Book of Fate

Book of Fate (Chapter 45)

Dumating na ang araw ng pasahan ng project nila Daniella at sigurado siyang na lahat ay masasabing binigyan ng effort ang paggawa ng project ng bawat estudyante. Pero mas pansinin ang gawa nila Daniella, dahil bukod sa malaki ay ito na rin ang isa sa pinakamaganda sa lahat.

 Pumasok ang teacher at napangiti sa kanyang estudyante na may nakapatong na mga project sa kanilang desk. “Nakakatuwa naman kayo. May ibang estudyante na hindi na gagawin ang mga ‘yan dahil iniisip nila na hindi naman makaka-apekto sa grades, pero kailangan pa rin dahil parte ng isang lesson ang paglikha ng bagay na base sa inyong imahinasyon. Kaya naman uumpisahan ko ng libutin ang buong classroom at tingnan ang inyong mga gawa.” Kinuha nito ang isang marker at nag-umpisa ng suriin ang mga project nila.

 Samantalang si Daniella ay parang inaantok pa ang mata at bahagyang namamaga din ito dahil sa pag-iyak niya kagabi. Natulala siya mismo sa project nila Bree, pero ng dumaan ang teacher nila ay nilagyan ng guhit gamit ang marker ang picture frame nila Bree, kaya napakunot ang noo ni Daniella. Sumilip siya sa ibang gawa ng estudyante pero wala naman siyang makita kaya pinasawalang bahala na lang niya ito.

 Natapos na ang teacher nila sa pag check ng project at bumalik na sa harap. “Nakikita niyo naman ‘tong hawak ko ‘di ba. Marker ito, ngayon sa lahat ng may marker sa kanilang project ay siyang napili ko para mabigyan ng mataas na score at maaari kong kunin upang ma-display sa teacher’s room.”

 Excited na humarap si Daniella kay Bree. “Ang galing kasama ‘yang project niyo ni Alexander.” Sa punto rin na ‘yon ay nakangiti na si Bree.

“Akala ko hindi ito mabibigyan ng mataas na score dahil simple, pero buti na lang talaga.” Nakangiting nakatitig si Bree sa picture frame.

 Lumingon si Daniella sa gawa nila ni William pero wala siyang nakita kaya may bahagyang pagka-disapoinment ang itsura niya.

“Puwede niyo ng ibigay sa akin kung nakita niyo na may marker sa mga project niyo.”

 Tumayo na si Bree at ibinigay ang picture frame sa ibabaw ng lamesa ng teacher. Pero ang huling tumayo ay si William na ikinagulat ni Daniella dahil hindi niya nakita ang marker sa kanilang project, pero ng maiba ang posisyon nito sa table ng teacher nila ay saka palang niya nakita na meron nga, kaya hindi niya nakita kanina ay dahil na sa kabilang side ito at sa hindi niya makikita.

“Ang ganda ng mga gawa niyong lahat, huwag niyong isipin na kahit hindi ko napili ang inyong project ay ibig sabihin hindi na ito maganda, meron lang talagang nakapukaw ng paningin ko kaya itong mga ito ang napili ko.”

 “Okay lang sa amin ma’am at least nag-try po kami na maging best ang project namin at satisfied na po kami sa kung ano ang naging resulta,” saad ng isang estudyante sa malapit sa harapan.

 Napangiti ang teacher. “Mabuti kung ganon at dahil diyan. Puwede na kayong mag-break time ng maaga.”

 Tuwang-tuwa naman ang mga kaklase ni Daniella. “Pasensya na kung hindi ako makakapagturo ng lesson ngayon dahil may meeting ang mga teachers.” Kinuha na ng teacher nila ang project na napili nito pero ang gawa nila Daniella ang hindi nito kayang dalhin, kaya naman tumayo si William at tinulunagn ito.

“Ako na po ma’am rito, malaki po kasi baka hindi niyo po kayang dalhin.”

“Salamat iho.” Binuhat na ni William ang project nila ni Daniella at tuluyan ng lumabas ng classroom kasabay ng ilang mga estudyante.

 Samantalang sila Daniella ay nag-uusap ulit tungkol sa island tour nila. “Nakapag-bayad ka na ba sa island tour natin, para sa sasakyan?”

 “Oo, kanina lang. Ikaw ba?”

 “Kanina lang din ako nagbayad.”

“So, kasama pa si Alexander sa island tour natin dahil next week pa ang balik ni Charice dito?”

 “Ganon na nga.”

 “Pero anong activity ang gagawin natin doon?”

“Sa pagkaka-alam ko volleyball, hiking, pupunta rin tayo sa mga kweba kaya nandon tayo for 2 days at hindi ko na alam ‘yong iba.”

 Tamad na sumandal si Daniella sa upuan na hindi pa masyadong diretso ang upo. “Puwede bang maglakad-laakad na lang ako sa pang-pang, feeling ko mapapagod ako sa activity natin doon.”

 Kumunot naman ang noo ni Bree. “Kaya nga activity, Daniella. Ibig sabihin kailangan natin pagpawisan at maging athletic kahit paano. Ano pa bang gagawin mo doon kung hindi ang sumali sa activity?”

 “Meron pang iba.”

 “Ano?”

 Tumingin siya kay Bree. “Mag-uwi ng tubig galing sa dagat at buhangin.”

“Anong mag-uwi, bawal ‘yon?! Ang dami mong alam sa kalokohan pag ikaw hindi ka nakasali alin man sa activity natin tapos ang grades mo.”

 Umirap siya at napabaling ang tingin sa kakapasok lang na si William, pero bumaling rin kaagad kay Bree. “Iinom na lang ako ng tubig ng dagat para walang evidence na nag-uwi ako ng tubig,” nakangiti pang saad niya. Napatampal na lang sa noo si Bree at napailing.

“Tanungin natin si Alexander kung sasama ba siya.”

 Lumapit si Daniella kay Alexander. “Alexander, sasama ka ba sa island tour?”

 Napakunot naman ang noo nito. “Island tour?”

 “Hindi mo alam?” Umiling ito.

“May island tour kami. Ilang days na lang, puwede ka naman sigurong sumama kung gusto mo.”

 Tumingin ito sa gawi ni Bree na nakapangalumbaba. “Sige sasama ako.”

 Napangiti siya. “Punta ka na lang sa school cashier, para sa payment.” Umayos na siya ng upo at nakangiti pa siya habang napagawi ang tingin niya sa gawi ni William at kitang-kita nito ang ngiti niya dahil kay Alexander. Bigla naman niyang inalis ang ngiti niya, pero isang tingin na hindi niya maintindihan ang binigay nito sa kanya.

 Kinalabit siya ni Bree. “Ito ang dapat mong paghandaan, Daniella.”

 “Ang alin?”

 “Ang pagbabalik.”

“Nang ano?” Ngumisi ito sa kanya. “Ano nga ‘yon!”

“Ang kontrabida ng buhay mo.”

 “Si Charice?”

 “Yes.”

 Napa-isip siya. “Oo nga malapit na siyang bumalik.”

“Kaya humanda ka na ulit dahil sigurado akong mas may gagawin na hindi maganda ang isang ‘yon, lalo pa’t hindi niya nakita ng isang buwan si William.”

“Bahala siya basta ako kung ano lang ang gusto kong ipakita. Siya kasi gusto ata kailangan lahat siya lang ang nakikita.”

 “‘Yon naman talaga ang ginagawa ng isang kontrabida sa pelikula.”

 Naalala na naman niya ang sinabi ni William. “Siguro hindi lahat ng bida ay nagkatuluyan sa huli.”

 Dahan-dahan namang tumingin sa kanya si Bree. “Tama ka dahil minsan ang ending masyadong tragic.”

“Ano sa tingin mo ang mas magandang ending kung hindi pala puwedeng magkatuluyan ang mga bida?”

 Napalabi si Bree. “Tanggapin kung hindi sila ang para sa isa’t-isa at huwag maging bitter dahil baka ang nakalaan para sa kanya ay on the way pa lang pero na traffic kaya hindi nakarating kaagad.”

 “Meaning?”

“Hindi ibig sabihin na hindi kayo nagkatuluyan ay end of the world na at sinisisi mo na ang mundo dahil doon. Matutong maghintay pero kung nakalaan ka talagang mabuhay ng mag-isa wala ka namang magagawa.”

“Paano kung ipilit ko ang sarili ko sa taong ayaw naman sa akin?”

 Napabuntong-hininga si Bree. “Mas lalo kang hindi makakamove-on sa tao na ‘yon. Paano na lang kung sa iba pala siya nakalaan tapos ang nangyari sa kakapilit mo na kayo na lang ay nawalan ng kapareha ‘yong tao na ‘yon dahil sayo? Alam mo ba ang tawag sayo?”

“Ano?”

“Makasarili, dahil kung sila talaga ang nakatadhana parang inalisan mo na rin siya ng tunay na magiging kasama niya habang buhay, pero ang totoo ikaw talaga ang dahilan kung bakit nagkakagulo ang tadhana.”

“Ganon ba ‘yon?”

“Yes, at saka isa pa. Ang ibang mga tao pagnginitian mo lang may meaning na ‘yon para sa kanila o kaya akala nila nakatingin ka sa kanila at bigla kang napatingin sa kanya at umiwas, may meaning na  din ‘yon na tumatakbo sa isip nila. Kaya matutong maghintay na parang naghihintay ng isang tricycle na hihinto sa harap mo at isasakay ka papunta sa pupuntahan mo, pero kung lumipas ang oras at wala pa rin. Matuto kang maglakad kahit napakalayo at masakit sa paa.”

 Natigilan siya sa sinabi ni Bree. “Bakit parehas sila ni William kung magsalita tungkol sa pag-ibig na ang lalim ng meaning?”

 “Ano na gets mo ba ang paliwanag ko, mas mahirap talaga ang explanation ko tanging sa malawak na pag-iisip na tao lang ang makaka-alam ng tunay na meaning no’n.”

 Tumango siya at nag-bell na muli at umpisa na naman ng panibagong subject nila.


Discover more from Quattro Tagalog Online Stories

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Book of Fate (Chapter 45)

•───────•°•❀•°•───────

AUTHOR'S NOTE

•───────•°•❀•°•───────

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.