alam kong may nais siyang ipahiwatig sa sinabi niya ngunit […]

Taguan [Chapter 14]

HINDI kami naging totoo sa isa’t isa noon dahil tinago namin ang totoo naming nararamdaman para sa isa’t isa at nilimitahan namin ang sarili namin upang maging higit pa sa kaibigan ang turingan namin. Tumango ito na parang sinasabing naiintindihan niya ang mga sinabi ko. “Kung iyan ang gusto mo ay rerespetuhin ko. Gusto ko […]

Taguan [Chapter 13]

“GUSTO rin kita, Kevin Lawis,” pag-amin ko at binigyan siya ng matamis na ngiti. Sobrang bilis ng kabog ng puso ko, pakiramdam ko ay sobrang sarap ng pakiramdam ko dahil sa wakas ay naamin at nasabi ko na rin sa kaniya ang matagal ko ng gustong sabihin. “Totoo ba iyan, Sandra? Gusto mo ako? Parang […]

Taguan [Chapter 12]

NAKARATING kami sa restaurant ng basang-basa sa ulan. Kahit may payong kami ay hindi pa rin nito nagawang pigilang mabasa ang aming katawan at damit dahil sa lakas ng ulan. “Sabi na nga ba at wala na tayong aabutan,” dismayadong saad ni Leo habang pinapagpagan ang basa niyang katawan. Bakit niya ba pinoproblema ang natapos […]

Taguan [Chapter 11]

MAGKASABAY na tumayo kami ni Kevin at hinarap sila. Bakit gano’n? Sakto ang dating nilang dalawa! Sobrang sakto. As in, saktong-sakto. Napangiwi na lamang ako dahil sasabihin ko na, eh. Ngayon na ang pagkakataon upang masabi at maamin ko kay Kevin ang hindi ko naamin sa kaniya sa matagal na panahon. Ngunit kung kailan ako […]

Taguan [Chapter 10]

HINAWAKAN ni Kevin ang kamay ko bago muling magsalita. “Dapat pala ay hindi ako umalis no’ng araw na iyon dahil malalaman ko na pala dapat ang lahat,” wika niya at halata sa boses niya na puno siya ng pagsisisi. “Hindi ko rin alam kung anong papaniwalaan ko. Kung kasal ka na ba talaga o hindi […]

Taguan [Chapter 9]

“WALA ka nga talagang balak itanong ito sa akin iyon?” tanong ni Kevin dahilan upang tumingin ako sa kaniya. Napabuntong-hininga na lamang ako dahil naalala ko na, kaya rin pala ako pumunta sa reunion na ito ay upang ibalik ang panyo ng kung sino mang lalaking nag-abot nito sa akin. “Hindi mo man ito tanungin […]

Taguan [Chapter 8]

“GUSTO mo bang malaman kung saan ako nagpunta no’ng araw na inamin niyo sa aming lahat na may relasyon kayo ni Leo?” seryosong tanong ni Kevin at humarap sa kalmadong dagat. Gustong-gusto kong malaman kung anong nangyari sa kanya noong araw na iyon dahil simula no’ng araw na iyon ay naging malamig na siya sa […]

Taguan [Chapter 7]

“PUMAPAYAG ka na ba, Sandra? Baka binibiro mo na naman ako katulad nang araw-araw mong ginagawa sa akin, ang biruin at paasahin ako,” usal ni Leo at pinanliitan ako ng mata. Akala niya siguro ay nagbibiro pa rin ako sa mga sinabi ko na pumapayag na akong magpanggap kami. “Kung ayaw mong maniwala, edi huwag. […]

Taguan [Chapter 6]

KASALUKUYAN kaming naglalakad papalabas ng restaurant. Hindi ko maipaliwanag ang kabang bumabalot sa buong katawan at sistema ko. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko sa mga oras na ito, ang alam ko lang ay ito na ang oras upang sabihin na ang lahat ng mga nais naming sabihin sa isat isa. Hawak-hawak niya ang […]