“KAILAN ba talaga tayo aalis dito?” tanong ni Jessica kay Derek isang gabi bago sila matulog.
“Bakit? Ayaw mo na ba dito?” tanong ni Derek na hindi naman lumilingon sa kaniya. Paupo itong nagbabasa ng hawak nitong ma-gazine. Bukas ang lamp shade sa tabi nito kaya nagagawa nitong magbasa sa gitna ng dilim.
“Hindi naman sa ganoon kaya lang, matagal na rin naman tayo dito. Bakit hindi tayo magpatayo ng kahit maliit na bahay?”
Tinapunan muna siya ng sulyap ng asawa bago nito ibina-ba ang magazine sa ibabaw ng tiyan nito. Kinuha nito ang tasa ng kape na nakapatong sa mesitang kinalalagyan ng lamp shade at dinala iyon sa bibig nito. Pagkatapos ay muli nitong ibina-ba ang tasa at saka ulit siya bina-likan ng tingin.
“Honey, ikaw na rin ang nag-sabi na matagal na tayo rito. Hindi ka ba malulungkot kung aalis tayo?”
“Iyon na nga eh. Ayokong tuluyang maging attached sa bahay na ito dahil hindi naman ito sa atin. May savings ka naman sa bangko, maaari tayong mag-loan ng malaking halaga para makapagsimula ng sarili nating bahay.”
Pagak itong tumawa bago mu-ling nagsalita. “Loan? Iyan ang bagay na hindi ko gagawin, hon. Alam mo bang ‘yung mga kasama ko sa trabaho ay nagka-baon–baon sa utang dahil sa mga loan? Pahirap lang iyan sa mga trabahador. Mga nagpapautang na kompanya lang ang naki-kinabang sa mga ganyan,” wika nito at pagkuwa’y binalikan ng tingin ang hawak na magazine.
“So paano? Habang buhay na lang tayong nandito? Hindi na tayo magpapatayo ng sarili nating bahay?”
“Ang ibig kong sabihin ay maghintay muna tayo. Kapag may sapat na tayong ipon, saka tayo magpapatayo ng sarili nating ba-hay. For now ay ayos na muna ito. Dito na muna tayo.”
Inis na tinalikuran niya ito sa pagtulog. Hindi talaga sila mag-kakasundo sa mga ganitong kat-wiran ng asawa. Kung ang hihin-tayin nito ay ang makapag–ipon, kailan pa kaya iyon? Napakahina ng loob nito sa pangungutang. Marahil ay tama ang kaniyang ina na ang mga lalaki by nature ay talagang mahihina ang loob sa pangungutang. Maging ito man daw ay nahirapang kumbinsihin ang daddy niya noon para makapag–loan at magpatayo ng kanilang bahay.
Napaisip siya. Kung hindi iyon, ano pa ba ang posibleng dahilan at ayaw umalis ni Derek sa apartment na iyon ni Aling Lucia? Hindi ba ito naiirita sa tuwing maniningil ang bunga-ngerang landlady? O naman sad-ya nitong tinitikis ang matanda para kinabukasan ay si Monique ang magsadya sa kanila? Sa naisip ay lalo siyang nairita at naalala ang nakalipas nilang problema ni Derek.
MASAMA ang pakiramdam ni Derek kaya maaga siyang umuwi nang araw na iyon. Nagfile siya ng half-day leave sa trabaho at nanlalatang bumiyahe pauwi. Umaasa siyang aabutan pa niya ang asawa pero wala na ito nang dumating siya, umalis na ito para mamalengke.
Huminto siya sa bungad ng pinto at hinubad ang sapatos at medyas. Habang naglalakad pata-wid ng sala ay hinuhubad naman niya ang kaniyang polo. Kasunod noon ay hinubad niya ang suot niyang pantalon at balewalang inihagis iyon sa laundry basket na nakita niyang nasa tabi ng pin-tong patungo sa labahan. Tanging boxers ang iniwan niyang suot sa katawan.
Papalapit na siya sa ref upang kumuha ng malamig na tubig nang biglang bumukas ang pinto ng bahay at bumungad si Monique. Nanlalaki ang mga mata niyang napatingin dito.
“Monique!” bulalas niya.
Nakangiting lumapit si Mo-nique. Nilampasan nito ang sala at tinawid ang mismong kinata-tayuan niya.
“Hi, Derek. Ang aga mo ya-tang umuwi?” tanong nito na ang mga mata ay naglakbay sa kan-yang mukha. Unti–unting bumaba iyon sa kaniyang dibdib at hindi nagtagal ay sa kaniyang puson, at sa ibaba pa niyon.
“M–may…sakit kasi ako eh. Kinailangan kong umuwi para makapagpahinga. May kailangan ka ba?” nauutal niyang tanong, hindi alam kung paanong tatak-pan ang sarili nang hindi siya magiging katawa–tawa sa harap nito.
“Pinapatanong kasi ni Mama ‘yung upa ninyo eh,” wika nitong inilabas pa ang dila upang basain ang sariling labi.
Napalunok muna siya bago ito tinugon. “Bayad na kami kahapon pa, ah,” aniyang pilit pinangingibabaw ang katinuan.
“Ay, ganoon ba? Naku, hindi naman nabanggit ni Mama. Ang sabi niya kasi noong isang araw ay hindi pa eh,” pabiro nitong hinampas ang dibdib niya pero nang ulitin iyon ay hindi na nito inalis ang kamay sa bahaging iyon ng kaniyang katawan.
“Hmmm…Derek, nilalagnat ka yata. Ang init ng dibdib mo eh. Gusto mo bang…gawan ko ‘yan ng paraan?” tanong nito habang unti–unting inilalapit ang mukha sa kaniya.
Ilang ulit siyang napalunok bago nagawang hawakan sa mga balikat ang dalaga. “Ah, Monique…ano kasi eh…darating na si Jess at…baka hindi niya magugustuhan kung makikita ka niya dito.”
Mapanukso ang tawang itinu-gon ng dalaga. Idinikit pa nito ang katawan sa kaniya at nasisilip na niya ang puno ng dibdib nito sa suot nitong blusang may maba-bang neckline. Tila kinapos ang tela ng damit na iyon kaya lalo na siyang tila nilagnat sa nakikita. Napapikit siya sa pagpipigil ng pag–ahon ng kung anong tukso sa kaniyang katawan.
NAGMAMADALING tinahak ni Jessica ang daan pauwi. Kaila-ngan niyang makauwi agad dahil tumawag nang nagdaang gabi si Rina at inimbitahan siyang suma-ma sa pamamasyal nito kasama si Cherrie. Single mother si Rina kaya naman pakiramdam niya ay kailangan siya nito bilang kaibi-gan, kahit sa mga mumunting bagay na may kinalaman sa anak nitong si Cherrie.
Napapalatak siya nang huminto ang tricycle na sina-sakyan ilang metro ang layo mula sa kanilang bahay. Bumaba ang driver at yumuko sa makina ng motor, matapos ay muling tuma-yo at hinarap siya.
“Pasensiya na, pumugak na nang tuluyan ire. Malapit ka na lang naman eh, bawasan mo na lang ng piso ang bayad mo,” wika nitong nagkakamot ng ulo.
Napaismid siya. Gayonman ay dumukot na siya ng pera sa bulsa at binayaran ito. “O, regalo ko na sa’yo ‘yung piso. Happy birthday!” sabi niya. Bitbit ang dalawang bayong ng pinamili ay bumaba na siya at tinahak ang daan pauwi.
Napakunot ang noo niya nang ilang metro na lang ang layo niya mula sa unit nila ni Derek. Naka-bukas ang gate nito kaya napaisip siya. Sigurado siyang isinara ni-yang mabuti iyon kaninang bago umalis para magpunta sa paleng-ke. Posible kayang umuwi si De-rek? Sa naisip ay napabilis ang mga hakbang niya.
Bukas din ang pinto ng bahay kaya ibinaba na lang niya ang mga pinamili sa bungad niyon. Napahinto siya nang makarinig nang tila anasan. Nagbubuhat ang tunog sa loob ng bahay. Agad siyang sinalakay ng kaba. Walang babalang pinasok niya ang bahay upang masindak lang sa eksenang nabungaran niya roon.
Sa tabi ng ref ay nakatayo ang dalawang taong may likha ng ingay. Nakapikit si Derek at wala itong anumang saplot sa katawan kung hindi ang masikip nitong boxers. Sa harap nito ay si Monique na ang mga kamay ay nakapulupot na sa leeg ng kan-yang asawa. Agad na umakyat ang lahat ng dugo niya sa kata-wan at kusang humakbang ang kaniyang mga paa para lapitan ang dalawang taksil.
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.





One Response
Tsong ang tukso nilalayuan ndi pinapatulan