Ibinaba ni Alexa ang ballpen niyang gamit matapos ang scene na nagtataka si Daniella kay Charice. “Naku! Daniella mukhang may kaagaw ka kay William.” Sabay ngiti niya habang nakatingin sa libro. “Pero huwag kang mag-alala ako ang bahala sayo dahil nasa akin pa rin ang desisyon kung ano ang mangyayari sa lovelife niyong dalawa ni William, pero syempre maglalagay lang ako ng scene na medyo magpapagulo sa inyo.”
Nag-inat siya at minasahe ang kamay niya na gamit sa pagsusulat. “Magpapahinga muna ako sandali at babalik ako mamaya. Ang sakit na ng kamay ko sa pagsusulat!” sambit sa sarili bago lumabas ng kwarto.
Samantala sa isang mataas na building ay may isang lalaki na busy sa pagbabasa ng document at mukhang may hinihintay ito. May nagbukas ng pinto ng opisina niya at ang kanyang secretary ang pumasok pero sa tabi lang ito ng pinto huminto. “Excuse me, sir. May bisita po kayo.”
Lumingon siya at nakita niya ang kasama ng kanyang secretary isang lalaki na kilala niya. “Please come in.”
Tuluyan pumasok ang lalaki at lumabas na ang secretary niya. “Good morning! Mister Jack,” bati nito sa may-ari ng building.
Ngumiti si Jack dito. “Ano ka ba naman Glen, ang professional mo naman.”
“Nasanay kasi ko sa mga client kong daig pa ang terror na teacher kung tumingin, at sa maling salita mo lang ay puwede ka ng mapahiya.”
Umiling-iling lang siya sa sinabi ng kanyang kaibigan. “Pero hindi naman ako ganon kaibigan mo ako at nagkataon na ikaw ang na hire ko sa paghahanap ng importanteng tao.”
Umupo ito sa tabi ng table niya maging siya rin. “Kaya ako narito ay may lead na ang team ko sa pinahahanap mo na tao.”
Ngumiti siya ng pagkalaki sa balita nito. “Mabuti kung ganon, alam mo na ba kung saan ko siya matatagpuan?!”
Umiling naman si Glen na nagpakunot ng noo niya. “Akala ko ba may lead na kayo?”
“Meron sa kanyang nakakita habang nagpapahinga ang isang tauhan ko, pero ng sinundan niya ay hindi na niya ito makita dahil sa dami ng tao sa lugar na ‘yon noong araw na nakita niya ang taong pinahahanap mo.”
“Ang ibig sabihin ay hindi niyo pa talaga alam kung saan lugar ko siya puwedeng puntahan?”
“Ganon na nga.”
Sumandal sa upuan si Jack dahil akala niya ay natagpuan na ang pinahahanap niyang importanteng tao. “False alarm lang pala,” na sambit na lang niya.
“Pero Jack, siguro naman ngayon ay masasagot mo na ang tanong ko kung sino ba ang pinahahanap mo sa akin. Ilang years na ang nagdaan pero hanggang ngayon hindi mo pa sinasabi kung bakit mo siya pinapahanap.”
Tumingin siya sa labas ng opisina niya na kita ang ibang building. “Nakaranas ka naman siguro na magkaroon ng crush noong high school?” tanong niya kay Glen.
“Oo naman, pero bakit napasok naman sa usapan ang high school crush sa tanong ko?”
Ngumiti siya na parang naiimagine ang nangyari noon. “Ang pinahahanap ko sayo ay ang babaeng naging high school crush ko noon.”
Kumunot ang noo ni Glen “Ha! Bakit pinapahanap mo pa siya?”
“Dahil siya rin ang babaeng minamahal ko hanggang ngayon.”
Biglang napalingon si Glen sa sagot niya. “So ibig sabihin kaya hindi ka pa nagkakaroon ng girlfriend ay dahil lang sa kanya?”
Tumango siya. “Oo, at ngayon na may balita ka na nakita siya ng tauhan mo ay hindi malabong makita ko na rin siya sa wakas.”
“Highschool crush lang ‘yon Jack. Bakit minahal mo siya kahit hindi mo alam kung magkikita pa kayo pagkatapos?” seryosong tanong ni Glen.
Tumayo siya at lumapit pa sa transparent na pader na kita ang building sa labas. “Akala ko nga din na simpleng highschool crush lang ang mangyayari pero mukhang ako ang target ni kupido ng panahon na ‘yon kaya hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa rin na hindi lang basta puppy love o kung ano pa man ang tawag do’n, ang naramdaman ko.”
“Ibig sabihin nagmahal ka agad noong high school student ka palang at mukhang ang tumama sayo ay hindi na puppy love kung hindi true love? Hindi mo naman ‘to gagawin kung simpleng pagmamahal lang ‘yan, handa kang gumastos para lang mahanap lang siya at masabi ang feelings mo sa kanya.” Nakangiting umiiling si Glen. “Pag-ibig nga naman, kahit siguro naglalakad ka lang diyan sa tabi ay tatamaan ka pa rin.”
Tumingala siya sa kalangitan. “Pero ang kinakatakot ko ay baka may boyfriend o pamilya na siya ngayon.”
“‘Yon lang pero pasensya ka na talaga kung wala pa rin akong makuhang impormasyon tungkol sa kanya madali na lang sana kung kahit isang impormasyon ay meron tayo pero wala, kaya mahirap maghanap kung wala ka kahit isang trace. Ang maganda rito ay nakita siya ng tauhan ko at baka sa lugar lang na ‘yon siya nakatira mas mapapadali ang paghahanap sa kanya, ang kaso sobrang bata pa niya sa picture na binigay mo sa akin, buti na lang maganda memory ng tauhan ko at sinabing ganon pa rin naman ang mukha niya pero nag-mature lang ngayon at gumanda pa lalo.”
Bumalik muli siya sa kanyang upuan. “Ano man ang maging resulta basta masabi ko lang ang nararamdaman kong ilang taon ko ng dala ay okay na sa akin kahit pa may pamilya na siya o boyfriend ngayon.”
Litong tumingin si Glen sa kanya. “Ang tagal mong hinanap tapos ganon lang ang gagawin mo!”
Nagkibit-balikat siya. “Hindi ko hawak ang tadhana Glen, pero kung meron man magiging masaya na lang ako para sa kanya at ako naman ay magpapatuloy sa buhay ko.”
“Pero ano nga ba ang naging istorya niyo noon kaya hanggang ngayon ay hindi ka pa rin nakakamove-on sa kanya?”
Tumingin siya sa kawalan at inalala ang mga ginawa niya noon para lang hindi masabi ng babaeng nagugustuhan niya ang feelings nito kay Ryan.
Nasa canteen ng eskwelahan si Lexie at Alexa at sa oras na ‘yon ay konti pa lang estudyante kaya si Alexa ay balak ng sabihin kay Ryan ang nararamdaman niya para rito. “Chance mo na ‘to Alexa habang konti pa lang ang tao,” sambit ni Lexie.
Si Alexa naman ay hindi mapakali sa upuan dahil masyado siyang kinakabahan. “Hindi ko ata kaya,” sagot niya sa tono na kinakabahan.
Pinanlakihan siya ng mata ni Lexie. “Ilang days na lang at graduation na natin baka hindi mo na masabi pa ‘yang nararamdaman mo kung hindi ka pa kumilos ngayon!”
Pinagmasdan muna ni Alexa si Ryan na kumakain ng oras na ‘yon at balak na sanang tumayo ngunit may isang tao na biglang umupo sa tabi niya kaya hindi natuloy ang pagtayo niya. “Hi, Alexa.” Sabay ngiti nito na kita ang mapuputi nitong ngipin.
“Ano na naman ang kailangan mo?!” may halong inis na sagot niya.
“Gusto ko lang kumain. Bakit?”
Kumunot ang noo ni Alexa sa sagot nito. “Kumain? Ang daming puwedeng table na may upuan bakit dito ka sa puwesto namin ni Lexie umupo.”
“Sa gusto ko dito bakit ba, at saka wala namang pangalan niyo ang puwesto na ‘to kaya puwede pa rin akong dito maupo at kumain.”
Si Lexie naman ay napansin si Ryan na ngayon ay paalis na ng canteen at hindi na nasabi pa ang gustong sabihin ni Alexa rito dahil sa lalaking tumabi sa kanya.
“Naku! Umalis na siya Alexa.”
Biglang napalingon si Alexa at nakita niyang tuluyan ng nakalabas ng canteen si Ryan, dismayado siyang tumingin kay Lexie at isang nakakatakot na tingin kay Jack.
“Bakit?” Nakataas pa ang dalawang kilay nito.
“Sinira mo na naman ang araw ko! Bakit ba sa tuwing may balak akong gawin naroon ka, kabute ka ba?!”
Nagtataka itong tumitig sa mata niya. “Hindi, at saka ano bang balak mong gawin?”
Inis na tumayo si Alexa na ang mukha ay hindi na maipinta. “Anong nangyari do’n?” tanong ni Jack kay Lexie.
“Alam mo ikaw nakakahalata na ko sayo, pero kung sasabihin mo ‘yang na sa loob mo sa kanya sigurado ako hindi niya tatanggapin dahil lagi mo siyang iniinis.” Umiiling itong tumayo na rin at sinundan si Alexa.
Nang naka-alis na si Lexie ay maliit na ngumiti lang si Jack at tuluyan na ding umalis ng canteen. Lumipas ang ilang araw at naka-graduate na sila pero hindi talaga nasabi ni Alexa ang feelings niya para kay Ryan.
“Hoy Jack, natulala ka na diyan!”
Bumalik sa kasalukuyan si Jack dahil ang isip ay naglakbay na sa nakaraan. “Pasensya na, naalala ko lang yung dati.”
“Ano na nga ‘yong kwento niyo?”
Kinuha niya ang isang document na binabasa niya kanina. “Naging barrier lang ako nung high school,” simpleng sagot niya.
Sa mukha ni Glen ay halatang hindi naintindihan ang sinabi niya. “Barrier?”
“Oo taga-pigil sa tuwing binabalak na niyang sabihin kay Ryan ang feelings niya, lagi akong na sa paligid at sa tuwing balak na niyang lumapit kay Ryan ay saka ako papasok sa eksena.”
Pinaling ni Glen ang ulo sa kanan at sa una ay hindi nito naintindihan ang sinabi ni Jack.
Bigla nitong tinapik ang table niya. “Isa kang kabute noon ganon, pambihira!”
Napangiti siya. “‘Yan din ang sabi niya noon.”
“Bilib na ko, hindi ko alam na magagawa mo ‘yon dahil sure ako na maraming babae na nagkakagusto sayo, kung sa mukha lang ang labanan nakikipag-agawan ka ng puwesto sa The Most Handsome sa school niyo.”
“Hindi naman.”
“Kunwari ka pa, pero Jack ito lang masasabi ko. True love nga ‘yan hindi na simpleng high school crush lang.” Malungkot na sumandal sa upuan si Glen.
“Oh! Anong itsura ‘yan?” tanong niya dahil bumuntong-hininga pa ito.
Tamad siya nitong tiningnan. “Samantalang ako hanggang ngayon walang seryosong nagtatagal sa akin lahat sila niloloko lang ako. Sana naman sa susunod kong matatagpuan ay ‘yung magtatagal na sa piling ko.”
“Ang sa akin ay natagpuan ko na pero mapaglaro ang tadhana, kaya ikaw baka meron ng nakalaan pero hindi pa siguro ito ang tamang panahon para sa inyo.”
Tumayo na si Glen at inayos na ang suit niya na nagulo. “Sana nga, pero sa ngayon magpapa-alam muna ko at hahanapin na ang the one mo.” Ngumiti pa ito sa kanya bago tuluyang umalis ng opisina.
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.






One Response
Haha ako sinabi q kay haysskul crush na gusto ko siya nung naging cm8 q siya nung 1st yr kaso feeling masyado ni boy hahaha crush q siya oo pero nd naging kami kaya ang nakakatawa akala ng mga schoolmate namin naging kami hahaha sv q nga sana totoo para masaya hahaha