Diary of A Ten-Year-Old Marriage (Chapter 6B)

Bookmark (0)
Please login to bookmark Close

My BookmarksShare

  • No bookmark found

Author's Note

――*☆*――*☆*――*☆*――

WALA na siyang beer pero buhay pa rin ang diwa niya. Malinaw pa rin niyang naiisip si Jessica at ang kinahantungan ng kanilang pag-sasama. Ipinagtataka niya ang ka-hinaan nito. Paano nito nasabing mahal siya nito noon kung kaun-ting bagay lang ay sumuko ito agad?

Sa halos isang dekada ng pagsasama nilang mag–asawa ay marami silang nalampasan. Sa tuwing nagtatampo si Jessica at tatangkain niya itong kausapin ay pinipigil siya nito kung hindi pa nito kaya. Gayon man ay hindi nagtatagal ang kanilang tam-puhan. Ang pinakamalala na ay ang isang linggo kung saan tala-gang tinikis siya nito. Pero bukod doon, lahat ng tampuhan ay nalalampasan nila kahit pa hindi pinag–uusapan ang mga iyon.

Si Jessica kasi ang tipo ng babae na hindi gustong pag–usapan ang alitan. Para dito, pag–usapan man o hindi ang prob-lema ay tapos na iyon. Basta na lamang nitong kalilimutan ang atraso niya at hindi na ito magkokomento pa. Kabisado na niya ang asawa. Kapag kinibo siya nito, ibig sabihin noon ay wala na ang tampo nito. Sa isang banda ay relief para sa kaniya dahil hindi na niya kailangang magpaliwanag pa dito.

Tatlong buwan na lang at ika–sampung taon na sana nilang mag–asawa ni Jessica pero hindi na aabot pa roon ang pagsasama nila. Iniwan na siya nito. Marahil ay hindi na ito masaya sa kung ano ang kaya niyang ibigay.

Noon pa man ay alam na ni-yang mataas ang pangarap ng asawa at kung hindi man nito nababanggit ang tungkol doon ay marahil sa respeto na lang nito sa kaniya. Minsan nitong nabanggit na ibig nitong makatapos ng Business Management at maka-rating ng ibang bansa para gami-tin ang nasabing kurso. Ibig nitong yumaman at mabigyan ng higit na magandang buhay ang pamilya. Nangangarap pa nga itong dalin sa America ang pamil-ya dahil marami raw oportunidad doon para sa mga kapatid nito.

Alam niya, tutol sa loob ni Jes-sica noon ang maagang pag–aasawa. Natigilan nga ito noon nang yayain niyang magtanan. Pero labis ang pagseselos niya sa tuwing nakikita niyang maraming umaaligid na manliligaw dito. Natatakot siyang makuha pa ito ng ibang lalaki sa kaniya kaya naman kahit wala pang tiyak na magandang trabahong naghihin-tay ay nangahas na siyang yayain na itong magpakasal.

Gumawa siya ng alibi. Ang sabi niya ay narinig niyang pi-nag–uusapan ng kaniyang mga magulang ang tungkol sa babaeng ibig ng mga itong ipakasal sa kaniya. Natakot si Jessica kaya nagawa nitong sumama sa kaniya nang walang tanong–tanong.

Ngayon ay hindi niya alam kung pinagsisisihan ba niya ang mga nangyari. Nagkamali ba siya nang hangarin niyang mapasa–kaniya si Jessica sa murang edad nito? Marahil ay kapos ang dam-damin nito para sa kaniya dahil sa mga simpleng bagay lang ay nagawa na nitong iwan siya. Ni hindi man lamang nito hinayaang magkalinawan sila.

Pagdating niya ng bahay buhat sa opisina nang araw na mag–usap sila nito ay hindi na niya ito nadatnan doon. Wala na rin ang mga gamit nito at ang masakit, iniwan nito sa ibabaw ng kama ang wedding ring nila.

Sa naisip ay bigla na namang umakyat sa ulo ang galit niya. Kumuha siya ng ilang pirasong mani sa platitong nasa kaharap na lamesita at saka muling isinandal ang ulo sa malaking couch. Kumikimbot ang sentido niya at pakiramdam niya ay makakatulog na siya anumang oras. Iyon naman ang hinihintay niya. Sa ganoong paraan ay hindi na niya maaalala si Jessica. Hindi na siya magkakaroon ng oras na isipin ang asawa dahil sa tulong ng alak. Kahit kailan ay ito lang talaga ang kaibigang masasan-dalan niya.

 

HINDI makapaniwalang hinagod ng tingin ni Frank ang kabuuan ni Jessica.

“Ikaw ba talaga ‘yan, Jess?” humahangang tanong nito.

Isang ngiti ang itinugon niya rito.

“Paanong…this is unbelie-vable! You’re exactly the same Jessica I’ve met nine or ten years ago!”

“Sobra ka naman. Nagpagupit lang ako ng buhok,” nahihiyang sabi niya.

Bukod sa bagong style ng buhok ay may light make up din siya. Tama lang ang apply niya ng lipstick at nag-complement na-man iyon sa suot niyang bestida. Isang pares ng puting sandalyas naman ang suot niya at inilitaw noon ang mapuputi rin niyang mga paa. Doon natutok ang mga paa ni Frank ngayon at kung sa ibang pagkakataon marahil ay ibig niya itong pagtawanan. Hindi kalabisang sabihin na nakatulala ito sa kaniya.

“Fancy seeing you here!” bulalas nito.

Muli niya itong nginitian at sa pagkakataong iyon ay siniguro niyang lilitaw ang dimple niya sa ilalim ng mga mata. Hindi niya pinahalata kay Frank na sinadya niyang sa restaurant na iyon kumain dahil ayon kay Dorie ay naobserbahan nitong doon ito madalas. Narinig din nito diu-mano na may katagpong kliyente roon ang lalaki kaya agad nilang pinagplanuhan ang araw na iyon.

“May kasama ka ba?” tanong nito sabay linga sa paligid. Du-mampi ang palad nito sa kan-yang siko at iginiya siya nito sa isang mesang nasa sulok ng kainan.

“Wala. I was about to meet a friend but unfortunately, she couldn’t make it anymore. Uuwi na nga sana ako…”

“No!”

“Huh?”

“I mean, huwag ka munang u-muwi. Mukhang hindi na rin na-man darating ang kausap ko kaya walang masama kung tayo na lang ang magsabay na kumain. I’m sure, hindi ka pa rin kumakain, hindi ba?” mabilis na sabi nito na sumulyap pa sa relong pambisig.

“Well…but are you sure?” kunwa ay tanong niya.

Mabilis itong tumango at saka iniatras ang isang upuan na nasa mesang iyon. Inilahad nito ang kamay palatandaang pinauupo siya. Tumalima naman siya, mata-pos ay ito naman ang naupo sa katapat na upuan.

Um-order ng pagkain si Frank at habang nakikipag–usap ito sa waiter ay napagmasdan niya ito. Frank was handsome. ‘Yung tipo ng kagalang–galang na lalak, but despite that, he remained gentle-man. Tinanong nito kung anong pagkain ang gusto niya at hindi ito basta nagdedesisyon na gaya ni Derek.

Mayamaya pa ay isinilbi na ang pagkain nila. Austrian cuisine ang specialty ng restaurant at nai-bigan naman niya iyon.

“Kumusta ka na?” tanong ni Frank sa gitna ng kanilang pag-kain.

“I’m fine. Do I look like I’m not?” makahulugang tanong niya habang nakangiti.

Iyon ang bilin ni Dorie–hu-wag niyang kalilimutan ang ngu-miti dahil best asset daw niya ang mga dimples na nasa cheekbones niya. Idagdag pang expressive din daw ang kaniyang mga mata na lalong binuhay ng mascara at eyeliner na ini–apply ng dalawa sa kaniya.

“You look perfectly fine, ac-tually, Jess…”

Itinutok niya ang paningin sa pagkain. Tila sa isang nilalagnat ang tinig ni Frank at bigla siyang kinabahan sa posibleng kahulu-gan niyon.

“Thank you,” tugon niyang hindi nag–aangat ng paningin.

“…but since I know what happened between you and Derek, I suspect you are not,” maagap na dugtong nito.

Umangat ang nagtatanong niyang tingin kay Frank. Posible kayang nahahalata nito ang plano niya?

“What do you mean? I’m okay, Frank. Nothing to worry about me.”

“Of course…if you won’t mind me asking, ibig ko sanang itanong kung saan ka tumutuloy ngayon.”

Sinikap niyang hindi mapa-ngiti sa tanong na iyon. Frank was unknowingly leading her in accomplishing her plans easier than expected.

“Hindi ko pa magawang umuwi sa amin sa Taguig kaya dito muna ako sa QC sa ngayon. May friend ako na nagbigay sa akin ng lugar na matutuluyan dito. But in time, uuwi rin naman ako para sabihin sa pamilya ko na hiwalay na kami Derek,” kunwa ay kaswal niyang sagot.

“Narito ka lang sa QC? Saan? Malapit lang dito?”

Tumango siya at saka ipinag-patuloy ang pagkain. Si Frank naman ay hindi maitago ang excitement at nalimutan na yata ang pagkain nito.

“What do you do? Do you work or anything?”

Muli ay ibig niyang mangiti sa tinutumbok ng tanong nito. Hindi na pala niya kailangang mag–isip nang sasabihin dahil mismong si Frank na ang nagtatanong ng mga bagay na ibig niyang malaman nito.

Nagkibit muna siya ng balikat at saka malungkot na sumagot. “Hindi pa nga ako nakakakita ng trabaho eh. ‘Yung kaibigang imi–meet ko dito kanina, ang sabi niya ay tutulungan niya akong magka-trabaho. Ang kaso ay nagkaroon yata ng emergency at…”

“So you are looking for a job!” tila nasisiyahang sabi nito.

“Yes. Kahit anong trabaho ay papasukin ko na, Frank. I badly need to work. Ayokong maging pabigat sa pamilya ko.”

Sa isang banda ay totoo si-yang nakadama ng lungkot sa dibdib. Kung hindi sana siya nagmadali at nagpadala sa mga matatamis na salita ni Derek, disin sana ay may sarili rin siyang trabaho ngayon at hindi ganitong tila siya desperado sa harap ni Frank.

“I think I can help you.”

Wala sa loob na kumilos ang kanyang kaliwang kamay para ipatong sa palad ni Frank na nasa mesa. Nang maisip niya ang ginawa ay babawiin na sana niya iyon pero naging maagap ang lalaki at agad na ikinulong ang kaniyang palad sa loob ng kamay nito.

“Frank…”

“I’m a friend, Jess. Hindi lang ako kaibigan ni Derek kung hindi kaibigan mo na rin. Mabuti na lang at nagkita tayo dito,” wika nito na nagliliwanag ang mga mata sa kasiyahan.

“Salamat, Frank pero ano na-man ang trabahong puwede kong pasukin sa kompanya ng pamilya mo? Hindi ko natapos ang kurso ko at bukod doon ay…”

“Jess, si Derek nga ay nai–hire namin kahit wala pa siyang ex-perience noon. Hindi ikalulugi ng kompanya kung tatanggap muli ng isang baguhang tulad mo. The way you worked hard at home for Derek, I’m sure na matiyaga ka,” masuyong sabi nito na ngayon ay dalang kamay na ang hawak sa palad niya.

“Pero iba ang trabahong ba-hay sa totoong trabaho sa opisina…”

“Pero ang pagtitiyaga, ang kagustuhan mong maglingkod sa iba ay pareho, Jess. That’s the best quality that a person should po-ssess to be hired in any com-pany.”

Nagtaka man ay hindi na niya isinatinig ang pagdududa sa sina-bi ni Frank. Kung gayon ay napakaraming housewife na maa-ari rin palang magtrabaho sa kompanya ng pamilya nito. Hindi na siya kumibo at mayamaya pa ay pinakinggan na lang ang mga plano ni Frank sa kaniya tungkol sa trabahong ibibigay ng lalaki.

 


Discover more from Quattro Tagalog Online Stories

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Diary of A Ten-Year-Old Marriage (Chapter 6B)

No time to Collect Free Denaro Coins?

Click Here

One Response

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Need Help?