1 | Defense
Dear Self,
I know you’ve been hurt and you cried in your sleep because you’re not okay. And it’s fine not to be always ‘okay’. That boy who made you feel ugly and not enough would eventually see your worth and his mistakes would serve him right.
You’re young and beautiful.
And come tomorrow, you will laugh of this heartbreak and forgot that it hurt.
Love,
Savannah
-==-
Nagising ako isang umaga at hindi na pala kita mahal.
Posible pala ang ma-fall out of love. O siguro iyon ang rason na sinabi ko sa aking sarili nang mapagdesisyunan kong tapusin na ang relasyon namin.
It’s not you. It’s me. Napapikit ako nang maalala na naman ang dinahilan ko sa kanya para makipaghiwalay. Para sa mga kaibigan niya, ako ang lalabas na nanakit, masama at walang kwenta. Okay lang. Hindi ko kailangan ipaliwanag sa kanila ang mali sa relasyon namin. Ang tanging magagawa ko lang ay magbago, magpatuloy, at sumaya.
I don’t owe anyone an explanation.
Tumingin ako sa salamin at huminga nang malalim.
Wala na ang kulay itim at mahaba kong buhok. Ang dating malungkot na mga mata ay tila napalitan na ng saya. Ang dating hanggang bewang na buhok ay halos lampas balikat na lamang. Sa palagay ko, tama ang sinabi ng bakla sa salon na bagay sa akin ang chestnut hair color.
Bakit nga ba nagpapagupit ng buhok kapag galing sa break-up ang mga babae? Ewan. To reinvent themselves, siguro.
Isang malakas na katok ang gumulat sa akin.
“Ate Savannah, bilisan mo dyan!”
Binalot ko ng tuwalya ang basa kong buhok, agad na sinuot ang bathrobe at lumabas ng banyo.
Higit dalawang buwan na akong nasa not-in-a-relationship status. Marami ang pumupusta na hindi magtatagal at magkakaroon ulit ako ng boyfriend. Dahil para sa kanila, gusto ko lang daw palitan si Carl kaya ako nakipaghiwalay.
But I will prove them wrong.
Because I will stay single.
—-
2006
“Savy, I need you to cover Men’s basketball championship. Hirap na ako,” sabi ni Migs sabay taas ng kamay sa ere. “Nag-quit si Marianne-bruha dahil sa breakup nila ni Von. Hindi raw niya kayang magcover ng basketball game, you know, varsity player kasi yung ex nya.”
Ramdam ko sa tono ng boses ni Miguel na desperado na siya. Marami ang naka-busy mode dahil na rin sa papalapit na finals exam. Pero kasabay noon ay ang Basketball Championship na ultimo deans at professors ay nag-aabang sa kung sino ang mag-uuwi ng trophy. Tulad ng nakaraang mga taon, Engineering versus Accountancy ang magkakumpitensya.
“Migs, parang ang layo naman ng forte ko sa pinagagawa mo,” sagot ko sa kanya. “Literature ang article na hawak ko, hindi sports.”
“Damn, Madam, I’m desperate. Wala na akong mapili,” nakanguso niyang sinabi. “Please, please, please!”
Napatitig ako saglit sa bakla kong kaibigan. Kung lalaki lang sana siya, pakiramdam ko ang tagal ko nang in love sa kanya. Ang kaso ay mas babae pa siya mag-isip kaysa sa akin. Matangkad, payat, at mayroong sex appeal.
“Migs, basketball player din si Carl.” Paalala ko sa kanya.
Napa-isip muna siya at saka nagtaas ng kilay. “Two months and counting na kayong hiwalay. Isa pa, hindi ka naman si Marianne na nag-iinarteng hindi kaya gawin ang trabaho niya dahil sa pesteng breakups. I know you, girl. ”
Napa-iling na lang ako ng ulo. He knew how to make me say yes. He knew I won’t back down to a challenge. “So gano’n na lang ‘yon, Migs, pinangunahan mo na ako? Alam mong kaya ko ‘tong trabaho na ‘to?”
Napangiti na lamang ang bakla. Guilty as charged.
“Fine!” Ako naman ang nagtaas ng kamay sa ere.
Napatalon siya at saglit napatili. Niyakap niya ako. “Thank you, Madam. I know you can do it!”
“Oo na, tama na yang pambobola mo sa akin.”
Pumalakpak siya at saka ngumisi.
- – – –
Mahirap maging isang engineering student. Limang taon ang bubunuin mo sa kolehiyo at halos lahat ng klase ng Math ay pagdadaanan mo. Madalas makipagtalo sa akin si Carl, isang accountancy student, na mas mahirap daw ang Math nila. Para sa akin, wala namang madali sa kolehiyo.
Sa totoo lang, may kaba akong nararamdaman sa tuwing magkakasalubong kami sa malaking unibersidad na ito. Sa libo-libong estudyante rito sa Mandra University, dalawa hanggang tatlong beses kami nagkakasalubong sa isang araw, kung hindi man sa school grounds, malamang sa cafeteria.
Nag-set ng interview si Migs para sa engineering basketball team. Kaya naman mapapahaba ang oras ko sa school.
Pagpasok ko sa covered court, abala ang mga players sa kanilang practice game. Kinuha ko ang maliit na camera para kuhanan sila ng video. Pawisan na ang karamihan sa kanila at hinihingal. Nangako ang coach nila, si Sir Velo, na malaya kong makaka-usap ang mga players pagkatapos ng practice game. Umupo ako sa bleacher habang naghihintay at napansin ko ang limang babae na halos kapusin ng hininga sa kakiligan sa panonood ng laro. Napangiti ako sa aking sarili. Pati sila ay kinuhanan ko ng video. Nagsasabunutan sila sa tuwing makakapuntos si St. Pierre, ang sikat na player ng engineering team.
Hindi na bago sa paningin ko ang Phil-French student na iyon. Maraming beses na kaming naging magkaklase, kaya masasabi kong pamilyar na ako sa charm niya. May balita na rin na dati niyang niligawan si Marianne, isang member din ng campus journal, tulad ko.
Matapos ang laro, agad akong lumapit sa bench nila.
“Hi Savannah,” bati ni Von at saka tumingin sa likuran ko, mukhang hinahanap si Marianne, ang ngayong ex-girlfriend niya.
“Ako ang magco-cover ng championship,” sabi ko kay Von. Ngumiti lang siya, kita ang dimples magkabilang pisngi.
“Looking great, Savy,” masayang bati ni Keith sa akin. “Blooming.” Matagal ko ng kilala si Keith dahil na rin sa mga same subjects na kinuha naming noong summer. Kung may dimpled smile si Von, si Keith naman ay may sariling charm kaya marami siyang fan girls.
Ngumiti lang ako sa kanya at bumaling sa kanilang captain.
“Hi, Dax, i-interview-hin sana kita para sa feature sa campus journal,” sabi ko.
Nagpunas siya ng pawis gamit ang towel na nakasabit sa kanyang balikat at saka tumango.
“Sure.” Tumayo si St. Peirre at naglakad kami palayo sa bench ng mga pagod niyang ka-teammates.
Umupo ako sa bleacher at humarap sa kanya, tutok ang camera sa kanyang mukha.
“So, what kind of preparation are you doing for this year’s championship, especially that it will be your last year?” tanong ko agad, habang naka-record ang video.
Tumingin siya sa akin. Ngayon ko lang napansin na ito ang unang beses na tumingin siya ng diretso sa akin.
“Mmm, we’re just trying to be focused. We’re practicing our offensive moves, as well as our defense. Last year’s championship kasi, halatang nagkulang kami sa defense. And like what Coach Velo said, best defense is a good offense.”
“Last year, hindi nakapaglaro si Von, who is the main shooting guard sa team, sa tingin mo ba, this time, mas malaki ang chance na manalo kayo?”
“Oo naman,” kampanteng sagot ni St. Pierre at saka nagpunas muli ng pawis sa noo. “Buong-buo na ‘yong team namin ngayon and we’re determined to win this game. So, para sa akin, advantage na makakapaglaro na ulit sa team si Von.”
Marami pa ang naging mga tanong ko. Tuwid magtagalog at fluent mag-Ingles si Dax St. Pierre. Sa height na 5’11, siya ang tinuturing na captain ng team at ang kanilang Power Forward at minsan ay ginagampanan ang role ng Point Guard.
Nagpasalamat ako matapos ang interview. Agad naman siyang nakipagkamay at nagpasalamat din.
“So, nasaan si Marianne?” tanong niya habang hinahatid ako palabas ng gymnasium.
Itinago ko ang camera sa bag at sumulyap sa limang babae na todo ang sigaw kanina, para lang makita ang galit nilang mukha na nakatuon sa akin. Okay, great. “Nag-quit daw siya sa club namin.”
“Bakit daw? Dahil ba kay Von?”
Napatingin ako sa kanya. Masyado pala siyang matangkad para sa five-two kong height. “Hindi ako sure kung bakit e,” sagot ko.
Tumango lang siya. “Well, ingat, Sevannah,” paalam niya nang marating naming ang exit door ng gymnasium.
Se-va-nah. Kaisa-isa lang si Dax na ganoon ang pagtawag sa pangalan ko.
At bukod sa mga kaibigan niya at kay Migs na pinsan niya, ako lang ang babaeng tumatawag sa first name niya.
Tanging ngiti na lang ang nagawa ko.
Hindi pa man din ako masyadong nakalalayo mula sa court, humabol ng tawag si Keith.
“Pauwi ka na?” hingal niyang tanong.
“Oo.”
“May sasakyan akong dala.” Itinuro niya ang parking lot. “Hatid na kita sa inyo.”
Mabilis akong tumanggi. “Ha? Naku, wag na, nakakahiya naman, maabala ka lang.”
“Same way lang naman tayo, hindi naman ‘yon abala. Convenient pa nga.” May alangin siyang ngiti na hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin. Kilalang perfect gentleman si Kieth kaya naman hindi ko masisisi ang mga fangirls niya na hangaan siya ng sobra.
“Wag na, Keith. Isa pa, kasabay ko naman umuwi si Migs,” dahilan ko sa kanya.
Saglit siyang natahimik. Umiwas ako ng tingin. Ewan ko ba. Parang gusto kong ilayo ang sarili ko sa mga lalaki simula maghiwalay kami ni Carl.
“Next time?” tanong niya, may pag-aalinlangan.
Nagkibit-balikat na lamang ako. “Galingan ninyo sa game, bye!”
May kaba akong naramdaman. Kahit noon pa man, madalas niya na akong batiin at kausapin. He’s not a stranger to me.
Next to: Dear Self Stay Single (Chapter 2)
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.






3 Responses
Nice, sino ang tamang lalaki para sayo sav haha
Haha bat mas bet ko si dax st pierre pero may laban din si keith hahaha ge nxt chap na🥰
Mahirap pang hulaan kung sino ang makakapagpa-inlove uli kay Savannah. But I would say this story has a lot of potentials.