“MGA TAKSIL!” sigaw ni Jessica sabay hablot sa buhok ni Monique.
Dahil bukas ang gate at pinto ng bahay ay hindi marahil nagibi-kan ng dalawa ang pagdating niya. Abala rin marahil ang mga ito sa ginagawa kaya hindi na naga-wang umiwas ni Monique nang sabunutan niya ito.
Nagulat ang dalaga gayundin ang kaniyang asawa. Si Monique ay napasigaw sa sakit nang ipag-wagwagan niya ang buhok nito. Si Derek naman ay natulos na sa pagkakatayo at natutulalang na-nood na lang sa ginagawa niya.
“Ang kapal ng mukha mong babae ka! At talagang dito pa kayo gumagawa ng milagro, mga walanghiya kayo!” sigaw niya habang hindi pa rin binibitiwan ang babae.
Marahil dahil sa labis na galit na pumupuno sa dibdib ay hindi na rin niya nagawang awatin ang sarili. Pakiramdam niya ay kaya niyang buhatin kahit dalawang ref nang mga sandaling iyon. Nag-pupuyos talaga ang loob niya.
“Bitiwan mo ‘ko! Derek, help me please! Awatin mo ang baba-eng ito!” sigaw ni Monique. Hindi nito magawang itulak siya dahil abala ang mga kamay nito sa pag–aalis ng kaniyang mga kamay sa buhok nito. Kumilos si Derek para awatin siya pero binalingan niya ito at tinapunan ng nagbabagang tingin.
“Sige! Subukan mong pigilan ako at puputulan kita! Walang-hiya ka! Itinapat mo pang nasa palengke ako saka mo iniuwi rito ang babaeng ito!”
“Honey, hindi ‘yan totoo! Mo-nique, sabihin mo nga sa asawa ko!”
“Tumigil ka! Lumayas ka diyan at babakbakin ko ang anit ng babaeng ito! Tabi!” muli niyang sigaw kasabay nang pag-tungayaw ni Monique.
Tumabi naman si Derek at wala itong nagawa nang lumakad siya palapit sa back door. Nagla-kad lang itong pasunod sa kanila.
“Walanghiya ka, Jessica, biti-wan mo ako! Isusumbong kita sa Mama ko, bruha ka!”
Lalo niyang pinagbuti ang paghatak sa nakabalumbong bu-hok ni Monique. “Ah ganoon? Isusumbong mo ‘ko sa nanay mo? Eh kung sunugin ko ang bahay na ito kasama ka? Ang kapal ng mukha mo para magbanta ha!”
Nilingon niya si Derek na noon ay nasa likuran. Litong–litong napalapit ito sa kaniya at muli ay tinangka siya nitong awa-tin.
“Lumayo ka diyan, Derek! Binabalaan kitang lumayo ka diyan! Huwag mo ‘kong pigilan sa gusto kong gawin!”
“Ano ba ang gagawin mo? Pauwiin mo na lang si Monique sa kanila!”
“Buksan mo ang pinto!” utos niya sa asawa na ang tinutukoy ay ang back door papunta sa labahan.
“Honey…”
“Shut up! Open the door, De-rek! Ngayon na!” sabi niya sabay diin sa buhok ng hawak na babae.
Nang mabuksan ang pinto ay agad niyang kinaladkad si Monique papunta sa batyang pi-nagbabaran niya ng mga medyas. Walang sabi–sabing inilublob ni-ya sa tubig ang mukha ng dalaga. Itinaas niya ang ulo nito at muling inilublob. Humihingal na nagma-kaawa si Monique.
“H–hindi na ‘ko uulit, Jess! Pa-tawarin mo ‘ko, hindi na’ko uulit!” naghahabol nang hini-ngang sabi nito. Itinaas pa nito ang mga kamay tanda ng pagsuko.
Itinaas niya ang buhok ni Monique at tinunghayan ang ba-sang–basang mukha nito. “Ma-tuto kang kumilala ng totoong may ari, maliwanag ba?”
Sunud–sunod ang tangong ginawa ng babae.
“Huwag ka nang magpapakita mula ngayon sa akin kung hindi mo gustong manghiram ng muk-ha sa palaka, naiintindihan mo?!”
“Oo! Oo, Jess! Hindi na ako magpapakita sa’yo at lalayuan ko na rin ang asawa mo!” naiiyak na wika nito.
Tumayo siya mula sa pagka-kayuko at padaskol na itinayo ang babae. “Sige, tumakbo ka na pala-bas bago pa magbago ang isip ko.”
Hindi pa natatapos ang sina-sabi niya ay nagmamadali nang tumakbo palayo si Monique. Nari-nig pa niya ang malakas na hagulgol nito habang papalabas. Nang wala na ito sa kaniyang paningin ay humakbang na siya papasok ng bahay pero hinagip ni Derek ang kaniyang mga kamay.
“Hon, magpapaliwanag ako. It’s not what you think…” nag-susumamong wika ni Derek.
Hindi siya kumibo at tumingala lang rito. Sinikap niyang iblangko ang ekspresyon nang makipagtitigan sa lalaki.
“Honey..,” pigil ni Derek nang tabigin niya ang mga kamay nito.
“Ginagawa mo ang lahat ng gusto mo, Derek, kaya asahan mong gagawin ko na rin ang lahat ng gusto ko mula ngayon…” Iyon lang at tuloy–tuloy na siyang pumasok ng kabahayan.
Iyon ang naging simula nang tuluyang pagkakalabuan namin ni Derek. Hindi na namin nagawang ibalik sa dati ang lahat. Tinangka niyang magpaliwanag pero isinarado ko na ang tainga ko sa kaniya. Nananawa na akong makinig sa mga alibi at kasinungalingan niya.
Kakatwa namang hindi ako kinausap ni Aling Lucia tungkol sa gulong namagitan sa amin ng kaniyang anak. Marahil ay nana–himik na lang ito upang makaiwas na rin sa usap–usapan sa looban namin. Dalaga nga naman si Monique at malaking kahihiyan para dito kung malalaman ng buong looban ang tungkol sa gulong kinasangkutan nito.
Hindi naman naglipat–buwan ay nagkusa na rin si Derek na lumi–pat na kami ng matitirhan. Siguro ay naiilang siya sa tuwing makikita sa labasan si Monique. Nakabuti iyon dahil nalayo na ito sa paningin ng aking asawa. Kung nagkikita sila sa labas ay wala akong pakialam pero bilang ganti, hindi ko pinayagan mula noon na sumiping sa akin si Derek.
“HANGGANG kailan tayo magi-ging ganito?” tanong ni Derek kay Jessica.
Hindi siya lumingon sa kata-bing asawa. Ipinikit niya ang mga mata upang balewalain ang mga sinasabi nito.
“Alam kong gising ka. Kung ayaw mo ay hindi kita pipilitin. Gusto ko lang na malaman mong obligasyon mo ‘yan sa akin bilang asawa.”
Hindi siya natinag sa narinig pero nasaktan siya sa sinabi nito. Iyon na lang pala ang tingin nito sa bagay na iyon—obligasyon. Ginagawa lang pala nito ang bagay na iyon dahil sa tingin nito ay kailangan nitong tuparin ang bagay na iyon bilang asawa niya. Bukod doon ay hindi na niya alam kung may maganda pang dahilan ang lalaki.
Sa bagay, hindi naman niya masisisi si Derek dahil marami nang nagbago sa kaniya. Siguro ay hindi na nito ma–take ang kan-yang hitsura. Aminado rin naman siyang napabayaan niya ang sarili. Hindi na siya tulad nang dati na palaayos at banidosa. Paano’y umikot na ang buhay niya rito. Araw–araw ay wala na siyang inatupag kung hindi ang gumawa ng mga gawaing–bahay.
Pero hindi ba at para naman dito kaya niya ginagawa ang lahat ng iyon? Kasalanan bang lubha niyang sineryoso ang pagiging may bahay nito? Pagkakamali na bang maituturing kung nagawa niyang pabayaan ang sarili dahil sa tingin niya ay mas maraming kapaki–pakinabang na bagay na maaaring gawin kaysa pag–aayos ng sarili?
“Bukas ay may lalakarin kami nina Pareng Ricardo. Tatlong araw kami sa Isabela kaya kung gusto mo ay umuwi ka na muna sa Taguig para hindi ka nag–iisa rito.”
Tuluyang pumatak ang luha niya sa narinig. Iyon na marahil ang pinakamasaklap na estadong maaaring dumating sa buhay ng isang mag–asawa.
Kinapa niya ang sariling damdamin. Ang tawag ba doon ay pagsisisi? Alam niya, kahit hindi magsalita si Derek ay pinagsi-sisihan nito ang pagpapakasal sa kanya. Marahil ay wala na lang itong magawa sa kanilang situ-wasyon kaya pilit nitong pinani-nindigan ang kanilang pagsasama pero ang totoo, marahil ay napa-pagod na ito.
Siya rin naman ay pagod na. Madalas ngang sumagi sa isip niya kung may patutunguhan pa ba ang pagsasama nilang ito ni Derek. Dumarating din siya sa puntong naitatanong niya sa sarili kung kaya ba niyang mawala ito. Para kasing robot na lang ang tingin nila sa kanilang pagsasama. Hindi na iyon binubuo ng pag–ibig kung hindi ng panghi-hinayang na lang na mawasak ang pagsasamang sila rin namang dalawa ang bumuo.
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.




One Response
Me mga bagay na kyang isalba ng maayos ay mhinahong pag uusap at me mga bagay rin na khit anong gawin mo talagang wala na at ndi na maibabalik